Matapos basahin ni Mariel ang chat ni Ellie ay mas hindi ako nagpatinag, sigradong nagsisinungaling lang ‘yon para umuwi ako sa bahay at ipahamak ako pero matapos ag ilang oras nang pauwi na kami ay nabasa ko ang mensahe ni papa na mukhang galit na.
Maaga pa, kabababa pa lamang ng araw at saktong labasan ng mga panghapon. Halos takbuhin ko ang distansya ng mula sa kinatatayuan ko hanggang sa bahay namin, mas lalo na ‘t may mga nagtutumpukan na naman sa labas ng pinto namin na tila may pinakikinggan sa bahay.
“Ano ang nangyari, ma?” tanong ko kay mama na nasa pinto.
Nagtataka siyang bumaling sa akin. “Nag-message sa iyo ang papa mo? Iyang kapatid mo, wala ng ginawa kundi ang ipahamak ang mga tao dito sa bahay. Gumagawa ng kwento para may maisumbong lang sa ama niyo. Sinabi ko na sa kanya na nagpaalam ka na may project kayong ginagawa kaya madalas kang nahuhuli ng uwi at sinabi din ng mga kapit bahay na ganon pag-graduating na.” paliwanag nito.
Napabuga ako ng hangin at nabunnutan ng tinik sa dibdib matapos marinig ang sinabi ni mama. “Ano na naman ba ang sinabi ni Ellie? Sabi niya ay galit daw si papa, kanina niya pa ‘ko pinauuwi, hindi ko naman pwede iwan ang ginagawa namin.” Aniko.
Kahit kailan talaga ay sinungaling ang babaeng ‘yan. Hindi ko alam kung saan nagmana ang pagg-uugali na meron siya, at sa amin magkakapatid ay siya lang ang handang mangpahamak ng iba para maging bida at bumango ang pangalan.
“Nagsabi sa ama mo kanina na naggagala ka lang daw, nakita ka daw niya sa school niyo na hindi pumasok at dumiretso sa bahay ng classmate niyo.” anito na iiling-iiling. “Ito namang ama mo, maniniwala kaagad sa sinasabi ni Ellie. Kaya kinontra ko na bago pa siya magalit dyan, buti sumabat ang mga tao sa labas kaya naniwala siya. Iyang talagang ama mo, hindi nag-iisip.” Dagdag pa nito.
Ibinababa ko ang bag at isa-isang inilabas ang mga damit na ginamit at inilagay sa labahan. “Nag-video kami ngayon, may ipapakita naman po akong ebidensya at kahit tanungin niya lahat ay iisa lang ang sasagutin.” Malakas ang loob kong sagot. Hindi naman talaga ako gumala, handa akong patunayan ‘yon at ipaglalaban ko ang alam kong tama.
Umakyat na ‘ko sa kwarto, bumungad sa akin si Ellie na nakahiga at ng makita ako ay agad na tumaas ang kilay. “Gala pa.” parinig nito. “Akala mo hindi kita nakita kaninang uwian. Maaga kayong pinalabas pero ngayon ka lang umuwi, anong ginawa mo? Naglandi?” walang respeto niyang usal.
Walang emosyon na tinignan siya bago maliit na ngumisi. “Naglalandi? Alam natin kung sino sa ating dalawa ang gumagawa ng bagay na ‘yon. Ipagpatuloy mo pa ang paggawa ng kwento at paninira ng mga tao dito, kayang-kaya kong patunayan ang binibintang mo sa ‘kin.” Hanggat wala akong ginagawang mali, wala ako dapat ikatakot sa bagay-bagay na binibintang niya.
“Sumasagot ka na ngayon?” aniya bago ibinaba ang cellphone at handa na ‘kong sugudin. “Gusto mo ba mabangasan iyang mukha mo, matagal na ‘kong napipikon sa iyo eh.” Anito.
Hindi ako nagpasindak at naantili sa aking pwesto. “Dyan ka lang naman magalig, ang manindak ng mga tao dito sa bahay at magpapaawa kay papa sa bandang huli. Kaya hindi ka gusto nila tita at tito, na kahit sinasabi mo ay hindi pinapaniwalaan dahil sobrang kasinungalingan mo.” pagsasabi ko ng totoo.
Sa lahat ng kapatid ni mama ay walang may gusto sa kanya, lahat ng atensyon ng mga ito ay nasa akin kaya iyon din ang kinaasaran niya. Kung si papa, hindi naniniwala sa kakayahan ko, sila tito naman ay hindi naniniwala sa kanya dahil nakikita nito ang kakaibang ugali.
“Dahil sipsip ka kaya ganon.” Aniya bago bumalik sa paghiga, “bakit nga ba ako nakikipagtalo sa isang walang alam na katulad mo.”
Hindi ko siya sinagot at nagmamadaling nagbihis saka bumababa upang kumain. Sa bahay na ‘to, hindi makikitaan na kumakain ng sabay ang buong pamilya at kung kakainman ay madalas akong magpahuli dahil baka kung ano ang sabihin sa akin.
Si papa na sa bawat pagsubo ng kanin ay pinamumukha sa iyo ang kinakain at si Ellie na walang ginawa kundi ang magsumbong ng mali sa mismong harap ng hapag. Sino ang magkakaroon ng ganang kumain kung kaharap mo ang dalawang tao na katulad nila.
“Ma, kailangan na namin mamili ng strand at papasukan na school. May ipapatayong bagong building sa school pero gusto ko sana kung saan ako mag-aaral ng college ay doon na ‘ko papasok para masanay na din ako sa byahe.” Aniko.
“Patungkol sa business ang kunnin mo.” lumingon sa pwesto ko si mama at inilapag ang ulam na niluluto nito. “Kumuha ka ng accountancy, iyon ang gusto ko dating kurso kaya gusto ko na isa sa inyo ang makapagpatuloy at makaabot non.” Usal nito.
“May pinagpipilian na po ‘ko, ma. MED, HARM, o Journalism ang gusto kong kunin. Gusto ko maging doctor, magaling din naman ako magluto at may talent naman ako sa pagsulat. Kaya sana iyon—”
“Sa tingin mo ba ay madali lang maging doctor? Hindi ka ganon katalino, Hazel, masipag ka lang mag-aral pero hindi ka matalino. Hindi din madali ang makapasok doon, ang gastusin, ngayon pa nga lang ay hirap na hirap ka na makahingi sa ama mo paano pa kaya sa susunod. Ang HRM, sa mahal ng bilihin ngayon ngayon sa tingin mo ay makakasabay ka sa mga bayarin niyo sa school?
At journalism? Paggraduate mo, sa tingin mo ay saan ka pupulutin? Wala kang mapapala d’yan sa pagsusulat mo, kaya tigilan mo na ang kakaplit mo sa pangarap mo na ‘yan. Kumuha ka ng Accountancy. Iyon, pagkagraduate mo siguradong may trabahong nagihintay sa iyo kahit hindi ka makapasa ng board.” Mahaba nitong ani.
Natameme ako. Kung ganon ay sa panahon ngayon ay hindi na mahalaga kung ano ang pangarap mo, kung anong talent ang meron ka dahil kailangan mong makibagay sa kung ano ang pangangailangan ng bansa. Hindi ko nakita ang sarili ko na papasok sa banko o kung anoman ang patungkol sa negosyo pero sa lahat ng sinabi ni mama ay may punto.
Hindi ako matalino at nakukuha lang ang lahat sa sipag at tyaga na meron ako. Mukhang malabo nga na maging doctor o maging pressional na manunulat, pati ang kursong kukunin ko ay kailangan nakabase sa kung ano ang mood ni papa at kung paano ako magkakaroon ng trabaho.
“Kailangan mong maging magandang ehemplo sa mga kapatid mo, isipin mo din sila kung mag-aaral ka ng mga gusto mo. Hindi lang ikaw ang mahihirapan kundi pati na din ang mga kapatid mo. Kung pangarap mo talaga ang magsulat ay tapusin mo na muna ang kurso na gusto namin para sa iyo, tsaka mo paaralin ang sarili mo. Dahil kahit anong gawi mo ay hindi ka namin kayang paaralin sa kursong gusto mo.” anito.
Second degree? Pero ilang taon na ‘ko kung kukuha pa ‘ko non. Ang hirap maging panganay, kailangan isakripisyo pati ang pnagarap sa buhay. Hindi ako umimik at nagpatuloy kumain. Iniisip ng mabuti kung ano ang dapat gawin.
Tama si mama, wala akongs supporta na nakukuha kay papa kaya kailangan ko maghanap ng hindi mamahalin na paaralan para makapagpatuloy ako ng pag-aaral hanggang sa matapos ang apat na taon. Ngayon, kailangan ko alalahanin ang pagiging senior high para kahit papaano ay makakuha ng scholarship. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako nagseryoso ng elementary hanggang junior high, edi sana ngayon ay marami akong makukunan ng scholarship para sa pangarap kong kurso.
“Kung hindi lang sana binenta ng papa mo ang educational plan na pinagawa ko sa iyo noon ay sana kahit saang school at kurso pa ang kunin mo ay walang problema. Problema lang ang papa mo, sobrang greedy sa pera at sarili lang ang iniisip hindi ang kinabukasan niyo.” may panghihinayang na usal ni mama.
Pagak na tawa ang pinakawalan ko. Naalala ko kung paano ibenta ni papa ang educational pla ko na pinagawa ni mama, inaway niya pa noon si mama dahil wala siyang pambayad sa utang na hindi namin malaman kung saan niya ginamit. Sa tuwing nangungutang siya ng pera ay madalas niyang sinasarili pero pagdating ng bayaran ay kami ang ginigipit niya ‘t sinisisi sa kahit piso na hindi namin na tikman o nahawakan.
Pinagmamalaki ko pa ang educational plan na ‘yon dati, na matutupad ko ang pangarap ko dahil may ganon ako kaso wala eh. Bawi na lang ako next life, baka sa susunod ay sa mas maayos na pamilya ako mapunta.
“Hayaan na natin, ma, naibenta na at wala na tayong magagawa doon.” Tugon ko.
Parehas kaming natahimik ni mama. Matapos kumain ay inayos ko na lamang ang mga gamit na kailangan ko kinabukasan habang si Ellie ay panay ang tili sa pinapanuod niyang kung ano. Mabuti pa siya may pangload, sana lahat ay may sponsor.
Ayaw ko siyang makasama sa iisang kwarto kaya bumababa nalang ako at nag-umpisang magsulat ng panibagong mga outline sa notebook. Patago-tago pa ‘yon dahil baka mahalata nila ‘t pagalitan na naman ako sa pagsasayang ng notebook sa walang kwentang bagay na kanilang tawagin.
“Tito!” may ngiti labi kong bungad kay tita. Kakauwi pa lamang nito sa trabaho at dumaan muna dito bago dumiretso sa kanila. “Dala mo na ang hinihingi ko?” tanong ko.
Isa-isa niyang inilabas ang mga pentel pen, notebook, stickynote, at pangdesign sa scrap book bago ini-abot sa akin. “Sabihin mo lang sa akin kung kulang pa iyan, pinangtatapon lang ‘yan sa trabaho, sayang naman.” Anito.
Malaki ang ngiting inabot ko ‘yon at tinignan isa-isa. “Salamat, to! Sobrang kailangan ko ‘to, ang daming mga scrapbook na pinapagawa sa amin, wala akong pambili ng mga gamit.” Tuwang-tuwa kong ani.
Maya-maya lang ay nagmamadaling bumababa si Ellie mula sa kwarto at lumapit kay Tito Boy na umiinom na ng tubig sa tabi ng dispenser. “Tito, ang akin, meron kang dala?” nanabik niyang tanong.
“Marami ka pa naman d’yan, nakita ko na pakalat-kalat lang ang binigay ko sa iyo nakaraan. Sinasayang mo lang ang mga gamit na pwede pa pakinabangan ng iba.” Anito bago ibinababa ang hawak na baso. “Wala akong dala ng hinihingi mo.” dagdag pa niya.
Lumingon sa akin si Ellie, bumababa ang tingin sa binigay na gamit sa akin ni tito bago ako dinuro. “Hindi naman sa akin ‘yon. Gamit ni Ate Hazel ang mga nakakalat nakaraan, nakatago ang lahat ng binigay mo sa akin.” paninisi niya.
Tumaas ang kilay ko. Kailan pa nagin pakalat-kalat ang lahat ng gamit ko?
Akmang sasagot ako sa sinabi niya ng magsalita si tito. “Wala akong ibinibigay sa ate mo na ganong klase kaya alam ko na sa iyo ‘yon.” Anito.
Mas lalong sumama ang tingin sa akin ni Hazel tsaka nito innirapan si tito at bumalik sa kwarto. Napailing na lang ako sa inasta nito at hindi na din pinansin ng isa. Hindi lahat ay kaya niyang paniwalain, walang nagtitiwala sa kanya pagdating kela tito dahil sa minsan na din silang pinahamak nito.
“Siguradong may gagawin na kalokohan na naman ang isang ‘yan buong magdamag. Kung hindi niya makuha ang gusto niya ay sinisira niya ang bago sa akin o gagawa ng kalokohan na ibibintang sa isa sa amin.” aniko kay tito.
“Huwag ka na magtaka at manibago, mana sa ama mo ang ugali niyan eh.” Usal ni tito tsaka nagpaalam ng uuwi sa kanila.
Nang makalabas si Tito ay saktong pagpasok ni mama. Nakita niya ang mga bagong gamit na nasa tabi ko at isa-isang tinignan. “Marami ka pang ganito ‘di ba? Na saan na ang mga ‘yon” tanong nito.
“Nakatago po lahat, ma. Wala naman po ibang gagamit, kung ilalabas ko ay baka masayang lang sa walang kwentang bagay.” Ang hilig pa naman ni Ellie kumuha ng mga bagay na hindi sa kanya at sayangin lang sa kung ano-anong bagay.
“Akala ko ay pinamimigay mo lang sa iba.” Anito.
“Binibigyan ko si Mariel kung kailangan niya ng mga gamit.” Diretso kong sagot. “Sa kanila ako kumakain tuwing tanghali, ayaw ko naman siyang pagdamutan ng mga gamit na meron ako.” pahabol ko.
Ang akala ko ay kokontra pa si mama pero tumango lang ito bago kumuha ng dalawang ballpen. “Kesa mawalan ng tinta dahil nakatambak lang.” anito.
Bumalik na siya sa tindahan na may kakarampot na laman. Iniwan na naman sa amin iyon ni papa na nakabukas dahil kaunti na lang ang laman, kahit anong tanggi namin ay nagagalit siya dahil wala kaming maitulong sa kanya at kahit pagabbantay ng tindahan ay tatanggihan pa namin, iyon ang madalas niyang siansabi.
Alam ko—no, namin lahat kung ano ang susunod na balak niya pagtapos niyang iwan na nakabukas. Magpapakuha siya ng magpapakuha ng mga paninda, magmula sa alak hanggang sa sabon panlaba, kukunin pa niya ang benta para pambayad ng utang niya, at kung makita niyang wala ng laman ay isisi na sa amin na ninakaw namin ang benta. Walang katapusan na pag-ikot ng ganon na sistema. Kung itatama ay magagalit pa dahil nagmamagaling daw sa planong ginawa niya.
“Kung maubos itong tindahan at isara na naman, siguro ay mas mabuti ng huwag na buksan ulit. Pinagloloko na lang natin ang sarili natin na lalago ang tindahan samantala lahat ay dito kinukuha. Magmula sa pagkain, bisyo, at pambayad niya ng utang.” Aniko. Kahit papaano ay may alam ako sa negosyo. Marami akong nabasang libro patungkol dito at lahat ng hindi dapat gawin ay ginagawa ni papa at pagnalugi, isisi sa iba.
“Wala tayong pagkukuhanan ng pang-araw-araw natin kung hindi tayo magtitindahan. Madalas na umalis ang papa mo na walang iniiwan pero nagdedemand ng masarap na ulam.” Ani mama na nakakalokong tumatawa. Ang galing no?
“Kesa naman araw-araw tayong sabihan na magnanakaw kahit wala naman tayong kinukuha kahit piso sa benta niya. Hindi ko na kayang tiisin, ma, habang tumatagal nauubos na ang pasensya ko sa tuwing minumura niya tayo at sinasabihan ng magnanakaw.” Sabi ng karamihan ay nakakatakot pumutok ang mga tahimik na tao na katulad ko at kahit ako ay natatakot na sa sarili ko.
Sa tuwing hindi na kinakaya ng emosyon ko ay hindi na ‘ko nakakpag-isip ng tama, magsasalita ‘t susugod nalang basta-basta na hindi pinag-iisipan ang mga gagawin. Sobrang daming bagay ang dinadamdam ko, baka lahat ng iyon ay magsabay-sabay na maari pang mauwi sa malaking gulo at masasakit na salita.
“Pagpasensyahan na lang natin ang papa mo. Wala naman tayong magagawa kundi ang gawin ang gusto niya dahil siya pa din ang bumubuhay sa atin.” Ani mama na abala na ngayon sa paglilista at pagbibilang ng benta.
“Hmm, pagdating sa pamilya niya ay mga magnanakaw at palamunin pero sa mga kamag-anak niya ay dinaig niya pa ang mayora kung makapagbigay. Isang hingi lang sa kanya ay ibibigay niya kaagad samantala dito ay kahit plastic na sapatos ay hindi niya mabilhan mga anak niya.” masama ang loob na usal ko.
Naalala ko na naman kung gaano ako umiyak ng masira ang sapatos ko, nagmamakaawa ako sa kanya na kahit plastic lang ang ibili niya sa akin pero hindi niya ginawa. Sabay malaman-laman ko na nagpadala siya sa kamag-anak niya para bumili ng sapatos at bagong bag.
“Hindi na magbabago ang ugali ng papa mo na ganyan. Nawalan na din ako ng pag-asa na magkakaroon siya ng pakealam dito sa bahay. Mag-aral ka nalang ng mabuti kung gusto mo talaga makaalis at makatakas sa lugar na ‘to.” Payo niya.
“Iyon ang ginagawa ko, ma. Kukunin ko kayo dito, iiwan ko si Ellie kay papa total ay parehas naman silang dalawa.” Aniko. Wala akong balak pag-aralin at itakas sa impyernong lugar na ‘to ang isang demonyita na katulad niya.
Nag-usap kami ni mama hanggang sa mapagpasyahan na namin magsara. Walang pasok kinabukasan kaya makakapagpahinga ako ng mas matagal matapos ang dalawang lingo na walang pahinga mula sa hell week at exam.
Sapat na ang araw na ‘to para malaman ko na wala ng pag-asa pa na makuha ko ang kursong gusto ko. Kailangan ko tanggapin kung anong responsibilidad na meron ako at tanggapin ang reyalidad na hindi lahat ng pangarap ay natutupad.