Nag kalad lakad pa kami hanggang marating ang pinakadulo ng buong sakop ng Falls. sahil sa lapad nito may mga kubo na pwedeng mahingahan ng mga namamasyal. At my ginawa di sila maliit na daan maraming poste na tuwing gabi nag iilaw ito. Na abot namin ang dulo ng hindi nag uusap. Tiitiis ko lang ang ganito para makabayad na ako sa kanya. Malapit ng dumilim kaya nag pasya na kami bumalik sa Mamboo. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya tumakbo kami sa isang bukong pahinghan. Dumukot sya sa bulsa at inabot sakin ang panyo. Kinuha ko ito ang pinunas sa parte ng katawan kong nabasa ng ulan. Nakaramdam ako ng lamig bahagya nabasa ang damit ko sabayan pa ng malakas na hangin. Pinunasan nya ang camera gamit ang kanyang damit nang matuyo na ito saka nya pinasok sa bag at nilapag sa sahig ng kubo. Palipasin na muna natin ang ulan bago tayo lumabas ng kubo. Ano pa nga ba, ganun na nga yon. Upo ako na yakap yakap ang sarili. Inabot ko sa kanya nag panyo at pinunas nya din ito sa ulo at braso na basa. Pagkatapos sinampay upang matuyo. Ngunit nakalipas na ang isang oras matuloy pa ding bumuhos ang malakas na. Madilim na ang kapaligiran liwanag nalang ng mga ilaw na nagmula sa poste ang nagpapaliwanag sa daan. May ilaw din naman sa loob ng kubo kaya maliwanag ito. Tila walang ganang huminto ang pag buhos ng ulan. Mag alas osto na ng gabi. Kinuha ko ang phone sa maliit kong sling bag at pinailaw ito ngunit walang signal. Binalik ko ito sa bag at tahimik na nakiramdam sa labas ng kubo. Nang biglang may malakas na tunog. Napayaka ako sa gulat. Oppsss sorry,, agad akong kumalas sa pagyakap sa kanya. Tiningyan nya ang kanyang phone. Wala pa din signal paano tayo magpapasudo. Malakas pa ang buhos ng ulan. Muling sinuksok ang phone sa bulsa ng pantalon. Hindi sya mapakali dahil madilim na at lumalaim ang na ang gabi. Napapakamot nalang sya. Mukhang naiinis na din. Bigla na naman kumulog sa ng malakaa kaya napatayo ako at lumapit sa kanya. Maya maya din ay lalayo na ako. Medyo takot ako sa kulog at kidlat. Bago pa man ako nakalayo may malutong na tunog ng kidlat. Kaya napatalon ako sa kanya. Luke! mahigpit akong yumakap sa kanya. Nanginginig na din ako sa takot. At may kasunod pa pakiramdam ko nasa labas lang ang kidlat. Bulong ko sa kanya na may nginig na ang boses. Agad naman akong niyakap ng mahigpit ni Luke. Psssstttt,,, wag ka matakot hindi tayo matamaan ng kidlat dito tayo sa loob ng kubo. Bababa na sa ako ng biglang kumidlat ulit kaya napasigaw ako at lalong napahigpit ang yakap sa kanya. Kasabay ng malakas na tunog ang pag patay ng ilaw. pagdilat ko ng aking mata wala na akong nakikitang liwanag. Luke,, natatakot na ako. bulong ko sa kanya. Umupo si Luke sa sahig ng kubo. Habang buhat buhat ako. Dinukot ang bulsa nilabas ang phone at pinailaw. Ramdam nya ang nginig ng katwan ko. Nakakahiya man ang posesyon ko pero wala akong pakialam. Basta na tatakot ako.
Ayan maliwanag na hindi kana dapat matakot. baka maya magsindi na yong ilaw. Pero hindi pa din tumitigil ang ulan. Baka gusto mo nang lumipat. Namamanhid na ang hita ko ang bigay mo kaya. Saka lang akong umalis sa kandungan nya. Pero nakakapit pa din ako sa braso ni Luke. Maya maya ay sunod sunod na naman ang kulog at kidlat. Halos kumawala na ang puso sa kinalalagyan nito ang lakas ng t***k, nangingig pa din ang katawan ko. Lalong akong dumikit kay Luke hindi na ako lumayo pa sa kanya. Mahigpit nya akong niyakap. Habang ang dalawang kamay ko nakatakip sa magkabula kong tainga.Hindi ako sanay sa ganitong panyayari.
Bea ang init mo may lagnat kaba? Nilagay ni Luke ang kamay sa noo at leeg ko. Sh***t mainit mataas ang lagnat mo Bea. Sandali! bumitaw ito sakin at agad na naghubad ng t-shirt. Bigla akong nataranta kahit na nanginginig pa lumayo ako sa kanya. Hoy! anong ginagawa bakit ka nag huhubad. Bastos ka talaga Luke. Wag kang lumapit. Pilit akong lumalayo. Sa liit ng kubong ito mabilis nya ako mahabol. Wag! Luke maawa ka sakin. Pero kahit anong sigaw walang makarinig sakin. Malakas ang ulan at malayo pa ang kubong ito. Nagpupumiglas ma din ako sa kanya. Luke! Ano ba! bitiwan mo ako. Tulong! tulong!
Bea! ano ba! wag ka nga malikot mataas ang lagnat malikot kapa. Walang gawing masama sayo! isusuot ko lang itong t-shirt sayo para hindi ka ginawain. Para kang kakatayin sa kakasigaw mo. Tumigil kana! mapapagod kalang. Napahinto ako sa pagsikaw ng dahan dahan nyan pinasuot sakin ang damit nya. Kala ko kasi may gagawin ka eh. Hindi lahat ng lalaki gaya sa iniisip mo.Iba ako sa kanila. Sorry,, naupo ako ulit sa sahig binaluktot ang mga tuhod ang pinasok sa malaking t-shirt ni Luke. Maya maya dumilim ulit ang kapaligiran. Nalow batt na ang phone ni Luke. Luke! tawag ko sa kanya. Kinapa ko sa dilim si Luke gumapang ako sa kinaroroonan nya. Luke,, bigla nalang akong hinatak nito papalapit sa kanya. Ah!! ano ba! dahan dahan naman. Lalapit ka din pala eh inantay mo pang dumilim ang paligid. Bulong nya. Magkatabi kaming naupo sa sulok at nakiramdam sa labas malakas ang hangin at patuloy ma din ang pagbuhos ng ulan. Binuksan ko ang bag at kinuha ang phone. Nagbabasakaling may signal na pero wala pa din. Maghahating gabi na nagugutom na din ako. Luke ano kaya kung sumugod na tayo sa ulan? Susugod? paano kung kumulog at kumidlat ulit saan tayo magtatago aber! Medyo mataas na ang boses nito. May lagnat pa ka paano kung hindi tayo makarating ng Mamboo agad medyo malayo ito seguradong basang basa na tayo bago makarating doon. Paano tayo aalis dito ne hindi nga tayo nagkakitaan ng mukha madilim ang paligid. Paano kung may mga punong natumba sa daraanan natin. Lalo lang tayong mapahamak Tingnan mo nga ang sarili mo nanginginig kapa. Sapalagay mo kakayahin mo Bea? Sermon nya sakin. Nagugutom na kasi ako Luke kahit tubig wala tayo. Ramdam ko na ang panunuyo ng labi ko. Kahit ako nagugutom na din. kelangan natin magtiis, Ilang oras nalang. Pagkaliwanag mamaya aalis na tayo agad. Wala na akong nagawa pa sumandal ako sa balikat nya. Patuloy pa din akong nanginginig at ramdam ko na ang init sa ng aking paghinga. Hinaplos haplos ni Luke ang likod upang makadakdak ng init. Lalo uminit ka Bea . Agad nyang pinaikot ang dalawang nya sa likuran ko. pati ang dalawang hita nito. Magkaharap kaming dalawa habang nakasubsub ako sa dibdib nya. Matigas ang mga muscles nya ilang pandesal kaya ang meron sya? napapatanong ako sa sarili ko. May naamoy din akong pabango. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata. Komportable ako sa ganitong poseston namin nakakulong sa kanyang mahahaba at malaking braso.
Jane
Naku! sir Karl magdidilim na pero hindi pa din sila nakabalik. Madilim ang kalangitan nagbabadya ang malakas na ulan. Baka pabalik na mga yon hindi naman seguri magtatagal ang ulan na yan. Marami silang masilungan sa loob wag kang mag alala Jane makakabalik din sila. Pabalik balik si Jane sa loob at tinatanaw tanaw kami habang nakikipag kwentohan kay Mang Norman. Hindi ito mapakali sa pag alala samin. Hanggang sa umuwi na si Mang Norman pero wala na sila. Ano na kaya ang nangyari sa kanila. Mapapagalitan ako nito ni nanay eh. Ate! saan na ba kayo? Madilim na ang kapaligiran sinindihan na din ang mga ilaw sa poste. Humahaba na ang leeg mo kakasilip sa kanila. maya maya lang nandiyan na sila. Wag kang mag alala. Biglang bumuhos ang malakas na ulan . Huh! ang lakas Sir Karl paano na sila? Titigil din yan at maliwanag naman ang daan ng buong area kaya makakabalik ang mga iyon. Pilit kong kinakalma ang sarili halos mahigit isang oras na pero hindi pa din tumigil ang ulan. Malalakas din ang kulog at kidlat. Sarado na din ang Mamboo resto dahil sa lakas ng ulan. Palakad lakad ako sa loob bg Mamboo at pasilipsilp din sa pintuan. Maghahating gabi na pero wala pa din sila. Ang ibang staff ng Mamboo hindi na din nakauwi dahil inabotan sila ng malakas na ulan. Kaya may kasama ako. Nakakaidlip ako sa upuan nagigising ako sa tuwing kumukulog. Halos buong magdamag akong gising sa pag alala sa kanila. Nag magliliwanag nagpasya na si Sir Karl na hanapin sila nagpatulong kami sa tagalinis ng Water Falls. Bitbit ang ang payong at balabal sumakay kanmi sa easy go cart upang mabilis kami makapag hanap. Patuloy pa din ang panak nakang mag ulan. Pero hindi ganun kadali ang paghahanap sa kanila. may mga sangang humaharang sa daan kaya mahinto hinto kami. Naghiwahiwalay ang lahat para maikot ang buong area ng Water Falls.
Luke
Niyakap ko si Bea. Ramdam ang ko ang panginginig nya hinihimas himas ang likod. Para makapagpahinga sya.
Hindi ko na pinapansin ang lamig, Ang iniisip ko lang kung paano maibsan ang panginginig na. Abot hanggang langit ang pag alala sa kalagayan nya. Habang yakap yakap ko sya sari sari ang tumatakbo sa isip ko.Nag aapoy pa din sya init. Halos magdamay nyang tinatawag ang mommy nya. Kung hindi ko sana sya dinadala dito. Hindi sya magkakasakit ng ganito. Nagmagliliwanag na nagpasya ako gisingin na sya. Bea, Bea, gising na babalik na tayo ng Mamboo. Pero hindi sya sumasagot. Nataranta na ako agad ko sya hiniga at tiningna subrang tuyot at mutla na ang labi nito. Bea aalis na tayo kaya mo bang tumayo? Umiling lang ito at hindi bumibitaw sa kamay ko. Nag uulan pa din paminsan pinsan kaya hindi ko pwede isugod sa ulan si Bea. Nag mag alas singko na tumonog ang phone nya. Agad ko itong kinuha sa bag at sinagot. Hello! ate nasaan kayo? tanong nang nasa kabilang linya. Jane si Luke ito nandito kami sa pinakadulong kubo. pakidalian nyo mataas ang lagnat ni Bea. Naputol na ang usapan dahil na lowbat na ang phone. Nakahinga ako ng maluwag sa wakas makabalik na kami ng Mamboo. Maya maya lang may narinig na akong huminto sa tapar ng kubo. Luke! Ate! tawag samin. Karl dito kami sagot ko. Agad na tumakbo si Karl papasok ng kubo. Luke ! anong nangyari. Inaapoy ng lagnat si Bea. Agad inabot sakin ang isang balabal binalot ko ito sa kanya at binuhat. Karl ang camera ko saka lubas ng kubo. Ate! Ate! ano ang nagyari sayo. tanong ni Jane habang hawak ang mga kamay nito. Jane ang tanging nasambit nito. Karl bilis! Kelanfan na ni Bea ang gamot. Bro hindi tayo pwede magmadala madulas ang daan at easy go cart lang ito. Bakit ba ang layo nang narating nyo. Nalibang kami sa mamasyal kaya napadpad kami sa dulo. Bilisan mo na at wag na magtanong pa. Tahimik kaming nakarating sa Mamboo dali dali kong binuhat si Bea at pinasok sa kwarto. Kumuha ng gamot at isang basong tubig. Puna inom ko sa kanya binalot ko sya ng kumot at hinayaan makatulog. Nilagyan ko din ng basang pempo ang noo para mapabilis ang pagbaba ng lagnat. Lumabas ako nh kwarto at nag punta sa kusina ng Mamboo naghanap ng kape, kumuha ng plato at pagkain umupo sa mesa. At sumubo dala ng matinding gutom kaya di ko nakapag yayang kumain. Luke mukhang pagod na pagod ah. Ano ba ginawa nyo magdamag.? Sinadya mo na gabihin kayo noh? Sira ulo! Nakita mong inaapoy ng lagnat si Bea kung ano ano pa ang sana isip mo. Huh! walang akong sinasabing ganyan bro, sabay tumawa ito ng nakakaloko. Magdamag ako gising sa pag alala sa kanya. Nabasa kami at nababad magdamag sa basang damit. Yon lang walang ibang nagyari Karl kaya wag kang mag isip ng kung ano ano. Magka iba kami ni James. Imposeble Luke! sabay hampas sa balikat nito. Bahala ka kung yan ang nasa isip mo. Basta walang nangyari.
Hello Miss Karen di muna ako makabalik ng Cebu hindi maganda ang panahon at my emergency dito sa Isla hindi ako pwede makaalis din hanggang hindi ito maayos. Copy Sir. Wala din naman beyahe ng eroplano Sir nag concel sila ng flight. Okay Miss Karen. Pinutol ko na at tawag ang nilapag ang phone. Binasa ko ulit ang bempo saka binalik sa noo ni Bea. Medyo nabawasan na ang init niya. Inaantok na ako pero walang akong magpwestohan. Sa couch naka pwesto si Jane tulog na din. Napuyat din sya sa mag alala sa ate nya. no choice ako kondi tumabi sa kanya ayaw ko naman sa ibang room. Para mamonitor ko ang kalagayan nya. Nahiga na ako sa kama na katabi nya. Tulog na tulog ma din ito . Nakatitig ako sa maganda nyang mukha at dahan dahang pinikit ang mga mata.
Bea
Nagising ako sa subrang gutom. Kinapa ang noo na may bempo. Medyo nahihilo pa ako dala seguro ng gutom at lagnat ko ito. Nakita kong tulog si Janes sa dating pwesto ni Luke. Luke? napatingin ako sa kanya. Bakit katabi ko ito.? Nakarap pa ito sa akin. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Mahimbing itong natutulog halata ang pagod at puyat . Hmmm poge pala sya matangos ang ilong manipis at mapupulang mga labi. Bumagay ang medyong makapal na kilay. makinis ang mukha at walang balbas. Nagbiglang sumakit ang sikmura ko sa gutom . Aray! Napabaluktot ako at nasagi kong mahimbing na natutulog. Agad itong dumilata ang mata at napatitig sakin. Gising kana pala. sabay ngiti nito sakin . Bakit may sakit ba sayo? Masakit ang tiyan ko hindi na din tumutigil ang pagdunog nya. Dali dali sya bumangon nilagay ang kamay sa noo ko. Medyo mainit ka pa din. Tumayo na ito wag kang lalabas ng kwarto ako na ang kukuha ng pagkain mo. Bumangon na din ako para umihi pero nahihilo pa dahan dahan akong naglakad papuntang banyo. Hindi talaga tumitigil angbtiyan ko sa kakatunog. Gutom na talaga ako. Tumingin sa salamin upang icheck ko ang sugat sa pagitan ng aking mga mata. Medyo mapula pa din. Suot suot ko pa din ang damit ni Luke. Paglabas ko ng banyo nandoroon na sya naghihintay. nasa maliit na side table ang isang mangkok lumapit ako sa kanya at naupo sa tapat ng maliit na mesa. Kinuha nya kutsara at sinalok sa lugaw hinipan ito sa sinubo sakin. Ako na nahihiyang sabi ko. Hindi ako na wag kanang makulit pa. Dahil gutom na talaga ako hinayaan ko nalang sya sa gusto nya. Nang patapos na ako kumain binigyan nya ako ng gamot at isang basong tubig. Thank you, mahina kong boses. Ngumiti lang ito at lumabas na ng kwarto. Mag aalas dose na pala nag pasya na akong Gisung si Jane para makauwi na kami. Jane! Jane! gising okay na ako uwi na tayo. Nag inat sandali si Jane saka dumilat ng mata. Ate gising kana pala? Oo pero may lagnat pa din. Pwede na tayong umuwi. Ate hindibpa tayo masusundo ni tatay nasa manggahan pa sila malalaki pa din ang mga alon. Baka pwede naman tayo magpahatid nalang. Sege ate kung yan ang gusto mo. Ang baho ko na Jane pangalawang araw ko na itong damit ko. Nakakahiya na. Hindi pa din ako nag tototbrush. Sege magpapaalam ako kay Sir Karl. Nagbanyo muna si Jane saka lumabas ng kwarto.
Sir Karl pwede na kami seguro makauwi gusto na kasi ni ate eh. Pero wala pa ang magsusundo sa amin. Pwede po bang magpahitid nalang kami sa inyo? Sege medyo malapit lang naman kayo dito eh. Okay na ba si Bea? Medyo okay na daw po sya pero may lagnat pa din at mapula pa ang mga sugat. Sege kausapin ko muna si Luke. Para may kasama akong maghatid sa inyo.Thank you po.
Huh! uuwi na kayo eh may lagnat kapa hindi mo ba nakikita ang paligid umuulan pa. Papaano kung lalagnatin ka ulit ng ganun kataas sino mag aalaga sayo. Wala kayong kasama sa bahay nyo. Nandiyan naman si Jane ah. Bakit tatay ba kita na kaano ano mo ba ako bakit ayaw mo akong umuwi. Okay na nga ako Luke, kaya ko na ang sarili ko. Hindi kayo makakauwi hanggang hindi ka pa magaling hihintayon nyo ang sundo nyo dito. Parang amay sya kung mag utos na hindi nababali. Nagpapadyak ako sa loob ng kwarto Luke ano ba! sigaw ko bakit ayaw mo eh gusto ko na nga makauwi. Gusto ko nalang maligo at magtoothbrush. malagkit na ang katawan ko.! mahirap ba intindihin yon ha! Napanganga sya sa sinabi ko. Ahh ehhh yan lang pala problema mo. Sege maghahanap ako basta hindi pa kayo pwede umuwi. Sabay labas nito sa kwarto naiwan akong nakasimagot sa loob. Maya maya nagbukas ang pinto at pumasok si Jane. Ate ,, ayaw pumayag ni Sir Luke. Paano yan? kahit ako ate malagkit nadin ang pakiramdam. Kala mo tatay eh ! magaling na nga ako eh nakapaglakad na ako hindi nabdin ako nahihilo. Konting lagnat nalang mawawala na din ito. Kakainis talaga!! Basta bukas sa ayaw at sa gusto nya uuwi na tayo kung walang maghahatid di maghanap tayo dyan sa labas ng maarkelahan para maghatid sa pauwi. Maya maya may kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Jane isa sa mga staff ng Mamboo. Jane pinabibigay ni Sir Luke. Thank you ate ha. agad kong itong kinuha at sinarado na ang pinto., Mga gamit natin to ate bili ata ni Sir Luke. pwede na tayong maligo at magtoothbrush. Halos magkasing katawan lang si Jane at Bea. nauna nang maligo si Bea halos isang oras sya nagtagal sa banyo . tamang tama ang sukat ng mga damit pati ang damit pangloob. Halatang sanay sa babae itong si Luke pati sukat ng bra alam na alam eh. Mabulong bulong si Bea sa sarili nya habang naka tingin sa salamin. Lumabas na sya at naligo na din si Jane. Lumuwag na ang pakiramdam ni Bea dahil nakaligo na ito. kaupo sa gilid ng kama habang sinusuklay ang mahabang buhok. Kinuhana ang phone sa kanyang bag ngunit low batt na ito pero wala syang dalang charge. Hay! naku naman kasi naman Luke bakit ayaw mo kaming umuwi na . sambit nito. Hinayaan na lang nya ang phone na low batt at pinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok.