KABANATA 19

1843 Words
Natigalgal talaga ako. Wala akong masabi pati mismo ang katawan ko, nanigas na dahil sa kaba. What the fvck! Halos tarayan ko pa naman tapos si Saj na pala 'tong kaharap ko. Kaya pala medyo inis siya kay Colton dahil narinig niya ang papuring natanggap ko instead of her. "Ow! I'm not informed, Dela Vega." she exclaimed. "How dare you!" Natawa silang dalawa samantalang ako. Sobrang tahimik. "Anyway, nice to meet you Agatha. I heard your name before dahil madalas kang napapagawi dito sa Isla. Actually, when I arrive from Barcelona to here, I immediately heard the news that this man..." which he's referring  to Colton. "..wants me to design a house. Nabother ako kaya naman, ngayon, I know what's the reason..." Ngumiti si Saj ng makahulugan. I knew it! I'm not dumb to not to understand that understatement. Hinead to toe ko siya. Napailing nalang ako, I can't deny all the praises she had now. Talagang hindi sapat ang second look para maappreciate ang ganda niya. She's effin' goddess in this era. No negative comments, but she's perfect. Real definition of beauty with brains and plethora of talents. No wonder why Marlon was so in love at her. Marami kaming ginawa with Saj. Syempre, she acted like a tour guide for us. We felt like we're both VIPs. Imagine, yung mismong owner ng napakagandang lugar na 'to ang nag-tour saamin. What an opportunity! We had a lot of fun, honestly, masayang kasama si Saj. Hindi ako na-oout of place sakanila ni Colton. We talked a lot of stuffs. She even encourage me to study again and take Architecture. But I declined, nasabi kong andami ko pang kailangang gawin at mukhang di ko na muna isisingit ang architecture. Natapos ang araw namin na nasulit namin dalawa ni Colton in the end. Mga bandang hapon din kasi ay iniwan na kami ni Saj dahil i-memeet niya daw ang mga kliyente niya. We thanked her. Nung nag-gabi ay gaya ng nakagawian. We both cuddle! Tabi kaming natulog. Yes, we did a lot of make outs—not make love. Kinaumagahan ay tinulungan ko ng mag-impake si Colton. He only bring one luggage. Sabi niya, doon nalang daw siya bibili ng mga damit niya. Isa pa, babalik-balik din naman daw siya every last week of the month. Nabawasan agad ang lungkot ko. He'll stay here every last week. Mabilis lang ang oras ngayong araw. Nasa airport na kami ngayon at inaantay ang flight niya. Of course, I need to be here. Kasama ko ngayon si Donya Esme at Don Samuel. Kaming tatlo ngayon ang naandito na kasama ni Colton. Sabi ni Colton kanina, ayaw niya akong sumama sakaniya kasi baka bigla siyang umayaw sa flight niya. Baka ma-cancel niya pa daw. But I really insist, kailangan ko siyang makita. I'll regret every minute of my day kapag di ko siya nakita. Kahit sa airport lang, kahit di na ako pumasok sa loob. At ayun nga ang nangyari, hinatid ko lang siya sa labas ng airport. Nasa loob padin ako ng sasakyan habang siya nasa labas na. Gusto kong lumabas para yakapin siya pero hindi ko magawa. I don't want to! I'm so freaking scared. Baka bigla ko pa siyang mapigilan. "Baby... You okay?" he asked me. Nasa bintana siya at nakadungaw habang ako nasa loob ng sasakyan, sitting on driver seat. Pilit akong ngumiti at tumango. Pero deep inside, yung mga mata ko lumuluha na di lang halata coz I'm wearing sunglasses. "Y-Yup. J-Just... Go inside, please." Hindi ko mahanap ang salita ko. I'm freakin' right now. Bullshit! Di ko kaya. Hindi talaga ako fan ng isang long distance relationship. Aminin man natin o hindi, kapag LDR kayo isa sa inyo magloloko. Kung hindi magloloko, mawawalan ng gana. Kung hindi man mawalan ng gana, edi comatose na 'yon. That's why I'm giving all my cards here! Sumugal na ako kasi I really trust him. Sana nga lang hindi ako mawalan, at matalo in the end. Hindi na siya nagtanong pa. Bagkus nag-iwan siya ng salita na halos tumunaw sa puso ko. "I love you, Agatha... Wait for me please." he said. Dahil sa sinabi niya ay parang sinaksak ang puso ko ng ilang ulit. He's killing me by his words. Hindi na ako nagsalita. Naramdaman ko nalang na wala na siya sa bintana at pumasok sa loob ng airport. Habang ako, humaguhol na ng iyak. I will, Colton. I will wait for you... Buong magdamag akong hindi lumabas ng kwarto ko. Goddammit! I already miss him. Hindi pa siya nakakalapag for sure. Aabutin pa siya ng araw sa eroplano and I'm sure of it. I don't know where in Europe he is. Maybe in Paris? Ang alam ko may chain sila sa Paris. Siguro doon nga! Natigil ako sa pag-iisip at napabalik sa riyalidad ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Agatha?" someone called my name. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pintuan sa pag-aakalang si Colton 'yon. But in the end, nadisappointed ako. Si Marlon ang tumawag saakin. Sino ba namang niloko ko diba? Wala si Colton sa pinas, Agatha. Don't fool yourself! suway ko sa sarili. Kahit dismayado ako, pinilit kong ngumiti. I don't wanna be rude to them. He smiled me back. "Pinapatawag ka ni lola. Maybe she wants you to meet Zsafira. Our cousin." Zsafira? I think I heard her name somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan. Tumango ako. "Okay, I'll go downstairs after I shower. Thank you!" "You're welcome." aniya. Ngumiti akong muli bago isinara ang pinto. Napasandig pa ako sa pintuan at napabuntong hinga. Gosh! I missed him. Kailangan ko pang maghintay ng 729 days para makasama ko siya ng buong-buo. Please! Sana kahit katapusan nalang ngayon agad-agad. "Oh! Iha. Sa wakas at lumabas ka na din sa kwarto mo." masiyang bati ni Donya Esme. Habang nasa tabi nito si Don Samuel. Itong dalawang matandang 'to hindi mapaghiwalay. Sana kahit tumanda kami ni Colton ganiyan din kami. Kagaya nga ng nakagawian. Wala padin ang tatlong itlog na bugok—este si Trail, Lucas at Raven. Nasa ibang bansa padin daw but I doubt it. Sa anim na lalaking apo ng mga Dela Vega, mukhang mas playboy at bad boy ang datingan ng tatlong iyon. Unlike, Marlon and Traxx na kasama namin ngayon, sana yung masasabi mong mukha lang babaero pero pagnapasayo, ay jusko! Heaven ang tirahan mo. Syempre sama ko na yung Colton ko. Napangiti ako sa kalokohang naiisip ko. Damn your happy thoughts, Agatha. "S-Sorry po. Hindi pa po ako sanay na wala si Colton." I admitted. Napangiti ang mga matatanda. "I'm happy that both of you really working on with your relationship to each other, iha." ani Donya. "Don't worry whatever happens. I'll support both of you!"  "Thank you po." ngumiti ako. Iginaya nila ako palapit sa babaeng nakatayo malapit sakanila Marlon. "Anyway, this woman is my only granddaughter. Zshalika Alfeira Hidalgo. Nag-iisang anak namin na babae ang nanay ni Zsafira." ani ng matandang babae. Ngumiti ako kay Zsafira na malawak ang ngiti saakin. Mahihiya na talaga ang mga tao sa lahi ng Dela Vega. Kahit hindi ko na ilarawan si Zsafira sainyo ay paniguradong naiimagine niyo na. She's so beautiful. Fair skin–no, it was naturally tan. Ang ganda niya, she had her natural eyebrows and eyelashes curls. No wonder that this woman in front of me is a Dela Vega. "Hi, Zsafira." medyo pormal kong sabi. Naglahad ako ng kamay dahil inaakala kong tatangapin niya ito. But she didn't! Imbes na makipagkamay saakin ay laking gulat ko ng yumakap ito saakin ng buong higpit. "Oh my! Oh my gosh! Is this for real? Are you really Dr. Agatha Rivera? The General Surgeon! Oh my gosh! I can—Ihhhh!" kinikilig pa siya habang nakayakap saakin. Nanlaki ang mata ko. Uh, not only me but everyone. "Y-Yeah..." nahihiya ako sa kaniya. She is very jolly. Hanggang ngayon ay nakayakap padin siya. "S-Sorry ate–uh, Dr. Agatha." she apologized matapos kumalas sa yakap. Pero there are some trace of amusement in her face. "I just can't believe it. I always watch your live open surgery and you were so good at stitching! You are blessed to have those magical hands. For sure naman na nasa lahi niyo 'yon!" she blabbered. "Pati yung patient na na-save niyo using ECMO. Kahit na supposedly hindi dapat 'yon ginamit—pero that was so amazing! You revived the patient! Gosh. Can we take selfie?" Natatawa ako sakaniya. Nanlalaki padin ang mga mata ni Traxx at Marlon na hindi makapaniwala sa ingay ng pinsan. Samantalang ang mga matatanda, katulong at drayber nito ay tumatawa na. I nod. "S-Sure." She get her iPhone 6s rose gold at itinutok saamin ang camera. Ngumiti ako ng malawak saka harap ng lens. Ganoon din siya. Well, she's really beautiful. Ilang tunog din ng shutter ang narinig ko bago siya tumigil. "Thank you, Dr. Agatha." she said. "I'll post it to my social media sites! For sure maraming maiingit sakin. I'd met the most beautiful surgeon in town!" Ngumiti ako at hinarap siya. "T-Thank you..." Because of her, nalibang ako. Nawala sa isip ko na hindi ko kasama si Colton. For sure if he's here. Matutuwa 'yon! "Don't be too formal. I am your cousin's fiancée, you can call me ate." She smiled widely na lalong nagpaganda sakaniya. Niyakap niya ako ulit at panandalian lang. "Thank you ate!" "Zsafira! Stop doing that. Baka di makahinga ang ate Agatha mo." ani Don Samuel. Sinaway niya ito ngunit hindi pagalit. Palambing pa nga ang tono eh. "Okay, lolo." She let me go. Hinarap niya ang mga matatanda at nagsalita muli. "I'll change my clothes first, so that we can have our dinner together." aniya. Tumango sila, maski ako. Binalingan ako ng ngiti ni Zsafira. Saka na siya pumanhik pataas. "Sorry about Zsafira, Agatha." ani Trax. Umiling ako. "No need to be sorry. She divert my attention from Colton. I like her, she's very jolly." "Not just jolly, but a spoiled brat lady." ani Marlon. Natawa kaming lahat. Babanat pa sana si Trax ng magsalita ang matandang babae. "Manang, paki-akyat nga itong mga gamit ni Zsafira. Paki tulungan nalang Mang Kanor." Tumango ang mayordoma at ang drayber. Inakyat nila ang mga maleta ni Zsafira. "But seriously, iha. We're very sorry for what she did. Masyado lang siyang masaya na nakita ka. She used to be your number one fan. In fact she want to study medicine in one of the prestigious medical school ni Manila. Kaso nahirapan that's why she take Architecture instead of Medicine. Nung nalaman niyang ikaw ang papakasalan ng kuya Colton niya. Agad siyang nagbakasyon dito kahit saglit lang para makilala ka. She likes you!" ani Donya. Ngumiti ako. "Like I've said. No need to be sorry, I like her too. Nakikita ko sakaniya ang sarili ko dati. A jolly and playful one." I'm happy coz I can now divert my attention to other. Ghad! I need to bear on this kind of relationship.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD