“Kailangan na nga na’ting umalis sa lalong madaling panahon,” agad na sabi ko kina Alana at Demetrius, na naghihintay sa a’king pagbabalik sa loob ng tahanan ni Linnea.
Nais ko kasing makita kung ano ang nangyayari sa labas ng tahanan ni Linnea sapagkat nitong mga nakaraang araw, hindi ako masyadong naglalalabas at ngayon ko lamang iyon napagtanto. Nais ko ring makita ng a’king sariling mga mata ang sitwasyon na sinasabi ni Demetrius, at hindi pa man ako masyadong nakalalayo sa tahanan ni Linnea, agad akong bumalik sapagkat alam ko na sa a’king sarili na malala na nga ang sitwasyon sa lugar na ito.
Tunay ngang sobrang gulo na rin ng lugar na ito, at base sa mga sinabi sa a’min ni Demetrius noong isang araw, nangyari lamang ang bagay na iyon sa isang napaka-ikling panahon. Walang nakakita ng pangyayaring katulad nito, kahit na si Linnea ay labis ding ikinabigla ang nangyari at hindi mawari kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Marami ring mga tao ang pumipila ngayon sa harapan ng tahanan ni Linnea, umaasang sila ay matutulungan ng manghuhula, ngunit dahil limitado rin naman ang kapangyarihang taglay niya, mas minabuti na lamang niyang magtago at hindi lumabas ng kaniyang tahanan – kahit na maririnig sa kabuuan ng kabahayan na ito ang pakikiusap ng mga taong iyon.
Kinailangan ko pa ngang dumaan sa likuran ng tahanan niya, sapagkat alam ko na kapag sa harapan ako dumaan, hindi magpapapigil ang mga taong nasa labas nito at magpupumilit ang mga iyon na pumasok – kagaya na lamang ng kanilang mga ginagawa nitong mga nakaraang araw, ngunit napipigilan naman sila nina Mireya at Demetrius.
“Hindi ko rin inaasahan na ganito kabilis lalala ang sitwasyon ng lugar na ito,” pag-amin ni Demetrius, na agad namang sinang-ayunan ni Alana. “Narinig ko na nitong mga nakaraang araw na may nagbabantang kaguluhan sa kabuuan ng bayan na ito, ngunit hindi ko inaasahan na ganito agad ang mangyayari.”
Napa-iling-iling na lamang siya, bago siya tumayo sa kaniyang kinauupuan. Ganoon na rin ang ginawa ni Alana, na para bang handa na ang mga ito na umalis sa bayan na ito anumang oras magmula ngayon.
“Sa tingin ko rin ay mas makabubuti na sa a’tin na umalis na agad sa bayan na ito,” sambit ni Alana, kaya naman agad akong napatingin sa kaniya nang may seryosong tingin sa a’king mga mata. “Atsaka habang mas maaga, mas malaki ang tiyansa na maaari tayong makakita ng a’ting masasakyan papunta sa bayan na iyon.”
Nakikita ko sa kaniyang mga mata na napipilitan lamang siya sa kaniyang sinasabi, at alam ko ang dahilan noon. Alam ko na nais niyang tulungan ang mga taong naririto sa bayan na ito, ngunit wala na rin naman siyang magagawa at ang pinaka mainam na gawin na’min sa ngayon ay ang pagtuunan ng pansin ang paghahanap sa inumin na iyon upang matulungan din na’min ang mas marami pang mga tao.
Ang natatanging paraan na lamang ay ang hanapin ang susi upang magamit ko na ang a’king mahika, at sa oras na mangyari iyon, doon lamang kami maaaring gumalaw upang gumawa ng paraan para sa mga tao at sa mga bayan na nasa mundong ito.
“Naayos na naman ninyo ang inyong mga gamit, hindi ba?” tanong ni Demetrius sa a’ming dalawa ni Alana, na naging dahilan upang mawala sa a’king isipan ang a’king mga iniisip at matuon ang a’king atensiyon sa kaniya.
Sabay kaming tumango ni Alana sa kaniya, at nakita ko na napatango-tango siya nang dahil doon – na para bang nag-iisip siya kung ano ba ang pinaka mainam na gawin sa ngayon, at matapos ang ilang minuto na nananahimik lamang siya sa kaniyang kinatatayuan, bigla na lamang siyang nagsalita at hindi ko alam kung ano ang a’king isasagot sa kaniya nang marinig ko iyon.
“Kung gayon ay sa tingin ko maaari na tayong umalis sa bayan na ito mamayang hapon,” sabi niya sa a’ming dalawa ni Alana, na naging dahilan upang magkatinginan kaming dalawa. “Hindi ba’t mas maaga at mas mabilis tayong makaaalis sa lugar na ito ay mas maganda para sa a’tin?”
Muli kaming sabay na tumango ni Alana sa kaniya, at nakita ko kung gaano siya ka-seryoso sa kaniyang mga sinasabi sa ngayon. Nakita ko kung paano siya umaakto nang dahil sa mga nangyayari, at hindi ko mawari kung bakit siya nagkakaganoon na lamang bigla.
“Kaya naman sa tingin ko ay mas maganda kung aalis na tayo ngayong araw.” Napatitig kaming dalawa ni Alana sa kaniya, at mukhang napansin niya iyon sapagkat tinapunan niya kami ng seryosong tingin, na para bang nais niyang sabihin sa a’min kung bakit nagkakaganito siya ngunit hindi rin niya mawari kung papaano siya magsisimula. “Ngunit sa tingin ko ay kailangan muna na’ting kausapin sina Linnea tungkol dito. Tutal, pinatuloy niya tayo sa kaniyang tahanan. Pati na rin kay Mireya na tumulong din sa a’tin.”
Natahimik kami nang matapos niya iyong sabihin, na para bang pinag-iisipan na’min nang mabuti kung iyon na nga ang pinaka mainam na maaari na’ming gawin sa sitwasyon ngayon, ngunit naputol iyon noong muling nagsalita si Demetrius.
“Sinasabi ko ito sapagkat nais kong siguraduhin na walang mangyayaring masama sa iyo, Ambrose,” sambit niya, na labis kong ikinagulat sapagkat hindi ko mahinuha kung bakit kailangan pa niyang gawin ang bagay na iyon. “Sana ay hindi mo pa nakalilimutan ang a’king sinabi noong unang araw na sumama ako sa inyong paglalakbay.”
Napatigil ako nang marinig ko iyon mula sa kaniya, sapagkat alam ko ang kaniyang tinutukoy. Alam ko kung ano ang kaniyang sinasabi, ngunit magpasa-hanggang ngayon, hindi ko pa rin mawari kung bakit niya pinanghahawakan pa rin ang pangako niyang iyon. Hindi ko pa rin mawari kung bakit nais niya akong protektahan, hanggang sa umabot pa ang bagay na iyon sa ganito.
Bago pa man ako makapagtanong sa bagay na iyon, at bago pa man ako makapagsalita tungkol doon, may agad na pumigil sa a’kin – na para bang hindi nais ng tadhana na malaman ko ngayon ang dahilan kung bakit ganoon na lamang siya mangako sa a’kin. Tila ba hindi nais ng panahon na malaman ko ang katotohanan sa ngayon.
“Balak na ba ninyong umalis ngayong araw?”
Agad kaming napatingin sa bagong dating na si Linnea, at mukhang magkasama sila ni Mireya sapagkat nakita ko na sabay silang naglalakad patungo sa kinaroroonan na’min nina Alana ngayon.
May nagtatanong na tingin ang mga ito habang nakatingin sa a’ming tatlo, kaya naman agad na sumagot si Alana sa kanila – na mukhang pumayag na rin sa suhestiyon ni Demetrius sapagkat ang kaniyang mga sumunod na sinabi ay nagpapahiwatig na pumapayag siya sa mga sinabi ni Demetrius sa a’ming dalawa kani-kanina lamang.
“Iyon sana ang balak na’min sapagkat mas lalong lumalala pa ang sitwasyon sa bayan na ito,” sambit niya na naging dahilan upang mapatingin sina Mireya at Linnea sa a’ming tatlo, na para bang nagtatanong sila kung sigurado na ba kami sa plano na’ming iyon. “Kaya naman nais na sana na’ming magpaalam sa inyong dalawa, kung maaari na ba kaming umalis sa bayan na ito.”
Tinignan ako ni Linnea, na para bang hinihintay nito na sa a’kin manggaling ang desisyon, kaya naman agad kong sinabi ang a’king sagot – kahit na para bang agaran ang desisyon na’min na ito.
“Sa tingin ko rin ay mainam na mas maaga kaming makaaalis sa lugar na ito,” sabi ko sa kaniya, kaya naman napa-tango-tango siya na para bang pinag-iisipan niya kung ano ang kaniyang susunod na sasabihin sa a’min.
Ilang minuto pa silang natahimik. Ilang minuto pang namayapa ang katahimikan sa pagitan na’ming lahat, na para bang hinihintay na’ming may magsalita ni isa man sa a’min, at hindi ko mawari kung ilan pang minuto ang lumipas matapos muli nang magsalita si Linnea.
“Kung gayon ay maaari ba kaming sumama sa inyong gagawing paglalakbay?” tanong niya sa a’min nina Alana, na naging dahilan upang magkatinginan kaming tatlo sapagkat hindi na’min inaasahan na iyon ang kaniyang sasabihin sa a’min sa ngayon. “Maaari ba kaming sumama sa mga bagay na inyong gagawin sa mundong ito?”
Muli kaming napatingin sa kaniya nang marinig na’min iyon, at mukhang hindi na napigilan pa ni Alana ang hindi magtanong sapagkat labis din siyang naguguluhan kung bakit tila ba bigla na lamang sila nagdesisyon na samahan kami sa a’ming gagawing muling paglalakbay sa mundong ito.
“Paumanhin, Linnea, ngunit bakit tila ba bigla na lamang kayong nagdesisyon na sumama sa a’min?” tanong nito sa dalawang babaeng naging malapit na rin sa a’min nitong mga nakaraang linggo na nanatili kami sa bayan na ito. “Hindi ba’t hindi mo nais na umalis sa bayan na ito? Kaya nga hindi ka umalis noong inanyayahan kitang sumama sa a’kin?”
“Noon iyon, Alana,” sambit ni Linnea sa kaniya, bago ito napatingin sa mga hiyawan ng tao sa labas lamang ng kaniyang tahanan. Nakita ko kung papaano para bang hindi niya alam ang kaniyang gagawin sa kaniyang mga naririnig nang marinig ko siyang bumulong, “Iba na ang sitwasyon ngayon.”
Isang katahimikan ang namayani sa pagitan na’ming lahat nang marinig na’min iyon mula sa kaniya, at mukhang hindi iyon napansin ni Linnea sapagkat patuloy siyang nagsalita makalipas lamang ang isang minuto.
“Masaya ako sa a’king ginagawa noon, ngunit ngayon…” Napailing-iling na lamang siya na para bang siya’y labis na nalulungkot sa mga nangyayari sa bayan niyang ito. “Hindi ko na alam pa kung ano ang a’king mararamdaman.”
“Linnea…” binulong niya lamang ang pagbanggit niya sa ngalan ni Linnea, ngunit naging sapat na iyon upang mapabaling sa kaniya ang kaniyang kaibigan, at doon lamang na’min nakita ang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi.
“Kaya naman nais kong sumama sa inyong paglalakbay upang makatakas sa buhay na ito,” muli siyang napatingin sa labas ng kaniyang tahanan, at muli na’ming narinig ang pagtawag ng mga mamamayan ng bayan na ito sa kaniyang ngalan, “upang masolusyonan ko ang paghingi nila ng saklolo, sapagkat alam ko na wala rin naman akong magagawa kung kahaharapin ko sila sa ngayon.”
Muling namayani ang katahimikan sa buong lugar na iyon, bago kami napabaling kay Mireya na kanina pa hindi nagsasalita sa tabi ni Linnea. Siya ay patuloy lamang na nakikinig sa a’ming pag-uusap nang may hindi maintindihang ekspresiyon sa kaniyang mukha.
“At ikaw naman, Mireya?” Ako ang nagtanong ng bagay na iyon sa kaniya. Napabaling siya sa a’kin at nakita ko kung papaano siya napatitig sa a’king mga mata na para bang hinihintay niya ang a’king sasabihin. “Ano ang iyong dahilan kung bakit nais mong sumama sa a’ming paglalakbay?”
Napa-buntonghininga na lamang siya, na para bang inaasahan na niya ito ngunit hindi pa rin niya mawari kung ano ang kaniyang dapat na sabihin sa a’kin – na para bang hindi rin niya maipaliwanag kung bakit nais niyang sumama sa a’ming paglalakbay.
“Wala na akong babalikan pang buhay sa bayan na ito,” sabi niya, na ikinatigil na’ming lahat sapagkat hindi na’min inaasahan na iyon ang kaniyang dahilan upang sumama sa a’ming paglalakbay. “Iniwan na akong mag-isa ni Draco, at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Wala na rin akong mapupuntahan pa kung aalis din si Linnea sa bayang ito, kaya naman sa tingin ko ay mas makabubuti na rin sa a’kin na sumama na lamang sa inyong paglalakbay.”
Pinaka titigan ko siya nang maigi sapagkat alam ko na hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit nais niyang sumama sa a’min ngayon. Alam ko na hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit nais niyang lisanin ang bayan na ito at sumama sa nais na’ming gawin upang makapunta na sa ibang bayan na malayo rito.
Ang akala ko ay hindi niya sasabihin ang dahilan. Ang akala ko ay ililihim niya iyon sa a’min – katulad na lamang ng kaniyang ginagawa nitong mga nakaraang araw – ngunit tila ba nagkamali ako sapagkat labis kong ikinagulat ang mga sumunod niyang sinabi sa a’min.
“Atsaka…” pabulong niyang sambit, ngunit malinaw pa rin na’min iyong naririnig. “Astaka may nais akong kumpirmahin tungkol sa kaniya… pati na rin ang tunay na koneksiyon ko sa kaniya.”
Tumunghay siya at tumingin sa a’king gawi, at doon ko lamang nakita ang determinasyon sa kaniyang mukha, na para bang sinasabi niya na hindi man niya masabi sa a’min ngayon kung ano man ang nais niyang kumpirmahin, maipapangako niya na hindi iyon makasasagabal sa kung ano mang kailangan na’ming hanapin sa bayan na iyon.
Tila ba ipinapangako niya na wala siyang masamang balak kung bakit nais niyang sumama sa a’min, at para sa a’kin, nalilito rin siya ngayon kaya napagdesisyonan niyang sumama sa a’ming paglalakbay.
Nakikita ko ang halos parehong ekspresyon sa a’king mukha noong mga oras na litong-lito pa ako sa lahat ng nangyayari sa a’kin. Nakikita ko sa kaniya ang mga emosyon na naramdaman ko noon, kaya naman alam ko na iyon talaga ang dahilan kung bakit niya nais na sumama sa a’min ngayon.
Nang dahil sa a’king mga nakita at naobserbahan, lumapit ako sa kaniya at inilagay ko ang a’king kamay sa kaniyang balikat, bago ko siya binigyan ng ngiti na para bang sinasabi ko sa kaniya na ayos lamang sa a’kin na siya ay sumama sa paglalakbay na’ming ito.
“Kung iyan ang iyong desisyon, papayag akong sumama ka sa a’min, Mireya,” sabi ko sa kaniya, at doon ko lamang nakita ang pagliwanag ng kaniyang mukha.
Doon ko lamang nakita na para bang nakahinga siya nang maluwag, kahit na wala naman talaga siyang dapat ikakaba sapagkat papayag pa rin naman ako kahit na hindi niya sabihin ang tunay na dahilan kung bakit nais niyang sumama sa a’min.
Papayag pa rin akong sumama siya sapagkat alam kong kinakailangan na rin niyang makaalis sa lugar na ito – makaalis sa buhay na pinipilit ng mundo na ibigay sa kaniya kahit na hindi naman talaga iyon ang para sa kaniya.
“Marami ka nang naitulong sa a’min,” sambit ko pa sa kaniya, kaya naman napatingin siyang muli sa a’kin, “kaya naman hindi mo kailangang kabahan na baka hindi ako pumayag na sumama ka sa a’min.”
Malaki na ang naitulong niya sa a’ming lahat, at kahit na hindi naman talaga niya iyon kailangang gawin, hindi pa rin niya pinigilan ang kaniyang sarili at patuloy pa rin niya kaming tinutulungan sa abot ng kaniyang makakaya.
Nakita ko kung paano nanubig ang kaniyang mga mata, na para bang hindi niya iyon inaasahan na marinig sa a’kin, ngunit agad din naman niya iyong pinunasan bago pa man iyon pumatak sa kaniyang mga pisngi.
“Maraming salamat, Ambrose,” sabi pa niya sa a’kin, bago siya yumukod na para bang sapat na ang a’king mga sinabi upang magpasalamat siya – kahit na sa tingin ko ay hindi naman talaga niya iyon dapat na gawin. “Maraming salamat talaga.”
Akmang sasabihin ko na sa kaniya na hindi niya ako kailangan pasalamatan nang ganoon, ngunit bago pa man ako makapagsalita, lahat kami ay napatigil nang bigla na lamang nagbukas ang pinto ng tahanan ni Linnea.
Lahat kami ay napatigil at napatingin sa gawi noon, at doon lamang na’min nakita na pinilit nang buksan ng mga tao ng bayan na ito ang tahanan ni Linnea. May dala-dala pa ang mga ito ng mga sandata, na para bang sasabak sila labanan at hindi makipag-uusap kay Linnea.
Lahat kami ay nagkatinginan sa isa’t-isa, bago kami tumango at nagsalita nang pabulong upang hindi agad kami marinig ng mga taong iyon. Naririnig kasi na’min na tinatawag ng mga taong iyon ang ngalan ni Linnea habang isa-isang binubuksan ng mga ito ang pinto ng bawat silid na naririto sa tahanan na ito.
“Mabuti na lamang at naisipan na’min ni Mireya na ilabas na ang mga gamit na’tin sa likod ng tahanan ko,” pabulong na sambit ni Linnea sa a’min, na labis naman na’ming ipinagtaka sapagkat hindi na’min mawari kung bakit kailangan pa nilang gawin iyon. “Naisip kasi na’min na hindi malayong magiging ganito ang sitwasyon sapagkat alam na’ming pareho na hindi na makapaghihintay pa ang mga tao sa bayan na ito.”
Sabay-sabay kaming napatango nina Alana at Demetrius nang dahil sa sinabi niya, sapagkat napagtanto na na’min kung bakit nila ginawa iyon. Muli naman kaming napatingin sa labas ng silid na iyon nang marinig na’ming papalapit na ang yabag ng kanilang mga paa, kaya naman muli kaming nagkatinginan lahat.
“Sa bintana na lamang ng silid na ito tayo dumaan sapagkat sa tingin ko ay mahihirapan tayo kung lalabas pa tayo ng silid na ito,” sabi ni Mireya sa a’min, na agad naman na’ming sinang-ayunan sapagkat alam na’ming lahat na iyon nga ang pinaka mainam na gawin sa oras ngayon. “Ang a’ting mga kagamitan ay nasa likuran na ng tahanan ni Linnea kaya naman doon tayo magpupunta.”
“Sundan ninyo na lamang ako upang mapabilis ang a’ting paggalaw.”
Napatingin kami kay Linnea, at sabay-sabay kaming muling tumango sa kaniya at walang sabi-sabing sinundan siya noong nagsimula na siyang umakyat ng bintana ng silid na iyon.
Nakita ko kung paano niya tinignan muna ang paligid, bago siya tumango sa a’min at tuluyan nang lumabas ng silid na iyon. Agad naman kaming sumunod sa kaniya nang hindi lumilikha ng anumang ingay sapagkat alam na’ming magiging kapahamakan ang susunod doon.
Noong mga oras na kami ay tuluyan nang lumabas ng silid na iyon, doon naman na’min narinig ang pagbukas ng pinto n’on. Doon na’min narinig ang pagtawag nila sa ngalan ni Linnea, kaya naman agad kaming tumakbo sa kinaroroonan ng kagamitan na’min.
Agad na’min iyon kinuha at agad tumakbo ang mga kasamahan ko sa labas ng bakuran ng tahanan ni Linnea, ngunit napatigil ako nang lumingon ako sa kaniyang tahanan. Naririnig kong tinatawag na ni Alana ang a’king ngalan, kaya naman bago pa man ako sumunod sa kanila, ako ay nangako sa a’king isipan.
Isang pangako na nagsasabing ako ay babalik sa bayan na ito upang ibalik ang kapayapaan na mayroon sila noon.