11 | Her Sleeping Figure

2577 Words
First person's POV I stared grimly at her sleeping figure as I sat at the single sofa facing the bed where she sleep, still unable to process what I found out lately. Her face looks so innocent, mouth a bit open as she snore softly. The white thick comforter moved up and down back and forth as her chest moved along beneath, a sign that she's still breathing. So unlucky of her to be the daughter of traitors. Pathetic. What a mere woman. My brows furrowed as the merit I got lately came flushing back to my mind again. I sighed frustratedly. How could this be possible? I trust Max' skills, he could not be wrong. She's a pr*stitute, and by the means of prostitute... This is just so imposible! My phone suddenly lit up and rang, causing me to be back from my deep reverie. Mr. Gernale calling... I breathe deeply. Ugh! What does he need this time? This old man. I stood to my feet and marched onto the glass window. “What do you need?” I asked in a cold tone as soon as I answered the call. I heard him sigh faintly. “William, iho, I'm sorry if I disturbed you.” His words sounded ashamed. His usual calm personality never leaving the air. “Just go straight to the point.” I looked outside the window as I impatiently waited for him to spill. The different city lights glowed in the dark surroundings as if reflecting the bright stars above the sky, making a fascinating view of the night. People say, guys who appreciates and praise the beauty of the night sky is considered a hermaphrodite. But I bet to disagree, because s****l characteristics matters not when it comes to appreciation. “Is Eloiza with you now? She hasn't gotten back home since yesterday, she was with you at the event so I assumed she's still with you all this time.” Hope could be heard on his hoarse voice. Ow. I almost forgot that I'm talking with someone. Ugh. I pity him for having such a pain in the ass daughter. “No, she's not with me. She has a phone, call her.” I responded sarcastically. Why the f*ck would he ask me about his daughter's whereabouts? Do I look like his bodyguard? Over my hot dead body. He sighed audibly. “I already did, but she refused to answer several times.” His voice laced with overwhelming worry and terror. “I'll try to call her.” Just that and I ended the call. I let out a long, weary sigh. What a pain in the ass. I started dialing her phone number. And after a minute or so, I heard her flirtatious voice from the other side of the phone. “Hey, love.” She started. “Sa condo mo?” She added coquettishly. “Your Dad is looking for you, he is worried big time.” I said directly, not minding her flirtatious profess. “Aww, you do really care for me.” She uttered dramatically. I could already imagine her assuming facial expression. Ever so disgusting. “I never cared for anyone, never to someone like you.” I retorted, popping her growing bobbles. I heard her utter a dramatic neigh. “You're oppressing me again! Ayoko nang umuwi!” Ugh! This is so f*cking bullsh*t! “All right, I care for you. Umuwi ka na sa inyo.” I surrendered, trying to coax her. “Hmm! Oo na! Hindi naman kita kayang tiisin eh. Pero, bukas nalang ako uuwi.” This hardheaded flirt. “No, you must go home now. Or atleast call your Dad.” “It's already late, the road is too dark! And I don't want to call him yet.” She exclaimed stubbornly. “No, you must go home now.” “Ayoko! Unless...” Her words hang in the air. “Unless what?” I asked boringly. She grinned audibly. “Unless, sa condo mo ako didiretso. You know...” Ugh. God knows what my weakness is. And I would never get tired of f*cking, over and over again. The only ecstacy in my goddamn life. My best buddy. “Very well. Come fast.” I heard her beam in excitement audibly before I ended the call. The corners of my lips lifted up into a mischievous smirk. I glanced at my silver wrist watch. 10:56 I looked at the dark sky once again as I turned my back on it. And as I was about to make a step forward when I noticed a woman looking at me, her eyes big. Panic didn't became unnoticed on her face. “You're awake.” I stated calmly, yet unconcerned. “A-aalis na ako.” She stuttered, almost above a whisper. Her hair looked really like a mess. “You must eat first, I ordered some food. You look... tired.” I mumbled with a crossed arms. She shook her head. “A-anong oras na.” She asked, her eyes on the thick blanket covering her naked body. “One minute before eleven.” I answered after taking a single glance at my wrist watch. I looked at her confusedly when she suddenly panicked and got out of the bed hastily with the thick blanket to cover her body. I just don't understand women. Why do they tend to cover their body with blanket after f*cking with someone? Stupidity. “Kailangan ko nang umalis!” She exclaimed in terror. She picked her scattered clothes on the floor and started wearing those hurrily. “Ihahatid na kita.” I offered. Well, this is a once in a lifetime opportunity. Girls would die for my free ride, she should not decline my offer. “Hindi ko kailangan ng sundo, kailangan ko yung bayad! Sabihin mo nang makapal ang mukha ko.” She yelled, her back on me. Seriously? How dare her decline my offer in my very own facade! But anyway, I will need to act calm and a bit nice. I don't want to ruin my plan and end up getting my efforts into nothing. This is for him, after all. Huh! It's her loss, not mine. “Very well. Max is waiting for you at the lobby, he will give you the money.” I uttered. “Sino si Max?” She asked unknowingly and turned around to face me the moment she clothed herself. “The man who took you here.” I sat at the sofa calmly and crossed my legs. Her mouth formed an 'o' in realization. “Mauna na ako.” She uttered a farewell, barely above a whisper. She was about to open the wooden door when I remembered something. “Wait.” “I still don't know your name.” I informed the moment she turned her face to my direction. “Nicolette Villacorte.” She replied and immediately opened the door and exited, slamming the door shut. Nicolette Villacorte. Welcome to my h*ll. A playful smirk formed on my lips. First step, accomplished. ••• Astrid's POV Halos takbuhin ko na ang distansya ng ikalawang palapag patungo sa lobby ng hotel. Mabuti nalang talaga at wala nang tao sa bawat pasilyo, kung hindi ay baka pagkamalan pa nila akong magnanakaw dahil sa sobrang pagmamadali ko na parang hinahabol ng multo. Masakit parin ang gitna ng mga hita ko, pero pilit ko itong binabalewala. Bakit ba kasi ako nakatulog! Ni hindi man lang ako ginising ng lalaking iyon! Hatinggabi na pero hindi parin kami nakakauwi sa bahay! Isa pa yung bruhang yun! Kung hindi dahil sa kagagahan niya ay hindi sana mangyayari ito! Kahit papaano ay medyo nakahinga na rin ako ng maluwag nang makita ang lalaking nagdala sa akin dito na komportableng nakaupo malapit sa labasan. Lakad takbo ang ginawa ko palapit rito, nang makita ako nito ay agad din itong tumayo. Napansin ko ang hawak nitong puting sobre sa kaliwang kamay, sa tingin ko ay iyon na ang halagang ipinangako nito. “Here's the money.” Bungad nito sabay abot ng hawak na sobre. Agad ko naman itong kinuha, sinilip ko muna ang laman at siniguradong pera nga ang naroon. Nang makumpirma ay hinawakan ko ito ng mahigpit. “Salamat.” Agad na akong tumalikod pagkatapos magpasalamat at naglakad palabas ng hotel. Gusto ko pa sana siyang suntukin dahil sa ginawa niya kanina pero wag nalang muna. Pasalamat siya dahil sobrang nagmamadali na ako, kung hindi ay talagang makakatikim siya sa akin! Ilang metro palang ang layo ko mula sa hotel nang maramdaman ko na parang may nakasunod sa akin. Tumigil ako sa paghakbang at nilingon ito. Tinitigan ko ang isang pamilyar na itim na sasakyan, alam na alam ko kung sino ang lulan nito. Hinintay kong bumaba ito, hindi naman ako nabigo dahil ilang sandali lamang ay bumaba na rin ito mula sa sasakyan. “Let me—” “Pwede bang tigil-tigilan mo ako sa kaka-english mo kundi masasapak na talaga kita! Pareho lang kayo ng amo mo, eh!” Sigaw ko rito nang hindi binibigyan ng pagkakataong tapusin ang nais niyang sabihin. Kanina pa ako naiinis sa kaka-english nila! Hindi ba sila marunong magtagalog?! Problemado na nga yung tao eh! Ni hindi man lang ito natinag sa pagsigaw ko, nanatili lamang itong nakatayo ng tuwid, ang kanyang dalawang kamay ay nakasalikop sa kanyang likuran. “Ma'am, ihahatid ko na po kayo. Wala nang katao-tao sa lahat ng kanto. Baka may mangyaring masama sa inyo lalo na dahil may dala kayong pera.” Muntik na akong mapangiwi sa mahabang litanya nito. Marunong naman palang magtagalog. Ipinag-krus ko ang aking mga braso. “Paano naman may mangyayaring masama sa akin kung sabi mo nga e wala nang katao-tao sa bawat kanto?” Ismid ko. Gusto ko pa sana siyang tanungin ng 'Kalog ka ba?', kaya lang nakokonsensya ako ngayon pa lang. Ang sama ko talaga minsan eh! Nagmamagandang loob na nga yung tao! Hindi ito sumagot bagkus ay tumalikod at lumiko sa kabilang parte ng sasakyan. Binuksan nito ang pinto sa likod saka ako sinenyasan na sumakay roon. Gusto ko sanang tumanggi at sabihing maglalakad nalang ako, kaya lang naalala ko na nagmamadali nga pala ako. Saka, ayoko namang tumanggi sa grasya. “Ngayon lang naman.” Bulong ko sa kawalan bago naglakad patungo sa nakabukas na pinto ng sasakyan. Bago ako pumasok ay tumingin muna ako sa lalaking nakatayo lamang habang hinihintay akong makapasok, gusto ko lang siguraduhing wala siyang balak na dukutin ako. Nang tumango ito at wala akong maramdamang kakaiba sa kilos nito ay tuluyan na akong pumasok. Agad nitong isinara ang pinto at pumasok sa driver's seat. Komportable akong naupo. Ayos na sana kaya lang sobrang lamig! Pero ok lang, susulitin ko na ang pagkakataon dahil ito ang pangalawang beses na nakasakay ako ng kotse, at mamahalin pa! Kanina nang papunta palang kami dito ang kauna-unahang pagkakataon. Infairness, ang bango ng sasakyan niya! Tinitigan ko ito mula sa salamin. Hindi ko alam kung may sore-eyes ba siya kaya siya nagsusuot ng shades kahit gabi, o sadyang porma niya lang? Kalog din to eh! Huminga na lamang ako ng malalim at hindi na nangialam pa. Iisipin ko nalang na kahit papaano ay may utang na loob parin ako sa kanya dahil binigyan niya ako ng libreng sakay. Isinandal ko ang aking likod sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata. Ang sarap-sarap pala sa pakiramdam yung ganito, kaya pala madami ang nagsasabing napakaswerte ng mga mayayaman. “Ma'am, nandito na po tayo.” Naalimpungatan ako sa boses ng isang lalaki. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at nang maging malinaw na ang paningin ko ay umupo ako ng maayos. Naka-idlip nga pala ako. Lumabas ako ng sasakyan at napagtantong narito kami sa madilim na kanto kung saan ako iniwan kanina ni Ste— Si Stella! Inilibot ko ang aking paningin at nang walang makitang ni anino nito ay biglang dumagundong ang aking puso. Bakit wala pa rito ang babaeng yun?! Dapat ay nauna na siya rito dahil una sa lahat ay nauna siyang umalis at nakatulog pa ako sa hotel dahil estranghero na iyon! “Papunta palang din po siya rito. Huwag po kayong mag-alala.” Biglang sabi ng lalaking nagngangalang Max, tila napansin ang pagiging aligaga ko. Napatingin ako rito gamit ang nang-aakusang tingin. “At paano mo naman nalaman na may kasama ako at papunta palang siya dito? Paano mo rin nalaman na dito ako bababa?” Tanong ko, mahinahon ngunit matigas na para bang nasa isang interogasyon. Ayoko namang mag-akusa pero pakiramdam ko talaga may mali eh! “Bago pa makaalis ang kasama mo kanina ay narito na ako naghahanap ng babaeng pwedeng bayaran. Siya lang ang kasama mo kanina kaya inakala ko na siya ang hinahanap mo, nagkataon rin na nakita ko ang lalaking kasama niya na nasa lobby kasama siya noong sinusundan kita. Dito rin kita pinasakay kanina kaya dito rin kita inihatid.” Kalmadong paliwanag nito, walang mababakas ng kasinungalingan. Hindi ko namalayan na bumaba pala ito ng sasakyan. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Gusto ko pa sanang magtanong para makasiguro kaya lang baka ma-insulto na siya. Ayoko namang makasakit ng damdamin dahil lang sa pagiging praning ko, lalo na dahil nagmagandang loob pa siya na ihatid ako. “Salamat sa paghatid.” Tumango lamang ito at muling pumasok sa loob ng sasakyan saka ito agad na pinaharurot. Nang tuluyan na itong makalayo ay naglakad ako patungo sa waiting shed. Sobrang sakit parin sa gitna ng mga hita ko pero pinilit kong maglakad. Pagkarating na pagkarating ko sa waiting shed ay hindi na ako nagsayang pa ng minuto at agad na akong umupo sa sementong upuan nito dahil hindi ko na kayang tumayo ng matagal. Magkahalong sakit at hapdi ang nararamdaman ko pero pilit ko itong ikinukubli sa nakabusangot na mukha. Isinandal ko ang aking likod sa malamig na semento habang nakatanaw sa madilim ba kantong pinuwestuhan namin kanina para kapag dumating sila ay saka ko siya tatawagin, baka kasi hindi ko mamalayan ang pagdating niya at akalain niya pang iniwan ko na siya. At kung totoo nga na nakita niya si Stella at yung lalaki sa lobby ay paniguradong malapit na sila rito. T*rant*do rin yung mokong na yun eh, alam niya naman pala na kasama ko yun tas nakita niya pa. Sana man lang sinabi niya sa akin ano! Hindi parin nawawala ang antok ko, paminsan-minsan ay inuuntog ko ng mahina ang ulo ko sa tuwing pakiramdam ko ay talagang pipikit na ang mga maga ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko naaninag ang isang papalapit na kotse. Huminto ito sa madilim na kanto na binabaan ko kanina at lumabas mula roon si Stella sunod ay ang lalaking kasama niya kanina. Tiningnan ko siya ng maiigi, pustahan masakit din gitna ng mga hita ng bruha na 'to, hindi nga lang halata dahil maayos parin naman ang itsura niya! Ngayon ko lang din napagtanto na hindi namin kakayanin ang maglakad dahil pareho kaming bangag ngayon. Eh wala na ring sasakyan na tricycle o jeep na dumaraan kaya bahala na si Batman! Agad niyang inilibot ang paningin sa paligid at nang mapadako ang kanyang tingin sa aking puwesto ay ikinaway ko ang aking kanang kamay. Umaliwalas ang kanyang mukha sabay kibit ng balikat. “L*tche ka! Akala ko iniwan mo na ako!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD