Sa unang pagkakataon ay pinayagan si Hazel na mahuli ng uwi, ang dating alas-sais na curfew sa kanya sa bahay ay ginawang alas-diyes ng gabi. Nang una ay hindi siya mapaniwala sa nangyayari ngunit ng sabihin ng ina na ang magulang ni Mariel ang nakiusap sa kanya ay wala siyang magawa kundi ang pumayag.
Simple ngunit disente ang kanyang suot, hindi ito gaanong naghanda sa pupuntahan dahil doon lang naman sila buong oras sa bahay nila Mariel. Sobra-sobrang pananabik ang kanyang nararamdaman, ilang araw din sila nagkita at maaring ito na ang huling beses na magkakasama-sama sila—o makasama niya ang mga ito.
Siya lang ang aalis, iiwan niya ang lahat ng kaibigan para lumipat sa Unibersidad. Walang takot na nararamdaman si Hazel, kaya niya ang kanyang sarili ngunit natatakot siya na baka mahirapan siya sa bagong environment na kanyang papasukin.
Hindi na siya kumatok at dirediretso ng pumasok sa loob. Agad siyang sinalubong ng kaibigan ng mahigpit na yakap, katulad ng sinabi nito ay maraming nakahandang pagkain at ready na din ang videoke sa tabi nito.
“Bakit wala pa sila?” tanong ni Hazel ng mapansin na sila pa lang ang andoon. Ang usapan nila ay doon na sila magtatanghalian hanggang hapunan para matagal-tagal ang oras nilang magkakasama pero hnaggang ngayon ay wala pa din ang mga ‘to.
“Sunduin natin?” suhestiyon ni Mariel.
Agad na sumang-ayon si Hazel. Hindi pa kikilos ang kanilang mga kaibigan papunta kung hindi pa nila ‘yon susunduin, sa ilang taon nilang nakilala ang mga ito ay alam na alam niya na ang mga ugali na meron sila. Mas lalo na si Jean na hindi malaman kung wala ba silang orasan o hindi lang talaga marunong tumingin ng oras.
“Oh, Mariel, Hazel, si Jean ba ang hinahanap niyo?” tanong ng ginang na natagpuan nila na nasa harap ng bahay at nagwawalis.
Tumango silang dalawa. Hindi sila malapit dito, madalang din kasi nila itong makita dahil madalas itong nasa trabaho saa tuwing bibisita sila sa bahay nito. Kilala naman sila nito dahil madalas sa tuwing hindi mahagilap si Jean ay sa amin nagtatanong.
“Magandang tanghali po, tita. Andyan po ba si Jean?” tanong ni Hazel matapos mgmano sa ginang. “Napag-usapan po namin na magcecelebrate ngayong hapon sa bahay nila Mariel kaso wala pa din po siya.” Paliwanag niya.
“Naku, hindi niya ba sinabi sa inyo?” magkadikit ang kilay ng ginang bago ibinababa ang hawak na walis. “Umalis siya kaninang umaga para sumama sa team building ng youth nila. Wala naman siyang sinabi sa amin na may usapan kayo kaya hinayaan ko nlang umalis.”
Nagkatinginan kami ni Mariel at parehas na bumagsak ang balikat. “Ayos lang po ‘yon, tita. Mukhang mas importante naman po ang pinuntahan niya kesa sa lakad namin ngayong araw.”
Alam nilang lahat na ‘Youth’ na kung saan nabibilang si Jean ay siyang nagpapaaral sa kanya, minsan niya iyong binanggit sa kanila ng nagkwekwentuhan sila patungkol sa papasukan na kolehiyo. Minsan nga ay naiisipan niyang sumali doon, si Jean ay makakapag-aral sa isang maganda at sikat na Universidad dahil doon ngunit siya lang ang tumanggi.
Nagpaalam na silang dalawa sa ginang, sunod na pinuntahan ay si Joana. Ilang minuto din nila ‘tong hinintay dahil nautusan pa maglinis ng mga dahoon sa swimming pool. Isa’t kalahating oras sila nag-ikot-ikot at tangingin si Joana lang ang nakuha nilang dalawa.
“Ang dami pa naman handa.” Nanghihinayan na usal ni Mariel bago tinignan ang mga pagkain. “Mga ni-request pa naman ni Jean ang lahat ng niluto ni mama.”
“Kaya naman natin ubusin ‘yan—ata?” nakangiwi niyang tugon sa kaibigan bago inakbayan si Joana na nakatingin sa handa.
Silang tatlo lang ang nasa loob ng bahay. Kailangan umalis ng ina ni Mariel para bantayan ang gumagawa ng bagong paupahan, ang dalawang kapatid nito ay sumama, at ang Kuya ay nasa bahay ng girlfriend nito. Wala silang ibang kasalo at wala silang ibang choice kundi ang ubusin ito.
“Magdadala na lang ako sa bahay.” Suhestiyon ni Hazel. Iyon ang balak niya magmula ng umalis siya sa bahay, siguradong hindi siya papagalitan kung nag-uwi siya ng pagkain mula sa handaan.
“Hindi ka naman ready ‘no?” sarkastikong tanong ni Mariel ng makitang naglabas ng plaastik at Tupperware ang kaibigan sa bitbit na bag.
Napakamot si Hazel pero hindi nakaramdam ng kahihiyan. Sila lang tatlo ang andoon kaya hindi niya kailangan mahiya, halos kapatid niya ng maituturing ang dalawa. Nang masulusyonan na nila ang problema ay nag-umpisa na silang magsaya.
Kulangman sila ay hindi nila hiyaan na masayang ang natitirang oras nila na magkakasama, buong araw silang nagsaya hanggang mapagod silang lahat. Pinagbabawal ang alak kaya halos panay dighay ang tatlo sa dami ng softdrinks na nainom.
“Sana kahit dumating na ang oras na kailangan natin piliin ang mga kanya-kanyang landas natin ay huwag natin kalimutan ang mga araw na magkakasama tayong apat. Ang mga kulitan, away, at problema na sabay-sabay at sama-sama natin nilagpasan. Ang pangarap ko sa ating lahat ay magkapagtapos katulad ng pangarap natin ngayon, may mahuliman ay sana makapagsuot pa rin sila ng togang itim dahil iyon naman talaga ‘di ba?” mapaklang tumawa si Hazel.
Muling bumabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanilang lahat, ang bawat araw na kasama niya ang mga ito ay hindi niya kinalimutan, ang bawat salita na lumalabas sa bibig ng mga ‘to ay kanya pang natatandaan at kahit kailan ay hindi makakalimutan.
Ngayon, nasa hangganan na sila, kailangan niya ng umalis upang harapin ng mas maaga ang tunay na buhay at kanyang pangarap na tatahakin. Hindi niya na makakasama ang mga ‘to kaya ang ipagdasal na maging matagumpay ang lahat na lamang ang kanyang gagawin.
“Aalis ka na ba talaga?” naluluhang tanong ni Joana bago niyakap ang kaliwanng braso. “Iiwan mo na talaga kami?”
Ngumiti siya. “Hindi ko naman kayo iiwan, magkakaibigan pa din naman tayo at pwede ko kayong bisitahin dito kahit anong oras. Iyon nga lang ay baka iba-iba na ang oras natin o ang mas masakit ay ang iba hindi na makaalala pa.” aniya.
Ang bagay na kinakatakutan niya kung bakit ayaw niyang iwan ang mga ‘to pero ito ang kailangan—ito lang ang natatanging paraan para masanay siya. Kailangan niyang lumabas sa bagay kung saan siya komporrtable at magdiskobre ng iba pang mga bagay.
“Ano ba ‘tong drama na ‘to? Syempre, hindi ka namin makakalimutan ‘no.” singit ni Mariel bago kumapit naman sa kanan niyang braso. “Pangako, hindi ka namin kakalimutan at madalas na kakamustahin kahit nasa malayo ka na nag-aaral.” At ang pangako na ‘yon ang pinanghahawakan ni Hazel na sa bandang huli ay siya lang din ang naka-aalala.