bc

Time Lapses

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
age gap
opposites attract
curse
sweet
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Sa pamamagitan ng isang lumang orasan na iniregalo sa kanya ni Charlie Janairo, si Prinsesa Marxia ay biglang napadpad sa nakaraan at natuklasan ang isang madilim na bahagi ng kanyang sarili-isang malupit na reyna na labis na nagmahal kay Argus, isang pagmamahal na nagdulot ng kapahamakan sa maraming tao.

Nang siya ay makabalik sa kasalukuyan, dala niya ang mga aral ng kanyang mapait na karanasan. Ngunit sa kabila ng kanyang pagsusumikap na iwasan ang kapalaran, muli niyang nakatagpo si Argus. Ngayon, isang bagong pag-ibig ang umusbong-isang damdamin na hindi niya inaasahan. Habang sinusubukan niyang balansehin ang nakaraan at kasalukuyan, natutunan ni Prinsesa Marxia na ang pagmamahal ay maaaring magdala ng parehong ligaya at panganib. Sa harap ng isang muling pag-uumpisa, magagawa kaya niyang baguhin ang takbo ng kanyang tadhana?

chap-preview
Free preview
I
I ALEYNA City of Egeskorv Nabalitaan ko na nasa daungan na ang Prinsipe Charlie kaya kahit na abala pa ako sa pagbabasa ng libro ay kaagad akong naghanda at nagbalot ng sarili. Kaagad kong iniutos na ilabas ang aking kabayo na si Chimney. Matapos ng ilang buwan kong paghihintay sa kanya ay sabik ako na muli siyang makita sapagkat napakarami kong mga baong kwento na nais kong ibahagi sa kanya. Si Prinsipe Chaelie Janairo Vecalso. Siya ang aking kaibigan at nakatakdang mapangasawan, ngunit hindi ko alam kung kailan kami maikakasal. Tutal buong buhay ko naman ay ang aking Amang Hari na ang kumontrol. Kaibigan ko man si Prinsipe Charlie at ayaw niya rin naman makasal sa'kin sapagkat may lihim na relasyon sila ng Prinsesa ng Tronan na si Calila. At sa tingin ko ay nagtungo muna siya roon bago tuluyang magtungo rito sa aming kaharian. "Yah!" Sigaw ko kaya lalong bumilis si Chimney. Binabagtas ko ang masaganang palayan na siyang lupain namin. Kasunod non ay natatanaw ang mga puno na siyang nagsisilbing pagitan patungo sa ibang bayan. Nang paakyat na ay natatanaw ko na ang pamilihang bayan kung saan nandoon din ang daungan. Nandoon daw ngayon si Prinsipe Charlie at naghihintay. Naparito siya sapagkat siya ang magiging kapareha ko sa nalalapit kong kaarawan. Iyon ay gaganapin sa susunod na linggo. At sa mismong araw din na iyon ang ang aking desisyon kung gusto kong hirangin na maging reyna ng aming kaharian. Pinahinto ko si Chimney nang matanaw ko si Prinsipe Charlie. Naglakad ang kabayo ko patungo sa kanya. "Ahoy! Prinsesa Aleyna!" bati sa'kin ng Prinsipe. Pinaikot ko ang aking mga mata. "Sakay! Dalian mo, baka ipasipa kita sa kabayo ko." Naiirita kong sambit. Natawa siya at mabilis na sumakay sa likuran ni Chimney. Muli ko naman pinatakbo ng mabilis ang aking kabayo. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa kasuotan ko. "H'wag tayong dumeretso sa kaharian ninyo. Sa Talon ng buhay muna tayo. Gusto kong maligo," wika niya. Gustong magtayuan ng aking mga balahibo nang maramdaman sa batok ko ang kanyang hininga. "Bakit? May kasalanan ka na namang ginawa no? Nakakadiri ka talaga!" Alam ko kasi kung gaano siya kababaero. Hindi na 'yon bago sa aming mga maharlika. Pero itong si Prinsipe Charlie ay napakalupet. Isa rin ito sa dahilan kung bakit ayoko siyang mapangasawa. Akala ko pa naman ay matino na siya kapag umibig na. Kaso hindi pa rin pala. Nagmakto siya. "Mapanghusga ka talaga. Hindi ba pwedeng may ibibigay ako sayo at gusto kong maligo lang? Masama ba?!" "Malay ko ba? Makuntento ka kay Prinsesa Calila. Kung hindi ay ako ang puputol sa bagay na makakapagpakalat ng lahi mo!" Bulyaw ko na siyang kinatawa niya. Lumiko ako papasok ng kagubatan at binagtas ang daan patungo sa Talon ng Buhay. Hilig na namin ang magtungo rito ni Prinsipe Charlie upang maligo. Pero kadalasan ay dito ako nagsasagawa ng pagdarasal para kay Santa Elena-na siyang pangunahing patron ng aming kaharian. Akala tuloy ng mga makakating dila na kawal at alipin ay may milagro kaming ginagawa rito ni Prinsipe Charlie-na siyang sa hinagap ay hindi ko kakayanin isipin. Pinagkasundo kami, oo. Pero walang magagawa ang kasal kung hindi ninyo gusto ang isa't-isa. Nakatali lang kayo sa papel. Pero ang mga damdamin niyo ay hindi nakatali sa isa't-isa. Pagkakaibigan lamang ang turingan namin. Isa siyang mabuting tao. Responsable at matalino. Isang magandang halimbawa para sa isang magiting na Prinsipe na siyang nakalinya upang maging susunod na hari ng kanilang kaharian-ang Kronborh. Nakarating kami sa Talon. Nauna siyang bumaba at sumunod ako. Itinali ko si Chimney sa isang puno. Nakita kong ibinaba ni Charlie ang mga bagahe niya sa gilid ng puno. Hinubad ang trench coat at saka siya tumanaw sa Talon ng buhay. Nakangiti akong lumapit sa kanya. Alam kong abala siya sa pagmimilitar. Simula bata palang kami ay pangarap na niyang sumunod sa yapak ng kanyang Ama. Samantalang ako ay gusto kong maging manggagamot ngunit hindi pabor ang aking Amang Hari. Ang mga kapatid kong Prinsipe ay abala sa pamamahala ng buong kaharian sa lahat ng bahaging teritoryo nito. "Masagana ang agos ng tubig sa talon. Isa itong magandang senyales para sa kapayapaan at kasaganahan," sabi niya. "Nalalapit na ang iyong kaarawan." Napatingin ako sa kanya. Humarap nman siya sa'kin. "May ibibigay ako sa'yo. Regalo ko sa para sa'yong kaarawan,"sabi niya at may dinukot sa bulsa. Isa iyong pakwadradong kahon. Tinanggap ko ang kahon. "Kikiligin na ba ako? Ang aga mo magregalo," "Sana'y magustuhan mo 'yan. Isa 'yan sa pinakamagandang regalo ko para lamang sa'yo." Binuksan ko ang kahon at bumungad ang isang lumang kwintas na orasn numerong romania ang nakaukit. Dinig ko ang pag-ikot ng segundo. "Maganda siya Charlie, maraming salamat dito-" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na wala siya sa tabi ko. Luminga-linga ako pero wala siya. "Prinsipe Charlie? Nasaan ka? Prinsipe Charlie?" Kinabahan na ako. Nakita ko ang pamumuo ng kadiliman sa kaulapan. Takot pa naman ako sa kidlat at kulog. Lalo na sa tunog ng ulan. "Prinsipe Charlie! Hindi ako ako nakikipagbiruan!" Tik... Tock... Tik... Tock... Napatingin ako sa ibinigay niya. Palakas ng palakas ang tunog. Tinitigan ko ito. Laking pagtataka ko na pabaligtad ang pag-ikot ng kamay ng orasan. Napapikit ako at naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. "Prinsipe Charlie!!!" Napabalikwas ako ng bangon. Napatingin ako sa paligid at nandito ako sa sarili kong silid. Napahawak ako sa ulo ko. Kaagad kong napansin ang kwintas na orasan na regalo sa akin ni Charlie. Pero bakit kaya napapanaginipan ko ang araw na 'yon? Bumukas ang aking silid at pumasok ang aking Royal Guard na si Yanra. "Mahal na Prinsesa?! Gising ka na!" Bigla ay nagpatirapa siya. Nangunot ang noo ko. Ano bang nangyayari? "Mahabaging Santa Elena! Maraming salamat po at gising na ang Prinsesa." Patuloy siya sa pagdarasal. Napasilip na rin ang ibang kawal at alipin. Nagsiluhuran rin ang mga ito. Pumasok na ang aking mga kapatid na Prinsipe. Kaagad akong dinaluhan at niyakap ni Prinsipe David-siya ang ikatlong Prinsipe ng aming kaharian. Naguguluhan na ako sa mga ikinikilos nila. "Salamat sa mahal na Santa at nagising ka na aming Prinsesa." Maluha-luhang wika niya. "A-ano bang nangyayari? Si Prinsipe Charlie? Nasaan siya?" tanong ko. Kung umasta sila ay parang kay tagal kong natulog. "Ligtas na rin si Prinsipe Charlie, wala ka bang naaalala?" Nangunot ang noo ko. Ang huli kong natatandaan ay nawalan ako ng malay sa Talon ng buhay habang hinahanap ko si Prinsipe Charlie. "Paanong ligtas si Charlie? May nangyari bang masama sa kanya?" tanong ko. "Nasa Talon ng buhay kayo nang may mga bandidong kalaban na sumugod sa inyo. Kinalaban niyo ang mga 'yon pero nung may balak sumaksak sa'yo ay humarang si Charlie. Kaya siya ang napuruhan. Tapos itinulak ka niya sa talon upang hindi ka na magalaw ng mga kalaban pero napalakas ang pagtulak niya kaya tumama ang ulo mo sa bato. Mabuti nalang at may dumating at iniligtas kayo." Paliwanag ni Prinsipe Wayne na siyang ika-apat na Prinsipe ng aming kaharian. May gano'n palang nangyari? Bakit hindi ko maalala? "Ano'ng petsa na ba? Ang kaarawan ko?" Nagtinginan sila. "Ikinalulungkot kong ipabatid mahal na Prinsesa, ngunit tatlong linggo kang tulog dahil sa pinsala ng ulo mo. Kaya ang kaarawan na selebrasyon para sayo ay hindi natuloy," sabi ni Prinsipe Franco-siya ang ikalawang Prinsipe ng aming kaharian. Tatlong linggo?! Ganoong katagal ako tulog?! "Si Prinsipe Charlie... Gusto ko siyang makausap,"sabi ko. Bumaba ako ng kama ko. Doon ko naramdamam ang pagkirot ng ulo ko. Napahawak ako doon at may nakapulupot pang tela. "Si Prinsipe Charlie ay nasa bulwagan, kasama ang lalaking nagligtas sa inyo." Lalaki? Kung gano'n ay hindi panaginip ang sinasabi nila? Totoong naganap 'yon? Kailan? Bakit hindi ko matandaan? Nagpatiuna akong lumabas ng aking silid. Hinabol pa ako ng aking alipin upang suotin ang aking roba at kapa. Nagsiyukod ang lakad habang palakad ako patungo sa bulwagan. Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad kong natanaw ang mahal na Hari na siyang nakaupo sa kanyang trono. Samantalang si Charlie ay nasa gilid niya. Napatingin ako sa lalaking nakatalikod mula sa'kin. Naglakad ako patungo sa kanila. "Kinagagalak kong malaman na ika'y gising na aking Prinsesa," sabi ng amang Hari. Yumukod ako sa kanya at nagbigay pugay. Bumaba si Prinsipe Charlie palapit sa'kin at nagbigay pugay rin. Napangiti ako at walang pakundangan ko siyang niyakap. "Mabuti at ligtas ka rin. Sinabi nila sa akin ang nangyari," wika ko sa kanya. Tinitigan niya ako sabay sa kwintas na orasan na suot ko at tipid na ngumiti. "Nais ko nga palang ipakilala sa iyo. Ang nagligtas sa atin," sabi niya. Napatingin ako sa lalaking binabanggit niya. "Ang aking kaibigan, si Heneral Argus Maldeva ng kahariang Laconia" Napatingin siya sa akin at yumukod. Tick... Tock... Naririnig ko na naman ang tunog ng orasan. Pero humahalo ang t***k ng puso ko. Nagkatitigan kami. Sa pamamagitan ng dalawang tunog ng aking naririnig. Isa ang aking nalaan. Mukhang iibigin ko ang lalaking ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

The Mating Rules (Book 1-5)

read
142.1K
bc

The One True Alpha

read
14.3K
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
57.4K
bc

A recipe for disaster (#2 of the Miller family)

read
4.8K
bc

The Warrior's Broken Mate

read
144.4K
bc

Sienna, The Alpha's Daughter (#3 of the Denali pack)

read
137.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook