Chapter 22

2121 Words
Ang simpleng alitan ay nauwi sa hindi pagpapansinan. Hindi ko alam kung paano sila patutunguhan sa ganitong sitwasyon, marami silang alaala na wala ako at natatakot akong pagbumalik sa kanila ay hindi ko na maramdaman na kabilang ako sa kanila. Matapos ang nangyaring alitan namin ni Kathrine ay panay ang alis nilang tatlo nila Joana ‘t Mariel. Madalas sila ang magka-groupo na dati ay sa tuwing may pilian ng ka-groupo ay ako ang una nilang pinipili, marami din akong narinig sa kanilang paggala na parehas nilang nasasabayan tatlo. Samantala, sa mga araw na magkakasama sila ay ako naman dumidiretso sa pag-uwi sa bahay, nagkukulong sa kwarto mag-isa hanggang sa matapos ang araw. Ngayon, malapit na matapos ang taon at ilang buwan nalang ay maghihiwalay na kaming lahat. “Sino-sino ang sasama sa Christmas party natin sa susunod na lingo?” tanong ni Regie na may hawak ng chalk at sinulat ang mga kailangan. Agad na nagsigawan ang iba, nagtaasan ng kamay ang mga ka-groupo niya at iba pang mga kalalakihan na mukhang excited na ipakita ang mga pormahan. “Sumama ka, magtatampo talaga ako pag hindi ka sumama.” Ani ng katabi ko magmula ng humiwalay ako kay sa mga kaibigan ko. Sumunod ako sa sinabi niya’t tinaas ang kamay. Wala akong balak na hayaan silang guluhin ang classroom o iwan na makalat, kilala ko sila at hinding-hindi sila maglilinis o kahit mag-aayos ng upuan hanggat walang nagsasabi tsaka baka anong kalokohan ang gawin nila. Ako pa ang mapapahamak. “Kayo? Hindi kayo sasama?” baling ni Regie sa mga kababaihan sa harap na hindi nagtaas ng kamay—sila Kathrine. “Ang KJ niyo naman.” “Pasensya na, uuwi kami sa mismong araw.” ani Jean na isa din kasundo ng lahat sa classroom. “May iba kaming pupuntahan.” Paliwanag ni Joana na nakakapit ngayon kay Mariel. Napailing at binababa ko ang kamay ko. Heto ang problema sa kanya, sa tuwing wala siyang makakasama sa ibang bagay na kahit gusto niya sumama ay hindi siya maglalakas ng loob na pumunta mag-isa. “Saan niyo gusto magpunta pagtapos?” tanong ko sa katabi ko. Lima silang naging malapit sa akin, tropa din ni Regie pero mas matino sila kumpara sa iba. Dalawa ang nasa harapan at likod, isa naman sa tabi ko. Silang lima ang naging madalas kong kasakasama at nagbibigay ng payo sa akin sa tuwing hindi ko na alam ang gagawin. “Gagala pa.” anito. Sa “Kung ganon, hindi na ‘ko makakasama sa inyo. Uuwi na ‘ko kaagad pagtapos natin, hindi ako pwedeng magpagabi sa labas kaya hindi ko din ma-e-enjoy kung sasama pa ‘ko sa inyo.” Paalala ko sa kanila. Mauuna ang bakasyon nila papa kesa sa amin kaya siguradong wala siyang pasok sa araw na ‘yon. Ayaw ko na mapag-initan at hanggat sa maari ay gusto ko na lang lumayo sa gulo para hindi niya din makita na nag-eexist pa ‘ko sa mundo. “Ano ba ‘yan.” May pagtatampong tono nito/ Ngumiti ako sa kanila bago itinuon na ang atensyon sa harap. Nagkakanya-kanyang presinta ang mga sasama sa kanilang dadalhin kaya wala na kaming ibang babayaran. Iba talaga pagsupportado ng pamilya, hindi natatakot umangkin ng responsibilidad na may halong pera. Nang matapos ang ginawa nilang pagpupulong ay muling may kanya-kanyang mundo na naman ang mga tao sa loob. Nag-uusap kung ano ang susuotin nila at kung saan magpupunta pagtapos ng pagdiriwang. Pasimple ko naman na rinig ang pag-uusap nila Kathrine na hindi kalayuan sa pwesto ko. “Doon na lang tayo sa bahay nila Mariel o magmall na lang tayo saka doon kumain.” Pag-aaya ni Kathrine na masayang-masaya pa plano nila. Sumang-ayon ang lahat sa gusto nito pati si Mariel maliban kay Jean na aalis sa araw na ‘yon. “Seselos ka?” tanong ng katabi ko. Hindi ko siya kinibo at kinuha ang cellphone ko. Sa bawat scroll ko ay puno ng picture nila na wala ako, ang mga masasaya nilang komento na mas lalong nagpabigat ng dibdib ko. Buong araw ay tahimik lang ako sa kinauupuan ko at ng mag-uwian ay nagpaalam na kaagad ako sa kanilang lahat. Ngunit, laking pagsisi ko umuwi ng maaga ng maabutan ang pagtatalo ni mama at papa patungkol sa walang katapusan na pera. Hindi ko sila pinansin, diretsong umakyat sa kwarto dahil wala naman akong pakealam kung magbibigay pa ba siya o hindi. “Maawa ka naman sa mga anak mo! Magpapasko na pero kahit isang damit wala kang ibinili sa kanila, ang mga pangbayad nila sa school wala ka din ibinigay! Basta talaga anak mo wala kang pakialam pero pag ang mga kamag-anak mo ang nagchat sa’yo na ‘kol, penge naman ganito-ganyan’ bigay ka kaagad!” simutok ni mama. Hindi iyon malabong mangyari. Mas lalo na’t dinaig pa ang mayor ni papa sa probinsya nila, kung umasta ay akala mo kung sinong mapera sa harap ng kamag-anak pero ang pamilya tuyo at minsan di na kumakain dahil hindi siya nagbibigay. “Wala naman ginawa iyang mga anak mo kundi ang magnakaw at mangupit sa tindahan kaya bat pa bibigyan ‘yan? Mga tamad! Gusto niyo lagi kayong kumakamkam pero ayaw niyong kumilos at magtrabaho.” Bulyaw ni papa pabalik. “At ang mga anak ng kamag-anak na nanghihingi sa iyo ano? Ano ginagawa ng mga magulang nila. Hindi ba ‘t ginagasta lang ang pera sa bisyo at pambabae nila! Hindi na tayo nakisawsaw sa lupa, na dapat sa panganay mo dahil sa kanya panama. Hinayaan nang gamitin nila pero anong ginagawa?! Imbis taniman, walang ginagawa kundi ang maghintay ng biyaya!” “Ano naman ang itatanim nila sa bundok!? At huwag mong sabihin na kay Hazel ang lupa, apo lang siya pero kami ang anak. Kaming mga anak ang may karapatan at hindi siya!” galit na galit na pagtukoy ni papa sa lupa. Napakibitbalikat ako. Gusto kong barahin sa huli niyang sinabi, sa amin lahat sila ang walang karapatan sa lupa. Sa akin iniwan ang lahat pero dahil alam ko ang hirap ng buhay nila ay hinayaan ko sila sa kung ano ang gusto nilang gawin doon, ang dapat na parte nga namin sa kita sa mga nagtatanim doon ay ibinibigay na sa kanila dahil na din sa kagustuhan ni papa. “Kung buhay lang sana ngayon si lola ay siguradong hindi lang sampal ang inabot ni papa.” Bulong ko bago nanghalungkat ng damit na pwedeng isuot. Wala akong pera pambili ng bago, naubos na ang bonus ni tito kaya hindi din ako makapagpabili kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang suotin ang pang-alis na hindi ko gaano sinusuot para hindi halata na wala akong bago. “Shocks! Nabutas nga pala ang dress na ‘yon.” Bulaslas ko ng maalala nang magswimming kami. Isa ‘yon sa dinala ko at sa di sinasadya na paggalaw ni Jean ay nap unit ang dress dahil pinagpilitan niyang isuot. Ibinagsak ko ang likod sa kama bago umiling, “Ano na ngayon ang susuotin ko?” tanong ko sa sarili. Kinuha ko ang wallet. Two hundred na lang ang laman non, hindi na kakasya kahit sa isang plain tshirt, sa mahal ng bilihin ngayon ay wala ng paparatingan ang ganito kaliit na pera. “Kung ano na lang ang kasya dito, iyon na lang ang susuotin ko.” bago tinago muli ang pera sa wallet. Sa pag-aaway nila papa at mama sa baba ay impossibleng magbigay si papa ng pera, hindi naman niya kami kamag-anak para bigyan niya ng pamasko. Bumangon na ‘ko at inayos ang suot para magpunta sa palengke. May binibilhan akong damit doon, madalas bigyan niya ‘ko ng hulugan na damit sa tuwing alam niyang gustong-gusto ko kunin pero wala akong pera. Ngunit iba ang sitwasyon ngayon, wala akong pambayad dahil kahit pasukan o pasko man ‘yan wala talaga akong kakayahan bumili ng sariling mga damit. “Magkano po ito?” tanong ko sa long sleeve na uso ngayon. “350 dai,” tugon ng tindera at akmang susungkitin para ipakita sa akin na dali-dali kong pinigilan. “Meron po ba kayong tag-150 lang?” nahihiya kong tanong. Napatingin sa akin ang ibang mga matatanda na naroon at may ibang napatawa sa sinabi ko, may ibang nagkomento na wala ng mabibili ngayon sa ganong presyo. Alam ko, umaasa lang ako na meron siyang tinda na papasok sa budget ko kahit luma na basta may bagong damit. “Ito,” iniabot ang isang croptop, “150 na lang para sa iyo, hija. May maliit na mantsa lang siya sa gilid pero ayos naman.” Saka pinakita ang isang maliit na mats ana hindi naman halata. “Kunin ko na po.” Walang pagdadalawang isip kong sagot. Ano ngayon kung may bilbil ako’t mataba? Wala naman akong pakialam kung ano ang suotin ko, may nabasa nga ako na wala sa katawan ‘yan, nasa pagdadala at lakas ng loob ‘yan para bumagay. Binalot kaagad ng ginang pinili ko at dumiretso na din ako sa pag-uwi. Balang araw ay makabibili din ako ng damit na libo, ‘yong hindi ko na kailangan pang mamroblema sa kung saan ako kukuha ng pera. Pagkapasok na pagkapasok sa bahay ay agad akong sinalubong ni papa, magkadikit ang kanyang kilay at masama ang tingin sa akin. Bumababa ang tingin niya sa hawak ko, “Mukhang marami kang nanakaw ah?” may panghuhusga nitong usal bago ako nilagpasan. Natameme ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko sa sinabi niya dahil sumapol sa akin—sobrang sumapol sa akin ang sinabi niyang iyon. Akmang sasagot ako pero nakalayo na siya sa aking pwesto. Inis na hinagis ang hawak na plastic. “Ahh! Nakakaasar! Hindi niya alam kung gaano ko pingahirapan ang pera na ‘to, kahit sobrang pagod ay nilalakad ko para lang makaipon at hindi makahingi pero ano?! Nakaw pa din ang tingin niya. Magnanakaw pa din ako sa mga mata niya!” Pinaghahagis ko ang lahat ng bagay na mahawakan, doon ibinabaling ang lahat ng inis na nararamdaman. Hindi ko na alam kung paano pa siya papakisamahan, punong-puno na ‘ko, ang pasensya ko ay malapit na dumating sa sukdulan. Ayaw ko mangyari ‘yon, ang sumagot sa kanila ang pinaka-iiwasan ko sa lahat. Sa bansa na ito bawal mo itama ang mga matatanda dahil sila ang palaging tama—ang dapat sundin. Kung sumagot ka, mas lalo na sa iyong mga magulang ay bastos ka na kung tignan. Nanginginig ang buong katawan ko sa inis at galit. Magpapasko na, magbabagong taon na at madadagdagan na naman ang edad ko pero wala pa din siyang pinagbago, puro sarili pa din niya ang iniisip. Hindi nag-iisip sa lalabas ng bibig at pagsinagot ay magagalit. “Ano ang ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni mama ng pumasok sa loob ng bahay, may dala itong paninda at mukhang inutosan pa ni papa sa taas ng tirik ng araw. “Bakit nakakalat ‘yan?” dagdag pa niya. Malalim akong bumuntong hininga at isa-isang pinulot ang mga pinanghahagis ko. At doon ay kwinento ko kay mama ang lahat, ang kung paanong bungad ni papa at pati ang sinabi nito. Walang magawa ito kundi ang umiling. “Kaya mag-aral ka ng mabuti. Kahit anong hirap ang kaharapin ay pilitin mo pa din na makatapos, huwag kang magpapadala sa mga sinasabi ng papa mo dahil kung magpapakain ka sa sinasabi niya ikaw din ang kawawa sa bandang huli.” anito. “Wala naman po akong balak. Anim na taon na lang, makakalaya na ‘ko at mapapatunayan na ang sarili na iba ako sa mga nabuntis niyang kamag-anak o kakilala. Kung kaya ko nga lang hatakin ang oras ay gagawin ko na, hindi na ‘ko makapaghintay.” Inayos ko ang mga pinangkalat ko bago dinampot ang damit na binili. “Kakainin lahat ni papa ang mga sinabi niya, magsama silang dalawa ni Ellie at tignan natin kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa. Ang isa na sakim sa pera at isang walang diskarte sa buhay, bagay na bagay silang dalawa.” Natatawa kong ani bago nagpaalam ng babalik sa kwarto. Sa araw na mangyari ‘yon, ipapatikim ko kay mama ang buhay na hindi niya na kailangan mamroblema sa pera, na kakain kami na walang naririnig na panghuhusga at hindi pinapamuka ang bawat butil ng bigas. Kukunin ko ang dapat kunin at iwan ang kailangan iwan. Hindi ko hilig patunayan ang sarili ko pero kung sa taong minamaliit at hinuusgahan ako ay ibang usapan na ‘yon. Ako si Hazel, pinapangakong hindi susuko sa lahat ng bagay, at gagawin ang lahat para kainin lahat ni papa ang kanyang sinasabi patungkol sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD