CHAPTER 41

2398 Words
“Why does my heart can not remember you as well?” Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng gilid ng aking mga mata. “Being this close to you while staring at you right in the eye… Shouldn’t my heart beat faster? Shouldn’t I feel euphoric? But why do I feel nothing at all?” Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang pana na tumusok sa aking puso. Lumayo ako sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Mapakla akong tumawa bago nagsalita. “Ang sakit mo naman magsalita…” “That’s not my intention. I just want to be honest with you.” “But you’re being brutally honest. Can you try to sugarcoat what you’ve got to say? Kakaiyak ko pa lang kagabi, e. Don’t you want my eyes to take a rest from crying?” biro ko kahit ramdam ko na ang pagbabara ng aking lalamunan at pangingilid ng aking mga luha. “Will it make any difference? No matter what I say and how I say it, either way, you're going to get hurt.” May point naman siya. Masasaktan at masasaktan pa rin ako kahit gaano pa niya subukang sabihin ‘yon sa akin sa pinakamagandang paraan na alam niya. “Okay… I understand what you’re trying to say. Hindi mo man ginusto pero bukod sa hindi mo ako maalala ay wala ka ring…” I paused to stop my voice from cracking. “Wala ka ring nararamdaman sa aking pagmamahal. But I think it doesn’t mean anything. Normal naman siguro ‘yon sa may amnesia? Normal lang na kasabay ng pagkawala ng alaala mo sa isang tao ay ganoon rin ang nararamdaman mo para sa kaniya…” I don’t know if what I said was to convince him, or to convince myself. “You’re not thinking of giving up on our relationship, are you?” kabadong tanong ko nang hindi siya nagsalita at naka-titig lang sa akin. “But I don’t want to be unfair to you… How can we stay in a relationship when I don’t even remember you? How can we continue when I’m not feeling anything for you at all?” “Z-Zach…” Umiling-iling ako. Mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapan naming ‘to. “Are you… are you breaking up with me?” ramdam ko ang masaganang pag-agos ng mga luha ko habang nakatingin sa kaniya sa nangungusap na mata pero nag-iwas siya ng tingin. “I thought you wanted me to help you remember everything about us. Don’t you think it’s too early for you to give up on trying?” “Wala namang magbabago roon. I’m not giving up on trying. I still want you to help me. Pero habang tinutulungan mo ako, ayaw ko na nakatali ka sa akin. Dahil ang pagbalik ng mga alaala ko ay walang kasiguraduhan. Ayaw kong umasa ka roon. I know your life has been put on hold because of me and I don’t want you to wait for me any longer. I want you to continue living your life.” “But it’s my choice, Zach! At ‘yon ang gusto kong gawin, ang maghintay sa’yo!” “What if I don’t remember you anymore? Paano kung hindi ko na maalala ang lahat ng tungkol sa atin at ang pagmamahal ko para sa’yo? All your sacrifices will be put into waste, Khyrss, and I don’t want that to happen.” “Based on what you are telling me, I think the idea of you falling in love with me for the second time never crossed your mind,” I said bitterly. Huminga ako nang malalim at naglakas-loob na titigan siya sa mata. “Okay, let’s say you never got your memories back… Malabo ba na mahalin mo ulit ako? Wala bang chance na mahulog ka ulit sa akin? Imposible ba na magsimula ulit tayo sa simula at gumawa ng panibagong alaala?” Hindi agad siya nakakapagsalita. Ibinaba niya ang kaniyang tingin at tumitig sa nakasarang photo album namin na nasa harapan niya. He shrugged as he shook his head. “I don’t know…” mahinang bulong niya pagkatapos ng ilang minutong pananahimik. “Then don’t push me away. Just give me a chance to try to make you fall in love with me again. Please, Zach. I don’t know how I’m going to live my life without you…” namamaos ang boses na pagsamo ko. “Aren’t you afraid that you will just waste your time on me? Hindi mo ba pagsisisihan?” “No. I’m willing to risk it all. What I’m afraid of is to regret the chances I didn’t take in the end.” Mabilis lang na lumipas ang mga araw mula noong araw na tuluyan na nga siyang nakipaghiwalay sa akin. Masakit, oo. Pero iniisip ko na lang na kaya siya nakipaghiwalay ay dahil gusto niyang magsimula ulit kami sa umpisa. Nanatili ako sa tabi niya para alagaan siya at iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya ka-mahal. Sa mga sumunod pang mga araw ay unti-unti kong na-re-realize na hindi pala madali ang gusto kong mangyari. I witnessed how his head injury caused psychological effects on him. There are times he’s extra nice, and there are times he’s cold and silent. Pero pansin ko nitong mga nakaraang araw ay mas madalas siyang iritable at mainitin ang ulo. Being with him every day is an extreme roller-coaster ride of emotions. There are times I feel happy, relieved, hopeful, optimistic, excited, but then in the next seconds, I’m hurt, sad, crying, doubtful, and everything in between. Nasa kusina ako ngayon at naghahanda ng merienda niya. After preparing sandwiches, I also squeezed one glass of orange juice for his drink. Inayos ko ang mga ‘yon sa tray bago naglakad palabas ng kusina at dumiretso sa pool area nila dahil andoon siya ngayon. Kami lang dalawa ang nasa bahay dahil wala sina Aly, tita at tito para sunduin ang relatives nila na taga-Canada sa airport. They want to see how Zach is doing. Dapat noong kabilang linggo pa sana ang uwi nila rito sa Pilipinas pero nagkaroon daw ng problema kaya ngayon lang sila natuloy. “Zach, here’s your snack.” I smiled sweetly at him as I put the food out of the tray and placed them on the table. “Can you bring me some paper and drawing pencils?” sabi niya pagka-upo ko pa lang sa tapat niya. “Why?” I asked. Tinapunan niya ako ng tingin na para bang ang tanga-tanga ko sa tanong na ‘yon. “I just want to try drawing again,” aniya habang marahang minamasahe ang kamay niya. Kasabay kasi ng therapy niya sa kaniyang binti ay ang treatment rin para sa hand injury niya. “But your therapist told you not to draw for the meantime until your tendons are healed. Baka mas lalong lumala ‘yong damage, Zach.” “Don’t worry, susubukan ko lang. Hindi ko naman pupwersahin.” “But—” hindi niya na ako binigyan ng pagkakataong tumutol. “Please?” He cut me off. When I saw his pleading stare, I sighed before standing up from my seat to follow his request. Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kwarto niya sa second floor kung saan nakalagay ang mga gamit niyang pang-architecture. Kinuha ko ‘yong sketchpad at drawing pencil na madalas niyang gamitin bago bumalik sa kinaroonan niya. “Here…” Iniabot ko ‘yon sa kaniya bago ulit umupo sa tapat niya. “Thanks,” he uttered as he received it. “Basta ‘wag mong pwersahin ang kamay mo, ha?” paalala ko ulit na tinanguan lang niya dahil abala na siya sa pagbuklat ng sketchpad niya. Naka-pangalumbaba lang ako habang nakikitingin sa bawat pahinang binubuklat niya na hindi ko rin naman masyadong makita dahil nakabaligtad ang mga ‘yon sa akin. “Mukhang fan na fan mo ako…” natatawang pagbasag niya sa katahimikan pagkatapos ng ilang minuto na sinang-ayunan ko naman. ‘Yong sketch pad kasi na ‘yon ay for personal use niya at wala roong work-related. Lahat ng drawings niya roon ay iginuguhit niya ‘pag wala siyang ginagawa sa bahay. At karamihan doon ay ako ang subject niya. “Sinabi mo pa. Drawing me was your favorite pastime,” nakangiting wika ko habang isa-isang inaalala ‘yong mga mukha ko na idinrawing niya roon. Mayroong tulog ako, nagluluto, nakaharap sa laptop at kung anu-ano pa. “Kahit noong hindi mo pa ako nakikita sa personal, fan na kita.” “What do you mean by that?” kunot-noong tanong niya. “That was way back when you’re studying in Canada. Na-love at first ka sa ganda ko noong first time mo akong nakita sa isang picture but you never dared to approach me. Nagpapadala ka lang ng mga portrait ko na iginuhit mo every year as a birthday gift anonymously. You made six portraits of me in total.” “Do you still have them with you? Can I see them? Baka sakaling maalala ko ‘yon.” Excited naman akong tumango dahil sa sinabi niya at nagmamadaling umuwi sa bahay namin para kunin ang mga ‘yon. Wala pang limang minuto ay nakabalik na agad ako dala ang anim na portraits ko. Ipinatong ko ang mga ‘yon sa isang bakanteng upuan at kinuha ‘yong isa para ipakita sa kaniya. “This was the first portrait you sent to me. I never posted the picture you used as reference here on my accounts. Nakuha mo siguro ‘yon kay Aly.” Kinuha niya ‘yon mula sa mga kamay ko at tinitigan nang mabuti. Napa-bitaw ang isa niyang kamay sa frame noong portrait at napahawak sa gilid ng kaniyang ulo. I saw how he winced in pain. “Zach, okay ka lang?” taranta akong napatayo at nilapitan siya. “Khyrss…” kinabahan ako sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko. “W-what?” “Something flashed in my mind. It was a scene of me and Algid in a room. We were talking about something. Hindi malinaw sa akin kung ano ‘yong pinag-uusapan namin pero sigurado akong ako at si Algid ‘yon.” Parang gusto kong maiyak sa narinig ko. “Zach, you remembered something!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya sa sobrang saya. Mas nadagdagan ang saya ko nang hinayaan niya lang akong yakapin siya. “Baka riyan na magsisimula ang unti-unting pagbalik ng mga alaala mo,” I said, excitement visible in my voice as I pulled back from my hug. “Sa tingin mo ilang taon kayo roon sa ala-alang ‘yon?” “I think I’m around thirteen to fourteen. I’m two years older than Algid, so he’s around eleven to twelve.” “Nasa Canada ka na niyan. Maybe what you remembered was when they visited you there.” “That’s what I also think. Let’s continue… I think these portraits will help me remember something more.” “Mas maganda siguro kung magpapahinga ka na muna. Bukas na lang natin ituloy. Baka sumakit ulit ang ulo mo. You don’t have to force yourself too much,” nag-aalalang sabi ko pero umiling siya. “No, I’m fine. I can manage.” Tumango na lang ako dahil alam ko namang wala na akong magagawa ‘pag ginusto niyang gawin ang isang bagay, e. Sa mga sumunod pang mga oras ay nagpatuloy ako sa pagkukuwento ng mga story sa likod ng mga portrait na ipinadala niya sa akin habang siya naman ay sinusubukang alalahanin ang mga ‘yon. Pero wala na siyang naalala ulit sa ibang mga portrait. “This is the last one I received,” sabi ko at iniabot sa kaniya ‘yon. “Why? Tayo na ba noong sumunod na birthday mo?” he asked curiously. Nakangiti akong tumango sa tanong niya. Magsasalita pa lang sana ako nang mabitawan niya ‘yong portrait at napahawak sa magkabilang gilid ng ulo niya. Hindi ko alam ang kung ano ang gagawin ko nang marinig ko siyang sumigaw sa sakit. “Z-Zach, what’s happening?” naiiyak na tanong ko. Nanginginig ako sa kaba at takot dahil hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya. He looked so much in pain but I don’t know how can I help him. “Anong nangyayari rito?” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni tita na papalapit. “Khy, what’s happening to my son?” tanong niya nang tuluyan siyang makalapit sa amin. Umiling lang ako dahil hindi ko rin alam. Agad niyang dinaluhan si Zach. Sumunod na dumating si Aly at tito kasunod ang lola at tita ni Zach pati na rin si Vesinica at mababakas ang labis na pag-aalala sa kanilang mga mukha. “Please call his doctor, Khy.” Umiiyak na sabi ni tita. Nanginginig ang kamay na dinampot ko ang cellphone na nasa lamesa at tinawagan ang doktor ni Zach. Medyo natagalan pa ako dahil nahirapan akong mahanap ‘yon sa contacts dahil nanlalabo ang mata ko sa luha. Ipinasok na ni Aly at tito si Zach sa loob ng bahay na tuloy pa rin sa pagdaing ng sakit ng ulo. Hindi nagtagal ay dumating na ‘yong doktor. May tinurok siya na kung ano kay Zach na nagpakalma sa kaniya hanggang sa makatulog siya. Dahil ako ang huling kasama niya, ako ang kinausap ng doktor tungkol sa mga nangyari bago si Zach nagkaganoon. After evaluating his condition, the doctor advised us not to mention something that will trigger his memories back for the meantime. ‘Yon daw kasi ang naging dahilan kung bakit sumakit nang sobra ang ulo niya, e. May iba pang ibinilin ‘yong doktor bago ito nagpaalam. Lumabas na kaming lahat sa kwarto ni Zach para hayaan siyang magpahinga. Habang naglalakad ay parang matutumba ako dahil sa panghihina. Nakatingin lang ako sa kawalan as I blamed myself for what happened to Zach. Kung hindi ko siguro nabanggit ‘yong tungkol sa mga portrait na ipinadala niya sa akin ay hindi niya gugustuhing makita ang mga ‘yon at hindi niya pipilitin ang sarili niyang makaalala. Natigil ako sa aking pag-iisip nang maramdamang may yumakap sa akin. “We are not blaming you, so please don’t blame yourself, Sariah. Hindi mo kasalanan at mas lalong hindi mo ginusto ang nangyari.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD