Chapter 21: Bossy

2057 Words
Kay bilis ng paglipas ng araw, parang kahapon lang ay kakaumpisa pa lamang ng klase ngunit ngayon ay naghahanda na kami para sa darating na pasko. Tatlong buwan na lang at aakyat na kami sa entablado upang kunin ang mga diploma na pinaghirapan sa loob ng apat na taon, maraming natutunan at pagsubok na hinarap na aking na lagpasan. Ilang taon na lang, mabilis ang panahon at sa susunod ay itim na toga na ang aking susuotin. “Ang hirap maligo ng maaga sa panahon ngayon, akala mo ay nilagyan ng yelo sa lamig ng tubig pampaligo.” Ani Jean na basang-basa pa ang buhok na pumasok sa school. Maaga ang lahat, kailangan namin magdesenyo ng kwarto upang ibagay sa okasyon ngayon at tanggalin ang mga nakakatakot na dinsenyo na inilagay namin nakaraang buwan. Ang iba ay nag-uumpisa na magdikit, samantala ang iba ay naggugupit sa sahig at may ibang may dala ng mga kakailanganin. “Hazel, saan namin ito ilalagay?” tanong ng isang athelete na himala’t pumasok ng maaga. “Bilis. Nangangalay na ang braso ko.” “Doon.” Nagmamadaling turo ko may gitna, “iyan ang pinakamaganda sa lahat kaya ams magandang ilagay sa gitna. Tsaka, iyong mga Christmas light ay ilagay sa paligid ng pinto at bintana.” Utos ko. Agad na kumilos ang iba nang mapansin ko na walang ginagawa ang groupo ng mga kaibigan ko at pilit na dinidistansya ang sarili sa iba. Ilang buwan na kami magkakasama pero hanggang ngayon ay hindi pa din nila tanggap ang isa ‘t isa? Kaya madalas silang magkasagutan dahil kahit anong pakisama ng sa kabila ay iyon din ang paglayo nila. “Pwedeng pakiligpit ng mga kalat sa labas ng classroom at tignan kung pantay ang pagkakasabit nila.” Pakisuyo ko kela Mariel na nakaupo lang at walang ginagawa. Tumaas ang kilay ng isa sa akin, “Kaya na nila ‘yon. Kung gusto mo, ikaw nalang, wala ka naman ginagawa kundi ang mag-utos.” Sagot ni Kathrine na kausap nila Joana. Narinig ng ilan ang sagot nito, bagkus na pagtuonan siya ng pansin ay tumingin kay Mariel na wala din balak na tumayo. “Tulungan mo na sila, Mariel.” aniko. “Kaya na nila ‘yan, masakit paa ko.” pagrarason nito. Namamanghang tumingin ako sa kanilang lahat bago umiling-iling tsaka sila tinalikuran. “Hindi porket sinusunod ka ng iba ay susundin ka na din namin. Leader ka lang sa pag-aayos pero hindi ka teacher para utos-utusan kami kung ano ang gagawin.” Dinig kong sabi ni Kathrine. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa ulo, inis ko siyang nilingon pero bago pa ‘ko makapagsalita ay may nauna nang sumagot para sa akin. “Akala ko ba matalino ka?” Tanong ni Regie kay Kathrine na may hawak pang pangdesenyo. “Anong bagay ang hinid mo maintindihan sa leader at teacher? Alam niyo, kung may problema kayo sa amin sabihin niyo ng diretso hindi iyong sa iba niyo pa binabaling. Mga duwag!” sabay mura nito. Natameme si Kathrine sa sinabi nito at hindi na nakasagot. Napatingin ako sa pwesto ni Mariel na hindi makatingin sa akin ng diretso, umiling ako bago nagpahila na kay Regie na nag-umpisa magtanong kung saan ilalagay ang hawak niya. Buong araw ay wala kaming pansinan magkakaibigan, si Jean lang ang lumalapit sa akin para kausapin pero hindi naman ako na-oout of place dahil madalas akong isama ng iba sa kun saan sila pupunta. Kinuha din ni Kathrine ang upuan kung saan ako madalas na umupo na hinayaan lang din ni Mariel na kunin nito. “Ayos lang ‘yan, Hazel, hindi naman sila kawalana. Tsaka kung tunay mo silang kaibigan ay dapat alam nila kung ano ang trabaho mo at di ka nila aawayin dahil paggawa mo ng responsibildad.” Ani ng isang lalaking katabi ko ngayon. Sa lahat ng lalaki namin kasama sa kwarto ay siya ang pinakamalapit sa akin. Madalas siyang pumalakpak sa tuwing nagrereport o recitation ako, madalas niya din akong binabati satuwing magkakasalubong kami, at syempre may gusto ako sa matalik niyan kaibigan. “Baka mahawa sa kanila si Mariel.” nag-aalinlangan kong sagot. “Nasa kanya na ‘yon kung gagaya siya sa kanila.” Sagot naman ng isa. Bumuga ako ng malalim na buntong hininiga tsaka pinatong ang ulo ko sa desk. Sumasakit ang ulo ko. Ayos ng makaaway ko ang iba, huwag lang si Mariel, siya lang ang nakakaintindi sa akin at ayaw kong mawalan siya ng tiwala dahil sa ganitong mga bagay. ‘Papakalmahin ko na muna ang lahat.’ Tama. Iyon ang magandang gawin kesa ang makipagsabayan sa init ng ulo ng lahat. Tatanungin na din si Kathrine kung ano nga ba ang problema niya s akin para gawin ang bagay na ‘yon. Ayaw ko ng may kaaway, mas lalo na sila na tinuituring ko ng kapatid. Ilang buwan na din kaming magkakasama at gumagawa ng mga masasayang ala-ala, ayaw kong masayang lahat ‘yon at maging masamang aalala para sa akin. “MAYROON ba tayong problema sa pinapagawa ko?” tanong ng adviser namin. Wala kaming ginagawa dahil napagpasyahan ng lahat ng teacher ana ibigay ang araw na ‘to para sa paghahanda sa pagsapit ng pasko. Mayroon din mga contest na pagandahan ng classroom, hindi naman kami basta-basta magpapatalo kahit last section kami. “Wala po sa amin, sir, hindi lang namin alam sa iba dyan na panay ang reklamo.” Parinig ni Regie na ikinatawa ng iba niyang kasama samantala ang iba ay sumama ang tingin sa kanya. “Oo nga po, sir. Akala namin mga matitino, mapaghusga lang pala ang mga g—” hindi matuloy ng isang sasabihin ng takpan ang bibig nito ng katabi. Nag-umpisa na magkaroon ng bardagulan sa loob ng classroom, ang kalahati ng klase ay tahimik lang dahil alam ng mga ito kung sino ang tinutukoy ng mga kalalakihan. Nagtagpo ang tingin namin ni Sir saka sumenyas na tumayo ako para magsalita. “Sir, hindi ‘yan magsasalita ng ikapapahamak ngkaibigan niya kahit siya ang iniipit ng isa dyan na feeling reasonable.” Pang-aasar ni Regie. Nilakihan ko siya ng mata para patigilin na siya sa pagsasalita at pang-asar sa iba pero sa bandang huli ay tinawakan niya lang ako ‘t kinindatan. Hindi naman siya mukhang masaya sa pang-aasar sa iba ‘no? Ito ba ang paraan nila para makaganti sa iba. Kung sabagay kahit ako sa kanila ay maasar ako sa groupo na meron ako ngayon, sa pangmamaliit nito, at pagdadamot sa kanila. “Miss Hazel, kung may ayaw sumunod sa mga sinasabi mo ay sabihin mo sa akin. At kung may isa sa inyo na may reklamo sa pagpili ko na mamumuno sa inyo ay sabihin niyo sa akin dito o mamaya sa office ko.” ani sir. Mas lalong tumindi ang bardagulan nila, gusto ko suwayin pero wlang lumalabas na salita sa bibig ko para patigilin sila. Nang lumingon ako sa pwesto nila Mariel ay kita ko ang pag-irap nila sa akin, mga galit na tingin, at nagtatataasang mga kilay. Mukhang galit na sila ngayon. Masyado ba talagaakong naging bossy sa kanila para magalit sila ng ganito sa akin? Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko at hanggat sa maari ay gusto kong matapos ang lahat ng maayos saka maaga para sa susunod ay wala na kaming ibang gagawin kundi ang gumala. Umupo ako na nailing. Kung alam ko lang na magiging ganito ang lahat sa pagiging lead ko ay sana hindi ko na tinaggap pa ang trabaho na ito pero sa tuwing inaalam ko kung ano nga ba ang nagawa kong mali para kainisan ng ganito ay wala akong matandaan. Pinagpatuloy namin ang pag-aayos, si Sir ay nanunuod at tumutulong sa paglalagay ng dekorasyon. Lahat ay tumutulong, ang kaninang ayaw gumalaw ay nag-umpisa magsipag-sipagan at inaagawan ang iba ng trabaho kaya ang groupo ngayon nila Regie ang nakaupo sa gilid at kumakain. “Paano mo ba naging kaibigan ang mga sipsip na ‘yan? Kaninang wala si sir ay panay reklamo sila, ngayon ay akala mo kung sinong mga anghel na bumababa sa langit kung umasta.” Ani Regie na magkidikit ang mga kilay. Natawa ako sa itinuran niya. “Mababait naman sila, masyado lang silang seryoso at takot malamangan ng iba minsan.” Ganon din ako dati at sa tuwing naiisip ko na ganon ang ugali ko ay hindi ko maiwasan ang mandiri. Nang makilala ko sila Jean at Jazz ay napagtanto ko na hindi lahat ng mga makukulit sa klase ay walang pangarap. Sa totoo nga niyan kung wala sila ay parang walang buhay din ang araw-araw na pagpasok dahil sila ang nagpapasaya sa buong klase sa simpleng mga biro. Nasa tao na din ang desisyon kung hahayaan nilang mapunta sila sa maling landas at gumaya sa maling tao. “Kayo, kung magseseryoso kayo sa pag-aaral ay hindi malabo na mas magaling pa kayo sa amin. Bakit ba ang kukulit niyo?” aniko. Sa tuwing tuwing tinatanong sila sa klase ay mabilis silang nakakasagot, partida at hindi pa sila nag-aaral ng maayos sa lagay na ‘yon. “Sulitin mo na ang pagkakataon na kaya mo pang magloko sa klase, mag-cutting, maglaro, at magsaya kasama ang mga kaibigan. Hindi mo na mararanasan iyan sa college, kailangan mo na magseryoso at panindigan ang lahat ng magiging desisyon na gagawin mo, hindi mo na makakasama ang mga kaibigan mo ngayon dahil siguradong mag-iiba kayo ng mga tatahakin na landas. Sa tingin niyo ay kakulitan lang itong ginagawa namin pero sa totoo niyan ay sinusulit namin ang bawat oras na magkakasama kami. Hindi na kami makakapaglaro sa college, mahihirapan na kaming mabuo sa iisang lugar katulad ng nakikita mo ngayon, at baka makahanap na ng kaibigan ang iba sa amin na maaring magpalimot sa kanila ng mga magagandang aalaala na ginagawa namin ngayon.” mahaba niyang paliwanag bago hinilig ang kanyang ulo sa balikat ko. Hinayaan ko ang ginawa niya. Hindi naman siya amoy pawis at mabango pa kumpara sa mga di naglalaro. “Hanggang sa maari ay gumagawa kami ng mga aalala na hindi namin makakalimutan kahit ilang taon na ang lumipas. Kayo? Marami na ba kayong nagawa magmula nang mag-umpisa ang klase natin, nakikita namin sa inyo ay panay kayo aral kaya siguro ay kakaunti pa lang.” ani naman ng isa sa kaliwa ko. Mga masasayang aalala? Marami akong masasayang alaala kasama sila, ang mga araw na lumipas na puno ng tawanan at kalokohan, lahat ng iyon ay hindi ko makakalimutan, hindi ko alam kung para sa kanila ay ganon din ang nararamdaman. Kung tumatatak ba sa kanilang isipan ang ginagawa nmain. “Marami naman na.” pilit na ngumiti ako sa kanila bago ibinaling ang atensyon kela Mariel na panay ang kilos ngayon. Sa buong oras na andoon si Sir ay nakatingin lang kami sa gilid, kinuha na nila ang lahat ng trabaho para sa lahat at sa kalahating araw na nag-ayos kami ay natapos na din sa wakas. Nagpaalam na si Sir, naghihintay na lang kami sa oras ng uwian at nagkanya-kanya muling Ayaan. “Hazel, may pupuntahan ka ba ngayong uwian?” tanong ni Jean na hindi galit sa nangyari. “Pinauuwi ako ngayon ni mama sa bahay, walang magbabantay ng tindahan.” Aniko habang inaayos ang mga gamir ko. Nanghihinayang siyang tumango siya. “Mauuna na ‘kong umuwi.” Paalam ko sa kanila bago binalingan si Mariel. “Hindi kita maihahatid ngayon. Kailangan ko kaagad umuwi ng bahay.” Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makalabas ng gate ng school para di na nila ‘ko maabutan pa. Wala akong gagawin sa bahay pero ayaw ko silage makasama at gusto mapag-isip-isip muna mag-isa. Tumatak sa isipan ko ang tinanong ni Reggie kanina. Hindi nga malabo na dumating ang araw na makahanap sila ng mga bagong kaibigan at makakalimutan nila ang pinagsamahan namin lahat, kakayanin ko kaya kung dumating ang araw na ‘yon? Ang walang kaibigan, ngayon pa nga lang na lumalayo ang loob namin sa isa ‘t isa ay nasasaktan na ‘ko. Sila lang ang sandalan ko sa magulong pamilya na meron ako. Sa tuwing kasama sila ay doon lang ako nagiging masaya at nakakaramdam ng kalayaan. Ayaw ko sila mawala at gagawin ko ang lahat para di nila ‘ko makalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD