Chapter 29: Kailan

2195 Words
Tanghali na nang magising si Hazel, pagod at sobrang sakit ng kanyang katawan dahil sa haba ng byahe niya sa pang-araw-araw. Nang una ay masaya pa siyang bumabyahe pero habang nagtatagal ay para ba itong naging impyerno sa buhay niya. Madalas ay mas matagal pa ‘to kesa sa klase niya, apat hanggang anim na oras na byahe at attendance lang ang ginagawa. “Wala ka bang pasok ngayon?” tanong ng ina na unang bumungad sa kanya. Sa isang lingo ay isang araw lang ang kanyang pahinga, iyon lang ang araw na nakakabawi siya sa lahat ng lakas na nagagamit siya sa buong lingo. At laking pasasalamat niya na hindi na siya ginigising o binubulabog sa loob ng kanilang tahanan. Binibigyan na siya kahit papaano ng espasyo para makapagpahinga at nararamdaman na ng tao sa bahay kung gaano siya kapagod sa buong araw. “Wala po, ma. Mayroon kaming isa pero hindi naman po pumapasok ang prof kaya nagpasabi nalang ako na i-attendance nalang ngayong araw.” bukod doon ay nanghihinayang siya sa pamasahe na gagastusin. Ang pamamsahe na kanyang nagagamit mula mula sa bahay hanggang sa university ay nagkakahalaga na isang daan. Malaking bagay na ‘yon sa katulad niyang pinag-aaral lang para pumirma ng attendance. “May lakad ka ba ngayon?” tanong muli nito. Napatingin siya sa oras bago umiling. “Wala naman po, ma, aalis ka?” tanong niya. “Hindi. Naitanong ko lang, madalang ka nalang makita dito sa bahay kaya nakakapagtaka na makita ka dito sa salas.” Habang isinasalin ang ulam at inilagay ngayon sa kanyang harapan. “May iniutos ang papa mo, tamang-tama na andito ka ngayon. Ikaw na muna ang magbantay ng tindahan, huwag ka magpapasok kahit si Ellie.” Paalala nito. Tumango lang siya sa ina. Maya-maya lang ay nagpaalam na ito sa kanya, aalis habang siya ay tahimik na nakaupo sa loob ng tindahan. Nagbibilang ng lahat ng nagastos at maaring matira sa allowance niya sa isang buwan. Kasya pa ang lahat at may tira na maari niyang itabi sa banko ngunit ang malaking problema niya ay ang pambayad ng tuition para sa susunod na exam. Nang huling nanghingi siya sa ama, umiiyak na siya lahat-lahat ay hindi pa din siya binigyan nito. “Kung hindi lang nakakahiya kay tito na sa kanya ako manghihingi.” Aniya sa sarili. Ang ibinibigay ng mga tito niya ay sinesikreto niya sa ama, kung malaman nito na may nagbibigay na sa kaya ay baka hindi na siya nito bigyan at asahan pa sa pang-araw-araw ang maliit na allowance. Ang allowance niya ay saktong pamasahe lang at kung may sobra doon lang siya nagkakaroon kapatan kumain o makaipon. “Oh, bakit ikaw ang andito?” tanong ng ama na namumula pa ang mga mata at mukhang bagong gising. “Wala kang pasok?” dagdag pa niya. Katulad ng sinagot sa ina ay ganon din ang paliwanag niya. “Pinag-aaral ka ng maayos pero hindi ka pumapasok, paano kung dumating ang prof mo ngayong araw edi wala kang natutunan?” sermon nito. Nag-aalala ba siya para sa kanya o gusto niyang ipahiwatig na sinasayang niya lang ang binibigay nito sa kanya? “Sigurado naman po ‘ko na walang pasok tsaka may nag-attendance naman po sa ‘kin.” Paliwanag niya ngunit inisnob lang nito ang kanyang sinasabi bago pinalabas na siya sa tindahan at ito naman ang pumalit sa kanya sa pagbabantay. Napabuntong hininga na lang siya bago nilinis ang kusina at napagdesisyonan na palipasin muna ang oras bago sabihin ang patungkol sa tuition niya. Bagong gising ito at kung sasabayan niya ay baka mas lalo lang siyang hindi pansinin at bigyan nito, ang mas malala ay baka sigaw-sigawan lang siya. “Gising na ang ama mo?” bungad ni mama. Pawis na pawis ‘to, bitbit ang mga bote ng matika at iba pang paninda. “Hmm.” Tatango-tango niyang tugon saka lumapit dito. “Ma, malapit na ang midterm namin, kung pwede pakibanggit na naman kay ang tungkol sa tuition ko mamaya. Kailangan ko makabayad ng mas maaga ngayon, ang haba ng pila kung late na ‘ko magbabayad.” Paliwanag niya. Humugot ng malalim na hininga ang ina. “Siguradong pahirapan na naman ‘to. Sabihin ko mamaya sa kanya bago siya pumasok, tignan natin ang mood niya ngayon.” tugon nito. Tumango siya. Umaasa na kakausapin ng ina ang ag papa niya patungkol sa bagay na ‘yon. Ayaw niya ito kausap patungkol sa pera dahil kahit lumuha pa siya ng dugo ay hindi siya nito bibigyan—kahit nga ang gamot niya dati ay pinamukha pa nito sa kanya dati kahit ang laki ng nakuha nito sa trabaho ng dahil sa kanya. Nang magkaroon din ng programa na educational loan sa trabaho nito ay ginawa siya nitong sangkalan upang makakuha ng pera pero kahit goma na sapatos ay hindi siya nito binilhan. Sinasarili ang pera saka malalaman na lang na nagpadala sa kamag-anak niyang walang ginawa kundi ang magbisyo. MAG-isa na pumasok sa unang klase si Hazel na agad sinalubong ni Cherryl na nag-aabang sa kanilang madalas na pwesto. Nagpasama siya sa isang malaking groupo—silang dalawa ni Hazel na mabilis nakahanap ng alipores pero sila ang madalas na magkasama at malapit sa isa’t isa. Samantala, hindi magpapatalo ang panay tirik na mata ni Hannah. Magmula ng tanggihan niya ‘to ay masama na ang tingin nito sa kanya, ramdam niya na din pati ang circle of friends nito ay galit sa kanya. Sino ba ang may pakealam sa galit niya? Hindi naman pinapansin ni Hazel ang dalaga, may sarili itong mundo at hindi gaano nakikipagsalamuha. “Buti hindi ka nahuli sa pagpasok ngayon, may exam tayo tsaka kanina pa nagpaparinig ang mga nasa likod.” Pabulong ang boses niya sa huling parte ng kanyang sinabi. “Hindi ka pa ba na sanay sa kanila?” tanong ni Hazel pabalik dito. “Hayaan mo sila magparinig, hindi ko na problema kung may galit sila sa akin.” “Sabi ko nga.” Sabay kibit balikat ni Cherryl na mukhang bored na bored na. “Heto ang assignment, kopyahin mo na habang wala pang second subject.” Aniya. Lumaki ang ngiti ni Cherryl ng i-abot niya ang mga sagot sa pinagagawa sa kanila. Iyon lang naman ang maitutulong niya dito, madalas siya nitong ilibre at isama sa kung saan-saan sa tuwing maaga silang umuuwi kaya nararanasan niya kahit papaano ang say anito. Tahimik lang silang lahat na nag-exam, madali lang ang exam para sa dalaga dahil karamihan sa kanyang binasa ay nakalagay sa exam. Malaki ang ngiti niya na lumabas ng kwarto, hinihintay ng mga kaibigan na hindi pa tapos magsagot. “Oh, ‘yong kaaawa-awa nating kasama na-iisa.” Parinig ni Hannah ngunit nanatili siyang bingi sa sinasabi ng dalaga. Hindi siya pumasok para humanap ng gulo. “Napipi ka na ba kaya hindi ka makapagsalita o natatakot ka dahil wala kang kasama ngayong kaharap kita?” Nilingon niya ‘to bago nagpakita ng ngiti. “Ayaw ko lang mag-aksaya ng laway sa pagsagot sa iyo, sa mga walang kwenta mong pinagsasabi. Baka mauhaw pa ‘ko, sayang ang perang ipambibili ko ng tubig.” Aniya. Kita niya ang pagkaasar ni Hannah sa sinabi niya at akmang susugudin siya ng pigilan lang ‘to ng mga kasamahan upang di gumawa ng skandalo. Maya-maya lang ay lumabas na ang ibang mga kasamahan ni Hazel na nagtataka dahil pinagtitiginan ang kanyang pwesto. “Tara, sa susunod na klase.” Pag-aaya niysa mga ‘to. Malapit din siya sa mga iba nilang kasama ‘yon nga lang ay moody siya magsalita. Ibang-iba oong nasa Jjunior High pa lamang siya na nangunguan sa pag-iingay, siguro ay dala na din sa unti-unti siyang namumulat sa katotohanan. “Alam ko na kung ano ang nangyari ng wala kami. Iyon talagang babae na ‘yon!” inis na usal ni Cherryl at akmang susugod na sa mga ‘to. Magmula ng makilala niya si Cherryl ay overprotective na ito sa mga kaibigan, ayaw na may naapi, pero ayaw niya na din na nang-aapi ang groupo nila. Nakikita niya ang sarili niya dito ‘yon nga lang ay litereal na may kaya ‘to sa buhay kumpara sa kanya. “Hindi naman natin siya kailangan patulan, hindi pa mature ang pag-iisip niya at mukhang puro gulo lang ang nasa isip. Hayaan nalang natin siya hanggat wala pa siyang ginagalaw sa atin.” Tugon niya. Ayaw niya masangkot sa kahit anong gulo, college na sila at dapat alam na nila kung paano kontrolin ang sarili ng emosyon at desesyon. “Ang bait mo kasi masyado ‘yan tuloy.” Anito. Ngumiti lang siya dito bago nag-umpisa na magbasa ng libro. Hindi na siya umaasa pa na may papasok na prof, alam naman nila ang kakalabasan pero hindi ‘yon dahilan para hindi niya aralin ang nakalagay sa libro. Sayang naman ang pagbili niya kung hindi niya din naman babasahin at gagamitin. “Bayad ka na ba sa tuition?” dinig niyang pag-uusap ng ilan sa kanilang likuran. ‘Oo nga pala, iyon ang malaki kong problema.’ Isip-isip niya ng maalala ang patungkol sa sunod nilang bayarin. “Hay! Sana dumating ang araw na wala na ‘kong aalalahanin, ‘yong makakapag-aral ng maayos na hindi pinoproblema ang pera na gagamitin. Ang sarap sana mag-aral kung meron lang supportado na magulang.” Sabay inat ng kanyang katawan matapos ang huling subject nila ngayong araw. “Naniniwala ako na darating din ang araw na ‘yon.” Sagot ni Cherryl saka siya inakbayan, “naniniwala ako na kakayanin mo ang lahat ng pinagdaraanan mo ngayon. Ilang buwan pa lang tayo magkasama pero sa tuwing nagkwekwento ka ay nararamdaman ko ang hirap na nararanasan mo. At ang mga katulad mo na may tyaga, ang tunay na pangarap.” Napangiti si Hazel saka niyakap ang kaibigan. Matapos ang dalawang taon na walang naniniwala at nakakaintindi sa kakayahan niya ay ngayon lang ulit siya nakatagpo ng taong tatanggap siya kahit may problema. “Hayaan mo, naniniwala din naman ako sa sarili ko na kaya ko.” sabay kindat niya dito. NANG makalabas ng building ay naghiwalay na sila ng landas, kasama niya ang ibang mga kasamahan sa klase na kaparehas niya ng daan at sasakyan pauwi. Nag-uusap at nagkakayayaan sa susunod na pupuntahan. “Ikaw, Hazel, hindi ka ba aalis?” Agad na natauhan si Hazel mula sa malalim na iniisip ng tanungin siya ng mga kasama. “Hindi na, kung saan ako nag-umpisa ay kailangan doon ko din tapusin. Iyon ang kasunduan namin sa bahay.” Mabilis niyang sagot kahit di nakikinig sa pinag-uusapan nito. “Iyon din ang rason kung bakit hindi ako makaalis-alis. Wala tayong matutunan kung puro na lang sila pa-attendance, ang dami pa binabayaran, ngayon alam ko na kung bakit ganon na lang ang sinasabi ng ilan patungkol sa paaralan natin.” Aniya. Panay ang mga reklamo nito dahil wala silang ginagawa bukod sa maghintay ng oras sa loob ng kwarto sa araw-araw nilang pagpasok. Pipirma para sa attendance na hindi naman nila alam kung chinecheck nga ba ng pro o palabas lang ‘yon para sa kanilang lahat. “Dito na ‘ko.” paalam niya sa mga ‘to bago humiwalay na. Mabilis lang ang kanyang byahe ng makahanap siya kaagad ng masasakyan pauwi. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang bangayan ng kanyang mga magulang. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa din sila tapos? “Hoy, nagpapaaral ka ng kolehiyo hindi kinder! Malamang ay kailangan mo magbayad ng tuition ng anak mo, huwag mong sabihin na hindi ka magbibigay, aba!” dinig niyang sermon ng ina. Naipiling siya. Mukhang kailangan ko ng masanay satuwing oras ng bayaran ang away nilang dalawa, siguro ay mas maganda ng ihanda ko na din ang sarili mo para sa sunod-sunod na masasakit na salita mula kay papa. Isip-isip niya. Hindi na siya nag-abala pa kumain kahit na kumakalam na ang sikmura sa gutom. Doon niya lamang na-realize na umagahan lang ang meron nakain niya sa buong araw na ‘to. “Namamayat ka?” usal ni Ellie habang nakatingin ito sa kanyang katawan. “Nagdi-diet ka ba?” dagdag pa nito. Umilingg siya. “Wala lang talaga akong makain.” Simple’t makatotohanan niyang sagot. Hindi umimik si Ellie at binalik ang atensyon sa panunuod. Bumababa siya, kailangan niyang labhan ang uniporme para may masuot siya kinabuksan ng tanghali. Sa kanyang pagbaba ay nakita niya ang ama na nag-aabang sa kanya. “Kakabigay ko palang sa iyo ng tuition ‘di ba? Bakit magbabayad ka ulit ngayon?!” mataas ang boses nitong sa kanya. “Tuwing exam po nagkakaroon kami ng babayaran.” Paliwanag niya bago bumababa ang tingin sa hawak na uniporme. “Wala akong pera! Huwag ka na mag-aral, maglandi ka nalang at magtrabaho!” sigaw nito bago siya nilagpasan at pumasok sa tindahan. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa pagsigaw nito sa kanyang harapan, pakiramdam niya ay may mananakit sa kanya, at nang tignan niya ang ina ay umiling lang ‘to dahilan para bumagsak ang kanyang luha. Kailan ba matatapos ang lahat ng pahihirap na ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD