CHAPTER 44

1522 Words
“If you’re planning to get drunk tonight, do it. I won’t stop you.” “Sobrang obvious ba?” “Oo, noong sinabi mo pa lang na gusto mong sumama sa akin, halata ko na. Gustong-gusto kitang tulungan sa bigat na nararamdaman mo ngayon pero alam kong hindi ako ‘yong kailangan mo. I know that the person who’s causing you pain and misery is also the only one who can make you happy. Kaya sige, if you think getting wasted will somehow ease your pain, then do it.” He sounded like a dad who’s approving her daughter to drink alcohol for the first time. “Aren’t you worried about how bad of a hangover I’ll suffer tomorrow?” “‘Wag mo nang isipin ‘yon, bukas pa naman ‘yon,” biro niya. Umiling-iling na lang ako habang natatawa. Bahala na nga bukas. I really want to drink right now. Nag-usap pa kami saglit bago kami bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko na nakapwesto na sa circular sofa. Sa gitna noon ay ang lamesa na punong-puno rin ng iba’t ibang klase ng alak. Maya-maya pa ay unti-unti nang dumami ang mga tao at napuno ang bar. Hindi maka-tagal sa table namin si Brenda dahil palaging may tumatawag at naghahanap sa kaniya. I never knew Brenda has such a big social circle until now. Pero hindi na dapat ako magulat. For a fashion photographer like her, normal lang na marami siyang maging kaibigan sa industriya. Naging abala kami sa pagkukwentuhan sa mga sumunod na oras. Habang nakikinig sa mga kwento nila, I realized that I’m keeping myself from the outside world too much. I realized how I missed a lot of things from putting my life on hold. But they never make me feel bad about it. Nang unti-unti na silang tinatamaan ng mga alak na ininom nila, nag-aya na sila na sumayaw sa dance floor. “Khyrss, let’s go na. Ayaw naming iwan kang mag-isa rito,” pamimilit ni Stefan nang tumanggi ako. “You know that dancing in the bar is really not my thing. Kayo na lang, I’m fine here,” pagtataboy ko sa kanila. He sighed. “Okay, just stay here lang, ha? Baka pagbalik namin dito wala ka na.” “Saan naman ako pupunta?” natatawang tanong ko. “Ang oa niyo, go na, baka maunahan pa kayo roon sa hot guy na nasa dance floor, oh,” sabi ko sabay nguso roon. Nang makita niya ‘yong tinuro ko ay dali-dali na niyang hinila si Brenda patungong dance floor. Natawa naman ako at napapailing na lang habang sinusundan sila ng tingin. Pagkatapos ay hinanap naman ng paningin ko si Aly at Frea na bigla na lang nawala kanina pero hindi ko sila nakita dahil sa dami ng tao. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa hawak kong baso ng alak. “Khyrss, ikaw ba ‘yan? Hindi ba ako namamalik-mata?” nag-angat ako ng tingin nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nagulat ako nang makita si Dreiden. Hindi ko inaakala na makikita ko siya ngayon dito. The last time I saw him was at my welcome back celebration a year ago. Not long after that, I heard from Aly that he moved abroad to manage their family business there. “Drei, it’s been a while, kumusta?” tanong ko pagkatapos siyang yakapin. “Still sucking air.” He chuckled before sitting beside me. How about you? I heard what happened, how are you doing?” “Surviving, I guess.” I shrugged. “Akala ko nasa ibang bansa ka? Why are you here?” I asked, changing the topic. “I just came back last month because our company is expanding here, and I’ll be in charge of it.” “So, you’ll be staying here for good?” “I don’t know, but I hope so.” Tumango ako at nagtanong pa ng ibang mga bagay-bagay sa kaniya. Ayaw ko kasing malipat sa akin ang usapan. I don’t want to talk about my life right now. Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ay bumalik na sina Stefan at Brenda mula sa pagsayaw. “Ang bilis niyo naman yata?” taas-kilay na tanong ko sa kanila. “Kainis ‘to si Brenda, e! Hindi sinabi sa akin na hindi pala kami talo noong gwapong itinuro mo sa akin. Napahiya tuloy ako, my God! I don’t want to go there anymore.” Natawa kaming tatlo sa sinabi niya. “Duh, I’m trying to tell you kaya, pero pinairal mo kaagad ang kalandian mo,” Brenda said and rolled her eyes. “Whatever!” maarteng wika ni Stef at dumampot ng baso ng alak na nasa lamesa. Umalis naman saglit si Brenda dahil may naghanap sa kaniya pero agad rin siyang bumalik. “Guys let’s play beer pong!” aya niya. Go na go naman si Dreiden at Stefan kaya pumayag na rin ako dahil ayaw ko namang maging kj. Nagtungo kami roon sa mahabang table na nasa gitna na ngayon ng dance floor. Nakaayos na ‘yong mga red cups na may lamang iba’t ibang klase ng alak sa ibabaw noon at parang kami na lang ang hinihintay. Parang gusto kong umatras dahil sigurado akong bago matapos ang larong ‘to ay lasing ako. Ang ta-taas kasi noong sampung red cups at halos puno ‘yong laman noong alak. Pero nang sumagi sa isip kong gusto ko nga pa lang maglasing kaya ako sumama rito ay ginanahan akong maglaro. Kaming dalawa ni Dreiden ang magka-partner habang si Brenda at Stefan naman ang kalaban namin. Sila ang unang naghagis ng ping pong ball papunta sa cups namin pero sumala iyon. Sumunod na naghagis naman si Dreiden at nag-shoot ‘yon sa isa sa mga cups nila. Ang birthday girl ang uminom noon kaya naman naghiyawan ang mga taong nanonood sa amin. Pagkatapos ay siya naman ang tumira at pumasok rin ‘yon sa amin at ako ang uminom noon. Habang naglalaro kami ay padami nang padami ang taong nakapaligid sa amin. Nakita ko na rin si Aly at Frea na nanonood rin pala sa amin. “Khy, it’s your turn again.” Inabot sa akin ni Dreiden ‘yong hawak niyang ping pong ball. Tinanggap ko ‘yon at inihagis sa cup ng kalaban. Napatalon ako sa tuwa nang mag-shoot ‘yon dahil tatlong cups na lang ang natitira sa kanilang may laman habang sa amin ay lima pa. “We’re gonna win this,” siguradong sabi ko sa kaniya nang mag-shoot rin ‘yong tira niya. Nang tumira si Brenda ay nag-shoot rin iyon. Ininom ko nang isang inuman ang laman ng cup na ‘yon. Dahil medyo nakakaramdam na ako ng hilo at pamumungay ng mata, hindi pumasok ‘yong bolang inihagis ko at tumalbog lang ‘yon sa kung saan. Pero sa huli ay nanalo pa rin kami dahil kay Dreiden. “That was so fun!” tuwang-tuwang sabi ni Brenda pagkabalik namin sa couch namin na sinang-ayunan ni Stef. “Sayang wala ka kanina Frea, edi sana nakasali ka sa amin. Saan ba kayo galing ni Algid, ha?” “May kinausap lang kami sa kabilang table.” Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila habang nakasandal ako sa couch at nakapikit dahil sa nararamdamang pagka-hilo. “Ano, kaya pa?” tanong sa akin ni Aly na nasa tabi ko. Tumango naman ako at tumayo. “Where are you going?” he asked again. “Comfort room.” “Let’s go, I’ll walk you there.” Tumayo na rin siya para sana alalayan ako. “No need, kaya ko pang maglakad, Aly,” tanggi ko bago ako naglakad na patungong cr. Wala naman talaga akong gagawin doon, gusto ko lang mapag-isa sa medyo tahimik na lugar. Nang makapasok sa loob, umupo lang ako sa sink at kinuha ang cellphone sa pouch na dala ko para tingnan ang oras. Alas-diyes na ng gabi. Sigurado akong nakauwi na si Zach at Vesinica. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Tulog na kaya siya? Hindi ko siya nakita buong mahapon ngayong araw at pakiramdam ko ay miss na miss ko na agad siya. Siya kaya? Sumagi man lang ba kaya ako sa isip niya? Hinahanap-hanap niya rin ba ang presensya ko? Natawa ako sa sarili ko. Why am I even asking that when I’m well aware that he doesn’t want me around? Napabuntong-hininga ako at hindi maiwasang hindi magtaka kung bakit ganoon niya na lang ako itrato. Noong una, naniniwala siya na fiancée niya nga ako at siya mismo ang nagsabi na tulungan ko siya na maalala ako at ang relasyon na meron kami. Pero bakit bigla siyang nagbago? Bakit tinutulak na niya ako palayo? I badly want to know the reason why he’s treating me so bad. Ayaw na niya ba akong maalala? Bakit, dahil ba kay Vesinica? Hindi kaya nahulog na ang loob niya sa kaniya kaya ayaw na niya sa akin? Kung ganoon nga ay hindi ako papayag. Hindi ako papayag na magka-gusto siya sa iba at tuluyan nang kalimutan ako. I will make him remember me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD