Nabuburyo na ang lahat sa kanilang mga pwesto habang hinihintay matapos ang valedictorian speech na puro walang katapusan na pasasalamat sa mga taong hindi naman nakita sa apat na taong pag-aaral namin ng sekondarya. Ang lahat nabubugnot, may iba na inilalaan na lang ang atensyon sa mga cellphone, ang iba ay nakikipag-usap sa katabi na parang walang nangyayari.
Nang matapos na ang speech nito ay kanya-kanya ang lahat sa palakpakan, hindi dahil naintindihan ng mga ito ang sinabi sa harap kundi sa wakas ay tapos na ang napakahabang sinasabi nito na ang star section at mga bisita lamang ang nakakaintindi.
Sa wakas ay tuluyan ng natapos ang graduation. Ang lahat ay masayang-masaya kasama ang kanilang mga pamilya, may iba na kumukuha ng larawan kasama ang mga kaibigan, at ako ay parang nawawala sa kinatatayuan hinahanap ang mga kaibigan.
Ang lahat ay may magagandang ngiti, walang pagsisi sa kanilang ginawa—ang mga hindi nakikita sa klase ay nakagraduate, ang mga nagcucutting ay may proud na proud na pamilya, at ang mga nasa star section na napapalibutan ng photographer upang kunan ng litrato. Lahat sila ay na gawa ng walang pagsisi ang apat na taon, ganon din ako, ginawa ko ang best ko mas lalo na sa taon na ito.
“Hazel.” Tawag ng isang malambot na boses sa di kalayuan. Bumungad sa akin si Sir, may hawak itong isang pirasong bulaklak. “Maraming salamat sa pagtulong mo mai-ayos ang buong klase sa loob ng isang taon, sobrang pasaway nila pero nakayaanan mong ayusin at makagradute kayo ng sabay-sabay. Congrats, pag-alis mo sa school natin ay mas malalaki ang mundo mo, marami kang matutunan at sana ay hindi ka maligaw ng landas.” Aniya.
“Ito, para sa iyo.” iniabot niya ang hawak niya sa akin bago hinimas ang buhok ko. “Sa lunes ay magpunta ka sa school, may ibibigay ako sa iyo pati na din ang iba mong kaklase. Ibinigay ko na sa iyo ang list, sana ay mahila mo silang lahat sa huling araw natin magkakasama.” Paalala nito.
“Salamat po, sir. Huwag po kayo mag-aalala, hindi ko po pababayaan ang pag-aaral ko at kung magkaroon ako ng trabaho ay babalik ako sa school natin para ilibre kayo sa loob ng whole math department.” Mababawman pero iyon naman ang sign ng pasasalamat ko sa lahat ng nasa department na iyon.
Ngumiti ang adviser namin. “Sabi mo ‘yan ah? Aabangan ko kahit ilang taon pa ang lilipas.” May pang-aasar niyang tugon bago lumingon sa likod ko. “Oh, ayan na ang mga kaibigan mo. magpicture na muna kayo, mamaya-maya ay palalabasin na din ang lahat.” Anito saka nagpaalam na.
Nagpasalamat ako muli sa kanya at nang makaalis na siya ay saktong pagdating ng mga kaibigan ko. Panay ang kuha ng litrato na parang walang bukas, proud na proud sa mga nakuhang diploma at suot na puting toga.
“Napansin namin na nag-uusap kayo ni Sir kanina, may pinagagawa na naman ba siya sa iyo?” tanong ni Jean na abala sa pagtingin ng nakuhang larawan namin.
“Tapos na ang klase pero may pinagagawa pa din?” segunda ni Joana.
“Tapos na nga ang klase pero ang clearance niyo ba ay tapos na?” pagbabalik ko sa kanya ng tanong tsaka iiling-iling, “ang daming teacher ang hindi pa pumipirma at ayaw pumirma kaya hanggang ngayon, kahit nakuha na ang diploma ay hindi pa din tapos ang gawain ko.”
Lahat kasi ay damay-damay. Ang kalokohan ng isa ay kalokohan ng lahat, ang matitino ay nagiging kawawa pero ako ang sobra—ako lang naman kasi ang parang buntot na sunod ng sunod sa teacher na gustong-gusto din hinahabol-habol.
“Kung sabagay. Sa lunes ay babalik pa tayo para ayusin ang lahat bale hindi talaga ito ang huling araw natin na magkakasama.” Ani Mariel bago kumapit sa braso ko tsaka ipinatong ang kanyang ulo. “Kung wala kayong gagawin sa lunes ay gumala muna tayo o maghahanda kami sa bahay para sa celebration ng pagtatapos natin ng junior high.” Pag-aaya niya.
“Sure!” mabilis kong tugon. “Dagdagan mo na din ng videoke para ganap na ganap ang pagkikita natin.” Kahit wala akon talento sa pagkanta ay may makapal naman akong mukha para makakanta. Wala ng hiya-hiya sa mundong pakapalan ng mukha ang labanan.
“Oo na.” pagsuko ni Mariel.
Ilang minuto lang kami sa loob, pinalabas na din ang lahat para sa susunod na gagamit ng coliseum. Kailangan pa nila baguhin ang desenyo, linisin, at syempre ayusin ang mga bisita na minsan lang magpakita. Nakita namin ang mga magulang namin na nagkwekwentuhan, nadinig ko pa ang pangalan namin dalawa ni Mariel.
Matiwasay kaming nakauwi, nag-arkila pa kami ng isang jeep papunta sa school at saka naglakad. Humiwalay na din sila sa amin ng madaanan namin ang lusutan pa punta sa kanila.
“Pag natapos mo na ang lahat ng kailangan mong ayusin sa school ay mag-enroll ka na, huwag ka na magpatagal-tagal mas lalo na’t sa magandang eskwelahan ka papasok sa susunod na taon.” Paalala ni mama habang naglalakad kaming pauwi.
“Syempre po ma.” Sagot ko na di natingin sa dinaraanan at nakataas ang diploma na apat na taon kong pinaghirapan.
Nakakatuwa isipin na natapos ko ang lahat, nalagpasan ko ang mga problema problema na kinaharap. Nakuha kong tiisin ang pagod, hilo, gutom, discouragement ng mga tao sa paligid ko, ang mga panghuhusga nila, at nalagpasan ko ang sinasabi ni papa.
Ang hindi makakapagtapos ng high school dahil mag-aasawa din ako at magbubuntis. Siguradong hindi pa dito natatapos ang lahat ng pinagdadaanan ko, umpisa pa lamang ang naranasan ko sa apat na taon na ito pero hindi ako susuko.
“Sa susunod ay itim na toga naman ang sususotin ko!” aniko bago malaking ngiti ang sumilay sa labi.
Mukhang narinig ni mama ang sinabi ko kaya mahina itong napatawa at kinuha ang diplomang nasa kamay ko. “Kaya mag-aral ka pa ng mabuti, mabilis lang ang taon at sa susunod ay mamalayan mo na lang ay nasa huli ka na ng taon at naghihintay na magmartsa suot ang itim na toga.” Pagpapalakas ng loob ko na sabi ni mama.
Hindi ko bibiguin ang mga taong naniniwala sa akin magmula sa una, ang dami ko ng sinakripisyo at malayo na din ang narrating ko. Kailangan ko magpatuloy, huwag kakalimutan lumingon sa hirap na dinaanan pero huwag manatili sa parehas na problema. “Anim na taon na lang at mapapatunayan ko na ang sarili ko, hindi lang sa lahat kundi pati na din sa taong mga naniwala sa akin magmula una.”