“Walang pila sa cashier ngayon, may dala na ba kayong pambayad ngayon? Tara, sabay-sabay na tayong magbayad habang hindi pa dagsa ang mga studyante.” Pag-aaya ng isa sa mga kasamahan ni Hazel na kakapasok pa lamang sa loob ng classroom.
Nasa second floor lang sila at ang cashier ay apat na minuto lang ang layo sa kanila pero aanhin ang maigsing distansya kung wala naman siyang pambayad. Kung gagastusin niya ang pera na naipon ay kukulangin pa din ‘yon at kakailanganin niya mas magtipid ngayong buwan upang makahabol.
“Bukas nalang ako magbabayad.” Usal niya na hindi sigurado.
Kung hindi pa din siya aabutan ng pambayad ay mas mabuti ng kapalan niya ang mukha na manghingi kay Tito Boy para makapag-exam sa oras. Matumal ang sideline niya, wala gaanong um-o-order dahil ang dami niyang ka-kompetensya at madalas sa maliit niya na kita ay kinukuha paa ng ina, minsan nga ay kahit puhunan ay hindi bumabalik sa kanya.
“May problema ba?” tanong ni Cherryl ng mapansin ang pananahimik niya. Ito talaga ang may malakas na pakiramdam, madalas nitong nalalaman kaagad kung nag-uumpisa siyang mamroblema patungkol sa kanyang pamilya o sa bagay-bagay.
“Wala naman,” tugon niya, ayaw niya na may iba pang makaalam mas lalo na ‘to na mangungulit sa kanya na pahiramin ng pera. “Kulang lang ako sa tulog kaya natutulala. Teka, hindi ka ba sasama sa kanila magbayad?” nagtataka niyang tanong.
“Ano ka ba! Nagbayad na ‘ko ng full payment nakaraan pa, kukuha na lang ako ng slip para makapag-exam. Sabay na tayo bukas kung magbabayad ka.” Tugon nito bago binaling ang atensyon sa cellphone na mukhang may kausap.
Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Hazel. Nagpaalam na ang iba na lalabas muna, wala naman prof kaya malakas ang loob ng lahat na magpunta sa cashier. Isang beses nga ay na gustuhan pa ‘yon ng prof kesa ang magklase sa loob.
Isang swerteng araw para sa kanila ng magturo ang isang prof sa buong araw na klaase. Wala silang ginawa kundi ang tumambay, mag-ingay, at syempre hindi mawawala ang bardagulan ng mga magkakaibang groupo. “Dito na ‘ko.” paalam ni Cherryl sa kanya bago sumakay ng Jeep.
Nagmamadali itong umalis, may date daw siya kaya ayaw nito mahuli sa kitaan nilang dalawa. Samantala, si Hazel ay naiwan sa kinatatayuan habang sinusundan ng tingin ang jeep na sinakyan ng kaibigan saka napabuga ng hangin.
Wala siyang balak na pumasok sa isang relasyon, sagabal lang iyon sa plano niya sa buhay at hindi niya malaman—wala siyang nagugustuhan, walang crush matapos niyang pumasok sa senior High hanggang ngayon. Upang umiwas na din sa maaring mangyari at dahil na din sa trauma na maari siyang makahanap ng katulad ng ama.
Nang bata siya ay nasa isip niya na kung mag-aasawa siya ay gusto niya na katulad sa papa niya, marami kasing tao na nagsasabing mabuting tao ang ama niya pero habang tumatanda siya ay nakikita niya ang mali sa pamilya nila mas lalo na ang pakikituring nito sa kanya.
“Ma, wala pa din po bang ibinigay si papa?” umaasa niyang tanong sa ina na siyang nagbabantay sa tindahan nila.
“Hindi niya nga ‘ko iniimik sa tuwing sasabihin ko ang patungkol sa tuition mo. Pagpasensyahan mo na ang papa mo, problemado lang ‘yon sa babayaran niyang utang ngayong buwan.” Ani mama.
Napabuga ng hininga si Hazel bago tumango sa ina. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang lumapit sa kanyang mga tiyuhin na nagsabing lapitan niya sa tuwing may problema. Kailangan niya na lamang kapalan ang kanyang mukha para makapagpatuloy ng pag-aaral.
Hindi siya makatingin diretso sa mga mata ng ama ng magkasalubong sila, hindi din siya nito pinansin at nagdire-diretso lang nilang nilagpasan ang isa’t isa. Masama ang kanyang loob na lumabas ng bahay bago dumiretso sa kakbilang bahay, saktong kakauwi pa lang ng tiyuhin.
“Oh, bakit parang naiiyak ka dyan?” tanong ni Tito Boy.
“To, may extrang pera ka ba dyan? Hindi ako binigyan ni papa ng pambayad ng tuition, may natira akong pera dito sa allowance pero hindi pa din kakasya. Ibabalik ko nalang pagnagpadala ulit si tito.” Aniya na nagpapaawa.
“First year ka pa lang, unang semester pa lang ‘to pero pahirapan na kayo pagdating sa hirapan. Sigurado ka ba na makakatapos ka niyan?” natatawang tanong nito.
Hindi makaimik dahil totoo. Pangalawang beses pa lang na ng hingi siya ng pamabayad ng tuition pero pahirapahan na sa kanya, mas malala kung hindi siya pinansin at nilalagpas-lagpasan lang katulad ng nangyayari ngaiyong araw. Wala talaga ‘to balak na magbigay.
“Oh, s’ya, hahanapan ko ng paraan baka isangla ko na muna ang ATM ko, kailangan ko din naman ng pera basta bayaran mo kung dumating na ang per ani tito mo.” anito bago may kinuha sa ref saka inabot sa kanya ang isang box ng brownies. “bigyan mo na din ang mga kapatid mo.”
Gumanda ang kanyang ngiti. Alam na alam ng kanyang tiyuhin kung paano mawala ang problema at paano pakalmahin ang nararadaman. Hindi na ‘yon nakakapagtaka dahil maliit pa lang siya ay sobrang malapit na sila sa isa’t isa, ito nga ang nag-alaga sa kanya habang ang mga magulang ay abala sa trabaho.
“Salamat to!” may ngiti niyang pasasalamat bago nagpaalam na.
Pagbalik niya sa bahay ay nakita niya ang ama, nakatingin sa hawak niya na tila sumisilip. Mahilig ang papa sa matatamis, madalas itong bumili ng chocolate kaya iyon ang hindi maubos sa kanilang bahay. Inaalok niya ang ama na agad na kumuha.
“Kelangan mo na ngayon ng pangtuition mo?” tanong ng ama na nakatoon ang atensyon sa pagkain, “wala pa ‘kong pera ngayon, walang overtime ng dalawang lingo. Kung ibibigay ko ang natitirang pera ngayon ay baka wala nang pambili ng bigay at kukulangin ang budget natin dito sa bahay.” Paliwanag nito.
“Ayos lang kahit next week na po,” matagal pa naman ang exam nila ‘yon nga lang ay gusto niya magbayad ng maaga para walang pila at hindi ‘to biglain sa bayarin na kanyang hihingiin. “Pipila na lang ako.”
Ang makukuhang pera sa tiyuhin ay agad na ibabayad at ang pera na ibibigay ng ama ay siya naman ibabayad niya sa tiyuhin. Ayos na ‘yon para maresulba ang problema niya at ang extrang maiipon niya ay masbuti ng itabi baka sakaling wala muling ibigay sa kanya.
Umalis na ang ama at siya ay naiwan mag-iwan mag-isa. Wala pa ang mga kapatid kaya sobrang tahimik ng bahay nila, lahat sila ay may kanya-kanyang mundo at uuwi na lang ang mga ‘to para matulog. Sa wakas ay makakatulog na siya ng maayos na hindi pinoproblema ang tuition.
KINABUKASAN, maaga pa lamang ay nasa tapat na siya ng bahay ng tiyuhin para kunin ang pera bago ito makapasok sa opisina. “Heto, itabi mo nalang ang ipon mo at bayaran mo nalang ako kung meron ka nang pera. Huwag magpapakagastos, wala akong maiaabot sa iyo sa susunod.” Anito.
“Salamat to. Ibabalik ko din kaagad, hindi naman magtatagal.” Paliwanag niya bago inilagay na sa bag.
Sabay na silang nagpunta sa sakayan, nakalibre pa siya ng bente ng magpresinta ang tiyuhin na magbayad. Hindi ko makakalimutan ang araw na ‘to, kung kelan ipinagpalit mo ang sarili mong gamit para mapunan ang pangangailangan ko.
“Dito na ‘ko.” paalam ng tiyuhin bago lumabas na ng jeep at siya ay naiwan sa loob.
Kampante siya sa lahat, pagkarating sa classroom ay agad niyang inaya si Cherryl upang magbayad. Mahaba-haba na ang pila pero mas ayos na ‘yon kesa sa mismong exam siya magbabayad na inaabot hanggang fourth floor ang haba ng pila at bagal ng cashier.
“Pagtapos ng exam, gusto niyo magpunta sa bahay?” pag-aayaya ni Cherryl na mukhang may binabalak. “Wala ang parents ko, hindi naman sila umuuwi at ako lang madalas sa bahay. Tara, mag-inuman tayo or gusto niyo sa bar nalang tayo magpunta, may alam akong maganda.” Suhestiyon pa nito.
Nagkatinginan silang lahat at naunang sumagot si Hazel. “Sure. Sa bahay niyo nalang, mahal ang inumin sa bar.” Aniya. Sumang-ayon ang iba sa sinabi niya.
“Himala na nangunguna ka ngayon sa galaan, Hazel?” tanong ng isa.
Ngumiti niya. “Wala naman tayong gagawin, ayaw ko din umuwi ng bahay ng maaga—” maabutan ko lang ang mga magulang ko na nag-aaway o ako lang naman ang pag-iinitin kaya huwag nalang. Aniya sa kanyang isang sa karugtong ng kanyang sasabihin.
Hindi naman magtataka ang kanyang mga magulang kung hindi siya umuwi kaagad, sanay na ito na kung anong oras na ito umuuwi dahil sa schedule na meron siya. Tuluyan na din nawala ang curfew niya malaya na siyang nakakagala at nakakauwi ng hindi napapagalitan.
“Same. Paghuhugasin lang ako ng plato pag-uwi ko.” reklamo ng isa na ikinatawa ng lahat. Apaka laki naman kasi ng problem anito para iyon ang maging rason kung bakit siya sasama at ayaw umuwi sa kanila.
“Ayan na ang permit niyo.” ani Danica na malapit sa salamin kung saan ibinibigay ang mga permit.
Nang makabalik sa kwarto ay may professor na, sinermonan sila ng kaunti dahil lumabas sila sa oras nito pero hindi na din ‘yon nagtagal at pinag-attedance sila saka na ito umalis. Maya-maya ay may lumapit may hawak na papel. “May bayaran tayo na fifty pesos, ngayon ba kayo magbabayad o bukas na?” tanong nito.
“Ngayon na.” mabilis na sagot ni Hazel bago nag-abot ng pera dito. “Wala naman magbabago kung ngayon o bukas magbabayad.” Paliwanag niya ng mapansin ang pagtataka sa mga mata ng kaibigan.
Madalas ay siya ang huling nagbibigay at minsan ay mahirap siyang hingian kaya sa mga kasamahan nito ay malaking himala na manguna siya sa pagbabayad. Naisip lang ni Hazel na wala naman ibang magbabago kung maaga siya magbabayad, sakto na may extra siyang dalang pera at hindi lang saktong pamasahe.
“Nga pala, Hazel,” pag-aagaw ni Cherryl sa kanyang atensyon ng makaalis na ang naglilista. “Wala kang boyfriend ‘di ba?” tanong nito.
“Wala.” Mabilis niyang tugon, “At wala din akong balak.”
“Ito naman, hindi mo pa nga nakikilala. Iyong boyfriend ko, naawa ako sa kanya dahil madalas siyang niloloko ng mga nililigawan niya, sobrang seryoso kasi non sa babae na i-da-date niya pero sa huli mga babae ang nanakit sa kanya.” anito sa kanya bago may ini-stalk sa social media at pinakita ang isangg larawan ng lalaki.
“Kwento ng boyfriend ko, may nililigawan daw itong daw itong classmate niya,” sabay turo sa larawan na nasa cellphone niya. “Sobrang malapit na daw ang dalawa, smooth na kung baga pero wala silang label. Gusto pa nga ng babae na ipakilala kaagad siya sa bahay ng lalaki, ipapakilala na sana siya kaso ‘yon nga, bumalik ang ex ni ate mo girl at iniwan itong si classmate. Iniwan sa ere kaya ‘to na saktan, naiiyak na nga daw eh.” Pagkwekwento nito.
“Siya ang laging sinasaktan?” pag-uulit niya sa sinabi nito bago tinitigan ng mabuti ang itsura nito.
Mukha itong may lahi, matangos ang ilong, may kasingkitan ang mata, at ang kanyang pisngi na may maalim na dimple sa magkabilaan. Hindi din nagpapatalo ang tangkad, isama pa ang lapad ng balikat niya larawan pero ang social media nito ay wala gaanong laman, kahit memes ay wala.
“Oo. Ipakilala ko sa iyo gusto mo?” pag-aalok muli nito sa kanya.
Sandali siyang natigilan. Wala siyang balak na pumasok saa relasyon, may naging ex-boyfriend naman siya pero lahat ‘yon ay niloko siya, ang isa nga ay ginawa lang siyang ‘a-toys’ at ng magsawa ay bigla-bigla na lang siyang iniwan sa ere.
Ayaw niya na makaramdam ng ganong sakit. Lahat ay nangangako sa una na hindi mananakit pero sa huli ay iiwan din kung makahanap ng bago sa paningin nila, nang dahil din doon ay natuto siyang hindi makuntento. Oo nga’t mahirap lang siya, walang pera at may malaking problema pero hindi naman siya panget para di ligawan ng mga kalalakihan.
“Hmm, wala akong balak pumasok sa relasyon ngayon.” pagtanggi niya pero sa loob-loob ay baka hindi siya magustuhan ng lalaking nasa larawan. Mukha itong may kaya sa buhay, makikita ‘to sa tindig at kung paano gumalaw sa mga video na naka-tag dito.
“Hindi ko naman sinabi na magiging kayo. Like, Friends lang naman kung di niyo trip ang isa’t isa pero sayang talaga kung papakawalan mo pa siya. Matalino, mabait, mula sa magandang pamilya, at higit sa lahat ay buong-buo kung magmahal.” Pangungumbinsi pa din nito sa kanya.
Muli siyang napatingin sa larawan. Buong-buo kung magmahal? Kung sakaling magiging kami ay hinding-hindi ko din siya sasaktan, hindi ko siya bibigyan ng rason para umiyak, at hindi ko siya iiwan na katulad ng mga ginawa ng mga babae sa kanya. Isip-isip niya.
“Okay, sige, pero dapat siya ang mag-add. Titignan ko kung trip ko ang ugali niya pero kung hindi ay sasabihin ko sa kanya ng diretso.” Paalala niya dito.
Tumango ito sa kanya na may malaking ngiti sa labi. Maya-maya lang ay napansin niya ng may chinachat ang kaibigan, mukhang ang boyfriend na nito ang kausap. Maya-maya lang ay lumingon ‘to sa kanya bago ngumiti.
“I-add ka nalang daw niya.” taas-baba ang kilay nito na mukha pang kinikilig.
Hindi mapigilan ni Hazel ang mapangiti saka muling tumingin sa larawan na sinave niya sa may kalumaan na cellphone. ‘Pangako, hindi kita sasaktan at ibibigay kung ano ang deserve mo.’ tugon niya sa isipan.