“SA'N LAKAD MO, Ate?”
“May pupuntahan lang ako sa bayan. Dito ka lang, 'wag mong iwan dito si Mama hangga't wala pa ako.” Sinuklay ko ng maigi ang buhok ko at ipinusod saka naglagay ng kaunting pulbos sa mukha.
Naisipan ko kagabi na pumunta sa bayan para maghanap ulit ng trabaho, yung marangal na trabaho na hindi ko na kailangan pang itago mula sa pamilya ko. Mag-iisang linggo na din simula nang makalabas ako kaya napagdesisyunan ko na magpahangin na muna kahit sandali lang.
Nakita ko mula sa sulok ng aking mga mata ang bahagyang pagkalukot ng kanyang mukha.
“Sinabi ko bang sasama ako sayo?”
Pabiro ko siyang inirapan. “May sinabi din ba ako na gusto mong sumama?” Buwelta na mas lalong ikinalukot ng mukha nito. Hindi ko alam kung anong meron, basta ang alam ko ah masaya ako ngayon sa hindi malamang dahilan. Dahil ba sa kahit papaano ay hindi na kami nagugutom, o sadyang baliw lang talaga ako?
“Kasama mo si Ate Stella, Ate?” Tanong niya pagkatapos ng ilang segundo ng pananahimik. Eksaktong natapos ma ako sa pag-aayos sa mukha kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
“Hindi, eh. Bakit?” Tugon ko. Hindi ko na muna isasama ang bruha na yun, baka mamaya kung ano-anong kalokohan nanaman ang pumasok sa kukote nun. Mamaya sa police station na kami pulutin e.
Isinuot ko ang lumang sapatos na ilang taon ko nang kasa-kasama sa mga lakad ko, ewan ko nga kung paanong buhay pa 'to e.
Umiling siya ng dalawang beses habang nagsasandok ng mainit na kanin. “Wala lang. Baka kasi magtampo nanaman yun kapag nalaman niyang lumabas ka nang hindi siya kasama.” Malumanay niyang paliwanag nang hindi nakatingin sa akin.
Nang sa wakas ay matapos sa pagsisintas dali-dali ko nang kinuha ang maliit na bag na may kalumaan na din.
“Dadaanan ko nalang yun mamaya pag-uwi ko.” Sagot ko habang nakatayo sa may pinto. “Alis na ako. pakain mo si Mama, ah? Tsaka kapag hindi pa ako nakauwi ng alas onse, ikaw nalang ang magpainom ng gamot kay Mama. Ok?”
“Hm, ingat.” Aniya habang sumusubo ng kanin.
Agad na akong lumabas ng bahay at nagsimulang bagtasin ang daan patungo sa bayan. Maaga pa naman at hindi pa masyadong nakakapaso ng balat ang init ng araw kaya naisipan kong maglakad nalang, sa tingin ko ay aabutin ng mahigit isang oras bago makarating sa bayan, pero dahil medyo mabilis naman ang lakad ko kaya posibleng lampas kalahating oras lang ang kailangan ko. Sayang din pamasahe, makakabili na ako ng sardinas nun.
Medyo nakakapaso na ng balat ang init ng araw kaya lakad-takbo ang ginawa ko. Mabuti nalang dahil may mga puno paminsan-minsan at medyo mahangin kaya kahit papaano ay hindi ako masyadong pinagpapawisan at nauuhaw. Lalo pa dahil wala akong dalang tubig.
Tumama nga ang tantiya ko dahil matapos ang sa tingin ko'y kalahating oras na paglalakad-takbo, sa wakas ay natatanaw ko na ang malalaking mga tindahan, naggagandahang kabahayan, at magagandang mga gusali sa may di kalayuan.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nang sa wakas ay makalapit sa isang simpleng tindahan na siyang pinakamalapit sa entrada ng bayan, agad akong sumilong. Gusto ko sanang umupo kaya lang wala namang pwedeng maupuan dito.
May nakita akong Ale na sa tingin ko ay nasa edad kwarenta pataas palang kaya agad na akong lumapit kahit na medyo hinihingal pa.
“Ah, mawalang galang na po. Pwede po bang magtanong?” Palihim kong kinagat ang aking dila dahil sa kaba, hindi ako sanay makipag-usap sa ibang tao lalo na kapag hindi ko kilala. Pero bilang isang desperada na makahanap ng marangal na trabaho, kakayanin!
Ngumiti ito saka naglakad palapit. “Ano iyon, iha?” Kahit papaano ay nabawasan ng kaunti ang kaba ko dahil sa magiliw nitong boses at malugod na ngiti.
“May kilala po ba kayong naghahanap ng katulong?” Tanong ko, sinigurado kong magalang ang dating ng boses ko.
“Naku iha, pasensya na. Wala, e.” Malungkot na sagot nito na siyang ikinabagsak ng balikat ko. Gayunpaman ay pinanatili ko parin ang aking ngiti.
“Ayos lang po. Maraming salamat po.” Nakangiti kong pagpapasalamat.
Tumango lamang ang ang ginang habang nakangiti parin saka tumalikod at bumalik sa ginagawa nito.
Sapat naman na ang naging pahinga ko, medyo nakabawi na ako sa pagod kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Ilang minuto na akong naglalakad pero wala parin akong mahanap na pwedeng pagtanungan.
May nakita akong bakery ilang metro ang layo kaya muli kong binilisan ang paglalakad.
Huminga muna ako ng malalim nang makalapit sa tindahan.
“Miss, pwedeng magtanong?” Nakangiti kong bungad. Walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses ko. Sa tingin ko ay nasa edad disinuwebe pa lamang ito.
Agad namang tumigil sa ginagawa ang babae saka lumapit nang nakasuot ng simpleng ngiti. “Ano po yun?”
“Naghahanap pa ba kayo ng tindera? O di kaya tagalinis? Kahit ano.” Nakangiti kong tanong. At mukhang alam ko na agad ang sagot dahil sa malungkot na ngiting gumuhit sa mapupulang ng labi nito.
“Pasensya na po. Hindi na po e, puno na po kasi kami dito.” Magalang na sagot nito. Hindi ko ipinahalata ang lungkot na bumalatay sa aking katawan.
Umasa pa naman ako na naghahanap sila ng isa pang tindera dahil nag-iisa lang siyang nakabantay. Pero mukhang nagkamali ako.
Tumango na lang ako at sinabing ayos lang saka nagpaalam.
Hayy...
Pangalawa na'to. Pangalawa palang.
Tumigil ako sa isang karenderya. Umupo ako sa pinaka sulok kung saan bihira lamang ang pumupuwesto. Hindi ako sanay kumain ng marami ang nakakakita, hindi ako komportable. Dahil bukod sa wala naman akong pera pangkain sa mga kainan ay hindi rin ako mahilig dahil pakiramdam ko ay binabantayang nila ang bawat subo ko. Sa katunayan ay ito ang kauna-unahang kakain ako sa isang karenderya, wala din naman to sa plano ko kaya lang sadyang kumakalam na ang sikmura ko. Sa layo na rin ng nilakad ko.
Nang dumating na ang binili kong ulam at kanin ay hindi na ako ng aksaya pa ng oras. Agad ko na itong nilantakan, hindi na din ako ng alinlangan dahil bukod sa nasa pinaka sulok ako ay talagang gutom na gutom na ako.
Sa sobrang pagka-abala sa kinakain ay hindi man lang ako nag-abalang tingnan kung sino ang umupo sa harap ko.
Pero base sa tindig at suot nito ay masasabi ko na isa itong lalaki. Kung hindi pa ito tumikhim ay hindi pa ako mag-aangat ng tingin.
Halos mabuwal ako sa kinauupuan nang makita kung sino ang nasa harap ko. NASA HARAP KO!
Walang mababakas na ekspresyon sa mukha nito habang prenteng nakaupo sa harap ko, samantalang naghahagikhikan naman ang mga kababaihan na puro nakatingin sa kanya, mapa-bata man o matanda.
Dali-dali akong uminom ng tubig nang wala sa oras akong mabulunan, mabuti nalang at hindi malala, kundi ay paniguradong sa kanya magtatalsikan ang kasalukuyang nasa bibig ko.
“Clumsy.” Dinig kong sabi nito sa matigas na boses. Halos magpintig ang tenga dahil sa narinig. E kung siya kaya nasa sitwasyon ko?! Ewan ko lang kung hindi din siya mabulunan!
Para akong niyakap ng lamig. Gusto kong tumakbo palabas, palayo sa kumag na'to pero alam kong hindi pwede. Baka mamaya ay mapagkamalan pa akong may ninakaw.
Palihim kong kinurot ang binti ko dahil sa biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko. Muling naglaro sa aking isipan ang nangyari sa amin sa isang gabi, mag-iisang linggo na ang nakaraan.
Inipon ko ang lahat ng natitirang kapal ng mukha bago magsalita. “A-anong kailangan mo?” Matapang kong tanong sa kabila ng naghuhuramentadong t***k ng puso. Hindi ako mapakali sa kinauupuan, ang kaninang gutom na tila biglaang nawala at napalitan ng hindi na mapangalanang pakiramdam.
“Naghahanap ka ng trabaho.” Mabilis pa sa alas kwatrong tanong nito. Parang nagpintig ang tenga ko sa narinig. Nagkaroon ako ng katiting na pag-asa. Pero hindi ko alam kung sasagot ba ako dahil hindi naman patanong ang dating ng sinabi niya.
Mayaman siya. Paniguradong matutulungan niya ako na makahanap ng trabaho.
“Paano mo nalaman?” Usisa ko. Sabihin na nating makapal ang apog ko pero malakas ang pakiramdam ko na sinusundan niya ako.
Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. “That's not important anymore. Besides, explanation is not my thing.” Saad nito sa brusko at malalim na boses.
Ang gwapo niya sana, halos perpekto. Kaya lang sobrang suplado! Kahit nakangiti, kung makatingin akala mo mamamatay tao! Yun nga lang, wala naman akong pakialam sa itsura niya. Ewan ko nga kung bakit parang kinukuryente yung mga babaeng nakatingin sa kanya ngayon, pati na mga tindera.
Aaminin kong kinakabahan ako ng husto sa tuwing malapit siya lalo na kapag nasa harap ko katulad nalang ngayon, pero hanggang doon lang yun.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Pawang nakatitig sa isa't-isa, pero kahit na ganoon ay wala akong maramdamang ilang.
“May kilala ka ba na naghahanap ng katulong? Sige na naman oh, baka sakaling matulungan mo ako.” Basag ko sa katahimikan. Bukod sa kanina ko pa gustong itanong iyon sa kanya simula nang dumating siya, e para na din kaming tanga na nakatitig sa isa't-isa.
Wala na akong pakialam kahit na isipin niya pa na ako ang pinaka-makapal ang mukha na patutot. Masyado na akong desperado na magkaroon ng marangal na trabaho dahil sawa na akong tapakan ang sarili kong pagkatao.
Umangat ang sulok ng kanyang labi sa isang ngisi. “Why would I recommend you to someone for a job when I, my self, can offer you such.”
Natameme ako ng husto sa tinuran niya. Gusto kong isipin na nagbibiro lang ito pero seryuso ang boses nito, maging ang ekspresyon sa mukha. Walang mababakas na pagbibiro sa kanyang itsura. Naghintay ako ng mahigit isang minuto na bawiin nito ang mismong sinabi, pero hindi nangyari iyon.
“T-totoo?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya, at wala akong pakialaman kung pagtawanan niya man ako sa itsura ko.
Tumango ito nang may pilyong ngiti sa mga labi.
Pero agad din akong napatigil nang may pumasok na ideya sa isipan ko.
Paano kung...paano kung gawin niya akong p*ra*san?! Teka! Hindi pwede!
Agad akong naalarma sa konklusyon na pumasok sa aking isip.
“A-anong trabaho ang ibibigay mo sa'kin?” Hindi ko maiwasan ang mautal dahil sa posibilidad na maaaring totoo ang palagay ko. Palihim kong pinagdasal na sana ay mali ang naisip ko, at marangal nga trabahong iaalok niya.
“Don't worry, it's not as lewd as what you are thinking.” Anito saka tumawa ng marahan. Maging ang simpleng pagtawa nito ay malakas ang dating.
Napakurap ako ng ilang beses. Teka, paano niya naman nalaman? Hindi naman siguro ganoon ka-halata sa itsura ko, diba? Mas lalo namang hindi ko sinabi.
Di kaya nakakabasa siya ng isip? Hayy!
Baliw!
Napaayos ako ng upo nang tumikhim ito, seryuso na ang mukha nito at naglaho na ang kaninang ngisi.
“Stop giving me that kind of look.” Utos nito, at bilang magiging amo ko ay sinunod ko nga ang sinabi niya. Pero imbes na palitan ang ekspresyon sa mukha ko ay nag-iwas ako ng tingin.
Muli kong itinuon ang atensyon sa pagkain. Dali-dali kong inubos ang lahat ng nasa pinggan ko, maliban sa kutsara at tinidor. Wala na akong pakialam kung isipin niyang matakaw akong kumain, basta ang gusto ko lang sa mga oras na'to ay ang umuwi. Excited na akong sabihin kina Mama at sa bruha kong kaibigan na may trabaho na akong marangal! Pero syempre, kailangan ko munang siguraduhin na hindi ako pinagloloko ng kapre na nasa harap ko.
“Teka, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko.” Tiningnan niya ako ng nagtatanong. Kinunutan ko siya ng noo dahilan kumunot din ang noo niya.
“Hmm? What is it?”
Sa puntong ito ay hindi ko na napigilan pa ang umirap. “Ano kako magiging trabaho ko?” Kung hindi nga siya nagbibiro sa sinabi niya kanina ay talagang kakailanganin kong tumanaw ng utang na loob na buong puso ko namang gagawin kapag nagkataon.
Hinintay kong magsalita siya, at makalipas nga ang ilang segundo ay bumuka ang bibig nito.
Tila natuod ako sa aking kinatatayuan nang magsalita siya. Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig. Pakiramdam ko ay biglang natuyo ang lalamunan ko, agad akong napainom ng tubig habang nakatingin sa kanya nang hindi makapaniwala.
“Be my personal maid.”