INAKI'S POV "Inaki, where's Akira?" seryosong tanong sa akin ni Kanji nang makalapit siya sa akin. Kasama pa niya ang mga ibang myembro ng Faculty. "P-pumasok siya sa loob para iligtas ang mga chef doon," nag-aalalang sagot ko naman. "What?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Kanji. "Hindi ko na siya napigilan kanina. Desidido siyang iligtas ang mga naiwan sa loob," paliwanag ko naman. "Tara." Hinawakan ni Kanji ang kamay ko at hinila papunta sa may likuran ng nasusunog na cafeteria. May mangilan ngilan pa ngang estudyante ang pinagtitinginan kami ngunit hindi ko na lamang iyon pinagtuunan pa ng pansin. Mas mahalaga pa rin ang kaligtasan ng prinsesa kaysa sa iisipin ng mga estudyante. "Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Kanji. Hindi na niya ako nagawang sagutin pa sapagkat nakita

