Chapter 25.2: Responsibilidad

2128 Words
Hindi ako makatingin ng diretso sa mata ni Lena, hanggang ngayon ay nahihiya pa din ako sa kaya—mas lalo na sa mama niya dahil sa inasta ni papa ng gabing iyon. Tahimik ako sa aking pwesto, habang napapagitnaan ni Mariel at Joana, nag-away pala silang tatlo bago matapos ang taon kaya bumilik sila sa tabi ko ngayon. Wala pa ang teacher, kakaunti lang ang pumasok at pauwi pa lang ang iba galing sa probinsya. Tahimik na inaayos ang attendance ng bawat isa mula sa harap upag makita kung sino ang nakarating na, lumabas, o ang mga may balak magcutting sa unang araw ng klase. “Hazel.” Natuon ang atensyon ko sa tumawag ng aking pangalan. Si Lena, nakasandal ito sa pinto at sumensyas sa ‘kin papalabas ng kwarto. Walang pag-aalala na ibinababa ko ang notebook na hawak sa teacher desk bago sumunod palabas. Naabutan ko siya malapit sa hagdan, wallang ibang tao doon maliban sa amin dalawa. Lumapit ako sa harap niya na nakatingin sa sahig. “A-ano ang problema?” nahihiya kong tanong. “Pasensya na nasabi ko nang huling magkausap tayong dalawa, sobrang unreasonable ko para sisihin ka sa bagay na hindi mo naman ginawa. Hindi ko naisip na kaya ayaw mong magpahatid sa inyo dahil sa ganong rason, pinilit pa din kita na ihatid namin kaya nangyari ‘yon. Sorry.” Paghingi niya ng pasensya bago ibinababa ang tingin. Hindi ako makaimik sa sinabi niya, inako niya ang kasalanan kahit ako naman talaga ang may gawa. Ibinababa niya ang sariling pride kahit sila ang binastos at naging biktima sa nangyaro pero—biktima din naman ako ‘di ba? “A-ano ka ba, ako nga dapat ang humingi ng pasensya sa iyo. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ‘yon, kung hindi lang sana ako nagpagabi at pinilit ng umuwi ay sana hindi niyo na ‘ko hinatid. Sa totoo niyan ay ako ang nahihiya sa inyo—mas lalo na sa mama mo, hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko kung magkita kami ulit.” Aniko bago hinawakan ang kamay niya tsaka iyon pinisil-pisil. “Wala kang kasalanan, Lena, huwag mong sisihin ang sarili mo at kung sinoman ang may karapatan na magalit ay ikaw ‘yon.” “Handa ako taggapin ang galit mo, kung nakokonsensya ka kaya mo ginagawa ‘to ay mas mabuting bawiin mo ang sinabi mo.” mahina kong sagot. Kahit anong pagbabaliktad ang gawin ay ako pa din ang kasalanan. Oo nga’t si papa ang gumawa non pero hindi magbabago ang dahilan kung bakit nangyari ‘yon. Lahat iyon ay dahil sa akin at hindi ako magrarason para matakasan ‘yon. “Hindi ako nakokonsenya, buong puso akong humihingi ng pasensya. Di ko iniisip ang sitwasyon mo bago sabihin iyon—ang masasakit na salitang binitawan ko sa iyon.” Mahinahon at diretso sa aking mata niyang pag-amin bago pinisil ang kamay ko na ngayon ay kanya na din hawak. “Pero hindi magbabago ang sinabi ko patungkol sa pagpunta mo. Ayaw ko ng magpunta ka sa bahay, harapin si mama o kausapin siya. Oo nga’t hindi siya galit sa iyo o sa papa mo pero nagagalit para sa kanya, sa inasta ng papa mo sa harap namin dalawa.” Kagat ang ibabang labi na tumango ako sa kanya. Siguro ay mas ayos na din iyong sinabi niya, hindi ko din naman gusto magpunta pa sa kanila dahil kahit likod ko ay hindi ko na kayang ipakita o i-apak sa bahay nila dahil sa nangyari. “Pasensya.” Muling usal ko bago kinuha ang kamay kong hawak niya, “makakaasa ka na hindi na ‘ko muling pupunta pa. Tama na ‘yon kahihiyan na nangyari, ayaw ko na dagdagan pa ang bigat na nararamdaman mo. Salamat dahil sinabi mo sa akin ‘to, sa totoo niyan ay bago pumasok iniisip ko na kung paano ka kakaharapin o kakausapin.” Pag-amin ko. Ngumiti siya bago mahinang tumawa. “Ano ka ba? Mas maganda ng kalimutan natin ang bagay na ‘yon, ayaw ko din naman na magkaroon ng ilangan sa ating dalawa. Kung sakaliman ay ako ang magdudusa, kasundo mo ang lahat sa kwarto at lahat ng oras ay ikaw ang takbuhan kung may problema.” Pabiro niya bago hinampas ang balikat ko. Napangiti na lang din ako tsaka siya niyakap. Hindi naman pala masama minsan ang unang araw ng klase, ilang araw ko din iniisip ang kakalabasan nito at mukhang maganda naman ang kinalabasan ng lahat. Nagkayaan na kaming pumasok muli sa loob ng klase, bumalik siya sa upuan at ako bumalik sa aking ginagawa. “Hindi ko alam na malapit din kayo ni Lena.” Osyoso ni Mariel ng makabalik ako sa pwesto. “Hindi ko kayo gaano nakikita na magkausap, mas madalas mo pang kaharutan ang mga athlete kesa sa kanya. Kailan pa kayo naging malapit? Bakit parang sa sandali na oras na hindi tayo magkasama ay ang dami ko ng alam patungkol sa iyo.” Nagkibitbalikat ako. Ayaw ko ng unggakatin pa ang lahat ng pangyayari, napagkasunduan na namin ni Lena ang gagawin at iyon ay ang walang dapat makaalam malaiban sa amin patungkol gabing iyon. Nang mapansin nila na wala akong balak sagutin ang tanong ni Mariel ay nag-umpisa na ang mga ‘to magkwento patungkol sa nangyari sa kanila sa bakasyon. MAAYOS ang naging pagdating ng araw maliban sa nangyayari sa bahay na mas lalong lumalala habang tumatagal. Hanggang ngayon ay hindi pa din magkaayos sila mama at papa, walang ibinibigay sa pamilya, at nag-uumpisa na naman ang pagtatalo nilang dalawa. Sobrang naging abala din kaming lahat, project dito, groupings doon, ganito talaga ata kung graduating, lahat ay pinapatapos ng mas maaga kumpara sa iba. Madalas din kaming nasa gym para mag-ensayo sa darating na pagtatapos. Sobrang nasasabik na ang lahat na dumating ang araw na ‘yon at isa na ako doon. Maayos na ang eskwelahan na papasukan ko, kailangan na lang ipasa ang requirements na ibibigay sa pagtatapos ng school year na ‘to. Medyo malayo iyon kumpara sa pinapasukan ko ngayon pero magiging aral naman ang byahe bago pa tumuntong ng kolehiyoo. “Anak, Hazel, pwede ba na i-summary mo ang lahat ng absences ng buong klase. Magmula ng magstart tayo ng klase ng June hanggang ngayon, and i-report mo sa akin ang may pinakamaraming absent para hindi ko na ipapasa.” Anito. “Sir!!” daing ng mga classmates ko. Tumango ako. “Opo, sir, noted.” Labag man sa loob ko ay kailangan kong gawin. Nang makalabas na si Sir ng kwarto ay agad na bumagsak ang balikat ko. Ang daming project at idadagdag pa ang responsibilidad ko bilang sikretarya ng klase, wala naman akong magagawa sa bagay na iyon dahil ginusto ko pero--“Urgh!” “Walang tao mamaya sa bahay, doon ka nalang gumawa at tutulungan na lang kita magsulat.” Ani Mariel na tinitignan ang dalawang notebook na magkapatong. Lahat ‘yon ay attendance, lahat din iyon ay isa-isahin ko ang bawat pangalan. “Salamat, Yel. Savior ka talaga kita kahit anong mangyari.” Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Matapos ang klase ay nagpaalam na ang lahat, may iba na sunod ng sunod sa akin, nakikiusap patungkol sa mga cutting classes at late nila sa klase na ‘yon. “Kailangan ko gawin ang sinabi ni Sir. Huwag kayo mag-aalala, kung kaya kong gawan ng paraan ang problema niyo ay gagawan ko pero siguraduhin niyo na magmula bukas ay papasok na kayo. Huwag niyo ng dagdagan ang trabaho ko.” aniko. Agad na lumiwanag ang mukha nila sa sinabi ko at sumang-ayon sa kondisyon na sinabi ko. Subukan lang nilang hindi gawin ay sisiguuraduhin ko na magdudusa sila sa bandang huli. “The best ka talaga, Hazel! Anong gusto mong ulam bukas?” tanong ng isa. “Pumasok ka nalang ng maaga para masaya.” nagpaalam na ako sa kanilang lahat at humiwalay na kami ni Mariel. Nang makarating sa bahay nila ay sandali lang kaming kumain saka dumiretso na sa dapat gawin. Hindi naman pala ganon kahirap ang pinapagaw ni Sir, kailangan lang ng tyaga sa pagbubuklat at magtatala dahil karamihan ng mga absent ay mga iisang tao langg. Ang mga nagpasa ng excuse letter ay akin na din nilagyan ng lebel upang malaman. “Mukhang maghihiwalay tayo ng papasukan sa susunod na taon. Hindi ako pinayagan ni mama na lumayo ng malaman niyang magbubukas ng senior high ang school natin ngayon.” malungkot niyang pag-amin bago hinawakan ang aking kamay. “Paano kung huwag ka na lang umalis?” suhestiyon niya. “Hindi pwede.” Mabilis kong sagot. Ang gusto ni papa ay ang kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo ay doon na din ako mag-aaral sa susunod na taon, kung lalabagin ko ang gusto niya mangyari ay baka ako din ang mahirapan sa bandang huli. Once na hindi masunod ang kanyang gusto ay baka hindi niya na ‘ko pag-aralin. Nakakahiyaman, galit ako sa kanya pero sa pera niya pa din ako nakaasa, hindi pa din magbabago na siya ang nagpaparal sa akin. Kung kailangan ko maghirap, gawin ang gusto niya ay gagawin ko kailangan ko makapagtapos para makaalis na sa sitwasyon na ‘to. “Pasensya na, Mariel, gusto ko na magkasama tayong dalawa pero hindi talaga pwede na mag-aral ako sa pinapasukan natin ngayon. May rason ako, ayaw ko lang na madamay ka sa bagay na ito.” Paliwanag ko. Bagsak ang kanyang balikat na tumango tsaka nagpatuloy kami sa trabaho. Madali lang namin na tapos ang lahat, tinulungan ko na din siyang maglinis ng mga kalat at hindi na ‘ko pinilit pa. Samantala, habang nagpapahinga ay sunod-sunod ang pagpasok ng mensahe sa cellphone ko. “Ang ganda ng ngiti mo? Sino ‘yan?” tanong ni Mariel bago sumalip sa binabasa ko at nanlalaki ang matapos mabasa. Pasok kaming magkakaibigan sa top ng klase at isa ako sa may special award na mismong pinabotohan ng klase. Imbis na matuwa dahil kabilang sa pinakamatalino ay mas nakakatuwa malaman na na-aappreciate ng karamihan ang pahihirap at pakikisama na ginagawa ko sa araw-araw. “Tatlong awards ang makukuha mo mula sa adviser natin, iba pa ang ibang mga subject na hinahawakan mo. Ang galing mo talaga humawak ng groupo, mas bagay sa iyo maging manager o team leader, mabilis mong nakukuha ang loob ng lahat.” Puri ni Mariel at todo puri din sa kanyang sarili. Manager? Bagay nga ba sa akin ‘yon? Gusto ko magsalita sa harap ng maraming tao, gusto ko ay maaayos ang lahat ng bagay at pati na ang mga taong sakop ko. Sapat na dahilan na ba iyon para pasukin ko ‘yon. NANG maghiwalay kami ni Mariel ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya sa akin. Iyon din ang gusto ni mama na kursong kunin ko bukod sa accountancy, kung may talent ako doon ay mas mabuti nagn iyon na lamang ang kunin ko. “Oh, huli ka na ata?” tanong ni mama na naghahanda ng baon ni papa. “Nagpatulong ako kay Mariel sa pinakikisuyo ni Sir.” paliwanag ko sa bago na lumapit sa tabi ni mama, “ma, magbubusiness na lang ako katulad ng gusto niyo pero huwag niyo ‘ko hahadlangan sa susunod na kursong kukunin ko. Gagawin ko lang ‘to dahil si papa ang nagpapaaral sa akin, pero ang pagsusulat talaga ang pangarap ko sa buhay.” Desido na ‘ko sa pagkakataon na ‘to. Hindi ko kaagad na realize sa sarili ko ang ginagawa ko, ang pagiging leader sa paaralan ay hindi isang pangalan lang kundi tuturuan ka kung paano humawak ng maraming tao at kung paano ‘to ayusin. “Oo naman. Wala na kaming pakealam ng papa mo kung ano ang gusto mong gawin basta maka-graduate ka na, basta ay makatapos ka at magkaroon ka ng maayos na trabaho pagtapos.” Walang pag-aalinlangan na tugon ni mama. Napangiti ako. “Kung ganon ay ang gusto niyo na lang ang kukunin ko. Hindi ako titigil sa pagsusulat para mahasa na din ang mga kailangan kong hasain kahit hindi pa ‘ko nag-aaral ng creative writing.” Tugon ko. Hindi na sumagot si mama, nagpaalam na itong magdadala ng baon kay papa. Kahit na nag-aaway sila ay ginagawa pa din nito ang responsibilidad niya bilang asaw at bilang ina sa amin lahat, sobrang dami niyang sinakripisyo at paghihirap para maging maayos ang lahat. Ito lang ang hinihiling niya sakin, ang mag-accountancy na katulad ng kanyang pangarap na hindi niya natupad dahil sa hirap ng buhay. Kaya bakit ito ay hindi ko pa isakripisyo? Gagawin ko ito, hindi lang para sa sarili ko kundi para na din kay mama. Kakayanin ko ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD