AKIRA’S POV Mabilis na natapos ang weekends at balik school na ulit kami ni Inaki. Kapwa pa kami nahihirapang bumangon sapagkat late na kaming natulog kagabi. Ramdam ko ang pamimigat ng katawan ko dahil antok na antok pa ako. Ngunit wala naman akong magawa dahil hindi naman ako pwedeng um-absent. Kaya heto, para kaming zombie ni Inaki na naglalakad sa may hallway. “Grabe, bakit ba kasi dalawang araw lang ang weekends?” narinig ko pang pagrereklamo ni Inaki. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga. “Oo nga, gusto ko pang matulog lang sa bed ko,” tugon ko naman sa kaniya. Natigil kami sa paglalakad ni Inaki nang makarinig kami ng sigawan. Agad kaming nagkatinginan at saka tumakbo sa lugar na pinanggalingan ng sigawan. “Hala!” bulalas ni Inaki. Napatakip ako sa bibig ko nang makitang n

