Kabanata 37

2555 Words
Nais ko pa sanang tanungin si Alana tungkol sa kaniyang mga sinasabi, ngunit hindi na ako nagkaroon pa ng sapat na oras upang gawin iyon. Hindi na ako nagkaroon pa ng sapat na oras upang pilitin siyang ituloy ang kaniyang mga sinasabi nang dahil sa mga sumunod na mga pangyayari. Hindi na’min napansing lahat na nakalapit na pala ang mga kawal na iyon sa a’min. Masyadong nakatuon ang a’ming pansin sa mga sinasabi ni Alana, kaya naman hindi kami nagkaroon ng sapat na pagkakataon na mapansin na nakalapit na pala nang tuluyan ang mga kawal sa a’ming gawi. Napagtanto lamang na’min iyon lahat nang marinig na’min na isinigaw ni Linnea ang ngalan ni Mireya. Doon na’min nakita na nakapalibot na ang mga kawal sa a’ming lahat at ang dalawa sa mga iyon ay hawak-hawak na si Mireya sa kaniyang magkabilang braso na para bang hindi nais ng mga ito na makawala si Mireya mula sa kanilang mahigpit pagkakahawak. Napatigil kaming lahat nang dahil sa nangyari at hindi na’min mawari kung ano ba ang nararapat na’ming gawin. Nais sana na’ming gumawa ng paraan upang iligtas siya, ngunit tila hindi rin naman na’min iyon magagawa sapagkat alam na’ming lahat na magiging dehado kami sapagkat mas marami nang mga kawala ng nakapaligid sa a’min. Nakikita ko rin na lumalapit na rin ang mga tao ng bayan na ito at si Linnea naman ang nilalapitan ng mga ito. Mukhang hindi pa rin tumitigil ang mga ito, kahit na nakikita na nilang hindi sila nais na tulungan ni Linnea – o mas magandang sabihin na hindi na rin naman alam ni Linnea kung papaano siya makatutulong sa mga taong ito. Narinig ko ang malakas na tawanan ng mga kawal, na para bang alam na nila na hindi na makatatakas pa si Mireya sa kanila, ngunit nakita ko kung paano napatigil ang mga iyon nang may lumapit sa kanilang isa pang kawal at nagbigay ng panibagong utos na nanggaling sa tingin ko ay ang kanilang hari. “Iniuutos ng kataas-taasan na hulihin din ang babaeng nagngangalang Alana,” sambit nito, at napatigil kaming lahat nang makita na’min kung papaano ito lumingon sa gawi ni Alana – kahit na hindi ko naman mawari kung paano ito nakasisiguro na siya ang ‘Alana’ na tinutukoy niya.  Nang dahil sa pangyayaring iyon, agad na humigpit ang a’king pagkakahawak kay Alana na para bang hindi ko nais na makuha siya ng mga kawal na iyon, at mukhang napansin niya iyon sapagkat naramdaman ko kung paano siya tumitig sa a’kin. “Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa iyo, Alana,” sambit ko sa kaniya habang patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga kawal na iyon. “Hindi ko hahayaang muli kang maghirap nang dahil sa mga bagay na nais mong protektahan.” Narinig ko ang mahinang pagtawag niya sa a’king ngalan, na para bang hindi niya inaasahan na sasabihin ko ang bagay na katulad noon sa kaniya – ngunit sa katunayan ay hindi na dapat siya magulat pa sapagkat alam kong gagawin ko talaga ang pangako na iyon hanggang sa abot ng a’king makakaya. “Kailangan na’ting gumawa ng plano upang makalayo na rito, Ambrose.” Napatingin ako sa gawi ni Demetrius, na pasimpleng lumapit sa gawi na’min ni Alana, at agad akong sumang-ayon sa kaniya sapagkat alam kong kinakailangan talaga na’ming gumawa na ng paraan ngayon kung nais pa na’ming makaalis kaming lahat sa bayan na ito at mapagtagumpayan na’ming lahat ang a’ming pina-plano. “Kung gayon ay kailangan muna na’ting iligtas si Mireya at siguraduhin na hindi nila makukuha si Alana,” pabulong kong sambit sa kaniya upang hindi iyon marinig ng iba pa man. Tumango naman siya sa a’king sinabi, bago ito bumaling kay Linnea na pilit na umaalis sa mga taong nais na kuhanin din siya. Tumingin siyang muli sa a’kin, bago kami tumango sa isa’t-isa na para bang ipinapangako na’ming dalawa na gagawin na’min ang lahat upang masiguro na’ming maililigtas na’ming lahat ang a’ming kasamahan. “Mahihirapan lamang tayo sapagkat maraming mga kawal na ang nakapaligid sa a’tin,” sabi niya sa a’kin, at alam ko na iyon ay pawang katotohanan lamang. “Makakaya ko siguro ang ilan sa kanila gamit ang a’king mahika, ngunit hindi ko maipapangako na maari na’tin silang matalo lahat.” Natahimik ako nang marinig ko iyon sapagkat sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko na para bang wala na akong ibang magawa kung hindi ang maging pabigat sa kanila. Wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang mas lalo pang pabigatin ang sitwasyon, kaysa ang baligtarin iyon. “Makakaya mo pa bang lumaban?” Nagising ang a’king diwa nang marinig ko iyon, at ang inaakala ko ay ako ang kinakausap ni Demetrius, ngunit nang ako ay tumingin sa kaniya, nakita ko na nakatuon ang kaniyang pansin kay Alana. “Nakita ko kung papaano mo ginamit ang iyong mahika kanina at masasabi kong sanay ka sa labanan na katulad nito.” Unti-unti akong napalingon kay Alana at doon ko lamang nakita ang seryosong tingin sa kaniyang mukha, bago siya humiwalay sa a’king pagkakahawak habang sinusubukan niyang tumayo nang walang anumang tulong na nanggagaling sa a’min. “Susubukan ko,” sabi pa niya sa a’min, kahit na para bang may iniinda siyang sakit nang dahil sa mga nangyari sa kaniya kanina. “Upang mailigtas sila. Upang makaalis na tayo sa bayan na ito sapagkat nararamdaman kong pahamak lamang ang idudulot ng lahat ng ito.” Lumapit ako sa kaniya upang siya ay alalayan, sapagkat nakikita ko na nahihirapan pa rin siya, ngunit napatigil ako nang makita kong umiling siya na para bang sinasabi niyang hindi ko na kailangan pang gawin ang bagay na iyon. “Makakaya ko ito, Ambrose,” sabi niya sa a’kin na para bang nais niyang pagaanin ang loob ko. “Protektahan mo na lamang ang iyong sarili upang mapalagay ako na walang mangyayaring masama sa iyo.” “Ngunit…” Napatungo ako at hindi na itinuloy pa ang a’king mga nais na sabihin sapagkat alam ko namang mas makagugulo lamang iyon sa sitwasyon – alam kong mas lalala lamang ang sitwasyon kung ipagpipilitan ko pa ang nais kong gawin. Naramdaman ko ang paghawak ni Alana sa a’king kamay. “Hindi mo kailangang sisihin ang iyong sarili. Hindi mo kailangang isipin na wala kang magawa para sa a’min,” sabi niya sa a’kin, na para bang nababasa niya ang a’king nasa isipan. “Sapagkat mas higit pa rito ang magagawa mo sa oras na maalala mo na ang lahat – sa oras na magamit mo nang muli ang iyong mahika.” Hindi ko maiwasang sambitin ang kaniyang ngalan nang sabihin niya ang mga bagay na iyon sa a’kin, at doon ko lamang nakita ang masuyong ngiti sa kaniyang mga labi na para bang kahit na ilang panahon na rin ang lumipas, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa para sa a’kin. Hindi pa rin siya sumusuko sapagkat pinanghahawakan pa rin niya ang a’king mga pangako. Hindi pa rin siya tumitigil sapagkat iniisip pa rin niya na hindi na nalalayo ang panahon na muli ko nang magagawa ang lahat upang mangyari ang takipsilim na kaniyang sinasabi. “Tama si Alana, Ambrose,” sabi naman ni Demetrius, na naging dahilan upang mapalingon ako sa kaniya. “Hayaan mo na lamang kaming tatlo nina Linnea ang gumawa ng paraan upang mailigtas si Mireya at makaalis na sa lugar na ito.” Tumango na lamang ako sa kanila at nagpaubaya sapagkat alam ko namang iyon na lamang ang natatanging maaari na’ming gawin sa ngayon. Sa tingin ko rin ay wala naman akong maitutulong sa kanila at mas makabubuti na lamang sa a’kin ang maghanap ng paraan upang mapadali ang a’ming pag-alis sa lugar na ito. “Pupuntahan ko lamang si Linnea upang kausapin siya tungkol sa a’ting plano,” sabi sa a’min ni Demetrius, kaya naman agad kaming tumango at pinagmasdan siya nang makita na’ming paunti-unti itong lumapit sa gawi ni Linnea. Si Alana naman ay naghanda nang atakihin ang mga kawal na nagtatangkang lumapit sa kaniya, at ako ay lumayo nang kaunti upang hindi ako makasagabal sa labanan na mangyayari sa pagitan nilang lahat. “Ipinapangako ko na hindi na muling mangyayari ang nangyari sa a’ting nakaraan, Ambrose.” Napatigil ako nang marinig ko iyon mula sa kaniya at hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kaniya sapagkat alam kong kung ano man ang nangyari sa nakaraan, iyon ay nagdulot upang mangako siya nang ganito sa ngayon – iyon ang naging dahilan upang maging ganito ang inaakto niya sa ngayon. Hindi na lamang ako nagsalita pa at tumingin na lamang ako sa gawi nina Demetrius at Linnea, na ngayon ay naghahanda na rin sa pakikipaglabanan sa mga taong iyon upang makaalis na kami sa lugar na ito. Nakita ko kung paano tumango ang tatlong iyon sa isa’t-isa bago sila tumakbo upang salubungin at atakihin ang kanilang mga kalaban. Nakita ko kung papaano nagbago ang ekspresyon sa kanilang mukha, na para bang handa sila sa kung anumang mangyayari matapos ang pangyayari na ito. Doon nagsimula ang labanan sa pagitan nilang tatlo at ng mga kawal na iyon. Doon ko nakita ang mahika na taglay nila at ang maaari nilang magawa gamit lamang ang mahika na iyon at ang kanilang taglay na lakas.  Malalakas sila at hindi sila basta-basta sumusuko. Marami na rin silang napatutumba nang dahil sa mga mahika na gamit nila at pati na rin sa pag-atake na ginagawa nila sa ngayon. Marami na silang natalong mga kawal, ngunit kahit na sa gayon pa man, hindi iyon naging sapat upang mapagtagumpayan na’min ang plano na ito. Mas lalo lamang dumarami ang mga taong nakapaligid sa kanila at pilit silang inaatake. Mas lalo lamang sila nagiging dehado sapagkat kahit na ano pa mang lakas ang mayroon sila sa ngayon, hindi iyon naging sapat upang matapatan nila ang mga kawal na pumapaligid pa rin sa kanila hanggang sa ngayon. Tila ba hindi iyon nababawasan at mas lalo pang nadadagdagan. Tila ba hindi pa rin sumusuko ang mga ito sa isiping makukuha nila si Alana at si Mireya. Tila ba hindi pa rin sila sumusuko sa kanilang mga balak na gawin sa mga kasamahan na’min. Patuloy lamang ako nanonood, at kahit na naisin ko mang lumaban kasama sila, alam kong hindi iyon maaari sapagkat mas makasasagabal lamang ako sa kanilang pakikipaglaban. Baka iyon pa ang maging dahilan upang matalo kami at mapahamak kaming lahat, kaya naman mas minabuti ko na lamang ang hindi lumapit sa kanila at ipagpatuloy na lamang ang a’king pagmamasid upang makahanap ako ng paraan para makaalis na kami sa bayan na ito. Habang ginagawa ko ang bagay na iyon, may isang bagay akong napansin. Napa-kunot pa nga ang a’king noo sapagkat kahit na ilang beses ko pa mang tignan, hindi ko talaga siya makita sa kinaroroonan niya kani-kanina lamang. “Nasaan si Mireya?” tanong ko sa a’king sarili nang may kunot pa rin sa a’king noo sapagkat hindi ko talaga siya makita kahit na ano pa man ang a’king gawin. May kakaibang kaba akong naramdaman sapagkat tila ba tuluyan na siyang nadakip ng mga kawal na nais siyang dakipin kanina. Hindi ko maiwasang mangamba habang patuloy kong ipinalilibot ang a’king tingin sa kabuuan ng lugar na ito, ngunit kahit na ano pa man ang a’king gawin, hindi ko na talaga siya makita pa. Labis ang kaba at pagtataka na nararamdaman ko sa ngayon, at iyon ang naging dahilan upang hindi ko mapansin na napaliligiran na kami ng mga kalaban. Mas lalo pa silang dumami hanggang sa hindi na nakakaya pang protektahan ng tatlong kasamahan ko ang kanilang sarili. Nagtagis ang a’king bagang sapagkat dito ko talaga naramdaman na para bang wala man lamang akong magawa para sa kanila, ngunit hindi ako nagpadaig doon sapagkat alam ko nang wala namang mangyayari kung paiiralin ko lamang ang pagsisisi ko sa a’king sarili. Alam ko na wala namang magbabago kung patuloy lamang ako sa pag-iisip kung gaano ako kawalang kuwento noong mga oras na ito. “Ambrose, kailangan na na’ting makaalis dito,” sambit sa a’kin ni Demetrius, na naging dahilan upang mas lalo pang kumuyom ang a’king kamao sapagkat hindi ko pa rin talaga mawari kung ano ba talaga ang maaari na’ming gawin para makaalis na talaga sa lugar na ito. “Alam ko,” sabi ko sa kaniya, habang nakatingin sa mga taong pilit nilang kinakalaban, ngunit hindi pa rin pantay ang laban sapagkat napakarami ng mga iyon. “Ngunit mukhang mahihirapan tayo at hindi ko mawari kung may maaari pa ba tayong gawin upang makaalis sa lugar na ito.” Nakita ko ang panlulumo ni Demetrius nang sabihin ko iyon, at tila ba tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa nang dahil sa sinabi ko – ngunit kahit na sa gayon pa man, hindi ko na mabawi pa ang mga salitang sinabi ko. Hindi ko na masabi pang gagawa at gagawa ako ng paraan, sapagkat nakikita ko na wala na talagang iba pang paraan upang makaligtas kaming lahat sa tiyak na kapahamakan na ito. Alam kong wala nang paraan pa upang makaalis kami sa lugar na ito. Hindi ko siya nais na paasahin. Hindi ko nais na magbigay ng pag-asa sa kanilang mga puso, kahit na alam ko naman sa a’king sarili na walang mangyayari roon – kahit na alam ko naman sa a’king sarili na wala naman na talaga akong paraan na maisip upang makaalis na kami sa lugar na ito nang buo at walang maiiwan. “Pasensiya na,” paghingi ko sa kanila ng tawad habang nakatingin ako sa sahig sapagkat hindi ko sila maharap sa ngayon. “Pasensiya na kung napaka-hina ko.” Nararamdaman ko ang mga titig nila sa a’kin, ngunit wala akong lakas ng loob upang tignan sila sapagkat hindi ko na talaga kaya pang hindi sisihin ang a’king sarili. Hindi ko magawang magbulag-bulagan kahit na kitang-kita naman na mayroon din akong pagkukulang sa mga oras na ito. Nanatili lamang ako sa ganoong posisyon, habang pinakikinggan na’min ang mga taong lumalapit pa rin sa a’min magpasa-hanggang ngayon. Nanatili lamang akong nakatungo, na para bang tinatanggap ko na ang a’king pagkatalo – kahit na hindi ko masabi kung lumaban ba talaga ako. Nanatili lamang mabigat ang a’king loob, hanggang sa mapatunghay ako nang marinig ko ang boses ng babaeng hinahanap ko kani-kanina lamang – hanggang sa laking gulat ko kung paano siya bigla na lamang lumitaw sa kung saan. “Hindi ko alam na ganito na lamang kadali para sa iyo ang sumuko, Ambrose,” sabi ni Mireya sa a’kin, bago siya bigla na lamang umatake sa mga kawal na natuon ang pansin sa kaniya at sa isang iglap lamang, napatumba na niya ang lahat nang iyon. “Hindi ko alam na ang taong pinili kong sundan at pagkatiwalaan ay basta-basta na lamang susuko nang dahil dito.” Humarap siya sa a’king gawi nang mapatumba na niya ang lahat ng nakapaligid sa kaniya, bago siya muling umatake sa iba pang direksiyon sa lugar na iyon, ngunit bago niya pa gawin iyon, narinig ko nang maayos ang kaniyang sinabi. Narinig ko ang bagay na nakapagpa-gising sa a’kin. “Kailangan mong tumayo at lumaban, kahit na sa tingin mo ay natatalo ka na,” sabi niya bago ako nakarinig ng hiyawan ng mga taong para bang namimilipit na sila sa sakit, “dahil ang pagsuko ang isa sa pinaka masakit na pagkatalo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD