JONATHAN "Mukhang ang pangit ng gising natin ngayon, Jonathan?" puna ni Marco. Agad akong napatingin sa bungad ng pinto ng conference room. May meeting kasi kami ngayon kaya nandito kami at dahil sa wala ako masiyado sa mood, nauna pa talaga akong napunta rito. Ewan ba, ang pangit ng panaginip ko kagabi at kahit sa kalagitnaan ng gabi ay gusto kong puntahan si Belle. Para kasing may kakaiba at 'di ko mapaliwanag. Alam ko namang isang masamang panaginip lamang iyon ngunit kahit sa panaginip ay ayaw kong may kasamang ibang lalaki si Belle, lalo na't may kahalikan ito roon. Muli na namang namuo ang kakaibang selos sa sistema ko kaya hinilot ko na lang ang aking sentido. "Kanina ka pa raw tahimik, may problema ba, Jonathan?" Napatingin akong muli kay Marco na ngayon ay nakaupo na s

