Tanghaling tapat, tirik na tirik ang araw ngunit hindi ‘yon iniinda ni Hazel na mabagal na naglalakad. May kalayuan pa ang kanilang unibersidad mula sa huli niyang binabaan, upang makatipid ay mayroong pambili ng meryenda mamaya ay mas pinili niya maglakad.
Ang karamihan sa kabataan ay nagrereklamo dahil kulang ang binigay na baon ng mga magulang pero siya ay maswerte na kung inabutan ng pamasahe kahit kulang. Lahat ay kanyang pinasasalamat, maski ang maliit na bagay na akala ng iba ay masyado siyang mababaw ngunit alam niya lang pahalagahan ang simpleng bagay.
“Hazel!” matinis na tawag sa kanyang pangalan sa di kalayuan.
Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses ay nakita niya si Cherryl, nagmamadaling bumababa sa jeep kahit may kalayuan pa ang kanyang babaan. Dali-dali itong lumapit sa kanya bago pinulupot ang kamay sa kanyang braso. Muling pumasok sa kanyang isipan ang nakita niyang mga larawan at di maiwasan na manliit sa nag-iisang kaibigan.
“Bakit ka bumababa?” tanong niya, “malayo pa ang university natin, baka mahuli ka sa klase.”
“May kalahating oras pa bago ang unang klase, hindi naman instrikto si Sir at hindi din nag-aattendance kaya ayos lang ‘yan.” Maligayang tugon nito.
Hindi siya umimik at tinignan mula ulo hanggang paa. Lahat ng suot nito ay may magandang qualidad ng tela, ang bag na ilang libo kung titignan, at ang hawak nitong cellphone na bagong labas. ‘Hindi kaya mas lalo akong manliit kung madalas kong kasama ang isang ‘to?’ tanong niya sasarili.
Dahil kung sasama siya dito at sila ang masama hanggang sa matapos ang klase ay baka mapaghulihan na naman siya. Katulad ng nangyari sa kanya ng dalawang taon sa Senior High, kung kakain ay wala siyang pera at baka mas lalo lang siyang mapagastos sa araw-araw.
Matiwasay silang nakarating sa lobby ng university, agad na umagaw sa kanilang pansin ang mga kasamahan na nakaupo sa bench. Lumapit sila sa mga ‘to, “Bakit kayo andito?” tanong niya sa iilan.
“May tao pa sa room, ayaw ng prof na doon tumambay.” anito.
Parehas silang nagkatinginan ni Cherryl, hinawakan niya ang pulsuhan nito at sabay na naupo sa kung saan nakapwesto ang ibang mga kaklase. Tahimik lang sila at may sariling mundo ng may pumutol sa kanya-kanyang mga mundo.
“Wow! Iyan ba ang latest na cellphone ngayon?” tanong ni Hannah—ang pinakamaganda at sexy sa klase. Ang lakas ng appeal nito pero walang ibang lalaking lumalapit dahil madalas umirap at masungit.
“Ah, heto ba?” sabay taas ni Cherryl ng cellphone. “Ito nga ata, wala pa naman akong nakikitang bagon nilalabas ngayon mula sa ibang brand. Gusto mo tignan?” alok nito.
Agad na kinuha ni Hannah sa kamay nito ang cellphone, unang binuksan ay ang camera—iyon naman talaga ang importante para sa lahat ngayon, ang ganda ng camera. Kumuha ito ng litrato, nauna sa pabura-bura ngunit maya-maya ay sinama ang lahat ng andoon.
Ang kaninang may mga sariling mundo ay tumabi, nakikisali sa pagkuha ng larawan nami na magkakasama. Iyon ang ginawang libangan hanggang sa dumating oras na ng unang klase, sobrang ingay sa groupchat at kanya-kanyang story ang mga nakasama.
“Tignan mo, ang cute mo dito.” puri ni Hannah kay Cherryl habang hawak pa din nito ang cellphone. Wala na atang balak ibalik, kita din ang pag-uumpisa niyang pagsipsip dito. Katulad ng inaasahan ni Hazel na mangyayari kung mag-uumpisa na magkakilala ang lahat.
Karamihan ay mas pipiliin na sumama sa mga alam nila kung saan sila aangat, kung saan sila maaring makinabang, at makakapagbigay sa kanila ng malakas na koneksyon. Sino ba naman ang ayaw no’n edi ba?
Nang matapos ang unang klase ay mag-isa akong nagpunta sa banyo. Normal na ang magkahawak kamay na magboyfriend-girlfriend sa loob, walang ibang sumisisita at tila normal na ‘yon sa lahat kahit may prof o dean pa na dumaan.
Iyon ang nag-iisang kaibahan ngayon. Kung dati ay todo pangangalaga ang mga teacher sa kanilang studyante upang hindi pumasok sa isang relasyon ay ngayon ay pwede na ang lahat, wala ng pakealam kahit maaga ka pa mag-asawa.
“Uy, Hazel!” bati ng isang babae sa pagkakantanda ko ay isa siya ka kasama namin sa klase. “Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan ang kasama mo palagi.” Tanong nito.
“Ah, andoon nagbabantay ng gamit sa kwarto.” alangan naman sabihin niya na hindi niya na inaya dahil abala makipa-usap sa iba patungkol sa specs na hindi naman niya maintindihan kaya mag-isa siya ngayon.
“Oo nga pala, nagkayayaan kami kanina na kakain sa labas after class. Diyan lang naman sa fastfodd sa kanto, kahit papaano ay makilala natin ang isa’t isa at may bonding sa ating lahas mas lalo na’t tayo pala ang magkaaksama hanggang sa huli.” anito.
“Nasabi niyo na ba sa iba?” tanong niya.
Tumango ‘to. “Halos lahat ay sasama, wala naman trabaho ang lahat kaya at saktong maaga ang labas natin mamayang gabi.” Paliwanag nito.
“Hmm, sige, sasama ‘ko.” may ngiti sa labi niyang tugon.
May extra pa naman siyang pera, nasa ilang libo pa ‘yon sadyang gusto lang niyang magtipid dahil hindi niya alam kung kailan niya kakailanganin ang pera. Sabay-sabay silang bumalik sa kwarto, nagkwekwentuhan at inaalam ang pangalan ng sai’t isa. Kilala lang nila ang mga itsura mas lalo na sa mga tahimik na nasa gilid na hindi nagsasalita at tanging pwet ang nakakarinig sa tuwing nagpapakilala.
“Hintayan na lang sa labas ng building o doon na tayo magkita-kita sa kakainan. Wala naman ata gaanong kumakain sa ganong oras kahit uwian na ng lahat.” Paalala ni Bianca.
Tumango siya sa mga ‘to bago bumalik sa kanyang pwesto at doon niya lang na pansin na wala na si Hannah sa tabi nito, hawak na din ni Cherryl ang cellphone niya na hindi niya mahawak kanina.
“Bakit kayo magkikita-kita?” tanong nito.
“Sabi nila ay kakain daw sa labas ang buong klase, nagchat ata sila sa groupchat ngayon-ngayon lang, hindi mo ba nabasa?” nagtatakang tanong niya. Madalas itong active sa social media mas lalo na sa groupchat nila kaya nakakapagtaka na di niya alam.
“Ay, oo nga.” Nakangiwi niyang tugon saka napakamot ng batok.
Nakatitig lang s Hazel sa kanya, naalala ang kaibigan na si Mariel sa babaeng kaharap. Parehas sila, iyon nga lang ay may pagkamdaldal ang isang ito at hindi nahihiya na tanging pinagkaiba ng nilang dalawa. ‘Kamusta na kaya ‘yon? Nakakayanan niya kaya ang pinapagawa, sa pag-uugali pa n aman non ay pwet lang ang nakakarinig sa tuwing nagsasalita.’ Isip-isip niya.
“Sabay na tayong dalawa sa pagbaba mamaya, magbanyo na muna tayo para makapag-ayos ako.” pag-aaya nito. “Ano nga pala ang order mo mamaya?” tanong nito.
“Iyong tag-50 pesos lang, kulang ang pera ko para bumili ng manok.” Diretsa at hindi niya nahihiyang tugon. Sanay na siya, kung ano ang pinakamura ay iyon lang ang karapatan niyang kainin para maari pa siyang umilit.
May ugali pa naman siya na kung kelan na gastos niya na ang pera ay saka siya manghihinayan kahit na ginamit niya ‘yon sa pagkain at hindi lang inaksaya. Ganon siya kakoripot kaya madalas ay tinitiis ang gutom para lang hindi gumastos.
“Dagdagan ko na lang para same tayo.”
“Hindi na, nakakahiya.” Pagtanggi niya. Bago pa lang silang magkaibigan, ayaw niya i-take advantage ang pagiging kaibigan nila para ilibre siya, iniiwasan niya din na may masabi sa kanya ang iba mas lalo na’t iyon pa naman ang ayaw na ayaw niya.
“Ano ka ba? Huwag ka mahiya, ako lang ‘to tsaka wala ako gaanong ka-close sa kanil, kung hindi ka makakapunta ay hindi na din ako sasama.” Dagdag pa niya.
Patuloy siyang tumatanggi sa alok ni Cherryl pero sa lakas nitong mangulit at talagang hinidi siya tinigilan ay heto siya ngayon, hawak ang pera na pambili nilang dalawa habang ang isa ang nagpresintang mag-oorder ng kanilang mga order.
“Ilang araw na ang klase natin pero wala pa din maayos na naituturo sa ‘tin, ang isa ay kung paano ipapasok at ilalabas, ang isa naman ay walang ginawa kundi ang sumigaw na wala naman naituturo.” Reklamo ng isa.
Kasalukuyan silang nasa second floor ng napiling kainan, sila lang ang nasa loob non at wala ng iba habang ang kanilang mesa ay magkakarugtong at magkakatabi ang lahat. Isa-isa ng nagkakakilala ang lahat at nagplaplano ng susunod na bonding pagtapos nito.
“Mas maganda nga kung gano eh. Wala tayong ibang gagawin, papasok para mag-attendance at ipapasa nila kahit walang ginagawa.” kontra ng isang lalaki sa dulo.
“Pangit.” Segunda ng isa, “may narinig ako na hindi daw makatarungan ang binibigay na grado nila, required ang lahat ng libro sa lahat ng subject at puro pera-pera lang sa loob. Katulad ng ginto na index card natin sa isang subject, limang piso isa—eh, piso lang naman iyon sa labas.”
Malakas na nagtawana ang lahat sa sinabi nito pati na din ang dalaga. Buong akala ni Hazel ay siya lag ang nanghihinayang ng singilin silang lahat, marami siyang ganon mula sa Tito Biboy niya at kahit ipamigay niya ‘yon ay hindi siya manghihinayang kesa ang matambak lang sa kanila.
“Umpisa pa lang ng klase, makikita natin sa susunod kung totoo nga ba ang sinasabi nila.” Singit niya sa mga ‘to.
Nag-umpisa magkwentohan ang lahat, hindi alintana ang oras ng kaanilang pag-uwi at ayos lang din ‘yon kay Hazel. Sa tuwing nasa alas-otso siya makakarating sa sakayan ay sobrang daming tao, madalas ay alas-diyes na siyang nakakasakay at medyo siksikan pa.
“Wala ba kayong curfew?” tanong ni Cherryl sa mga ‘to. “Baka mamaya ay pagalitan kayo kung masyado na kayong late umuwi ng bahay, ang mga magulang niyo baka mag-aalala.” Dagdag pa nito.
Agad na umiling ang lahat at may pareparehas na rason. “Matanda na tayo para magkaroon pa ng curfew, sa oras ng pasok at uwi natin ay hindi natin kontrolado ang oras. Maiintindihan naman ata ‘yan ng mga magulang natin, hindi naman tayo nagbubulakbol ‘yon nga lang kung may history na kayo ay baka magkaroon talaga kayo ng ganyan.” Usal ng silahis na nasa naka-upo sa sentro ng mesa.
Sumang-ayon ang lahat. Kaya hindi dapat sirain ang tiwala ng mga magulang para papayagan ka pa sa susunod na gala o labas, nakikita naman nila kung dapat ka nilang pagkatiwalaan pero kung sinira mo ‘yon at mahuli nila ay huwag ka ng umasa pa.
Dumating na ang order ng lahat, sabay-sabay na kumain at makikita kaagad kung sino ang nagkaroon na ng groupo. Samatala, tahimik lang si Cherryl at Hazel sa gilid na hindi kumukuha ng atensyon mula sa iba pero nakikipag-usap pa din ito.
“Wala nman tayong gagawin bukas ‘di ba?” tanong ni Hannah sa lahat, “may banda na dumarayo sa di kalayuan sa university, kung gusto niyong manuod bukas ay sabay-sabay na tayong magpunata.” Dagdag pa nito.
“Hindi ako sasama.” Mabilis na sagot ni Hazel dahilan para mapunta sa kanya ang lahat ng atensyon at ang nagtataray na tingin ni Hannah. Ano ang problema niya?
“Bakit?” tanong ng ilan.
“Sakto lang ang pamasahe ko sa pag-uwi at pagpunta, wala akong extrang pera para gumala o kumain sa labas. Kung sasama ako sa bawat gala niyo, siguradong may involve na pera kaya salamat sa pag-aaya. Kailangan kong magtipid hanggang sa makakaya para mapagpatuloy ang pag-aaral ng walang problema.” Simple pero diretso niyang sagot.
Ayaw niya na magpaligoy-ligoy pa, gusto niyang malaman ng mga ito na may problema siya sa financial, hindi katulad nila na supportado ng mga magulang pati ang luho sa katawan.
Natahimik ang lahat sa sinabi niya at maya-maya lang ay sunod-sunod na ang pagtanggi ng iba na sumama at naglabasan ang iba’t ibang rason mula sa mga ‘to. Masama ang tingin ni Hannah kay Hazel, sa loob-loob ay sinisisi nito ang dalaga kung bakit tumanggi ang karamihan.
Nagkibitbalikat si Hazel at hindi ‘yon pinansin, tahimik silang nagkwekwentuhan ni Cherryl na pinipilit siyang sumama sa kinabukasan pero sa pagkakataon na ‘yon ay buo na ang kanyang desisyon. Magalit na kung magalit sa kanya pero ‘yona ng totoo. At kung meron man ay makitid na ang utak nito para di maintindihan ang sitwasyon na meron siya.
Hindi lahat ng nag-aaral ay pinagpala, madalas sila pa ang kailangan kumayod sa buhay para makapag-aral. Kaya para sa dalaga, ang mga working students na pilit pinagkakasya ang araw ay siyang masasabing may mararating sa buhay.