Today’s Sunday, and I am just back from attending mass with my parents. Pagka-baba ko pa lang ng sasakyan namin ay dumiretso na ako papasok sa bahay nila Zach. It was already eleven in the morning, and I wanted to check if Zach had already eaten his lunch. Though I know I don't have to worry about him while I’m not with him because there’s a lot of people taking care of him, including Vesinica.
It’s been a month simula nang pumunta siya rito sa Pilipinas. Akala ko nga bibisitahin niya lang si Zach pero hindi pala. Umuwi na kasi ‘yong lola at tita ni Zach pati na rin si Sophie last week pero hindi siya sumama pabalik. She said she’ll stay and help take care of Zach until he can walk again.
I know I should be thankful because she’s helping us but I can’t help wishing for her to go back to Canada. Simula kasi nang dumating siya, siya na ‘yong palaging naka-dikit kay Zach. Minsan na lang ako makita ni Zach. ‘Pag may gustong siyang gawin, si Vesinica palagi ang hinahanap niya. Nakikita niya lang ako ‘pag wala si Vesinica. At minsan lang ‘yon mangyari.
Alam kong dapat mag-focus kami sa pag-aalaga kay Zach pero hindi ko maiwasang hindi magselos tuwing nakikita kong ngumingiti at tumatawa siya ‘pag si Vesinica ang kasama niya. Naiinggit ako kasi ramdam kong mas gusto siyang kasama ni Zach kaysa sa akin.
These past few weeks, I always feel like Zach doesn’t want me around. Dati he will do everything just to be with me pero ngayon pakiramdam ko ay pinagpipilitan ko na lang ‘yong sarili ko sa kan’ya. He was nice and enthusiastic with Vesinica, but he’s always cold, annoyed and irritated with me. As his fiancee, sobrang sakit sa akin na ganoon niya ako itrato. Pero iniisip ko na lang na kaya siya ganoon ay dahil ang naaalala niya ay ang pagkakaibigan nila ni Vesinica, hindi ako at ang relasyon namin. That the reason why he was treating me like that was because I’m still a stranger to him.
Before, I accepted the possibility of him not recovering his forgotten memories. I thought it was fine even if he never got his memories of me and our relationship back because I was so sure that I could make him fall in love with me again. But seeing how things are going on between us now makes me think I was so stupid for thinking like that. That I was so naive to believe that a fairytale-like story like that can also happen in real life.
I sighed.
Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko si Vesinica na abala sa paglalagay ng pagkain sa isang tray. Alam kong para ‘yon kay Zach kaya tumalikod na ako para lumabas na ulit ng kusina.
“Khyrss,” rinig kong tawag niya sa akin bago ako tuluyang makalabas. Humarap ako sa kaniya.
“Why did you call me?” I asked.
“Do you want to bring Aki’s lunch to him?” nakangiting aniya. Napatitig ako sa kaniya saglit bago sumagot.
“Okay…” Lumapit ako para kunin ‘yong tray na nakapatong sa island counter. “Where is he?”
“He’s inside his room upstairs.”
“Ano ang ginagawa niya roon?” tanong ko.
“He wanted to see his past architecture projects and try drawing again.”
Tumango ako at nagpaalam na para pumunta roon. Nga pala, Zach’s leg injury improved a lot. Medyo nakakalakad na siya gamit ang walker pero kailangan pa rin ng suporta. Nitong mga nakaraang linggo kasi ay nag-uundergo na siya ulit ng physical therapy after Vesinica convinced him.
Nang makarating sa tapat ng kwarto niya ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang door handle. Tahimik akong pumasok sa silid at marahang naglakad papalapit sa kaniya na nakaupo at nakatalikod sa akin.
“Zach… I brought your lunch.” Nag-angat siya ng tingin sa akin at lumingon sa direksyon ng pintuan bago bumaling ulit sa akin.
“Where’s Vica?” tanong niya na nagpakirot sa aking dibdib. He looked so disappointed because I came instead of her.
Zach, are you aware that you’re hurting me? I’m standing in front of you, yet you’re looking for someone else.
“Downstair. She asked me to bring you your lunch.” My voice almost cracked.
“Okay, just put it down. Then you can leave,” aniya at ibinalik ang tingin sa ginagawa. Awtomatiko namang nanlabo ang mga mata ko dahil sa pamumuo ng luha ko dahil sa lamig ng pagtrato niya sa akin. Ibinaba ko na ‘yong tray sa table niya at hindi ko napansin na meron pa lang gamit na nakapatong sa lamesa kaya naman tumagilid ‘yong tray at natapon ang nakapatong na juice roon sa ginagawa ni Zach pati na rin sa kanya.
“Khyrss, what the hell?!” I was startled when he shouted at me.
“Sorry, Zach. Hindi ko sinasadya,” sagot ko habang natatarantang kumuha ng pwedeng ipamunas sa damit niyang natapunan.
“Ang tanga mo naman, hindi mo ba nakitang may gamit doon? Saan ka ba kasi nakatingin, ha? Ibababa mo lang, hindi mo pa nagawa nang maayos! Tingnan mo ang nangyari!” singhal niya pa sa akin.
“S-sorry…” naiiyak na sabi ko at sinubukang punasan siya pero pinigilan niya ako.
“Hindi ko kailangan ng sorry mo! You already ruined my sketch!” Napayuko ako.
Hindi ko na napigilang hindi umiyak sa harapan niya dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi niya pati na rin sa pagsigaw niya sa akin.
“Ano ang iniiyak-iyak mo riyan, huh?!” inis pa rin na tanong niya.
“Kuya, ano ba? Bakit mo ba sinisigawan si Sariah?” I heard Aly ask from the door before I felt his presence beside me. Hinawakan niya ako at inilayo ng kaunti kay Zach.
“‘Yang kaibigan mo kasi hindi marunong mag-ingat! Look what she did!”
‘Yang kaibigan mo… I smiled bitterly. Kaibigan na lang ba ni Aly ang tingin niya sa akin? Sobrang sakit naman kung gano’n.
Nakita ko ang paghakbang ni Aly palapit sa kapatid niya.
“What did you say? ‘Yang kaibigan mo?” hindi maka-paniwalang tanong niya.
“Yeah, what’s wrong with it? She’s your friend, right?”
Zach, pwede bang tama na, please? Sinasadya mo bang saktan ako?
“Yeah, she is. But that’s not my point. My point is why did you address her like that? Kuya, you shouldn’t call her that because she’s your fiancee!” nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Aly kay Zach.
“You're so harsh on her, e hindi naman niya sinasadya. Why are you like that? You know that Sariah is your fiancee. But why are you treating her badly, instead of being nice to her? I’m trying to understand your condition, but you’re just being too much. Yes, you don't remember her, but can you at least be considerate of her feelings? You’re hurting her! You don’t know how hard she went through while patiently waiting for you to wake up, and you will just treat her like that? She doesn’t deserve it... I assure you, you're going to regret how badly you treated her once you get your memories back,” Aly added and didn't wait for him to answer before grabbing my wrist and pulling me towards his room.
“Aly, you shouldn’t have said that…” sabi ko sa kaniya nang iupo niya ako sa kama niya. Pinunasan ko ang basang-basa kong mukha at tumingala sa kaniya na nakatayo sa harapan ko.
He shook his head. “I have to. Look, you cried again because of him. I can’t stand it anymore. He's my brother, but he's being an asshole. I need to stand up for you.” I reached for his hands and squeezed them.
“Intindihin na lang natin siya. Sigurado naman akong ‘pag bumalik ang alaala niya ay magiging okay na rin ang lahat.” I smiled at him to convince him that I’m fine. I don't want him to get mad at his brother because of me. He shook his head defeatedly while staring at me.
“Kuya’s so lucky to have you. You’re so understanding that it’s starting to annoy me.” Natawa ako sa sinabi niya at niyakap na lang siya.
Natapos ang araw na ‘yon na hindi ko na nakita si Zach. Nanatili lang kasi ako sa bahay buong maghapon at hindi na nagpakita sa kaniya. Baka kasi galit pa rin siya sa nangyari kanina, e. Ayaw ko namang maging makulit at magdi-dikit agad sa kan’ya na parang walang nangyari dahil baka mas lalo lang siyang mainis sa akin. I also don’t know how he took Aly’s word. Baka mas nagalit siya akin dahil sinigawan at pinagsabihan siya ng kapatid niya. Pero nakahinga ako nang maluwag kinabukasan dahil mukhang hindi naman siya galit. Hinayaan niya pa nga ako na alalayan siyang maglakad-lakad, e.
“Zach, do you want to go out again?” tanong ko isang umaga habang nasa sala kami ng bahay nila at nanonood ng tv. I looked at him with my expectant gaze but my hopes got knocked down when he shook his head.
“I’d rather stay home,” maikling sagot niya. Hindi ko na sinubukang magpumilit pa at nirespeto na lang ang desisyon niya.
Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa panonood nang mag-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa center table. Kinuha ko ‘yon at binuksan. Brenda sent me a message asking me if I could go out with them tomorrow to celebrate her birthday in a bar. But I turned her down just like what I usually do for the past year every time they asked for my presence. I just want to focus all my attention on Zach for now. Babawi na lang ako sa susunod.
Naghanda na lang ako ng regalo kinabukasan para sa kaniya na ipapadala ko na lang kay Aly. After putting my note inside the paper bag, I made my way towards Villareal’s house. Dumaan muna ako sa kwarto ni Zach para silipin kung gising na ba siya pero wala na siya sa kaniyang silid. Nasaan kaya ‘yon?
Umakyat naman ako sa ikalawang palapag ng bahay nila para tingnan ang dati niyang kwarto, baka kasi andoon siya pero wala rin. Hindi ko rin nakita si Vesinica. Baka magkasama sila sa garden. Doon kasi sila palagi tumatambay, e.
“Are you looking for Shein?” Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si tita sa likuran ko.
“Tita, nakakagulat ka naman!” nakahawak sa dibdib na wika ko bago sinagot ang tanong niya. “Opo, hinahanap ko po siya, wala po kasi siya sa kwarto niya sa baba.”
“Oh, they didn't tell you?” My forehead creased as I shook my head.
"Tell me what, Tita?"
"Umalis siya kanina pang umaga kasama si Vesinica." Natigilan ako sa sinabi niya.
“Saan daw po sila pupunta?” tanong ko pagkatapos manahimik saglit.
“Vesinica said they’re going out for a walk. I don’t know where.”
Mapakla akong ngumiti kay tita at nagpaalam sa kaniyang babalik na lang ako sa bahay namin. Matamlay akong naglakad pauwi habang iniisip ‘yong sinabi niya. Nakakainggit at nakakapagselos na sumama si Zach kay Vesinica na lumabas samantalang noong inaya ko siya kahapon ay tumanggi siya at sinabi niyang mas gusto niyang manatili sa bahay.
Masyado na niyang pinapahalata na ayaw niya talaga sa akin at ayaw niya akong makasama. Gusto kong magreklamo sa kaniya pero wala naman akong karapatan ngayon dahil tinapos na niya kung ano ‘yong meron kami. Wala na kami.
Pero hanggang ngayon hindi ko ‘yon tuluyang tinatanggap. Iniisip ko kasi na hindi valid ‘yong break-up namin dahil may amnesia siya. Na nagawa niya lang ‘yon dahil nakalimutan niya ako. Iniisip ko na lang na ibang tao ‘yong nakipaghiwalay sa akin dahil ang totoong Zach ay hinding-hindi ako papakawalan.
Naramdaman ko na naman ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Awang-awa na ako sa sarili ko dahil wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak na lang nang umiyak. Hanggang kailan ba ako magkakaganito? Hanggang kailan ako iiyak? Gusto kong magalit kay Zach kasi masyado na niya akong sinasaktan pero hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw sa akin ang pagmamahal ko sa kaniya at pang-unawa sa kalagayan niya.
Isinasaksak ko sa kokote ko palagi ang paniniwala na maaalala niya ulit ako at kailangan ko lang magtiis hanggang sa dumating ang araw na ‘yon. Kahit sobrang sakit-sakit na. Kahit sobrang durog na durog na ako. Kahit sobrang pagod na pagod na ako. Kahit sukong-suko na ako.
Tama pa ba na umasa ako at maghintay?
Ayaw kong maging negatibo pero ngayon hindi na kasi ako sigurado.
Imbes na magkulong sa bahay at kainin ng lungkot at pag-iisip, napagdesisyunan kong sumama na lang kay Aly papunta sa birthday celebration ni Brenda. Dati tuwing lumalabas ako, light makeup lang okay na. Pero ngayon ay balot na balot ng makeup ang mukha ko to cover up the result of my misery that is visible on my face.
Nang makapasok sa bar na nirentahan ni Brenda para sa birthday celebration niya, nagulat sila nang makita nila akong kasunod ni Aly.
“Oh, my God! Khyrss Sariah, you came!” Brenda rushed towards me and hugged me tight. “I’m so glad you came. Hindi ka na halos nagpapakita sa amin, how are you doing?” she asked as she pulled away from me. Sasagot pa lang sana ako nang biglang sumulpot si Stefan sa harapan ko at niyakap rin ako nang mahigpit.
“Gaga ka, I missed you so much.” Bumitiw siya sa pagkakayakap at hinarap ako. “Bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin, ha? Kapag pumupunta kami sa inyo ay hindi mo kami nilalabas. You’re not even replying to our messages. We’re so worried about you. How have you been these past few months?”
Ramdam ko ang pagkasabik nila sa akin. Hindi kasi talaga ako nagpaparamdam sa kanila sa mga nakalipas na buwan. I rarely reply to their messages. I always turn them down every time they ask me out. ‘Pag pumupunta sila sa bahay ay hindi ako lumalabas ng kwarto hanggat hindi pa sila umaalis.
Alam kong mali ang ginagawa ko pero ayaw ko kasing dumagdag pa sa kanilang isipin. I don’t want to drag them with me. I want them to focus on their lives and their career.
“Don’t worry about me. I’m perfectly fine, okay? And please, let’s not talk about that. It’s your birthday, Brends. We’re here to enjoy, and not to talk about how my life has been going downhill. Let’s reserve another day for that. Mahaba-habang kwentuhan ‘yon,” biro ko. Ramdam kong marami pa silang gustong itanong sa akin pero hinayaan na lang nila ako sa gusto kong mangyari.
Nagtungo ako sa mahabang lamesa na punong-puno ng iba’t ibang klase ng alak at kumuha ng isang baso roon. Inubos ko ‘yon nang isang inuman lang bago dumampot ulit ng panibagong baso.
Lumapit sa akin si Aly at bumulong. “If you’re planning to get drunk tonight, do it. I won’t stop you.”