AKIRA’S POV “Prinsesa Akira, kailangan mong ilabas ang siyam mong buntot sa tuwing gagamitin mo ang kakayahan mo. Alam mo naman siguro na ikaw lang ang may kakayahan na gamitin ang mga abilidad mo kahit hindi mo ilabas ang siyam mong buntot, hindi ba?” seryosong sabi sa akin ni Shin. Napabuntong hininga na lang ako. Simula na ulit ng normal na klase at ngayon ay nagte-training kami ni Shin. Ngunit kanina pa ako hindi komportable sa presensya niya dahil sobrang seryoso niya ngayon. Akala mo ay may itim na usok ang nakapalibot sa kaniya. Hindi siya ngumingiti at poker face lang lagi. Nakalabas din ang siyam niyang buntot dahil tinuturuan niya ako ng physical combat at self-defense. At awtomatikong nagagamit ko ang mga kakayahan ko kahit na hindi nakalabas ang siyam kong buntot. At dahil

