Chapter 27: Kolehiyo

2113 Words
Sabi nila ang pagkakaibigan na nabuo sa sekondarya ay maaring manatili panghabang buhay. High school, ang pinakamasayang parte ng buhay dahil bukod sa nakakapagod na gawain sa eskwelahan ay iba naman ang sayang naidudulot nito kasama ang mga kaibigan. Priceless, ani nga ng karamihan dahil ang bawat masasayang sandali na magkakasama kayong lahat ay kahit kailan hindi mapapantayan. Oo nga’t masaya ang kolehiyo, malaya at maari ka ng magdesisyon sa sarili mong buhay ngunit doon din papasok ang unti-unti mong makikita ang tunay na mundo. Magulong mundo na paulit-ulit ang ginagawa, sa pera umiikot ang mundo, at gagawin ng lahat ang kanilang makakaya upang makaangat. MABILIS na lumipas ang dalawang taon mula senior high, hindi niya nagustuhan ang pinasukan na paaralan at tanging tatlo lamang ang kanyang naging kaibigan na madalas na nakakasama. Sobrang nahirapan siya sa mga buwan na dumaan, hindi makasabay sa ginagawa ng iba at madalas na nanahimik sa gilid dahil walang-wala siya. Ang plano niya at ng ama ay hindi nasunod. Matapos ang Senior High ay ayaw na siya nitong paaralin sa kolehiyo at pinipilit ng magtrabaho upang makatulong dahil sa katulad ng rason nito ngunit hindi siya nagpatinag. Naghanap siya ng paraan upang mapagpatuloy ang pag-aaral, nag-umpisa magbenta, gumawa ng assignement ng iba, nagtutor, at kung ano-ano pa na pwede niyang pagkakitaan. At nang makita ng makita ng mga tito niya ang pagpupusige upang makapag-aral ay napagkasunduan na tutulungan siya ng mga ‘to sa gastusin sa pag-aaral. Saktong aalis ang isa sa mga ‘to upang magtrabaho sa ibang bansa kaya heto siya ngayon. INILILIBOT ang tingin at manghang-mangha sa nakikita, marami ang istudyante na hindi naka-uniform at karamihan ay panay ang labas ng campus. Hindi makapaniwala na nasa harap niya na ang huling parte ng kanyang pangarap at tatlong na lamang ang hihintayin bago maabot ang matagal ng hinihintay. “Excuse me, alam mo ba kung saan ang room 101?” tanong ng babae na matigkad ang kulay ng buhok. Umiling siya. “Hindi ko alam pero doon din ako magpupunta. Sabay na tayo?” aniya na may ngiti sa labi. “Sure! Sure! Nahahanap din ako ng pwedeng makasama, hindi ko pa kabisado ang buong campus. By the way, first year ka din ba katulad ko?” tanong nito saka iniabot ang hawak na registration form sa kanya. “Business Administration major in Financial Management ako. Ikaw?” “Parehas pala tayo.” napangiti si Hazel bao pinakita din ang sa kanya. “Magkaparehas din tayo ng oras sa mga susunod na klase. Wala akong ibang kakilala dito kaya mas mabuti ng magsama na lang tayo, mamaya ay makikilala na natin ang iba—sana ay matitino sila.” Aniya. “Sana nga.” Tugon nito at sabay silang nagpunta sa building kung saan gaganapin ang unang klase nila ngayong araw. May mga kakilala siya sa school, marami nga ‘yon kung tutuusin kaso ay iba-iba sila ng course na kinuha kaya sa bandang huli ay hindi din sila magkakasama. Si Mariel at Joana, parehas sila muli ng pinusukan ngunit mas pinili ng dalawa na umiba ng course sa kanya—gusto niya man sumama ay hindi maari dahil magastos ang course na kinuha ng mg ‘to. “Hala, may prof na sa loob.” bulaslas ng kasama ko. Hindi pa sila nagpapakilala sa isa’t isa dahil matapos namin mag-ayaan kanina ay nagkwento na ito patungkol sa naging experience niya papunta dito. “Ako na ang kakatok.” Makapal ang mukha ni Hazel na alok at hindi pa ‘to nakakasagot ay naagaw na niya ang atensyon ng prof at sumenyas na pumasok. Magkatabi sila, hindi nakuhang mag-usap dahil mukang instrikto ang unang prof nila. Sobrang daming tao sa loob, hindi lang ang kurso nila ang estudyante dahil kasama na din ang ibang mga criminology at engineering students. Sa unang klase ay panay lang sila pagpapakilala, kumakalam na din ag kanyang sikmura ngunit kailangan niyang indahin para may pamasahe pa kinabukasan. Magmula highschool hanggang nagkolehiyo ay iyon pa din ang problema niya, ilang taon na din naman a matataapos na ang lahat ng kanyang paghihirap. “Class dismissed.” Hinintay muna ng lahat na makaalis ang prof bago nag-umpisang mag-ayos palabas ang lahat samantala ang katabi niya ay agad na kumapit sa braso niya. “Nakalimutan ko tanungin ang pangalan mo,” anito at sabay na lumabas ng kwarto. “Cherryl Balentino.” Cherryl, huh? Nice name. “Hazel Ramirez.” Aniya sa pangalan. “Diretso na tayo sa sunod na klase para makahanap ng magandang pwesto.” Marami pa silang oras para sa susunod na klase pero kung lalabas pa sila ng campus ay hindi maaring wala silang bilhin. Sobra naman ang dala niyang pera, nagpadala na ang tito niya para sa isang buwan pero kakaumpisa pa lang ng klase kaya kailangan niya magtipid. “Tara.” Hindi na ‘to nagtanong at dumiretso na sila sa paghahanap ng susunod na klaase. Hindi na sila nahirapan hanapin ang sunod na klase ngunit kumpara sa nauna ay mas kakaunti na lamang ang tao doon, karamihan ay mga kababaihan na nagkakahiyaan pa na tumabi sa isa’t isa. Tahimik lang ang lahat na nakaupo at walang nag-iingay. “Paano ka pala na punta sa school na ‘to?” tanong ng bagong kaibigan na mukhang nabuburyo na sa katahimikan. “Ang akin kasi ay naaya ako ng mga kaibigan ko na dito mag-enroll pero sa huli ay lahat nagback-out hanggang ako na lang ang natira bago magpasukan.” “Same, pero hindi sila umalis. Magkakaiba lang kami ng course na kinuha, magkakasama sila pero ako ay nag-business. Ito lang sa tingin ko ang hindi magastos na kurso na kahit mahirap ay makakapagtapos.” Iyon ang tunay na rason kung bakit niya ito pinili. Ang buong akala niya ay magkakasama na silang tatlo muli kung sa iisang school sila papasok pero hindi niya inaasahan na parang walang kwenta din ang pagsunod niya sa mga ‘to dahil kahit isang subject ay hindi niya ito kasama. Ito na ang bagay na sinansabi niya, na darating ang oras na maghihiwalay silang lahat para makamit ang kanikanilang mga pangarap pero wala eh, siya lang pala ang nahiwalay sa mga ‘to. Siguro ay dahil na din maaga siyang umalis at lumipat ng papasukan kaya hindi na siya kasama sa mga bagong usapan nito. “Iyon lang. Hayaan mo, magkakaroon ka din naman ng makakasama at magiging bagonng kaibigan.” Anito. Sana nga. Iyon din ang nasa isipan niya noong lumipat siya pero kahit isa ay walang naka-intindi sa sitwasyon na meron siya sa buhay. Ngayon ay hindi na siya umaasa pero gagawin niya ang lahat para maging kaibigan ang lahat. Napuno ang buong kwarto bago pa dumating ang susunod na prof, katulad kanina ay matanda na din ito at hirap na maglakad. Muling nagpakilala ang lahat, karamihan sa mga kasamahan ay walang kakilala at mukhang nanggaling pa sa probinsya. “Kayo na ba ang block section o may irregular pa dito?” tanong ng professor pero walang sumagot sa kanila. Lahat sila ay walang alam kung paano ang pamamalakad o terminologist sa college at inosenteng-inosente ang karamihan. “Mukhang wala. Kung ganon ay kayo-kayo ang magkakasama magmula ngayong araw hanggang sa maka-graduate kayo sa university na ‘to dipende kung may ibang aalis sa inyo at mangingibang bahay.” Biro nito. Minsan ng narinig ni Hazel ang pabiro ngunit seryosong sabi ng mga nag-aaral sa paaralan na ‘to, kung pumasok ka ay hindi ka na makakalabas at mahihirapan ka na makawala. Ang lugar na ito ay isang sumpa sa studyante na kanyang pinagtataka. ‘Mas mura ang binabayaran sa school na ‘to kummpara sa iba, mas madali din makapasok kaya bakit nila nasasabi ang bagay na ‘yon at kahit ang professor ay nagpaparinig. Ganon na ba karami ang umalis at pilit tumatakas sa university na ‘to?’ isip-isip niya. Wala siyang nakikitang kahit anong kahina-hinala sa eskwelahan na pinasukan niya ngunit lahat ng studyante na nag-aaral ay may reklamo patungkol dito. Umpisa pa lamang ng klase, sigurado na sa susunod na mga araw ay malalaman niya kung bakit na sabi iyon ng mga kamag-aral. “Ang lakas ng ulan.” Bulaslas ni Cherry at nagmamadaling tumayo sa kanyang upuan ganon din ang iba. “Bigla-bigla na lang bumabagsak ang ulan, siguradong baha na mamaya sa sakayan.” Anito. “Saan ka ba nakatira?” tanong niya ng mapansin na problema ito. “Ilang oras ang byahe mo? “Malayo ba sa tingin mo ang tatlong oras na pag-uwi? Kung oo, ay siguro nga malayo.” Tugon nito bago isinandal ang likod sa upuan. “Bukas ay pumasok ka ah? Wala akong makakausap kung hindi kapapasok.” Dagdag pa nito. Tumingin siya sa paligid. Ang unang araw ng eskwela ang pinakamagandang araw para magbigay ng magandang imahe sa iba, ito ang araw na kailangan mo makihalu-bilo sa lahat para makilala ka nila at maging kaibigan ang lahat. “Sila, mukha naman silang approachable.” Tukoy niya sa iba pero ngumuso lang ang dalaga sa sinabi niya. “Hindi naman ganon kadali ang makipag-usap sa iba.” Tugon niya. Walang ibang magawa si Hazel kundi ang tumango na lang. atleast, mayroon na siyang isang maasahan sa pagdating sa eskwelahan na ‘to at huwag lang sana magaya sa nangyari noong nasa senior high siya na sa bandang huli ay napag-iwanan dahil di kaya ng budget. Alas-otso na ng gabi ng palabasin sila, ang daming studyante na nagtutumpukan dahil walang ibang dalang payong at iba ay nagpapatila. “Ihatid na kita sa sakayan mo.” ani Hazel. Nasanay siya na inihahatid at makitang nakasakay ng maayos ang mga kasama bago sumakay sa sarili. “Siguradong baha na daraanan mo ngayon dahil sa lakas ng ulan kanina.” anito. “Ganon kadali?” hindi makapaniwala. Tumango ito sa kanya at pinara ang isang punuan na jeep saka nagpaalam na. Naiwan siyang mag-isa sa kanyang pwesto, nang mawala na ang sasakyan nito ay nag-umpisa siya maglakad. Sobrang daming estudyante mula sa iba’t ibang univerisities ang sumusugod sa maputik at baha na daan. “Mauna ka na, miss.” Ani ng lalaki mula sa kabilang university. Tumango siya dito bago naunang tumawid. Hindi na siyang nag-abala pa na iiwas ang kanyang sapatos sa sa basa dahil kahit anong gawin nila ay mababasat mababasa iyon, may iba pa nga na mas pinili na lamang ang magpaa na maglakad, hindi alintana ang possibleng mangyari. SAMANATALA, hindi na mapakali pa si Hazel habang nakasakay papauwi, malapit na mag-alas dose ngunit hindi pa din siya nakakarating at ang ama niya ay panay tawag na sa kanya magmula ng sumapit ang alas-diyes ng gabi. Katulad ng kanyang inaasahan sa mahabang byahe ay sobrang nahirapan siya pero kung iyon lang ang nag-iisang paraan para makapagtapos siya ng pag-aaral ay kanyang iintindahin ang lahat ng hirap. “Pa,” tawag niya sa ama na naghihintay sa kanya mula sa babaan. “Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba kung anong oras na?” galit na sunod-sunod na tanong nito. “Bumaha sa daan at sobrang daming naghihintay ng masasakyan papunta dito kaya medyo nahuli ‘ko.” paliwanag niya sa ama bago nagmano. Hindi na kumibo ang ama niya at nag-umpisa na silang maglakad. Parehas silang tahimik at walang imik sa isa’t isa, hindi niya alam kung paano papatunguhan ang ama dahil kahit ilang beses ay hindi naman sila nagkakwentuhan dahil madalas siya nitong pagalitan at punahin ang kanyang kamalian. Sa loob-loob niya ay nagpupunyagi ang kanyang puso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napansin siya ng ama, sinundo siya nito at nakita ang pag-aalala sa tono nito, iyon ang unang beses na ginawa niya ‘yon. Madalas itong walang pakealam sa kanya, bigla-bigla na lamang magagalit kaya ang maranasan niya ang inaaruga ng ama ay sobrang laking tuwa niya na. “May natirang kanin at ulam d’yan, kumain ka na muna bago magpahinga na.” paalala nito sa kanya ng makapasok sa loob ng bahay. Maganda ang kanyang ngiti na tumango, agad na sinunod ang sinabi ng ama at hindi na nakuhang magbihis. Kumakalam na ang kanyang sikmura, ang huling kinain niya pa ay nang umalis siya sa bahay ay madaling araw na ngayon. Maya-maya lang ay sunod-sunod na tumunog ang cellphone. Na-add siya sa groupchat nilang mag-block section at nagrequest na din sa kanya si Cherryl. Matapos i-accept ay agad niya ‘to inistalk at pakiramdam niya ay nanlulumo siya sa nakita. Buong akala niya ay sa katulad niya si Cherryl, parehas silang kumilos at wala itong karate-arte sa kanyang katawan pero ganon pala ang buhay niya. Kabaliktaran ng kung anong meron siya ngayon at kung ano ang naiisip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD