CHAPTER 42

2604 Words
“What’s with the long face?” Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Aly sa harapan ko mula sa kung saan sa gitna ng paglalakad ko pauwi sa bahay namin. “Aly, ano ba! Aatakehin ako sa’yo, e!” sabi ko at hinampas siya sa braso. “Teka, bakit ngayon ka lang umuwi?” Taas-kilay na tanong ko bago hinablot ang braso niya para tingnan ang oras sa wristwatch niya. “Mag-te-ten na, oh.” “I had business dinner.” “Ah…” tuma-tango-tangong sagot ko. “You didn’t answer my question. Bakit naka-busangot ang mukha mo kanina? May ginawa ba ulit si kuya?” I sighed and shook my head. “Your brother is being stubborn again. He doesn’t want to practice walking. Maghapon siyang nagkulong sa kwarto niya. He even canceled his tomorrow’s session with his therapist.” “He’s been staying in the house for several months already. Maybe he’s frustrated because he still can’t walk.” “It must have been hard for him…” malungkot na sabi ko habang iniisip ang kalagayan ngayon ni Zach. Saglit kaming natahimik bago siya nagsalita. “I have an idea.” “What?” Kunot-noong tanong ko. “Since it's a holiday tomorrow, we should take him out for a change of scenery. What do you think?” “Yeah… It’s a good idea. Baka bagot na bagot na siya sa bahay niyo dahil hindi pa siya ulit nakakalabas.” “Okay, it’s settled then. Let’s talk more about it bukas. Inaantok na ako ngayon, e. I’ll see you tomorrow. Good night, Sari.” He leaned in to kiss me on my forehead and watched me as I entered the gate of our house. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil kay Aly. Ang aga niya kasing pumunta sa bahay para ayain akong mag-grocery. Picnic daw kasi ang naisip niyang gagawin namin ngayong araw na sinang-ayunan ko naman. Pagkatapos naming mamili ay tinulungan niya na rin ako sa paghahanda ng pagkain. “What are you doing?” Nag-angat ako ng tingin kay mommy na kapapasok pa lang ng kusina at mukhang kagigising lang. “We’re preparing food,” sagot ko na nagpataas ng kilay niya. “Ano’ng meron? Bakit ang dami naman ‘ata ng inihahanda niyo? Looking at them... may balak ba kayong mag-picnic?” aniya habang pinapasadanan ng tingin ‘yong mga pagkain na nasa lamesa. “Yes, Mom. You got it right. Do you want to join us?” I asked excitedly. “I would love to, but me and your dad have errands to do.” Sabay kaming napasimangot sa sagot niya. “Kahit holiday, Tita?” singit ni Aly na abala sa paggagayat ng mga prutas at gulay. “Yeah, unfortunately,” she sighed. “Sayang, ang ganda pa naman ng panahon, perfect na perfect for picnic.” “Kaya nga, Tita, e. Pero may next time pa naman. Sama na kayo sa susunod.” “Of course, I won’t miss it na.” After finishing her coffee, lumabas na siya ng kusina para bumalik sa kwarto nila ni daddy. Naging abala naman kami ni Aly sa mga sumunod na oras. Nang matapos, isa-isa naming inilagay ang mga ‘yon sa mga picnic basket at naghanda na kami sa aming pag-alis. “Wala na ba tayong naiwan?” tanong sa akin ni Aly nang iabot ko sa kaniya ‘yong panghuling basket na dala ko para ilagay sa compartment ng kotse niya. “Wala na. We’re now good to go,” sagot ko at pumasok na sa loob ng van habang si Aly naman ay sa kotse niya. May dala siyang sariling sasakyan dahil puno na ang van at hindi na sila kasyang dalawa ni Frea. Alas-onse na ng tanghali nang makarating kami sa lugar kung saan kami mag-pi-picnic. Paglabas ng sasakyan ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng lugar. Green na green ang buong paligid dahil sa mga puno at malulusog na lawn grass. Sa hindi kalayuan ay matatanaw ang hindi kalakihang lake. Kakaunti lang ang tao siguro dahil tanghali pa lang. Malinis at tahimik ang paligid at tanging ang mga paghuni ng mga ibon lang ang maririnig mo. Mayroon ring mga kalapating pagala-gala lang sa lupa at nakikihalubilo sa mga tao. Ang ganda ng ambiance ng buong lugar. Fresh pa ang hangin. Kahit na tanghali na ay hindi mainit dahil sa mga puno sa paligid. This place is very soothing, relaxing, and peaceful. It is a perfect destination for people who want to unwind and take a break from stressful life in the city. Naghanap kami ng magandang pwesto malapit sa lake at doon kami naglatag ng picnic mat. Hinakot nina Aly at Frea ‘yong mga picnic basket na nasa sasakyan na dala nila habang kami ni Vesinica ang nag-aarrange ng mga pagkain ‘yon sa picnic mat. Si tita at tito ay naglalakad-lakad kasama ang lola nina Aly at Zach. 'Yong kapatid naman ni tita ay hinila ni Sophie para bumili ng dirty ice cream. Sa di kalayuan naman ay nahagip ng paningin ko si Zach na nag-iisa at tahimik lang na pinagmamasdan ang paligid kaya naman nang matapos ako sa aking ginagawa ay pinuntahan ko siya. “This place has a nice ambiance,” pag-agaw ko sa atensyon niya nang makalapit ako sa kaniya. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Tumingala ako sa punong nagbibigay lilom sa amin.“There's a good shade here… do you want me to put a mat here, so you can sit?” umupo ako para pantayan siya. “No, I’m fine with my wheelchair,” sagot niya nang hindi man lang lumilingon sa akin. “How about I take you for a walk?” I offered again, but he also declined it. “Ayaw ko, mainit.” Napanguso ako. “Okay…” mahinang sabi ko bago muling nagsalita. “Nagugutom ka na ba? Marami kaming inihanda ni Aly na pagkain. Do you want me to bring you some?” Nakita ko ang pagpikit niya nang mariin bago ako inis na tinapunan ng tingin. “I’ll just ask if I want something. What I want right now is for you to shut up, better yet leave me alone. Naririndi ako sa boses mo.” Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil gaya nga ng sabi ko, dahil sa head injury niya ay naging iritable at mainitin ang kaniyang ulo. This isn’t the first time he got annoyed and irritated with me while I'm trying to start a conversation with him. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilan na ‘to, e. Mapait akong ngumiti sa kaniya habang tumatango-tango. Ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko pero pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Siyempre, masakit sa akin, pero wala naman akong magagawa kung hindi ang intindihin ang sitwasyon niya. “Okay, I’ll leave you then. I’m sorry for being so annoying.” Tumayo na ako nang hindi na siya nagsalita at bagsak ang balikat na naglakad pabalik sa pwesto namin. “Ate Khyrss, you look sad… Do you want to help me feed the pigeons? Kuya Aly gave me some food for them,” rinig kong sabi ni Sophie na hindi ko napansin na nasa harapan ko pala. Pa-simple kong pinunasan ang namuong luha sa mata ko at nginitian siya. “Okay, let’s go.” Inabot ko ang kamay niya at naglakad kami palapit sa tumpukan ng mga kalapati. Nabawasan naman ang lungkot na nararamdaman ko sa aking dibdib nang magsimula na kaming pakainin ‘yong mga kalapati. Hindi ko maiwasang hindi matawa tuwing napapa-sigaw si Sophie dahil nakikiliti siya tuwing tinutuka ng mga kalapati 'yong patukang nasa maliit niyang palad. Tuwang-tuwa rin siya ‘pag dinadapuan siya ng mga kalapati sa ulo at sa balikat. Her smiles and giggles were like music to my ears. Ang sarap pakinggan. I can't help but smile sadly while staring at her because my mind was suddenly flooded with what ifs and what could have beens. I took a deep breath and tried so hard to bury that thought in the deepest corner of my mind. I shouldn't think of them right now. I should enjoy this moment. Pagkatapos pakainin ay na-trip-an naman ni Sophie na hulihin sila. Ang cute niyang tingnan habang tumatawang hinahabol ‘yong mga kalapati na ayaw magpahuli sa kaniya. Habang pinapanood siya ay nahagip ng mata ko si Zach na ngayon ay tulak-tulak na ni Vesinica at naglalakad-lakad paikot sa lakeside. Napasimangot ako. I can’t help but feel jealous knowing that he let another girl walk him around after turning me down. Ang sabi niya mainit, pero ang totoo pala ay ayaw niya lang sa akin. Ramdam ko ang pagbabara ng aking lalamunan dahil doon. Ang sakit, ha. Nawalan na ako ng gana na makipagkulitan kay Sophie kaya inaya ko na siya pabalik sa pwesto namin. Pagkabalik namin ay si Aly at Frea naman ang inaya niyang makipaglaro sa kaniya. Makalipas ang ilang oras ay naramdaman kong umupo si Frea sa tabi ko habang ako ay nakaupo at nakapatong ang baba sa tuhod at tahimik na pinaglalaruan ang mga damo. “Khyrss, okay ka lang?” tanong sa akin ni Frea. “Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo. Kanina naman hindi ka ganiyan. May nangyari ba?” Umiling ako. “Wala, okay lang ako.” Sumulyap ako kay Zach at Vesinica na ngayon ay parehas na nakaupo na sa lawn grass at masayang nag-uusap. Close pa rin sila ngayon dahil natatandaan pa rin ni Zach ang mga unang taong naging magkaibigan silang dalawa at hindi niya nakalimutan lahat ng alala niya tungkol kay Vesinica. “Ah, mukhang alam ko na ang problema.” Napalingon ako kay Frea dahil sa sinabi niya at naabutan ko siyang nakatingin rin sa tinitingnan ko. Binalik niya ang mga mata niya sa akin bago siya muling nagsalita. “Nagseselos ka kay Vesinica,” aniya, puno ng kasiguraduhan. “Hindi ako nagseselos,” tanggi ko at nag-iwas ng tingin. “Sus, sino ang maloloko mo rito? Kaya ka tahimik ay dahil nagseselos ka kasi kanina pa silang dalawang magka-dikit.” Hindi na ako umimik dahil wala rin namang point kung magsisinungaling pa ako sa kaniya dahil hindi naman siya maniniwala. Kilalang-kilala na niya ako, e. Minsan nga hindi ko maiwasang mainis dahil kilalang-kilala nila akong dalawa ni Aly, e. ‘Yong mga bagay kasi na gusto kong itago at sarilihin na lang ay nalalaman pa nila dahil kayang-kaya nila akong basahin at kabisado na nila ako. “Gusto mo bang ma-solo si Zach ngayon?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Just watch me, I’ll help you to have alone time with Zach.” Kinindatan niya ako bago tumayo at naglakad patungo kay Aly na nakaupo sa picnic table sa di kalayuan kasama sila tita at tito at mukhang may pinag-uusapan. Frea excused him from his parents and talked to him. Nakita ko pa ang saglit na paglingon sa akin ni Aly bago itinuon ang atensyon niya sa mga sinasabi ng girlfriend niya. Pagkatapos nilang mag-usap ay lumapit naman si Frea sa kinaroroonan nila Zach at Vesinica. Ewan ko kung ano ang sinabi niya pero tumayo si Vesinica at sumama sa kaniya, leaving Zach to Aly. Lumingon sa akin ang gaga at kinindatan ulit ako habang naglalakad na sila palayo patungo sa kung saan. Kailan pa sila naging close? Nang mawala sila sa paningin ko ay ibinaling ko naman ang aking tingin kina Aly at Zach. Kinakausap muna ni Aly si Zach, siguro para hindi siya makahalata sa ginawa nila. Hindi nagtagal ay sinenyasan na ako ni Aly na lumapit sa kanilang dalawa. Iiling-iling naman akong naglakad palapit sa kanila habang nakangiti. I appreciate what they are trying to do for me. I’m so lucky to have them. They are the sweetest. Nang makaupo ako sa tabi ni Zach ay nagpaalam na sa amin si Aly. Naiwan kaming dalawa ngunit walang nagsalita sa amin sa mga sumunod na minuto. “So, how’s your day going?” pagbasag ko sa katahimikan. Diretso lang ang tingin ko sa lake na nasa harapan namin. He sighed. “Much better than spending the whole day indoors, I guess.” “I’m glad to hear that…” tumango-tango ako at muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Zach?” mahinang pagtawag ko sa pangalan niya makalipas ang ilang minuto. “Hmmm?” “Can I ask you a question?” Lumingon siya sa akin at tinitigan ako saglit bago nagsalita. “What is it?” Taas-kilay na tanong niya. Hindi agad ako nagsalita dahil nagda-dalawang isip ako na itanong sa kan'ya 'yong tanong na nasa isip ko. Baka kasi mainis siya ulit sa akin. “Why did you stop practicing to walk these past few days?” I still asked after contemplating it. “Wala naman kasing kwenta ‘yon. Look, hindi pa rin ako makalakad. I don’t see any improvements either.” Nag-iwas siya ng tingin. “Zach, of course, it takes time. You just need to be patient and constant with your therapy.” Umiling-iling siya sa sinabi ko. “I’m tired of it.” “How will you recover if you’re so stubborn and impatient?” I murmured as I heaved out a deep sigh. “What are you mumbling out?” I shook my head. “Why don’t you try walking here? Let’s see how much you improved.” I suggested. Noong una ay ayaw niya pa pero napapayag ko rin naman siya sa huli. Dahan-dahan ko siyang inalalayan para makatayo. Isinukbit ko ang kabilang braso niya sa balikat ko habang nakayakap at inaalalayan ko naman siya sa baywang niya. “One…” bilang ko nang magsimula na siyang humakbang sa maliit na distansiya. “Two… Three… Come on, Zach, you’re doing well,” I said, trying to encourage him. Pero bago pa siya maka-hakbang ng ikaapat ay natumba na siya at wala akong nagawa para pigilan ‘yon dahil mas malaki siya sa akin. Agad ko siyang dinaluhan para tulungang tumayo. “How are you? Are you hurt? Zach, I’m sorry… I didn’t mean to,” naiiyak na paumanhin ko. “Khyrss, I want to go back home. I’m weary.” “But we only tried it once…” “A handicapped like me, I don’t want to be looked at with those eyes.” I roamed my eyes around. Medyo marami na ang tao ngayon kaysa kanina at ilan sa mga dumaraan ay pinagtitinginan si Zach na nakasalampak pa rin sa lawn grass. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. “But you are not handicapped. You’re going to recover, Zach. At least now you’re able to sit and stand.” I tried to cheer him up. “But I can’t walk! If I’m not called a handicapped, then what am I?” Natigilan ako sa pagtaas ng boses niya. “Bring me my wheelchair,” matigas na utos niya nang hindi ako nakapagsalita. Umiling ako habang una-unahan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “Just practice walking. Don’t give up and keep asking for the wheelchair like this.” Umiiyak na pilit ko. Nasasaktan akong marinig na paulit-ulit niyang tinatawag na handicapped ang sarili niya. It was like he’s giving up on the idea that he will recover and he will be able to walk again. “It’s suitable for a handicapped person like me. What you said was all true, but I also know that I will never be the same as before anymore, so please stop forcing me. It’s useless to continue.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD