Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Alana nang sabihin ko ang bagay na iyon sa kaniya. Mukhang hindi rin niya inaasahan na iyon lamang ang nilalaman ng papel na pinanghahawakan niya sa napaka-tagal na panahon. Mukhang hindi niya inaakalang iyon lamang ang nilalaman ng liham na pinaka hinahabilin ko sa kaniya noon.
Hindi ko alam kung bakit iyon lamang ang ibinigay ko sa kaniya. Hindi ko mawari kung bakit iyon lamang ang bagay na nakasaad sa liham na iyon, ngunit sa tingin ko ay may dahilan kung bakit ganoon lamang ang liham na iyon. Sa tingin ko ay may dahilan kung bakit iyon lamang ang ibinigay ko sa kaniya.
“Ngunit… papaano na’tin ito mahahanap ang inumin na iyan kung hindi naman na’tin alam kung saang lugar iyan makikita?” tanong niya na may labis na pag-aalala, ngunit kahit na nais ko siyang sagutin, hindi ko rin naman mawari kung papaano nga na’min mapagtatagumpayan na mahanap ang inumin na tinutukoy ng sulat na ito.
Para bang nanghihinang napaupo si Alana sa isang malapit na upuan sa kaniya. Tila ba hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa oras na mabuksan na na’min ang liham na iyon, at hindi ko maiwasang maawa sapagkat kahit na hindi ako sigurado kung gaano kahabang panahon ang hinintay niya upang mangyari ang bagay na ito, alam ko na ito ang isa sa kaniyang pinaka hihintay niyang panahon.
“Ang akala ko ay kapag nakita mo na ang nilalaman ng liham na iyan, iyon na rin ang magiging sagot upang maisagawa na na’tin ang lahat ng iyong pina-plano,” sambit niya na para bang hindi pa rin siya makapaniwala na iyon lamang ang nilalaman ng liham na iyon, kaya naman hindi ko na napigilan pa ang a’king sarili at lumapit ako sa kaniya. “Ngunit siguro nga ay hindi ganoong kadali ang lahat ng mga bagay. Siguro nga ay kailangan na’ting isa-isahin ang bawat hakbang upang makasigurado tayo na magtatagumpay ang lahat nang ito.”
Inilapat ko ang aking kamay sa kaniyang likuran, na para bang nais kong pagaanin ang kaniyang loob, habang iniisip ko ang tamang bagay na dapat kong sabihin sa kaniya ngayon. Iniisip ko ang mga bagay na dapat kong sabihin sa kaniya, at pati na rin sa mga bagay na kailangan kong gawin para sa a’king sarili.
“Huwag kang mag-aalala, Alana,” sabi ko sa kaniya, na naging dahilan upang mapalingon siya sa a’king gawi ngunit hindi pa rin ako tumingin sa kaniya at nanatili akong nakatitig lamang sa kawalan. “Sapagkat alam ko sa a’king sarili na mapagtatagumpayan na’tin ito.”
Unti-unting bumaba ang tingin ko sa kaniya, hanggang sa magtama ang a’ming mga tingin, bago ako nagbigay ng maliit na ngiti sa kaniya – na para bang sinasabi ko na hindi lamang ito isang simpleng salita lamang ngunit isang pangako na a’king tunay na tutuparin para sa kaniya, at para sa mga plano na nais na’ming maisakatuparan.
“Hindi na lamang tayong dalawa ang lumalaban,” sabi ko pa sa kaniya, bago unti-unting lumaki ang ngiti sa a’king mga labi. “Hindi na lamang tayong dalawa ang naririto upang magtulungan.”
Napatigil ako sa a’king pagsasalita nang makarinig ako ng pamilyar na yabag ng mga paa sa a’ming likuran. Narinig ko rin ang pagtawag ng taong iyon sa a’king pangalan, at nang sabay kaming lumingon ni Alana sa gawi ng taong iyon, hindi na ako nagulat pa nang makita ko si Linnea na mukhang kagagaling lamang sa harapan ng kaniyang tahanan – kung saan niya tinatanggap ang mga taong nais na magpahula sa kaniya.
Mas lalo pang lumapad ang a’king ngiti nang makita ko siya, sapagkat alam kong tama ako nang sabihin ko kay Alana na hindi na lamang kaming dalawa ang magkasama. Alam ko na tama ako nang sabihin ko na hindi na lamang kaming dalawa ang lalaban, sapagkat naririto rin sila.
Naririto rin ang mga taong a’ming natutunang pagkatiwalaan. Naririto na ang mga taong alam kong tutulong sa a’min sa abot ng kanilang makakaya. Naririto na ang mga taong alam kong hindi kami basta-basta iiwan na lamang sa ere, sapagkat alam ko ring nais na nilang makalaya sa lahat ng mga bagay na pumipigil sa kanila ngayon.
“Kanina ko pa kayo hinahanap,” narinig kong sabi sa a’min ni Linnea, habang may kunot sa noo nito na para bang naiinis siyang isipin na naririto lamang pala kami ngunit hinalughog pa niya ang buong kabahayan niya para lamang mahanap kami. “Ang akala ko ay may nangyari na sa inyong dalawa, iyon naman pala ay naririto lamang kayo.”
Bumaling siya kay Alana, at hindi nakatakas sa a’king paningin ang pasimple niyang pagbibigay rito ng makahulugang tingin, ngunit kahit na napansin ko iyon, mas minabuti ko na lamang na manahimik at ipagpatuloy ang pinag-uusapan na’min.
“Nag-uusap lamang kami ni Alana tungkol sa a’king mahika,” pagpapaliwanag ko sa kaniya, na naging dahilan upang mapabaling muli ang kaniyang atensiyon sa a’kin.
“Ano na nga pala ang nangyari sa iyong pagsasanay?” tanong nito sa a’kin, bago siya tuluyang lumapit sa kinaroroonan na’min ni Alana. “Narinig ko kay Mireya na nais ka na niyang muling sanayin, ngunit hindi ko siya nakikita rito.”
Ipinalibot pa niya ang kaniyang tingin sa paligid na’min, na para bang hinahanap ng kaniyang mga mata si Mireya, ngunit wala naman ito rito sapagkat kami lamang dalawa ni Alana ang naririto kanina pa.
“Hindi pa kami nagkikita ni Mireya ngayong araw.”
Narinig ko ang marahang pagtawa ni Linnea, na para bang may nakatatawa sa a’king mga sinabi sa kaniya.
“Para namang napaka-laki ng tahanan ko kung sabihin mo iyan.”
Napatigil ako nang marinig ko iyon sa kaniya, at hindi ko na rin mapigilan na hindi mapatawa sapagkat napagtanto ko na kung bakit bigla na lamang siyang tumawa nang dahil sa a’king mga sinabi.
“Kanina pa kasi siya rito,” pagsingit naman ni Alana sa usapan na’min ni Linnea, na naging dahilan upang matuon ang a’ming pansin sa kaniya. “Tila ba nagmumukmok siya sa isang bagay na hindi ko naman mawari kung ano.”
Agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin sapagkat alam na’ming pareho na hindi naman iyon ang a’king ginagawa kaya ako naririto sa lugar na ito, ngunit tila ba wala lamang sa kaniya ang pagsama ng a’king tingin sapagkat nakita ko kung paano siya nagkibit-balikat bago siya humarap kay Linnea at tuluyan na akong hindi pinansin.
Ako naman ay wala nang nagawa kung hindi ang mapailing sapagkat mukhang iba na naman ang ugali ni Alana ngayon kaysa kanina noong kaming dalawa pa lamang ang naririto sa lugar na ito.
“Kung ganoon naman pala ang ginagawa mo, bakit hindi mo na lamang hanapin at kausapin si Mireya upang makapagsanay ka nang muli?” suhestiyon ni Linnea sa a’kin. “Tutal, ilang araw na rin naman ang lumipas magmula noong huli kang nagsanay para sa mahika.”
Akmang sasagutin siya ni Alana, upang segundahan ang mga sinasabi ni Linnea, ngunit bago pa man niya iyon magawa, inilabas ko ang papel na mahigpit kong hinawahawakan sa a’king isang kamay, at ipinakita ko iyon kay Linnea.
“Tungkol sa a’king mahika.” Iwinagayway ko ang papel na iyon sa kaniyang harapan, na naging dahilan upang mapatingin si Linnea roon. “Sa tingin ko ay ito ang magiging susi upang maibalik ko na ang a’king mahika sa a’kin.”
Agad na tinignan ni Linnea ang papel na iyon, bago niya binasa nang maigi ang bawat salitang nakasulat doon. Nakita ko kung papaaano nanlaki ang kaniyang mga mata, na para bang hindi niya inaasahan na mayroong ganoong bagay kaming makikita na magiging susi para sa a’ming problema sa ngayon.
Unti-unti siyang napatingin sa a’king gawi, at doon ko nakita ang nagtatanong niyang tingin na para bang may hindi siya mawari sa mga nangyayari sa ngayon. Mukha ring hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili sapagkat narinig ko siyang nagtanong sa a’kin.
“Saan mo nahanap ang papel na ito?”
May pagtataka sa kaniyang mukha sapagkat alam niya na hindi basta-basta na lamang lilitaw ang papel na katulad noon, kaya naman hindi ko na inilihim pa sa kaniya ang katotohanan. Sinabi ko na talaga sa kaniya ang mga nangyari, sapagkat alam ko rin namang mapagkakatiwalaan siya pagdating sa mga bagay na katulad nito.
Ipinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari nitong mga nakaraang araw, pati na rin ang napag-usapan na’min ni Alana kani-kanina lamang, at habang sinasabi ko sa kaniya ang mga bagay na iyon, nakikita ko na unti-unti siyang naliliwanagan sa mga nangyari.
“Kung gayon ay kailangan na’ting hanapin ang inumin na ito at kailangan mo iyong inumin upang maibalik mo na ang iyong mahika…” sabi niya sa kaniyang sarili, bago siya tumingin muli sa a’king mukha. “Tama ba?” tanong pa niya sa a’kin, kaya naman agad akong tumango upang sagutin ang kaniyang mga tanong.
“Ganoon na nga ang mangyayari, ngunit may isa tayong problema.” Tumingin ako kay Alana, at nakita ko kung paano siya tumango na para bang sinasabi niya na ayos lamang sa kaniya kung ipagpapatuloy ko ang pagpapaliwanag kay Linnea. “Hindi na’min alam kung saan ang eksaktong lugar kung saan makikita ang inumin na iyan.”
Malalim na napaisip si Linnea nang dahil sa a’king mga sinabi, at bago pa man siya makapagbigay ng suhestiyon sa a’ming dalawa ni Alana, may bigla na lamang dumating sa lugar kung nasaan kami, na labis na’ming ikinagulat sapagkat wala ni isa sa a’min ang nakaramdam ng kaniyang presensiya.
“Sa tingin ko ay makatutulong sa inyo kung pupunta kayo sa lugar kung saan palaging nagpupunta ang nang-aangkat ng mga bilihin sa bansang ito,” sambit ni Mireya kaya naman napatingin kami sa kaniyang kinaroroonan.
“Kanina ka pa ba diyan?” tanong ni Alana sa kaniya, na nais ko ring itanong sa kaniya sapagkat hindi ko talaga inaasahan na naririto pala siya ngunit hindi man lang na’min nalaman iyon.
Nagkibit-balikat lamang ito sa a’min. “Kadadaan ko pa lamang sa lugar na ito at narinig ko ang inyong mga pinag-uusapan,” sabi niya, at sabay-sabay kaming napatango nang maintindihan na’min ang kaniyang mga sinasabi.
“Sa tingin ko rin ay makabubuti kung pupunta kayo sa lugar na iyon upang magtanong-tanong tungkol sa inumin na ito,” pagsabat naman ni Linnea sa a’ming usapan, na naging dahilan upang muli kaming magtuon ng pansin sa sinabi ni Linnea kanina.
“Malayo ba ang lugar na inyong tinutukoy?” tanong ni Alana sa dalawa na’ming kasama habang may kunot sa kaniyang noo na para bang hindi niya maisip kung ano ang lugar na tinutukoy ng mga ito. “Hindi kasi ito pamilyar sa a’kin.”
Tumango naman ang dalawa sa kaniya, bago si Mireya ang nagpaliwanag tungkol sa lugar na iyon. “Malapit iyon sa dalampasigan kaya naman malayo talaga iyon dito sa lugar na ito,” sabi nito sa a’min. “Sa tingin ko ay aabutin ng dalawa o tatlong araw kung lalakarin iyon at isang araw naman kung may masasakyan kayo.”
“Kung ganoon ay mahaba-habang paglalakbay din pala ang kailangan na’ting gawin upang makarating sa lugar na iyon.” Bumaling si Alana sa a’king na para bang nais niyang hingin ang a’king opinyon. “Ano sa tingin mo, Ambrose?”
Napaisip naman ako sa kaniyang tanong sapagkat alam ko na baka may makalap nga kaming impormasyon tungkol sa inumin na iyon kung pupunta kami sa lugar na iyon, ngunit mukhang kailangan agad na’ming kumilos sapagkat mukhang malayo ang lugar na tinutukoy nina Linnea at Mireya.
Kailangan din na’ming maghanda sapagkat hindi rin naman na’min alam kung anong panganib ang maaari na’ming makaharap sa bayan na iyon – katulad na lamang ng mga nangyari sa mga bayan na pinuntahan na’min ni Alana.
Kailangan din na’ming pag-isipan ang mga susunod na’ming mga galaw sapagkat hindi rin na’min sigurado kung ano ang maaaring mangyari sa mga susunod pang mga araw – wala kaming ideya kung ano pa man ang mangyayari sa mga susunod pang mga araw.
“Para naman may ideya kayo kung gaano kalayo ang inyong lalakbayin para makarating sa bayan na iyon…” narinig kong sabi ni Mireya, kaya naman napa-balik ako sa kasulukuyan at doon ko nakita na may mapa pala siyang hawak-hawak at iyon ay nakalapag na ngayon sa sahig, habang sina Alana at Linnea ay nakapa-libot lamang sa kaniya. “Halina kayo at tignan ninyo ang mapang ito.”
Agad din akong tumingin sa mapang iyon, at doon itinuro ni Mireya ang mga posible na’ming daanan sa oras na magdesisyon kaming umalis na sa lugar na ito at puntahan ang bayan na tinutukoy nilang dalawa.
Maraming mga daan ang kaniyang tinalakay, ngunit kagaya nga ng sinabi nilang dalawa, napaka-layo noon at walang malapit. Iyong iba pang mga daanan ay masyadong mapanganib upang daanan at iilan lamang ang natitirang daan na maaari na’ming subukang daanan.
“Kung ako sa inyo, dito na lamang ako daraan,” sambit ni Linnea, kaya naman agad na’ming sinundan ng tingin ang itinuro niyang daanan sa mapang iyon.
Diretsong daan iyon na sa tingin ko rin ay ang pinaka mainam na daanan na’min, ngunit base sa nakikita ko sa mapang iyon, hindi agad makakarating sa bayan na tinutukoy nila kung maglalakad lamang kami roon.
Naging tama ang a’king nahinuha noong nagsalitang muli si Linnea at sinabing, “Ngunit hindi posible sa daanan na iyon na maglakad sapagkat kahit na iyon ang pinaka mabilis na daanan papunta sa bayan na iyon, matarik ang mga madaraanan ninyo kaya naman mas makabubuti kung may masasakyan kayo katulad na lamang ng kabayo.”
“Ngunit saan naman kami makahahanap ng taong papayagan kaming gamitin ang kanilang kabayo para sa paglalakbay na ito?” tanong ni Alana sa kanila, at parehas silang natahimik at nag-isip sapagkat hindi rin nila mawari kung papaano kami makakakuha ng kabayo sa ganitong kabilis na oras.
“Wala na bang daanan na maaari na’ming tahakin nang naglalakad lamang?” tanong ko sa kanila, at agad namang may itinuro si Linnea, ngunit base sa ekspresiyon na nasa kaniyang mukha ngayon, hindi magandang ideya na roon kami maglalakad upang makarating sa bayan na ito.
“Ito ang daanan kung nais ninyong makarating sa bayan na iyon nang naglalakad, ngunit malaki ang posibilidad na maligaw kayo kahit na may mapa pa kayong dala.”
Agad naman siyang sinang-ayunan ni Mireya. “Narinig ko na maraming pasikot-sikot sa lugar na iyon at wala pang nakapagtatagumpay na matunton ang dulo ng pasikot-sikot na iyon.”
Natahimik naman ako nang sabihin niya iyon at napaisip sapagkat alam ko sa a’king sarili na kailangan na talaga na’ming makaisip ng paraan upang makaalis na sa lugar na ito. Kailangan na na’min ng solusyon upang agad na’ming matunton ang lugar na kinaroroonan ng inumin na iyon.
“Kailangan na na’ting makaisip ng paraan sa lalong madaling panahon,” sambit ko sa a’king mga kasamahan, at doon ko nakita kung papaano sila napatigil at napatingin sa a’kin. “Sapagkat may masama akong kutob, kahit na hindi ko naman mawari kung ano ang ikinababahala ko sa ngayon.”
Sabay-sabay naman silang napatango nang sabihin ko ang bagay na iyon sa kanila, at sabay-sabay muli silang napatingin sa mapang iyon na para bang nais nilang isipin nang mabuti kung papaano kami makapupunta agad sa lugar na iyon.
Nasa ganoon kaming posisyon nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng lugar na iyon, na naging dahilan upang muli kaming mapatingin sa gawi ng pinto na iyon. Doon na’min nakita si Demetrius na may seryosong tingin sa kaniyang mukha.
“Himala at maaga kang nakabalik ngayon sa iyong paghahanap ng makakain,” sabi ni Linnea sa kaniya, ngunit hindi niya iyon pinansin at nakatuon lamang ang kaniyang atensiyon sa a’kin – at kahit na hindi pa man siya nagsasalita, alam ko nang may nais siyang sabihin sa akin; alam ko nang may nais siyang ipaliwanag sa a’ming lahat.
“Tama ka nang sabihin mong may masama kang kutob at may dapat kang ika-bahala, Ambrose,” sambit niya sa a’kin, kaya naman napaayos ako ng upo at itinuon ko ang a’king buong pansin sa kaniya. “Tama ka nang sabihin mong kailangan na na’ting makaalis sa bayan na ito sa lalong madaling panahon.”
“Ano ang iyong ibig na sabihin?” tanong ni Alana sa kaniya, kaya naman isa-isa niyang tinignan ang a’ming mga kasamahan.
Hindi pa rin nagbabago ang tingin sa kaniyang mga mata, na labis kong ikinabahala sapagkat alam kong hindi maganda ang ibiig sabihin ng tingin na iyon.
“Ang kaguluhan sa mundong ito ay umabot na sa bayan na ito,” sambit niya sa a’min, na naging dahilan upang mapatigil kami at mapatingin sa kaniyang mukha.
“Ang bayan na inaaakala na’ting pinaka tahimik sa lahat ay inabot na rin ng kaguluhang nangyayari sa buong Llamante.”