CHAPTER 39

1365 Words
“Are you okay?” Nagulat ako nang makita ko si Aly sa labas ng kwarto ni Zach at nakasandal sa pader. Nginitian ko naman siya nang pilit at tumango sa tanong niya. “Why did you ask me that?” “Because kuya never talked to you like that before, and if he wants to be alone, he always wants to be alone with you…” I smiled sadly. He’s right. And to be honest, medyo nasaktan nga ako sa sinabi ni Zach because I feel like he’s annoyed and irritated with me. “It’s okay, understand. I know he didn’t mean to. I know that he’s frustrated because of his therapy a while ago and he just wants some time alone. Kasalanan ko rin naman kasi naging mapilit ako.” Bumuntong-hininga muna siya bago umayos ng pagkakatayo at hinarap ako. Tinitigan niya ako ng ilang segundo kaya naman umiwas ako ng tingin. “Do you want to go out?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya. “Huh?” “Let’s go out.” He held my right arm and started pulling me towards their living room. “Pero si Zach… Baka magutom siya, I need to be here to give him his meal,” pag-aatubiling sagot ko. “Don’t worry about that. Mom and dad are here. They will look after him.” “But—” “No buts, Sariah. Let’s go.” Wala na akong nagawa kung hindi ang magpatianod na lang papasok ng kotse niya. I fastened my seatbelt first before asking him, “Where are we going?” “I don’t know.” He shrugged as he pulled over the driveway. Napalingon ako sa sagot niya. “Seryoso ka?” He glanced at me over his shoulder before nodding his head. “Then why did you ask me to go out kung hindi mo naman pala alam kung saan tayo pupunta?” “Ewan. I feel like I need to take you out, e. Palagi ka na lang kasi nasa bahay at inaalagaan si kuya. You never leave his side from the day he got into an accident until now. Sa lahat ng nangyari nitong mga nakaraang buwan, hindi ko nakitang nagkaroon ka ng pahinga. Hindi ka ba napapagod? Sariah… be kind to yourself. You also need to rest. ‘Wag mong ubusin ang sarili mo.” Natahimik ako sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita. “Aly, being with him, I’m already resting. Don’t worry about me.” Tumingala ako at pasimpleng pinunasan ang tumulong luha sa mata ko. “Sariah, that’s not what I wanted to hear. Can you open up to me? I’m your best friend. You can tell me everything. The more you are silent about how you feel, the more I worry about you,” he said, concern visible in his voice. “Can you stop the car?” sabi ko. “Why? Bababa ka?” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiling. “No, just stop the car, please?” Kitang-kita ko sa kaniya na naguguluhan siya pero ginawa niya pa rin. Iginilid niya ang sasakyan at hinarap ako. “Why do you w—” Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang bigla ko siyang yakapin at humagulgol sa dibdib niya. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko pero hindi siya nagsalita. Hinayaan niya lang akong umiyak nang umiyak. It’s been a while since I cried in front of him. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay madalas akong magpanggap na malakas at okay sa harap nila pero kapag mag-isa na lang ako ay doon ako umiiyak. Pakiramdam ko ay naipon lahat ng sakit, panghihinayang, at kung anu-ano pang mga emosyon sa aking puso na ngayon ay inilalabas ko na sa pamamagitan ng pag-iyak. Akala ko ubos na ubos na ang mga luha ko pero hindi pa pala. Mukhang hindi sila nauubos. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas bago ako kumalma. I was crying my heart out while he was rubbing my back, and it somehow lessened the pain and loneliness that's been weighing on my heart for a long time already. I appreciate him for being silent and for not asking me questions in times like this. Because to be honest, I don’t know how to put my feelings and emotions into words. I don’t think spoken language will be enough to describe the misery I’ve been feeling for months. Bukod sa pag-iyak, hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang lahat. “Do you feel a little bit better now?” he asked when I finally stopped crying. Pero nanatili akong nakayakap sa kaniya. Tumango ako sa tanong niya. “I’m sorry you have to experience all of these. I’m sorry I can’t do anything to save you from your agony. I’m sorry if all I can do is to be a shoulder to cry on.” I shook my head because of what he said. “Please, Aly, don’t say that. Being with me in moments like this is more than enough. At isa pa, wala namang may gusto sa lahat ng nangyari. I’m sure matatapos rin ‘to. Hindi naman habang buhay na iiyak lang ako, ‘di ba? I just need to be strong until that day comes. Babalik rin ang lahat sa dati.” I pulled away from our hug and flashed him a genuine smile. Kumuha siya ng tissue at pinahiran ang basang-basa kong pisngi. “That’s the Sariah I know. I’m so proud of how strong you are. Hang in there, okay? Better days will come again. Isa lang ‘tong pagsubok sa buhay niyo ni kuya. Siguradong malalagpasan niyo rin ‘to. Pero hanggang hindi pa dumadating ang araw na ‘yon, I’m begging you, don’t keep everything to yourself, okay? You can always come and be fragile in front of me. I won’t mind you soaking my clothes with your tears.” Tumango ako. I’m thankful that I still have him who’s ready to hold me whenever I feel like I can’t stand up on my own anymore. After giving me words of affirmation, I asked him to drive me to a place that can give me more courage to get through this big wave life is throwing me. Nagtagal kami roon ng ilang oras bago ako nag-aya pauwi. Gabi na nang makarating kami sa bahay. Dumiretso ako sa kanila to check on Zach but tita said he was already sleeping. “Don’t worry, Zach already ate and took his medicine. You should take a rest na, Khyrss, anak. ‘Wag mong pagurin nang sobra ang sarili mo, okay?” Tita kissed me goodnight before I went back to my house. Imbes na dumiretso sa kwarto ko para magpahinga ay dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng darkroom kung saan nakalagay ang halos lahat ng mga litrato namin ni Zach. Hinawakan ko ang door handle pero pakiramdam ko ay wala akong lakas para pihitin ‘to. Pakiramdam ko ay mas lalo ko lang sasaktan ang sarili ko kapag nagbalik-tanaw ako sa mga masasayang ala-ala namin noon. Bumuntong hininga ako at binitawan ang door handle bago tumalikod para pumunta na sa aking kwarto. Natawa ako sa sarili ko. Sino ba’ng niloloko ko? E, kahit hindi ko tingnan ang mga pictures namin ay maaalala at maaalala ko pa rin ang lahat ng masasayang ala-ala namin dahil kahit saan ako tumingin sa sulok ng kwarto ko ay may alaala ako kasama siya. Sa harap ng dresser ko kung saan madalas niya akong suklayan at tuyuan ng buhok gamit ang dryer. Sa sofa kung saan madalas kaming tumambay habang nanonood ng netflix. Sa kama ko kung saan madalas kaming magkatabing matulog habang yakap nang mahigpit ang isa’t isa. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil parang kahit saan ‘yon dumapo ay nag-re-replay lahat ng mga alaala namin sa utak ko na para bang pinapanood ko lahat ng iyon ngayon na nangyayari mismo sa harap ko. Dumiretso na lang ako sa banyo para maglinis ng katawan. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama para matulog. Pero hindi ako makatulog. Nakatitig lang ako sa kisame buong oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD