THIRD POV Nang makarating sa hari at reyna ang nangyari sa cafeteria ng academy ay hindi na sila mapakali. Gustong gusto na nilang puntahan ang school upang malaman kung ano na ang nangyayari. Ngunit mariin silang binilinan ni Ginoong Duran na huminahon na sapagkat wala namang masyadong nasaktan sa nasabing sunog. Mabuti na lamang daw at umaga nangyari ang insidente kung saan wala pang estudyante ang kumakain sa cafeteria. “Mahal na Hari at Mahal na Reyna, narito po si Mr. Kanji. Nais daw po niya kayong makausap,” magalang na sabi ng kanilang guwardiya sa palasyo. Nagkatinginan pa ang mag-asawa at bahagya namang tumango ang Reyna. Humarap ang Hari sa guwardiya. “Sige. Papasukin siya,” maawtoridad niyang utos. Yumukod naman ang guwardiya at muling lumabas upang tawagin si Kanji. Napabu

