AKIRA'S POV Pagod na pagod ako sa training namin ni Shin. Bukod kasi sa physical ay pagod na pagod din ang isipan ko. Masyado akong naapektuhan ng ginawa sa akin ni Shin kanina. "Akira, ayos ka lang ba?" bungad sa akin ni Inaki nang makita niya ako sa may garden ng academy. Mas pinili ko kasi na dito muna tumambay kaysa sa magmukmok sa dorm. "Anong ginagawa mo dito?" imbes ay tanong ko sa kaniya. "Pauwi na ako ngunit nakita kita kaya pinuntahan kita. Mukhang hindi ka okay," seryosong sagot naman niya sa akin. Mapakla akong napangiti. "Ewan ko. Pakiramdam ko ay masyado na akong bugbog physically and mentally," pag-amin ko naman sa kaniya. "Alam ko ang nararamdaman mo ngunit hindi kita matutulungan dyan. Tagapangalaga at tagagabay mo lamang ako," alanganing sabi naman niya sa akin. Ma

