Chapter 24: Sukdulan

1328 Words
Ilang araw na lang ay bagong taon na, hanggang ngayon ay hindi ko pa din kinikibo si papa kahit na minsan ay kinauusap niya ako patungkol sa kanyang mga inuutos. Hindi ko pa makalimutan ang ginawa niya, paulit-ulit na bumabalik-balik sa utak ko kung paano niya binastos ang taong naging mainit ang pagtanggap at nag-aalala sa akin. Wala akong balak na kausapin siya, hindi naman bago ‘yon para sa amin dalawa dahil kahit kailan ay hindi naman kami nagkwentuhan o nag-uusap maliban kung may utos niyang gusto agad-agad masusunod. Normal na nga lang ang pagsigaw-sigaw niya sa amin sa bahay—syempre maliban kay Ellie na spaboritong anak. “Wala tayong handa sa bagong taon, mukhang hindi magbibigay ang ama mo dahil wala siyang kamag-anak na bibisita sa katapusan.” Normal ang boses ni mama at kahit panghihinyang o lungkot ay wala sa kanyang tono. Sabagay, kung sanay ako sa ugali ni papa ay mas sanay na sanay siya dahil mas matagal niya itong nakilala. “Wala naman na pong bago doon.” Tugon ko bago na upo sa harap niya, “basta sa bisita niya o kamag-anak ay mabilis siya pero pagdating sa bisita natin o kamag-anak sa pamilya mo ay binabastos niya lahat saka sinasamaan ng tingin.” muling bumalik sa isipan ko ang ginawa niya. “Nawawalan na ‘ko ng pag-asa sa papa mo,” pilit na ngumiti si mama, “gusto ko na umuwi sa nanay ko sa probinsya, Sampong taon ko na siyang hindi nakikita, gustuhin ko man umalis ay wala naman akong pambili ng ticket sa eroplano.” Dagdag pa nito. Ngayong buwan na ‘to ay ilang beses niya ng nabanggit ang pag-uwi sa probinsya, ramdam ko na sobrang nangungulila na siya sa kanyang ina, mas lalo na’t hindi naging maganda ang buhay niya sa tabi ni papa. Punong-puno na ‘to ng sama ng loob at sa tingin ko ang ina niya lang ang tanging makakaintindi at makakapagpagaan non. “Huwag ka mag-aalala, ma, darating din ang araw na malaya kang makakauwi at balik dito. Kaunti nalang at makakatapos na ‘ko, bibigyan kita ng pamasahe at kahit doon ka na tumira kung gusto mo.” pagpapagaan ko ng loob niya. Hindi umimik si mama at nag-umpisa namagbenta. Marami ang tao ngayon dahil sa bisita ng kapit bahay, panay ang bili ng softdrinks, alak, at mga pampulutan. Lahat sa labas ay nagkakasiyahan, panay ang sayaw at katahan na parang walang bukas. “Ano? Magkano na ang na benta niyo ngayong araw?” tanong ni papa na kakapasok sa loob ng tindahan bago kinuha ang benta at nag-umpisang magbilang. “Kanina pa maraming bumibili ng alak, ganito na din ang benta ng umalis ako dito bakit ganito pa din?” reklamo nito. “Walang benta d’yan kanina ng umalis ka, huwag mo kaming pinagloloko dito sa bahay at gawing tanga kung kelan mo gusto. Kung iniisip mo na kinukupitan ka namin, huwag mo kaming pabantayin ng tindahan na ‘to. Isara mo sa tuwing aalis ka, buksan mo kung andito ka. Pagod na pagod na ‘ko sayo, nauubos na ang pasensya ko sa lahat lumalabas sa bunganga mo.” nanggigil na tugon ni mama at kahit anong oras ay mag-uumpisa na ang batuhan ng gamit. “Sinasabi ko sa iyo, wala niisa sa mga anak mo ang matitira sa puder mo pagtanda mo. Tumatanda ka na mas nagiging sakim ka sa pera, puro sarili mol an ang iniintindi mo, maisalba mo lang ang gusto mong maisalba. Nagmamalaki ka sa mga kamag-anak mo pero ang mga anak mo dito, luluhod na lang sa harap mo hindi mo pa mabigyan ng pangkain.” Pahabol pa nito. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nag-uumpisa na naman silang mag-away at magsigawan sa harap ko, parehas nilang hindi iniisip kung ano ang magiging epekto ng ginagawa nila magmula pa pagkabata ko. Marahan akong umalis sa harap nila at lumabas ng tindahan, maya-maya lang ay lumabas na din si mama saka dumiretso sa kwarto nila samantala si papa ay panay ang sermon mula sa tindahan. “Wala talaga matitira sa kanya sa pagtanda niya.” inilibot ko ang tingin sa buong bahay at larawan na ngayon ko lang nakita sa taas ng damitan. “Sa kanya na ‘tong bahay na ‘to, kahit anong pilit niya ay hindi ko ‘to ilalagay sa pangalan ko. Tignan natin kung may kamag-anak niya ang gustong mag-alaga sa kanya kung matandang hukluban an siya ‘t uugo-ugod.” Umakyat na din ako sa kwarto. Mabuti na lamang ay wala si Ellie ngayon, sinama ni tita sa pamimili ng mga nahuling regalo sa mga inaanak nito. Solo ko ang buong kwarto at matiwas na makakapagsulat. Ang unang akda na ginawa ko ay umabot na sa limang milyon ang nagbabasa, sobrang dahil maraming nakaka-appreciate sa munti kong akda pero sa kabila non ay natatakot sa di malaman na kadahilanan. Halos kasabayan ko na ang mga manunulat na minsan kogn hinangaan sa platapormag ito, ang mga mambabasa ay dumarami habang tumatagal at nag-uumpisa na din akong ma-pressure, natatakot na baka hindi maabot ang expectation nila. Magdidilim na nang bumababa ako ng kwarto, walang lutong pagkain o kahit sinaing. Karaniwan ganito ang nangyayari kung nag-aaway silang dalawa, gutom ang aabutin ng lahat at kung hindi ako gagalaw sa kusina ay buong araw kaming walang pagkain. “Wala ng bigas.” nang makitang wala ng laman ang drum kung saan nakalagay ang bigas. “Sa tingin mo ba ay may pambili pa tayo ng bigas? Inubos niyo na ang laman ng tindahan, wala na akong pambili ng pagkain niyo dito sa bahay. Imbis na tulungan niyo ‘ko sa paghahanap buhay, wala kayong ginawa kudi ang magupit at magnakaw ng mga pinaghirapan ko. Ngayon, huwag kayong kumain! Mamatay tayong lahat dito sa gutom!” galit na sigaw nito tsaka kinuha ang kaldero na hawak ko saka hinagis sa sahig. Ang buong sistema ko ay nanginig, pigil na pigil ang pagtulo ng aking luha at lakas loob siyang hinarap. Hindi ko na kaya pang tiisin ang lahat ng ginagawa niya, hindi na din kaya ng dibdib ko na tiisin pa ang bagay na ‘to. Sarkastiko akong humalakhak, sumama ang tingin niya sa akin. “Magnanakaw? Saan mo nakuha ang salita na ‘yan para sabihin na kami iyon. Pa, huwag na tayong maglokohan dito, kahit high school pa lang ako ay may alam ako sa pagpapatakbo ng negosyo. At masasabi ko na ikaw mismo ang nagpapalubog sa sarili mo, sinisisi mo kami sa utang na kahit piso ay wala kaming na pala at nahawak dahil greedy ka. Sobrang sakim na handa mong talikuran ang pamilya mo sa pera—” hindi natapos ang sasabihin ko ng malakas na sampal ang tumama sa aking pisnigi. Ngunit hindi ako nagpatinag at nagpatuloy sa aking sasabihin. “Hindi ba’t pinagmamalaki mo ang mga kamag-anak mo, iyon nga ang pamilya mo dahil mabuti pa sila ay na bibigyan mo ng tama kesa sa amin dito sa bahay. Anong nangyari sa kanila? Mga umaasa! Mga maagang nagbubuntis at manghihingi na para ba silang kaawaawa kahit sila ang naglagay sa sarili nila ng ganong sitwasyon! Itutulad mo ‘ko sa kanila?” mas lumakas ang halakhak ko na parang baliw at umiiling-iling. “Ibahin mo ‘ko, pa, mataas ang pangarap ko at sisiguraduhin ko na lahat ng paghuhusgang ginawa mo sa akin, ang pagpapahirap mo, ang paturing mo ng parang hayop sa akin at hindi pagkilala bilang sariling anak. Kakainin mo lahat ‘yon, sisiguraduhin kong magsisi ka, at tama si mama—huwag ka ng umasa na sa pagtanda mo ay aalagaan kita.” At sa pagkakataon na ‘yon ay muling dumampi ang malakas na sampal sa aking pisngi. Nalasahan ko ang dugo sa aking labi, hindi ‘yon ininda at nakipagtitigan. Umabot na ‘ko sa sukdulan, hindi ko lang siya sa isip isumpa, ngayon ay lumabas na sa aking mismong bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD