15 | Consent

2106 Words
“KAILAN AKO magsisimula?” Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti, simula pa kanina nang kompirmahin niya ang sinabi hanggang dito sa sasakyan niya. Nagpresenta siya na ihahatid ako pauwi, gusto ko sanang tumanggi kaya lang nakakahiya, magmamagandang-loob na nga tapos ako pa 'tong choosy. Bukod dun, sobrang hapdi na rin sa balat ang init ng araw kumpara kanina kaya mapipilitan akong sumakay ng tricycle. E, sayang naman pamasahe, ibibili ko nalang ng ulam namin mamaya. “Tomorrow.” Maikling sagot nito habang nakatingin sa daan. Tumango nalang ako ng ilang beses at itinikom ang bibig. Gusto ko sanang tumawad ng ilang araw kaya lang baka bawiin niya naman yung inalok niyang trabaho kaya wag nalang. Hindi na ako muling nagsalita pa hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang parte na sinabi ko. Akmang bababa na ako nang marinig ko itong magsalita kaya awtomatiko akong napalingon sa direksyon niya. “One more thing, bring almost all of your belongings, as much as you can.” Rekta akong napatigil sa sinabi nito. Teka, hindi naman sa nagrereklamo ako pero ibig niya bang sabihin ay sa bahay niya ako mamamalagi habang pinagsisilbihan ko siya?! Hindi naman yata patas 'to! Hindi ko naman pwedeng iwan sa bahay si Mama at ang kapatid ko! “B-bakit?” Hindi ko napigilan ang mautal. “I'm sorry if I haven't informed you, that I will be flying back to Manila with you as my personal maid. We will leave three days from now.” Tuluyan na akong natulala sa narinig. Lumutang ang isip ko habang naglalaro ang mga posibleng maging reaksyon at maramdaman ng pamilya ko. Ginusto ko naman to, pero bakit parang gusto ko nang umatras? Alam kong para 'to kina Mama at Debora, pero ayoko din silang iwan ng sila lang. “Hey, you okay?” Tanong nito, hindi ko alam kong nag-iilusyon lang ba ako nang makita ko ang bahid ng pag-aalala sa kanyang ekspresyon sa mukha, maging sa boses niya. Hindi ako agad naka-imik. Mahigit isang minuto ang inabot bago ako nahimasmasan. “Pwede bang humingi ng pabor?” Walang pag-aalinlangang tanong ko. “What is it?” Walang mababakas na emotion sa mga mata nito habang nakatingin sa akin, naghihintay sa sasabihin ko. Huminga muna ako ng malalim saka kinalma ang naghuhuramentadong puso. “P-pwede ba na sa lunes nalang ako magsimula? Ayos lang kahit bawasan mo yung sweldo ko!” Alam kong nagmumukha na akong desperada sa harap niya, pero wala na akong pakialam. Hindi siya agad nag-react. Hinintay kong bumuka ang kanyang bibig habang palihim na nagdarasal na sana ay pumayag siya, at sana...hindi niya maisipang bawasan ang sahod ko. “Fine. Monday. Eight AM sharp. At this place.” Ma-awtoridad na sabi nito. Sa kabila ng nakakatakot nitong boses ay nakaramdam ako ng magkahalong tuwa at lungkot. Lungkot, dahil pansamantala kong iiwan ang mga mahal ko sa buhay. Masaya, dahil sa wakas ay may marangal na akong trabaho at hindi ko na kailangan pang itago sa kapatid ko kung saan ako kumikita ng pera. Tumango lamang ako bilang tugon saka nagpasalamat sa paghatid at agad nang bumaba. Nang makaalis na ito at tuluyan nang makalayo ay sinimula ko nang bagtasin ang distansya patungo sa bahay namin. Uuwi na muna ako, mamaya ko nalang pupuntahan si Stella sa bahay nila para ikwento ang nangyari at sabihing may trabaho na ako. Paniguradong malulungkot yun, baka nga umiyak pa e. Pati na rin kay Lola Gen. Pero ang mas ipinag-aalala ko ay ang maaaring maramdaman ng kapatid ko at ni Mama. Ni hindi ko nga alam kung kakayanin ko, kahit para naman 'to sa kanila. Si Debora, alam nun lahat ng gawain sa bahay at sa pag-aalaga kay Mama. Pero kahit na hindi niya sabihin, alam kong takot siyang mag-isa. Hindi siya sanay na walang ako na kakulitan, ka-tsismisan, at walang matatawag na "Ate" sa tuwing may kailangan. Nang ilang metro nalang ang layo ko mula sa bahay ay binagalan ko paglalakad. Iniisip ko pa kung paano ko sasabihin sa kapatid ko na aalis ako papuntang Maynila sa darating na lunes para magtrabaho. Baka umiyak, hindi pa naman ako handa. Kahit bruha yun mahal na mahal ko parin yun. Mamaya nalang ako mag-iisip kung paano ko yun sasabihin kay Mama. “Ate Astrid!” Awtomatiko akong napatigil sa paghakbang nang may tumawag sa akin mula sa di kalayuan. Tumatakbo ito palapit sa akin habang kumakaway at malaki ang ngiti. Ginantihan ko rin siya ng ngiti saka hinintay na makalapit. “Nandun po ba sa inyo si Debora?” Masiglang tanong nito nang mismong huminto sa harap ko. Halos mapunit ang mga labi nito sa kakangiti. “Oo naman. Hindi naman yun pala-labas, eh.” Nakangiti kong sagot. Sa lahat ng mga naging kaibigan ni Debora ay siya ang pinaka-malapit sa'kin. Dahil bukod sa malayong pinsan niya si Stella ay talagang mabait ang isang 'to at sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan. Kaya kampante ako sa tuwing siya ang kasama ng kapatid ko, dahil alam kong malayo siya sa gulo. “Ah, Ate, pwede ko po ba siyang isama? Madali lang naman po kami e. Promise!” Nakangusong aniya. Itinaas niya pa ang kanang kamay bilang tanda ng pangako. Natawa nalang ako ng mahina sa inasta nito. Bukod sa hindi ko naman talaga pinagbabawalang lumabas ang kapatid ko lala pag siya ang kasama ay hindi ko yata kayang tanggihan ang kahit na anong pakiusap niya basta't hindi lumalampas sa limitasyon. Sino nga bang makakatanggi sa kanya? Maganda na nga, mabait pa. “Bakit naman hindi?” Natatawa kong pahintulot. Pabiro kong tinampal ang kanyang braso na ikinahagikhik niya. “Pero matanong ko lang, saan ba punta niyo?” Usisa ko. Hindi sa wala akong tiwala sa kanila dahil masyado pang mumurahin ang mga edad nila, sadyang gusto ko lang malaman para naman alam ko kung saan ko pwedeng hanapin ang kapatid ko kung sakaling hindi pa makauwi at magdidilim na. “Sa kabilang baryo lang, Ate. Inutusan kasi ako ni Mama na bumili ng bigas.” Paliwanag niya. Nagsimula na kaming maglakad ng magkatabi. Mabagal lang ang lakad namin, hindi na rin naman kasi mahapdi sa balat ang init ng araw at malapit na rin kami sa bahay. Nang isang metro nalang ang layo namin sa bahay ay nagulat ako nang bigla nalang nitong tinakbo sng distansya at agad-agad pumasok. Naiwan akong natatawa sa inasta nito. Bagay lang talaga silang magkaibigan, eh. “Debora! Nasan ka!” Dinig kong sigaw nito nang mismong makapasok sa loob. “Hoy babae, wag ka ngang maingay! Para kang nakalunok ng microphone ah!” Dinig kong saway ng kapatid ko sa kaibigan. Eksaktong nasa tapat na ako ng pinto. “Eto naman! Grabe sa microphone!” “Oh, Ate! Andito ka na pala!” Bulalas nito nang makita akong pumasok. Napunta sa akin ang atensyon nilang dalawa. Agad kong hinubad ang suot na sapatos saka. “Nakapag saing ka na ba?” Naglakad ako palapit sa lagayan ng mga kaldero at isa-isang binuksan iyon. At hindi ko na kailangan ng sagot mula sa kanya dahil lahat, bokya. Napakamot siya sa ulo habang nakangiti na parang natatae. “Nakatulog ako, eh. Hindi ko namalayan yung oras. Sorry, Ate.” Napahinga nalang ako ng malalim. Naalala ko yung sasabihin ko sakanya, pero mamaya nalang siguro kapag nakauwi na siya. “O, sige, ako nalang bahala dito total wala na rin naman akong ibang gagawin. Sige na, alis na kayo at baka abutan pa kayo ng dilim.” Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sakin, tila walang alam. “Ha? Saan kami pupunta, Ate?” Puno ng kalituhan ang itsura niya. Akmang magsasalita ako nang biglang bumuka ang bibig ni Aya, kaibigan ni Debora, suot ang sabik na ngiti. “Ipinagpaalam kasi kita kanina-kanina kay Ate Astrid noong nagkasalubong kami, saktong pauwi na siya tapos papunta naman ako dito para magpasama. Pumayag naman si Ate Astrid kaya ano pang hinihintay natin?” Tuwang-tuwa na paliwanag nito. Napa-iling na lamang ako habang nakangiti. Kahit papaano ay kampante ako dahil alam ko na kapag umalis na ako papuntang Maynila, e may kaibigan naman siyang maaasahan. Nagpameywang siya habang naka-ismid sa kaibigan. “At paano ka naman nakasisiguro na sasama ako?” Nagpameywang din ito na tila ginagaya ang kapatid ko, pero imbes na naka-ismid ay ngumiti ito ng abot tenga. “Kasi ililibre kita.” Sagot nito na ikinalaki ng mga mata ng mukhang-libre kong kapatid. “Ate, alis na kami! Uuwi din kami kaagad!” Agad na paalam nito saka dali-daling hinatak ang kaibigan palabas ng bahay. Muli akong napailing ng ilang beses. Kapatid ko nga naman... Nagpalit muna ako ng damit bago gawin ang mga gawain. Nang matapos magsaing ay sinilip ko si Mama sa kwarto niya. Nang makita ko itong gising ay dahan-dahan akong pumasok. Umupo ako sa gilid ng katre kung saan siya nakahiga. “Ma, kumusta pakiramdam mo?” Malumanay kong tanong habang maingat na sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Ngunit tila taliwas sa aking tanong ang natanggap kong sagot. “P-pasensya na k-kayo, anak.” Nahihirapang saad nito, garalgal na ang kanyang boses at tila humuhugot siya ng matinding lakas para lamang makapagsalita ng maayos. Parang may bumarang kung ano sa aking lalamunan dahilan para mawalan ako ng lakas na magsalita. Para akong sinaksak ng libo-libong punyal sa aking puso nang makita ang mga luhang unti-unting dumausdos sa kanyang pisngi mula sa kanyang mga matang nakatingin sa akin. “P-pa-patawarin niyo ak-k-ko kung hindi k-ko na k-kayang g-gampanan ang pa-p-giging i-ina s-sa in-inyo.” Nag-iwas ako ng tingin at palihim na pinunasan ang luhang namuo sa mga mata ko. Parang ayoko nalang umalis... Humugot ako ng malalim na hininga saka kinalma ang sarili bago magsalita. “Ma, ano ka ba. Wag kang magsalita ng ganyan, sapat na yung ilang taon mong pagsasakripisyo para sa amin. Dapat lang na kami naman ang mag-alaga sayo.” Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha mula sa aking mata. Pinunasan ko ang sariling luha gamit ang hintuturo saka marahang hinalikan ang kanyang ulo. Pagkatapos nun ay dahan-dahan na akong lumabas at agad nagtungo sa kusina doon ibinuhos ang lahat ng luha. Pagkatapos ng halos kalahating oras, sa wakas ay nahimasmasan din ako. Mabigat parin ang loob ko pero hindi na sing bigat ng kanina. Pagkatapos magsaing ay naisipan kong tumambay na muna sa labas para naman kahit papaano ay makasinghap ako ng sariwang hangin. Sa tingin ko ay bandang alas kwatro na dahil hindi na nakakasilaw ang araw. Masarap din sa balat ang simoy ng hangin. Sabi nila, maswerte ang mga taong nakatira sa siyudad sa maraming dahilan. Pero para sakin, mas masarap tumira sa ganitong klase ng lugar. Preskong hangin, mga ibon na malayang lumilipad, mga malalagong puno't halaman, at higit sa lahat ay walang usok na nagmumula sa tambutso ng iba't-ibang uri ng sasakyan. ••• “Oo nga pala, nakahanap na ako ng trabaho.” Basag ko sa katahimikan. Kasalukuyan kaming kumakain sa hapag, para sa akin ay ito ang pinaka magandang pagkakataon para sabihin ko sa kapatid ko ang gusto kong sabihin. Para sa ibang pamilya ay normal lamang na umalis ang isang myembro nila papunta sa malayong lugar para maghanap-buhay. Pero sa amin, hindi. Ibinaba niya ang hawak na kutsara at kunot ang noong tumingin sa akin. “Eh, diba matagal ka naman nang may trabaho, Ate?” Puno ng kalituhang tanong niya. Hinintay ko munang maubos ang laman ng bibig ko bago magsalita. “Pansamantala lang naman yun e.” Napagplanuhan ko na kanina kung paano ko sasabihin sa kanya. “Eh anong trabaho naman yan, Ate?” Nakakunot parin ang noo na tanong niya habang sumusubo ng kanin. “Katulong.” Walang pag-aalinlangan kong sagot. “Sa bayan?” Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ibinuka ang bibig. “Maynila.” Nagkunwari ako na nasa kinakain ang atensyon at tila wala lang ang sinabi ko. Sa sulok ng mga mata ko ay kitang-kita ko kung paano siya natigilan, nakatingin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. Nabalot kami ng katahimikan, umakto ako na parang wala lang at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain habang siya ay tila naging isang yelo sa kinauupuan, nakaukit sa kanyang mata ang isang emosyon na hindi ko mapangalanan. Lumipas ang ilang minutong katahimikan, sa wakas ay nagsalita siya. Ngunit tila ako naman yata ang natigilan ngayon. “Sasama ako.” Determinado ang boses niya na parang walang makakapigil, kahit na ako. Kinailangan ko pang kumurap-kurap para lang makumpirma ang sinabi niya. Pumikit ako ng mariin upang pakalmahin ang sarili. “Hindi puwede.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD