Malakas ang kabog ng dibdib ni Hazel habang nakatingin sa cellphone. Ang sabi ni Cherryl ay na sabi na daw doon classmate ng boyfriend niya na i-add siya, kahapon pa siya naghihintay ngunit hanggang ngayon ay wala pa din siyang natatanggap mula dito. Ayaw niya ba sa akin? Siguradong in-stalk niya na ang f*******: ko bago i-add tsaka doon ibabase kung deal or no deal ba. Hindi pa naman maayos ang social media account niya, kung ano-ano ang sinashare niya minsan ay may kalaswaan pa. Puro tag at wacky picture pa ang andoon, tanging profile picture lang ang matitino na andoon. Nag-uumpisa na siya mag-overthink, hindi mapakali sa kanyang pwesto. Madalas siyang may nakikilalang lalaki, mabilis niya lang ‘yon i-entertain at hindi ganito ang kanyang nararamdaman pero bakit ganito ngayon? Kahit

