CHAPTER 10

3518 Words
"Nasaan na ba si Frea? Don't tell me late na naman iyon. Mag i-istart na ang fun run, e, wala pa siya. Lagot talaga sa akin 'yon," tanong ko kay Cjay at Rina na abala sa pag-contact sa kan'ya. Today is the second day of our foundation day. Ngayong araw rin gaganapin ang fun run kung saan kami naka-assign for documentation. Nandito na kami sa venue ng event at iniintay na lang na magsimula ang takbuhan at pati na rin si Frea. "On the way na raw," sabi ni Cjay sabay tago ng cellphone sa bulsa. Ang babaeng ‘yon talaga, kahit kailan palaging late. ‘Pag ‘yon talaga naging mas maaga sa usapang oras, magpapa-party ako. Habang naghihitay, nagpa-braid muna ako ng buhok ko kay Rina. Pagkatapos ay sinuot ko 'yong bucket hat na ipinahiram sa akin ni Aly para ‘di masyadong mainitan ang ulo ko. Nakalimutan ko kasing magdala, e. After five minutes of waiting, dumating na rin sa wakas si Frea. She gave us an apologetic smile. "Sorry guys." She made a peace sign. "Akala ko wala ka nang balak pumasok, e.” I rolled my eyes. “Nakisabay lang kasi ako sa pinsan ko, e, nasiraan siya. Kanina pa sana ako," she reasoned out. “True ba?” dudang tanong ko. “Gaga, aminado naman ako ‘pag late ako, a?” “Whatever.” Hindi na ako nakipagtalo at pinapuwesto ko na sila sa mga assigned area nila at gano’n din ako. Maya-maya pa ay nagsimula na ang takbuhan kaya naman abala na kami sa pagkuha ng litrato. Nagsasaboy na rin 'yong mga organizers ng colored powder kaya naman madami ang tumitigil para magpa-picture habang punong-puno ng iba't ibang kulay ang kanilang mga katawan. Kitang-kita sa kanila na nag e-enjoy sila sa event na 'to. Sayang lang at hindi kami kasali pero okay lang din kasi mukhang hassle magpalit pagkatapos, e. Bandang tanghali na nang matapos ang fun run kaya naman tirik na tirik na ang araw at nakakaramdam na kami ng pagkauhaw at gutom. "Ang init, my God!" reklamo ni Frea pagkapasok ng sasakyan ni Cjay habang pinapaypayan ang sarili. Nilakasan ko naman 'yong air-con dahil ako ang nasa passenger seat. After few minutes, pumasok na rin si Cjay at inabutan kami ng tig-iisang malamig na mineral water. "Thanks, hulog ka talaga ng langit," sabi ko at agad ininom ‘yon dahil sa uhaw. "Babalik na ba tayo sa campus or let's eat first?" tanong niya bago pinaandar ang kotse. "Kain muna tayo kahit sa fast-food lang. Meron ditong malapit, e," sagot naman ni Rina na sinang-ayunan naming dalawa ni Frea. "Okay." Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap tungkol sa documentation na ginawa namin nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ‘yon sa bag at binuksan. I read Aly’s message telling me to head back at school after the fun run without any questions and objections. Huh? What's with him? Gaya ng sabi niya, hindi na ako nagtanong kung bakit at nagpababa na lang ako kay Cjay para sumakay ng taxi pabalik ng school. No'ng una, gusto nilang dumiretso na lang din at sa school na lang kumain pero pinigilan ko lang sila kasi nakakahiya namang abalahin pa sila dahil alam kong mga gutom na sila and it will take half an hour para makarating sa campus. Past twelve na nang makarating ako sa booth nila Aly at hingal na hingal dahil tinakbo ko 'yon mula main gate dahil wala akong dalang payong at ang sakit sa balat ng araw dahil tirik na tirik iyon. Agad akong dinaluhan ni Keighan nang makita niya ako. "Oh, Khyrss? What happened to you?" Inabutan niya ako ng malamig na tubig. "Minarathon mo ba 'yong fun run venue hanggang dito?" sunod na tanong niya pa habang inalalayan ako paupo. Habol hininga pa rin ako pagkatapos uminom ng tubig habang pinapaypayan ang sarili. Napakainit, para akong iniihaw! Bigla namang sumulpot si Dreiden mula sa kung saan at itinutok sa akin 'yong mini fan na hawak niya.  "You're blushing." He smirked. "At buong mukha pa. Does it mean... you like me very much?" Binatukan siya ni Keighan. "Dude, what the hell?!" reklamo niya habang hawak ang parte ng ulo kung saan siya nabatukan. "She run under the scorching sun, so her face was already in that shade even before you came." "Why so serious? Bumabanat lang naman ako, epal ka." Humila si Dreiden ng upuan at tumabi sa akin. "Khy, bakit ka nga pala naandito? Na-miss mo ba ako at 'yong kagwapuhan ko?" Tinaas-baba niya 'yong kilay niya bago inilapit ang mukha sa akin. "Heto, magsawa ka." He smiled at me, showing his perfect set of teeth. Napaatras ako. Kahapon ko lang siya nakilala pero sanay na agad ako sa gan'yang banatan niya kaya hindi ko na lang 'yon pinansin. "Nope. I'm here because Aly told me to come here. So, where is he?" I roamed my eyes around the tent pero hindi ko siya nakita. "He's on his way here. Umuwi kasi siya kanina kasi may pinapakuha 'yong Mommy niya sa bahay nila," Keighan answered. Lecheng Aly, pinagmamadali akong pumunta rito tapos wala pala siya! Edi sana kumain muna ako. Inis akong napatingin sa reflection ko sa screen ng cellphone ko. Ugh! Ang haggard-haggard ko na tuloy! Nakakahiya naman sa dalawang pinanganak yatang fresh na nasa harapan ko. Mukha akong katulong ngayon! Napatingin ako kay Keighan nang naglahad siya sa akin ng tissue. "You're sweaty." "Thanks." I smiled at him. Napaka-gentleman naman ng mga kaibigan ni Aly. Nakakatuwa na ganito nila ako ituring kahit kahapon lang nila ako nakilala. Kinuha ko iyon at pinunasan ang tagaktak na pawis sa aking noo at leeg. Nagpaalam muna ako sa kanila upang pumunta sa cr para mag-retouch. Agad akong naghilamos pagpasok ko ng cr. After drying my face, nag-powder lang ako at naglagay ng kaunting liptint dahil maputla ang labi ko. Nagpalit na rin ako ng damit dahil basang-basa ang likod ko dahil sa pawis. I'm sure magagalit sa akin si Aly kapag nakita 'yon. Oa pa naman 'yong isang 'yon. Para siyang parents ko kung umasta. I gave myself one final look through the mirror at nang makuntento, bumalik na ako sa booth nila Aly at naabutan ko siyang nag-aayos ng pagkain sa lamesa. Amoy na amoy ko kung gaano kabango 'yong mga pagkaing inihahain niya at mas lalo akong nagutom dahil doon. "You must be hungry." He gestured to me to sit. "That's because you rushed me here. Bakit ba, ha? Aly, if that's nonsense, I'm telling you, malilintikan ka sa akin." I glared at him.  He grinned at me. "I'm sure if you know the reason why I called you here, it will take you over the moon." "Why nga?" Curious, I arched my brow. "To feed you with these." Itinuro niya 'yong mga pagkain na nasa table. "What?" My forehead creased. "Is that all? Aka—" he cuts me off. "As requested by my brother because that’s his favorite food and he wants you to taste it, so he taught mom that recipe when she was in Canada last week just to have her cook for you." Nasapo ng dalawa kong kamay ang aking bibig, hindi makapaniwala sa sinabi niya. "You're not kidding me, right?" I beamed; my heart started to pound harder. "I'm not! You can check our conversation if you want proof. He said Mom's gonna cook and he asked me to bring them to you." "That was so sweet... Why would he make such an effort?" Wala akong ibang masabi. Aly's right. I'm so over the moon right now. "Wow, there are times you're too confident about his feelings for you when he hasn’t done anything yet for you to think so. Pero t'wing nagbibigay siya ng mga ganitong bagay, tatanungin mo ako kung bakit? Come on, Khyrss. You know it yourself why. Tss."  Agad ko iyong tinikman at lasang-lasa ko kung gaano iyon kasarap. Hindi ko na nasagot 'yong sinabi ni Aly dahil natuon ang buong atensyon ko sa pagkain. Umiiling-iling na tinalikuran na lang niya ako. Ang sarap talaga magluto ni tita, paano pa kaya 'pag version ni Zach ang matikman ko? My God! I can't wait for that moment to happen! Napaka-husband material naman pala talaga ng future husband ko. Nakaka-inlove talaga sa lalaki 'yong marunong magluto. Pero kahit hindi naman siya marunong magluto mai-inlove pa rin ako sa kan'ya. Why not? He's Zach, for Pete's sake! After finishing my meal, I immediately call Zach. It took a few rings before he picked up my call. "Hey," he breathed. Nailayo ko ang cellphone ko mula sa aking tainga. God, ang sexy! I was about to thank him pero nagsalita ulit siya. "Have you eaten your lunch?" "Yup. That's the reason why I called you. I just want to say thank you for the food. I really enjoyed it so much." "You should thank my mom instead of me. She’s the one who cooked that for you.” “Kahit na, idea mo pa rin naman ‘yon. You also deserve the credit. I’ll just thank tita later when I go home.” “How's the food, by the way?" "It was so delicious. Tita is such a good cook, but I also want to taste your version." I pouted as if he could see it. He laughed.  "I'm serious." I frowned. "Come here, then." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Kapag ako talaga nakapunta riyan. Baka magulat ka na lang one of these days kumakatok na ako sa bahay niyo. Sige ka." "You're not serious, are you?" "Lagi akong seryoso pagdating sa'yo." I heard him choke. "Hey, are you okay?" "Yeah, yeah." Natawa ako. "Still not used to my random punchlines, huh?" "Napaka-straight forward mo naman kasi." I smiled. Nakaka-inlove talaga siya magtagalog. Straight na may kaunting Canadian accent. Ang sarap pakinggan. "Don't worry. Ako rin naman hindi pa sanay ‘pag nagtatagalog ka. Na-aattract pa rin ako." I laughed. He suddenly became silent. "Hey, still there?" "Yup." "Are you busy? Am I bothering you?" "Nope." "Bakit bigla kang natahimik?" "Nothing. I just want to hear you talk." Napangiti naman ako. "Ikaw ha, ang sweet-sweet mo na these past few weeks. Pinapakilig mo na ako masyado. Siguraduhin mong papanagutan mo ako, ha." I said jokingly.  "Lol." "Sus! Lol-lol ka pa riyan. Seryoso ako! Kapag ako ginhost mo, susugudin talaga kita riyan sa Canada." "Okay, then, I will. Gusto mo ngayon na?" “Igo-ghost mo talaga ako?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kan’ya. “Yup, para sugurin mo ako rito sa Canada.” Napakagat ako sa aking labi. “At bakit gusto mong sugurin kita riyan, ha?” “So, I can finally meet you.” Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso ko sa loob ng aking dibdib. Hindi ako nakaimik. “You seem speechless.” He chuckled. “Akala mo ba ikaw lang ang marunong bumanat?” “Hoy, ang landi mo na! Kanino ka natuto niyan, ha?” kinikilig na sabi ko. “Sa’yo. Bakit, ayaw mo ba?” Natawa naman ako. “Sure ka bang sa akin ka natuto?” “What do you mean by that?” "Baka sa iba mo natutunan, e. May naging girlfriend ka na ba?” “If I ended up courting you and you agreed to be my girlfriend, you’ll be my first.” Lalong lumawak ang ngiti ko, kulang na lang ay mapunit na ang mga labi ko. Improving na talaga ang status namin. Dati ako lang ang bumabanat, e. Ngayon nakikipagsabayan na siya. Nakakakilig, mygosh! “Zach, ano ba? Tinatanong ko lang kung nagka-girlfriend ka na ba. Bakit may gan’yang atake, ha? Pina-paasa mo ako. Hindi ako papayag na hanggang talking stage lang tayo. You need to take responsibility for your words and actions.” I bit the inside of my cheeks. Kinikilig kasi talag ako and I’m trying so hard to stop myself from screaming. Nakakahiya, ang dami pa namang tao, baka isipin nila baliw ako. Pero totoo naman na baliw ako, hindi ko iyon itatanggi. I’m so crazy for Zach. “Pero sure ka bang wala ka pang naging girlfriend? O baka naman ayaw lang mo sa commitment kaya wala?” taas kilay na usisa ko. I just want to make sure though I never heard he had one. “It’s not like I don’t want commitment. It’s just that… I haven’t met the girl whom I wanted to be committed to.” “Oh, really? Choosy ka pala. Hayaan mo, makakakita ka rin ng babaeng para sa’yo kapag nagkita na tayo.” “See you soon, then.” I heard him chuckle. “Zach!” Nasapo ko ang bibig ko nang napalakas 'yong sigaw ko no'ng pangalan niya. E, kasi naman, pansin niyo ba na kanina pa siya bumabanat sa akin? Nagugulat na lang ako sa mga lumalabas sa bibig niya, e. Nahihiyang ngumiti ako sa ibang customer sa booth nila Aly na nakatingin sa akin bago ibinalik ang atensyon kay Zach na nasa kabilang linya. “Ang galing mo magpakilig ha. Baka mamaya kaya ka gan’yan ay igo-ghost mo na pala ako. Teka, may na-ghost ka na ba?” "None?" "Ba't parang hindi ka sure?" He laughed before answering me. “I’m sure... there’s no one because I never talked to anyone before you." "Oh, you're so loyal to me, huh?" He laughed again. Aba't! Hindi naman ako nagpapatawa, e! "Ikaw? Have you done it before?" he asked back. "Ha! Ako pa talaga ang tinanong mo, ha. Syempre naman!" "How many?" "I don't know. Hindi ko na matandaan kung ilan." Frea and I love to do that. Paramihan kasi kami kaya hindi ko na talaga matandaan kung ilan 'yong na-ghost ko. So, t'wing may mag me-message sa akin, magrereply ako for 3-5 days then igo-ghost ko na. Ang boring kasi mag-social media kapag walang kalandian 'di ba? Pero boring din patagalin. Si Zach naman kasi talaga ang gusto kong makausap kaso hindi niya pa ako pinapansin dati! "Oh. So, you love to play other people's feelings, huh?" I hinted something in his voice.  "Hoy, grabe naman choice of words mo! I'm not playing with their feelings, ha? I'm just nice enough to reply to their messages. Ayaw ko lang talaga patagalin pa kaya gino-ghost ko sila. Atsaka, ikaw 'yong gusto kong kausap noon kaso you're ignoring me." I frowned. "Are you implying that it's my fault?" "At some point. Kasi kung pinansin mo ako dati pa, hindi sila dadami," biro ko. "Wow." I laughed because of his tone. "Wait, are you jealous?" I asked, amused. "No, I'm not. Why would I?" Sus, halata naman, e. 'Di ba? "At bakit hindi?" I shot back. I'm waiting for his answer pero hindi siya nakaimik. Gotcha! "Okay lang naman kahit hindi mo sabihin. I just want you to know na sa'yo lang ako seryoso. Kaya 'wag ka nang magselos. Hindi kita igo-ghost. Don't let that bother you, ha? Andito lang ako, maghihintay kung kailan mo ako liligawan. Pero ‘pag ‘di na ako nakapaghintay, ako na ang manliligaw sa’yo,” natatawang sabi ko pero seryoso ako roon. “Ano bang tipo mo sa babae? Ako kasi 'yong tipo ng babae na maganda lang. Walang masyadong talent maliban sa photography. Marunong naman ako magluto kahit papaano and edible naman. May pagka-madaldal rin ako at medyo flirt pero sa’yo lang naman tapos no boyfriend since birth. Kung manliligaw ako sa’yo, pasok na ba ako sa standards mo?” tanong ko.  “You’re exactly my standard,” he mumbled. Natigilan na naman ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong na-speechless ngayong araw dahil sa kaniya.  I didn't misheard what he said, right? He really said that I'm his standard, right?  I can feel the butterflies gone wild in my stomach. Kanina niya pa ako pinapakilig. Kailangan niya na talaga akong panagutan.  “Hey, still there?” He asked, chuckling. Hindi agad ako nakaimik dahil pinoproseso pa ng utak ko ang mga kalandian niya ngayong araw.  “Ano'ng nakain mo ngayong araw?” curious na tanong ko pagkatapos ng ilang minuto. “Why are you asking?” “Papadalhan kita kada oras para palagi kang gan’yan.” He laughed at me. “Zach naman, e! Seryoso ako. Pinagti-trip-an mo ba ako?” Feeling ko kasi talaga kanina niya pa ako pinaglalaruan, e. Kanina pa siya bumabanat, tapos itinatanggi niya na may gusto na rin siya sa akin. “Seryoso rin ako…” he trailed off. I bit my lip to stifle a smile. “Sabi ko na, e. May gusto ka na talaga sa akin.” Hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako. “Ano pang hinihintay mo? Bakit ayaw mo pa akong ligawan? Sasagutin naman kita, e.” Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. “Inaantok na ako, talk to you later. Bye, Sariah.” “Hoy, Zach! Mamaya ka na matulog, sagutin mo muna ang tanong ko! ‘Wag mo akong takasan. Umamin ka muna sa akin!” Napanguso ako nang pinatay na niya ang tawag. Hmp! Sigurado akong hindi pa siya inaantok. Alam ko ang boses niya ‘pag inaantok na siya, e. Gusto niya lang akong takasan! Pero okay lang naman kahit hindi niya direktang aminin sa akin na may gusto na rin siya sa akin. His actions and words are enough to assure me that he likes me too. Kaunti na lang, mapapasa’kin ka rin, Zach.  Buong araw maganda ang mood ko kaya naman kahit saan ako ayain nila Frea ay sama ako nang sama nang walang reklamo. I even treated them sa isang booth ng desserts. Nagtataka nga sila kung bakit, e. Kaya bago kami umuwi, kinulit muna nila ako kaya nai-kuwento ko sa kanila. Kilig na kilig naman ang mga gaga. Magkaka-boyfriend na raw ako, finally. Last day of foundation week came at sinulit talaga namin 'yon. It's our last na kaya! We visited almost every booth and we also joined a lot of fun activities since we're done with our task yesterday. "Oh, my God! Look at your face here, you're so pissed!" Frea laughed at me. I rolled my eyes at her. We're in cafeteria right now to have our lunch. At sobrang inis na inis ako kay Frea kasi kanina pa niya ako pinagtatawanan. I don't know why pero may jail booth pala tapos nahuli ako, my goodness! Pang-high school lang 'yon, e! Tapos ang nakakainis pa ro'n, may mugshot pa! At 'yon 'yong kanina pang pinagtatawanan ni Frea. I'm so freaking pissed right now. "Delete mo 'yan, g*go!" I was about to snatch her phone pero lumayo siya sa akin. May pinagpipindot siya sa cellphone niya bago lumapit ulit sa akin. "Look at your messenger. Ang ganda mo kaya ro'n." She wiggled her eyebrows. I glared at her following what she instructed. She's right, though. Ang fierce ng tingin ko sa camera kasi naiinis talaga ako because it was so ridiculous for me! Inis na ibinaba ko 'yong phone ko at inerapan siya bago pumunta sa counter at um-order na lang ng pagkain. Napakunot ang noo ko kay Frea dahil nakangiti siya sa akin habang papalapit ako sa table. And there's something in her smile. Alam niyo 'yon? 'Yong ngiti ng kaibigan niyo ‘pag may ginawa sila behind your back. I smell something fishy here. Ano kaya ang ginawa ng isang 'to? Napatingin ako sa cellphone ko nang mapansing nakataob iyon which is hindi naman ganoon iyon nang ibaba ko kanina. Oh, my God! Dali-dali kong tiningnan ang messenger ko at hindi nga ako nagkamali, she sent my photos to Zach! At may message pa! 'Practicing my mugshot because I'm about to steal your heart ❤' F*cking Franzyn Eallana! I was about to delete it pero huli na ako dahil nakita na ni Zach! And he's already typing his reply. Zach: You don't have to steal my heart; I'm willing to give it to you. I read his reply once again. You don't have to steal my heart; I'm willing to give it to you. And again, You don't have to steal my heart; I'm willing to give it to you. And again. You don't have to steal my heart; I'm willing to give it to you. My heart skipped a beat. Sh*t! I'm not hallucinating, right? He really said that, right? Huminga ako nang malalim, trying to calm my system. Nakatitig lang ako sa reply niya at paulit-ulit iyong binabasa because I couldn't find the right words to reply to him and my hands are also trembling. Ang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko dahil hindi ko ine-expect 'yong reply niya. Kahapon pa siya banat nang banat, ha! Baka masanay ako! He's still inside our conversation, probably waiting for my response.  Few minutes had passed pero hindi pa rin ako nagre-reply kaya naman nag-type ulit siya ng panibagong mensahe. Zach: I'm just kidding My face fell. Punyeta ka Zach! Pinaglalaruan mo ba ang feelings ko, ha? I just hit the like button bago padabog na ibinaba ang cellphone ko sa lamesa. Leche!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD