Madalas ang biglaang lakad ang natutuloy at ang matagal ng pilinano ay nakaklimutan bago pa dumating ang panahon. Nanabik ang lahat sa pag-uwi, kanya-kanyang mga lakad ang kanilang plano at tuwang-tuwa dahil tapos na ang araw ng pagsusulit.
“Hindi ka naman excited ‘no?” tanong ni Mariel na nangahalungkat sa bag ko.
Andoon lahat ng pwede namin gamitin, magmula sa dress, pangswimming, at casual na susuotin. Lahat ay nakahanda na, ibang mga gamit ay dala na din ni Jean katulad ng napagkasunduan namin. Kailangan namin kumuha ng video para sa isang subjects.
“Parang ikaw ay hindi?” pagbabalik ko sa kanya ng tanong bago sinilip ang dala niyang paper bag. “Hindi ba’t meron ka ngayon, anong balak mo mamaya?”
“Papanuorin at kukuha sa inyo ng picture,” bagsak ang kanyang baikat.
Umiling ako ‘t tinapik ang kanyang balikat at siya ay humaba na lamang ang nguso. Maya-maya lang ay pinalabas na kami, katulad ng nakasanayan ay iligpit muna ang mga kalat bago umalis sa loob at dumiretso na sa pupuntahan.
“Bilisan natin sa pagkuha ng video para makapagswimming pa tayo.” ani Jean na nakapwesto sa tricycle.
Mabilis kaming nakapasok sa loob ng subdivision nila at nakarating sa bahay nila. Puno ng halaman, mga naggagandahang mga bulaklak at mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa garahe. Sobrang tahimik ng lugar, walang tao ang nasa kalsada at iilan lang din ang dumadaan.
“Nakakatakot ito tuwing gabi, ang laki ng mga puno na nakapaligid sa bahay niyo.” komento ko bago umakbay kay Joana, “pero mas gusto ko sa ganito. Tahimik, walang ibang gumagambala at chismosa.”
“Abala ang lahat ng tao dito, walang oras para pag-usapan ang buhay ng iba. Tsaka, hindi sa amin ang bahay na ‘to, katiwala lang si mama dito.” walang pagkakahiya niyang kwento bago pinapasok kami sa loob ng bahay pero imbis na entrada ay sa gilid kami dumaan kung saan nakalagay ang kusina.
“Magandang hapon po.” May ngiti sa labi naming bati.
“Magandag hapon din. Kumain na muna kayo bago kayo gumawa ng project niyo,” anito na may magandang ngiti sa labi at isa-isang hinanda ang pinggan sa aming harapan. “Oo nga pala, dumating ang naglilinis ng swimming pool kanina, hindi ko na nai-chat sa inyo.”
Nagkatinginan kaming lahat. Kailangan namin ng pool para sa susunod na video at kung wala kaming magagawa ngayon ay kailangan namin palitan ang script saka madadagdagan pa ang ibang kailangan kuaanan. Hindi na kami aabot sa oras ng pasahan.
“Hala? Paano na po ‘to ma?” nag-aalalang ani Joana bago binuksan ang pinto kung saan kita ang malawak na swimming pool sa likod.
“May swimming pool pa naman doon kaso kailangan niyo magbayad.” Tugon nito bago sumilip sa salas, “Kausapin ko si madam.” Usal nito.
Tumango lang ang mama nito at nagpaalam na si Joana sa amin. Ang mama niya ay panay handa ng makakain namin, kaunti lang iyon pero ayos na para magkalaman ang tyan namin lahat.
“Huwag kayo mag-aalala,” anito.
“Hindi naman po, tita. Magaling ang script writer namin kahit biglang mawala ang scene ay mabilis niyang maayos, iyon nga lang ay mahirap kabisaduhin.” Ani Jean habang tinutulungan si Tita na ayos ng pagkain.
“Pasensya na kayo. Hindi ko din inaasahan na pupunta ngayong araw ang maglilinis ng swimming pool, nagpaalam naman na si Joana.” Anito.
“Ayos lang po talaga, tita.” Aniko. “Kailangan lang naman po namin kumuha ng video or kahit paligid lang basta mayroong tubig or pool na maipakita.” Paliwanag ko.
Ngiti ang naging tugon nito sa sinabi ko tsaka nag-umpisa magtanong-tanong patungkol sa mga pinangagawa ni Joana sa loob ng school kaya kaming tatlo ay panay puri kahit sobrang mapanakit nito. Nakakahiya naman kung sabihin ang tunay na ugali nito at baka pagalitan siya pag-alis namin.
“Ang sarap po ng luto niyo, tita.” Puri ni Mariel habang kumakain.
Mas lalong ngumiti ang ginang at nagpasalamat. Maliit lang ang ina ni Joana, payat na may mahabang buhok katulad niya, hawig na hawig din silang dalawa kahit na matanda na ang mukha nito. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain ng magtagpo ang tingin namin.
“Magkamukhang-magkamukha po kayo ni Joana.” Aniko na mas lalong ikinangiti niya.
“Maraming nagsasabi na magkamukha nga kaming dalawa.” Tugon nito.
Sasagot pa sana ako ng nagmamadaling pumasok si Joana sa kusina na may malaking ngiti sa kanyang mga labi. Yumakap siya sa mama niya ‘t hinalik-halikan ito sa pisngi, “Ang sabi ni madam, tatawagan niya daw ang swimming pool dito sa loob pero maniningil pa rin pero 50% na lang dahil bisita niya tayo.” anito.
“Talaga?!” tuwang-tuwa na ani ni Jean. “Maraming salamat naman.”
“May ginagawa pa daw siya kaya di niya kayo mahaharap pero pinabibigay niya ‘to sa inyo.” Sabay inilapag ang box ng brownies sa harap namin.
Sa pagkakataon na ‘yon, ako naman ang lumaki ang ngiti. Bilang isang studyante na walang-wala sa buhay at sa libre lang umaasa ay masaya na ‘ko sa bagay na ‘to. Dali-dali akong kumuha ng isa, kakaibang lasa ang agad na nanuot sa aking panlasa.
“Bilisan na natin para makapag-umpisa na tay.” Ani Jean.
Nagpaalam na ang mama ni Joana na mag-uumpisa na maglinis at kami ay naiwan sa kusina na kumakain. Nang matapos ay nagpalit na kami ng damit upang hindi isipin ng madadaanan namin na nag-cu-cutting. Hapon na ng makarating kami sa paroroonan, sinagot ni Joana ang pamasahe at ganon din ang entrance fee.
Samantala, kami lang ni Jean ang binayaran dahil hindi daw maliligo si Mariel na mas gustong manatili sa gilid. Agad na kaming nag-umpisa sa pag-vi-video, nakakahiya lang dahil sa mga taong nanunnuod sa ginagawa namin at karamihan mga dayo.
“Action!” sigaw ni Mariel.
Nag-umpisa na kaming lahat kumilos, nagmamadaling tapusin ang lahat para makaligo na kaming lahat. Panay ang kabisado namin, umarte na din si Jean katulad sa ginawa ko at masayang-masaya ang lahat ng matapos.
“Ang gaganda ng bahay sa loob ng ganito ‘no? Pagnakapagtapos ako, gusto kong tumira sa ganitong lugar, walang maingay at makakaabala sa akin sa tuwing nagsusulat ako.” Iyon ang matagal ko ng pangarap at gagwin ko ang lahat para makuha ‘yon.
“Hazel, ang lakas ng loob mo mag-two-piece patong-patong naman ang blbil mo.” natatawang anito.
“Ikaw din naman,” segunda ni Mariel sa sinabi nito.
Natawa na lamang ako at nag-umpisa ng lumangoy sa mababaw na parte. Ang lakas ng loob mag-aya magswimming kahit hindi naman marunong lumangoy. Sa nangyayari, si Joana lang ang nag-eenjoy dahil ito lang ang nakakalangoy sa malalim, kami naman ay nasa gilid lang at hindi umaalis sa pagkakahawak.
Panay ang tawanan naming apat habang si Mariel ay paunti-unti ng inilulubog ang kanyang katawan sa tubig. Ang dami din namin nakuhang mga larawan na magkakasama, kahit kaming apat lang ngayon ay sobrang saya. At ang say ana ‘to ay nakaatakot dahil pag-uwi ko ng bahay ay babawiin lang ang kasiyahan ‘kong ito.
“Mariel, may nagchat sa phone ko?” tanong ko kay Mariel na hawak ang mga cellphone namin.
“Oo nga pala,” aniya tsaka binuksan anga messenger ko tsaka tumingin sa akin. “Si Ellie, pinauuwi ka na, galit na daw papa niyo at yari ka daw.” Basta nito.
Natigilan ako. Hindi talaga ako titigilan ng babaeng ‘yon.