AKIRA'S POV "Tell me Prinsesa Akira, anong goal mo sa darating na First Level Exam?" seryosong tanong sa akin ni Shin. Kakarating ko lang sa training field namin at ito na agad ang bungad sa akin ni Shin. Nakalabas na rin ang siyam niyang buntot na animo'y handa nang atakihin ako. "I don't know," mahina kong sagot sa kaniya. Hindi ko naman kasi talaga alam kung anong plano o kung anong gusto kong ma-achieve sa parating na exam. Ang tanging alam ko lang naman kasi ay kailangan kong palakasin ang kakayahan ko dahil balang araw ay haharap ako sa buong lahi ko bilang isang prinsesa nila. Hindi ko naman iniisip ang level o ranking ko sa school na ito. "There's four level exam for the whole year. Kapag na-maintain ng isang estudyante ang pagiging kasama sa top 10, sa susunod na taon ay cand

