Chapter 23.2

1080 Words
Nangangalaiti sa galit si papa, sobrang sama ng tingin niya sa akin at kahit anong oras ay kaya niyang akong bugbugin. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, hinihintay ang gusto niyang gawin—kung kaya niya akong patayin ay mas mabuti ng kanyang gawin kesa ang magdusa ako sa buhay na kasama siya. Wala akong nararamdaman, namamanhid ang aking pisngi dahil sa dalawang sampal na ginawa niya ngunit ramdam na ramdam ko ang galit sa aking puso. Nag-uumapaw. Ang lahat ng pinagpasensyahan ko na mga bagay tuluyan ng pumutok, hindi ko na kayang tiisin pa ang pinagagawa nila ‘t mas lalo na habang pinagpapasensyahan ko ay mas lalo nilang ginagawa at inuulit. Nakatingin ako, diretso sa mata niya na mas lalo niyang kinapikon at handa ng muling sa sampalin. “Bakit mo sinasampal ang anak mo? Hindi ba’t nagsabi lang siya ng katotohan sa iyo. Walang siyang sinabing mali kahit isa, iyon ang nakikita namin lahat dito, hindi lang ako.” hindi matuloy ni papa ang pagsampal sa akin ng sumingit si mama sa pagitan namin dalawa. Sa sobrang galit ko ay hindi ko na namalayan ang pagdating niya, doon ko lamang din na pansin na nakatingin na ang mga nag-iinuman sa labas. “Ikaw!” sigaw ni papa at nakaduro, “Pinag-aaral kita hindi para maging bastos! Sino ka ba sa inaakala mo para sagot-sagutin ako? Iyan ba ang natutunan mo sa pinpasok moa raw-araw? Kung ganyan lang din ay mas mabuti ng huwag ka na mag-aral! Sinasayang mo lang ang binibigay ko sa iyo araw-araw!” Natawa ako Ano ang sinasabi niya na binibigay sa akin araw-araw, Iyon bang pera na kailangan ko lumuhod para magbigay siya o ang pera na binibigay niya na hindi pa kakasya sa pamasahe ko papunta? “Magpasala—” “Huwag ka na sumagot, Hazel, kahit anong sabihin mo sa ama mo na ‘yan ay hinding-hindi maiintindihan ang pangangailangan niyo dito sa bahay pero kung kamag-anak niya iyan ay mas mabilis pa sponsor kung magbigay.” Putol ni mama sa sasabihin ko. “Ayan, kaya nagiging bastos ‘yang anak mo dahil sa kakakunsinti mo. Mga tamad! Walang silbe! Mga peste kayong lahat sa buhay ko.” sigaw niya bago binaling ang atensyon sa akin. “Ikaw, sa tingin mo ba inaasahan kita? Maaga kang mabubuntis, mawawalan ka ng silbe at huwag na huwag kang lalapit sa akin sa araw na ‘yon!” “Hayaan mo po, pa, hindi ko hahayaan na mangyari ‘yon.” Tanging sinagot ko bago tumalikod na at umakyat sa kwarto. Dinig na dinig ko mula sa itaas ang patuloy na pagtatalo nila mama at ramdam ang nanginginig sa galit na tono ni mama. Marahan kong pinunasan ang sulok ng labi na may kaunting dugo. Ito ang ayaw ko sa tuwing napupuno ako ng galit, hindi ko makontrol ang sarili pati na din sa lumalabas sa aking bibig. “Hindi mo kailangan ma-konsensya, sinabi mo lang ang totoong nararamdaman, iniisip, at nakikita mo.” naluluhang pangungumbinsi sa sarili nang makaramdam ng pagsisi sa nangyari. Ito ang ayaw ko sa aking sarili, kahit na tama ang pinaglalaban ko ay madalas pa din akong makonsensya dahil pumatol ako at hindi pinairal ang pasensya. Gusto ko lang naman magluto at ayaw ko makarinig ng reklamo pero ganito ang nangyari. Bahala na sila. Ayaw ko ng mangealam pa sa problema, tama na ang sinabi ko ang lahat ng hinanaing ko kanina kahit wala sa tamang paraan kung paano ko sinabi ang lahat ng iyon kay papa. LUMIPAS ang buong araw na walang naging imikan sa loob ng bahay, si Ellie lang ata ang masaya sa tuwing ganito ang nangyayari dahil lahat ng gusto niya ay binibigay ni papa. Natandaan ko ang lahat kung bakit ito ang paborito ni papa, bukod sa parehas sila ng ugali ay malapit din si Ellie sa mga tiyahin at tiyuhin namin sa side ni papa. Ito ang madalas na pinagmamalaki niya, matalino at talentado pagdating sa palaro na minsan pa ay inilalban ng lugar namin para makipagkompetensya. Samantala, hindi alam ng mga kamag-anak niya ang lahat ng ginagawa niya dito sa bahay—minsan na namin sinabi para tumigil na sila kakahingi kay papa pero wala silang naging pakialam at nagtuloy-tuloy lang sa ginagawa. Hindi ko alam kung nanadya ba sila o sadyang tuwang-tuwa silang utuin si papa dahil lahat ng gustuhin nila ay ibinibigay nito. mas mabilis pa nga ito magbigay sa kanila, isang chat o tawag lang ay maya-maya magapapadala na kumpara dito sa bahay na kahit bigas ay hindi makabili. “Galit na galit sa’yo si papa, sumagot-sagot ka pa kasi sa kanya kahit alam na ikaw din ang magiging kawawa.” usal ni Ellie ng maka-akyat sa kwarto namin bitbit ang mga bago niyang gamit na ibinigay ni tita saka inilabas doon ang maliit na pakete, “Oh, ilagay mo sa sugat mo.” Nakatitig ako sa kanya bago iniabot ang ibinibigay niya, mukhang alam niya na ang nangyari sa akin kanina pa. Hindi siya kinakausap ni mama dahil galit din ito sa kanya dahil sa pag-uugali nitong hindi na masuway. Kumakalam ang sikmura ko na inilagay ko ang gamot sa labi. “Kumain ba kayo sa labas?” tanong ko sa kanya. “Wala tayong pagkain, walang ibinigay si papa na pangkain.” “Kumain na kami kanina,” diretso nitong sagot na di nagtataas ng tingin. Hindi na ‘ko umimik at nahiga na lang. Sana lang ay andyan na si Tito Boy at mabasa niya ang mensahe ko para madalhan niya ‘ko ng pagkain, hindi ko kakayanin na hindi kumain ngayong gabi dahil sobra-sobra na ang pagkalam ng sikmura ko. Ayaw ko bumababa, baka magkasalubong lang kami ni papa at mag-umpisa muling magtalo. Tama na ang dalawang sampal sa araw na ‘to, sapat na ito para magising na din ako sa katotohnana na kahit kailan ay wala ng pag-asa pa si papa na makinig asa sarili niyang pamilya. “Ano ang nangyari sa labi mo?” agad na bungad ni Tito Boy ng makaakyat sa kwarto. Ag sugat ko pa talaga ang una niyang nakita bago ibigay sa akin ang pagkain na hawak niya. “Sinagot-sgot niya si papa kaya siya ayan ang napala niya.” walang pakealam na sagot na ni Ellie. Tumingin siya sa akin upang kumpiramahin kaya’t tumango ako at kinuha ang pagkain. Naghahanda na ‘ko pagalitan ni Tito pero laking gulat ko ng wala akong marinig mula sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD