Chapter 25: Galit?

1364 Words
Natapos ang taon na hindi nagkakaayos ang mga tao sa loob ng bahay, wala kaming naging handa katulad ng inaasahan ngunit kinabukasan---nang dumating ng walang pasabi ang mga kamag-anak ni papa ay dali-dali itong naglabas ng pera, ilang kilong karrne, salad, at kung ano-ano pang gusto ng maga bisita ang kanyang pinabili. Halos abala kami buong araw, walang tigil sa kaka-utos, ang masasamang tingin sa amin ay naging kabaliktran at tila naging santo kung makitungo sa amin sa harap ng kanyang pamilya. Marami ang nagtatanong kung napaano ang aking labi, ngiti lang ang naging sagot ko sa kanila. Hindi naman sila maniniwala kung sasabihin ko kung sino ang gumawa nito, baka ang mangyari ay mas lalo lang nilang kunsintihin at isipin ng isa ay tama ang ginagawa niya dito sa bahay. Hindi pa naman niya inaamin ang kasalanan niya, hanggang kaya niyang baliktarin ang istorya ay babaliktarin niya maging santo lang sa paningin ng iba. “Mamaya na kayo kumain pagtapos nila.” Iritableng bulong ni papa sa amin sa kusina ng mapansin ang hawak kong pagkain. Walang sabi-sabi na ibinalik ko ‘yon sa lalagyanan at hindi siya pinansin saka siya nilagpasan. Katulong niya nga pala kami, hindi pamilya, bakit ko ba nakalimutan ang bagay na ‘yon? Kailangan unahin ang mga kamag-anak niya, wala kaming karapatan na sumabay sa kanila—kung ikokompara, sila ang may dugong Maharlika at kami ay alapin na hindi pwedeng sumabay sa kanila. “Saan ka magpupunta?” tanong ni papa, “Marami pang gawain dito para bumalik ka sa kwarto mo ‘t umalis ka.” May pagbabanta ang tono nito. “Manghihingi ng pagkain na pwedeng kainin.” Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa paglalakad. Magmula umaga ay panay kilos na kami ni mama, pabalik-balik sa palengke o kung saan niya maisipan na papuntahin kaming dalawa, kami naman ay parang walang isip na sunod ng sunod at panay hanap ng pinabibili niya. Nagagalit pa siya sa tuwing wala kaming mahanap, hindi tumatanggap ng paliwanag na sarado ang mga tindahan dahil bagong taon. “Hindi ka na nahiya? May pagkain dito, manghihingi ka pa sa kanila para kang walang magulang at makain dito sa bahay.” Mataas ang pride niyang ani. “Meron nga, pero para kaming katulong na bawal kumain hanggat hindi pa natatapos ang mga tunay na may-ari dito sa bahay ‘di ba? Nagugutom at pagod na ‘ko, kelan mo kami papakainin kung kelan nakahandusay na kami?” pabalang kong sagot. Sabihin ng walang respeto, ang respeto ko ay para lang sa mga taong karespe-respeto. Hindi ko din utang na loob ang pagpapakain niya sa ‘min, dahil ng ipanganak ako sa mundong ito at ginawa nila ako ay responsibilidad na nilang pakain, pag-aralin, at alagaan ako. At si papa, paswertehan na lang sa mood niya sa tatlong na banggit. “Hindi ka makapaghintay?!” galit na sigaw nito. Napatigil ang mga nag-iingay at nagtatawanan sa salas dahil sa pagtaas ng boses ni papa. Nang mapansin ni papa na nakatingin ako sa mga ito ay binaling niya rin ang atensyon niya dito bago ngumiti na parang walang nangyari. “Oh, wala ito, may pagkain na kasi dito ay kailangan pa niya lumabas para manghingi sa iba.” Pagpapaliwanag bago binaling muli sa akin ang atensyon saka inungusan. Itatama ko sana ang sinabi niya ng hawakan ni mama ang braso ko saka umiling. “Kumain na tayo, wag ka na lumabas. Mag-aaway lang kayo lalo ng ama mo kung ipagpipilitan mo ang gusto mo.” anito. Wala akong magawa kundi ang tumango kay mama. Siya ang nagsalin ng pagkain at tahimik na sabay na kumakain habang si papa ay tila walang bukas kung magyabang sa kanyang mga kamag-anak. Nang matapos ang mga ito sa pagkain ay kanya-kanya ng lisan, maayos na nagpaalam sa amin ni mama at si papa ay dinaig pa ang mayor sa pamimigay ng pamasko. Oo nga pala, kaninang umaga lang din siya bumili ng isang sakong bigas, pinakita niya pa iyon sa mga kamag-anak niya para ipakita na hidi nagugutuman ang mga tao dito sa bahay. Kung alam lang talaga nila—nope, mali, alam na talaga nila. “Ikaw, wala ka talagang respeto ‘no?! Gutom na gutom ka ba ha?! Hindi ka makapaghintay na makakain muna ang lahat ng bisita bago ka kumain?!” nangangalaiti na bungad ni papa ng makapasok siya muli sa bahay. Wala na ang mga kamag-anak niya kaya nawala na din ang santo-santohan niyang mukha na suot kanina. Umasta ako na hindi narinig ang kanyang sinabi at nagpatuloy sa pagkain. Sinabi ko na kanina ang gusto kong sabihin, may laman na din ang sikmura ko kaya wala ng dahilan para makipagtalo pa sa kanya. “Parang hindi kayo pinapakain! Huwag ko kaya kayo bigyan ng pangkain para mamatay na kayong lahat sa gutom at ikaw—Ellie, nang maranasan mo ang tunay na gutom.” Pagbabanta nito. Walang may pumpansin sa kanya, kahit si mama ay hindi siya iniimik ilang araw na ang nakakaraan ng sampalin niya ‘ko. Nagpatuloy siya sa pag-iingay hanggang sa napagod at pumasok siya sa tindahan na siya lang ang may karapatan. “Bakit ma?” tanong ko ng mapansin ang pag-iling niya sa tabi ko. “Naisip ko lang kung gaano ako kamalas sa asawa, ang mga kapatid ko mahal na mahal sila ng mga asawa nila pero ang tatay mo—ayaw ko na lang magsalita.” Aniya na may halng inggit sa tono ng pananalita. “Wala na tayong magagawa doon, ma,” pagak na tugon bago nagpatuloy sa paglamon. Nakaraang araw ko pa hinihintay ang araw na ‘to para sulitin ang pagkain na nakahain dahil pagtapos nito ay kailangan ko na naman maghintay ng ilang buwan bago maulit o ang mas masaklap ay dalawang taon dahil baka hindi pa maghanda. Hanggang sa maari ay gusto ko busugin ang sarili, nakakasigurado ako sa susunod na lingo ay panay palipas na naman ng gutom, sunod-sunod na problema sa pera, kaibigan at pamilya. Gusto ko mag-relax, kahit sa saglit at kahit sa paraan manlang ng pagakain. MABILIS na lumipas ang araw at nasasabik na ang lahat na bumalik sa klase, karamihan ng mga studyante ay unat na unat ang buhok, maraming bagong gamit, at dala-dala ang kanilang naipon ng pasko pero ako ay nasasabik dahil makakatakas ako sa bahay ng mahaba-habang oras. Maswerte din ag pagpasok ng bagong taon dahil may overtime kaagad si papa, isa lang ibig sabihin no’n, madalas siyang wala at hindi namin makikita. “Hazel!!” sigaw ni Joana na kumakaway sa pwesto ko habang papalapit sa aking pwesto. Marami ng tao sa classroom pero wala pa doon ang iba namin kaibigan. Ang lahat ay may kanya-kanyang mundo at nagkwekwentuhan patungkol sa kanilang bakasyon, may ibang nag-aabot ng regalo na hindi naibigay ng pasko. “Good morning!” nakangiti kong bati na parang walang nangyari nakaraang taon. Minsan ay kailangan ng iwan ang mga alaala na ‘yon para makabuo ng panibago at hindi na mas lalo pang masira ang pinagsamahan anmin lahat. Tatlong buwan nalang ang natitira sa aming lahat, marami pa kaming kailangan gawin kesa ang mag-away-away. “Kamusta ang bakasyon mo?” tanong niya bago ibiniba ang hawak na bag sa tabi ng upuan ko. “Wala akong naging balita sa iyo magmula ng huling araw natin, sabi ni Mariel ay abala ka daw kaya hindi ka nakakapagreply sa mga chat namin. Galit ka ba sa akin kaya ini-snob mo ‘ko madalas?” Dali-dali akong umiling. “Hindi ‘no!” pagtanggi ko. Siguro ay nagtatampo lang dahil sa inasta nila nakaraan pero hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanila. “Wala naman akong dahilan para magalit sa inyo tsaka isa pa, kung may tampuhanman tayo ay mas maganda ng iwan ‘yon sa nakaraang taon. Andito na tayo para magbagong buhay wag na natin balikan ‘yon.” Mahaba kong pangungunsinti. “Mabuti naman kung ganon.” Aniya bago niyakap ako. Magsasalita pa sana ako ng makita ko ang susunod na pumasok sa loob ng kwarto. Si Lena, walang ibang may bago sa kanya maliban sa pagtingin niya sa akin na may GALIT?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD