Labis-labis ang gulat na a’ming naramdaman nang dahil sa ginawang pag-atake ni Mireya sa mga nakapaligid sa a’min. Hindi kami makagalaw habang nanlalaki ang a’ming mga mata na nakasunod ang tingin sa bawat galaw niya.
Alam ko na siya ay magaling. Alam ko na siya ay malakas, sapagkat sa bawat araw na kami ay nagsasanay para sa a’king mahika, nakikita ko sa kaniya na para bang wala lamang iyon at hindi man lamang siya napapagod sa kaniyang ginagawa.
Alam ko ang bagay na iyon, ngunit kahit na sa gayon pa man, hindi ko pa rin maiwasang magulat sapagkat hindi ko alam na ganito pala talaga siya kalakas. Hindi ko alam na ganito pala ang natatago niyang lakas.
Hindi siya natitinag habang patuloy pa rin niyang inaatake ang kaniyang mga kalaban. Hindi pa rin siya sumusuko habang patuloy niyang sinasalag ang mga pag-atake ng mga ito at agad niyang naibabalik ang pag-atake nito, ngunit kahit na ganoon nga ang kaniyang ginagawa, alam ko na may natatago pa siyang iba.
Alam ko na hindi pa iyon ang tunay niyang lakas sapagkat nakikita ng sarili kong mga mata na hindi siya gumagamit ng kaniyang mahika. Tanging ang lakas na taglay lamang niya ang kaniyang ginagamit, at hindi ko mapigilan na mamangha sa kaniya sapagkat kung ganito na siya kalakas nang hindi pa man niya nagagamit ang kaniyang mahika, ano pa kaya kung naipakita na niya ang tunay niyang taglay na mahika?
Gaano pa siya lalakas kung gagamitin niya ang kaniyang mahika? Gaano nakatatakot ang bagay na katulad noon? Gaano nakamamanghang makita ng sarili kong mga mata ang bagay na katulad noon?
Alam kong hindi ito ang oras upang mamangha ako sa kaniya. Alam ko na hindi ito ang tamang oras upang isipin ang bagay na katulad noon, ngunit hindi ko maiwasang isipin iyon sapagkat kahit na pinagmamasdan ko lamang siya habang siya ay patuloy na lumalaban sa kanila, nasa isipan ko pa rin ang mga bagay na maaaring mangyari kung hindi niya pipigilan ang kaniyang sarili sa paggamit ng kaniyang tunay lakas – ng kaniyang taglay na mahika.
Napabalik lamang ako sa kasulukayan at nagising ang a’king diwa nang tumingin si Mireya sa a’ming gawi nang may seryosong ekspresiyon sa kaniyang mukha, at ang kaniyang sumunod na sinabi ay ang bagay na nakapagpagalaw sa a’ming lahat.
“Tutulala na lamang ba kayo sa a’kin?” tanong niya, na naging dahilan upang mapatayo nang maayos ang a’king mga kasamahan – pati na rin ako na pilit na itinutuon ang pansin sa nangyayari sa ngayon. “Hindi ba at mas mainam kung tutulungan ninyo akong labanan at talunin ang mga taong ito?”
Matapos niyang sabihin ang bagay na iyon, muli na siyang umatake sa a’ming mga kalabang nang hindi na hinintay ang mga sasabihin ng mga kasamahan na’min. Tumalikod na siya sa a’min na para bang binibigyan niya kami ng pagkakataon na piliin ang nais na’ming gawin, ngunit hindi naman talaga niya iyon kailangang gawin.
Hindi niya kailangang bigyan kami ng ganoong pagkakataon sapagkat sa isang tingin pa lamang sa a’ming mga kasamahan, alam ko na ang sagot sa kaniyang tanong. Alam ko na ang kanilang mga gagawin matapos nilang marinig iyon mula kay Mireya.
Narinig ko ang pagtawag ni Alana sa a’kin, kaya naman napalingon ako sa kaniyang gawi, at doon ko lamang nakita na siya ay naghahanda nang lumabang muli – at sa pagkakataong ito, sa tingin ko ay masasabi ko na hindi na siya magdadalawang isip pang gawin ang nararapat. Sa tingin ko ay talagang lalaban na siya, at hindi na mag-iisip na sumuko pa.
“Sa iyo na lamang na’min ipagkakatiwala ang paghahanap ng paraan na makalabas sa bayan na ito,” sabi niya sa a’kin, kaya naman agad akong tumango sapagkat alam ko rin sa a’king sarili na iyon na lamang ang maaari kong gawin sa mga oras na iyon. “Kami na ang bahala sa mga kawal at sa mga taong ito.”
Muli akong sumang-ayon sa kaniya nang marinig ko iyon mula sa kaniya, bago ako naghanda upang mag-isip ng pinaka magandang paraan upang makaalis na kami nang tuluyan sa bayan na ito sa lalong madaling panahon. Sila Alana at Demetrius naman ay agad na tumakbo sa magkaibang direksiyon upang tulungan si Mireya sa pakikipaglaban sa mga taong nakapaligid pa rin sa a’min hanggang sa ngayon.
“May daan sa likod ng bayan na ito, Ambrose.” Napatingin ako kay Linnea, na bigla na lamang nagsalita nang ganoon sa a’kin. “Iyon ang pinaka mainam na daan sa ngayon at mayroong naghihintay sa a’tin sa parteng iyon ng bayan.”
Kumunot ang a’king noo sapagkat sa tingin ko ay may nais siyang ipahiwatig nang dahil sa kaniyang mga sinabi, at mukhang tama nga ako sa a’king nahinuha sapagkat nakita ko kung paano siya ngumiti nang kaunti na para bang may ginawa siya na hindi na’min nalaman at ngayon lamang niya iyon sasabihin sa isa sa a’min.
“Ang katotohanan ay plano ko na ito mula noong umpisa pa lamang,” pagpapaliwanag niya sa a’kin. “Hindi dahil sa inaasahan ko nang mangyayari ang bagay na ito, kung hindi dahil sa tingin ko ay kinakailangan din na’tin ng paghahandang katulad noon.”
Hindi ko mapigilang mahinang mapatawa nang may mapagtanto ako sa kaniyang mga sinabi. “Kung gayon ay sa umpisa pa lamang ay plano mo nang sumama sa a’min,” sabi ko sa kaniya, at doon unti-unting sumilay ang isang tunay na ngiti sa kaniyang mga labi.
“Kagaya ni Demetrius at Mireya, napagdesisyunan kong sundan ka, Ambrose,” sambit niya, kaya naman nawala ang ngiti sa a’king mga labi sapagkat magpasa-hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung bait kinakailangan pa nilang gawin ang bagay na katulad noon. “Sapagkat katulad nila, alam kong may kaya kang gawin na hindi makakaya ng iba pa. Isang bagay na hindi sinubukang gawin nang kahit na sino pa man.”
Humarap siya sa a’king gawi, at doon lamang siya yumukod sa a’kin – kahit na hindi naman talaga niya iyon kailangang gawin sapagkat hindi ko pa rin naman mawari kung bakit nais nila akong samahan, kung bakit nais nila akong sundan.
“Susundin ki’ta hanggang sa abot ng a’king makakaya,” sabi niya sa a’kin, na para bang hindi lang ako ang pinangangakuan niya kung hindi pa rin ang kaniyang sarili. “Ipinapangako ko na kailanman ay hindi magbabago ang desisyon kong ito, at kailanman ay hindi ako magsisising napagpasiyahan ko ang bagay na katulad nito.”
Pagkatapos niyang sabihin ang bagay na iyon sa a’kin, umalis na siya sa a’king harapan at tumulong na kina Alana na talunin ang mga tao na nakapaligid pa rin sa a’min hanggang ngayon, na para bang hindi sila natatakot na nakatakas na si Mireya sa kanila at ngayon ay nakipaglalaban na.
Ako naman ay pinilit ang sarili na paganahin ang a’king utak at pilit na iwinaksi ang mga sinabi ni Linnea sa a’kin kani-kanina lamang, sapagkat alam ko sa a’king sarili na may iba pang araw upang pag-isipan ko ang mga bagay na kaniyang sinabi. Ipagpapaliban ko muna ang pag-iisip ko nang tungkol sa mga bagay na sinabi niya at kinakailangan ko pang maghanap ng paraan upang makaalis na kami sa lugar na ito.
Ipinalibot ko pa ang a’king tingin sa a’ming paligid upang hanapin ang likod ng bayan na sinasabi ni Linnea, at nang makita ko na malapit lamang iyon sa kinaroroonan na’min, doon lamang ako nagkaroon muli ng pag-asa sa a’king puso sapagkat alam ko na hindi na imposible sa ngayon na maaari na kaming makaalis sa bayan na ito.
May daanan sa parteng iyon ng bayan at sa tingin ko ay palabas iyon sa kabilang dako ng bayan na ito. Sa tingin ko rin ay iyon ang daanan na nasa mapa noong ipinakita sa a’min nina Linnea at Mireya ang daanan patungo sa bayan na nais na’ming puntahan.
Mukhang kagaya nga ng sinabi ni Linnea, pinagplanuhan na niya iyon nang matagal na panahon sapagkat sa tingin ko ay hindi lamang basta-basta binubuksan ang daanan na iyon nang walang dahilan. Sa tingin ko ay may kinalaman siya roon, ngunit hindi ko mawari kung papaano niya nagawa ang bagay na iyon nang dahil sa mga nangyayari sa ngayon.
Umiling ako sapagkat alam ko na hindi rin iyon ang oras upang pag-isipan ko ang bagay na ginawa ni Linnea para lamang makaalis kami sa bayan na ito.
“Makapagtatanong pa naman ako sa kaniya kapag nakaalis na kami sa bayan na ito,” sabi ko na lamang sa a’king sarili, at tumango pa ako na para bang kinukumbinsi ko ang a’king sarili, bago ako naghanap ng maaari na’ming daanan na hindi na’min kailangang mas lalo pang maipit sa kaguluhan na ito.
Napatigil ako nang may maisip ako na maaari na’ming gawin. Muli kong ipinalibot ang a’king tingin sa paligid upang makita kung maaari ba talagang magtagumpay ang a’ming gagawin, at nang mapatunayan ko na hindi iyon imposible, agad akong lumapit kina Alana, Mireya, Demetrius, at Linnea.
Nasa iisang lugar lamang sila sa ngayon sapagkat doon lamang mayroong maraming mga kawal at tao, at doon ako mas lalong napangiti sapagkat sa tingin ko nga ay mapagtatagumpayan na’ming kung ano man ang nasa isipan ko ngayon.
Pasimple kong kinuha ang kanilang mga atensiyon, at nagtagumpay naman akong gawin iyon sapagkat nakita ko na tumingin sila sa a’king nang mabilis bago sila muling nakipaglaban. Nakikita ko na pakikinggan nila kung ano man ang a’king sasabihin kahit na sa iba sila nakatingin, kaya naman hindi na ako naghintay pa nang matagal at sinabi ko sa kanila ang a’king nasa isipan sa ngayon.
“Kung hindi nila tayo bibigyan ng daan upang makaalis na tayo sa bayan na ito,” sabi ko sa kanila kaya naman muli silang napatingin sa a’king gawi, “tayo na lamang ang gagawa ng daan patungo sa likod ng bayan na ito.”
Nakita ko kung paano sila napatigil nang kaunti nang marinig nila iyon mula sa a’kin, at nakita ko kung paano sila ngumisi nang mapagtanto nila ang a’king mga sinasabi. Sabay-sabay pa silang tumango na para bang sigurado silang iisa lamang ang nasa kanilang isipan sa ngayon, bago sila nagkatinginan sa isa’t-isa.
“Pipigilan ko silang makalapit sa inyo,” sambit ni Mireya sa a’min, kaya naman agad kaming sumang-ayon sa kaniya sapagkat alam din na’ming mayroon talagang kailangang gumawa ng bagay na katulad noon. “Ipinapangako ko na susunod ako sa inyo sa oras na makita kong nasa labas na kayo ng bayan na ito.”
“Kung gayon ay kailangan na na’ting bilisan ang a’ting pagkilos.” Si Demetrius ang nagsabi ng bagay na iyon sa a’min, kaya naman hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon na gawin ang a’ming plano upang makaalis na sa bayan na ito.
Pagka-takbo na pagka-takbo pa lamang na’min, naririnig na na’min ang sigaw ng mga kawal na huwag hahayaang makalayo kami lalong-lalo na sina Alana at Linnea na siyang tunay nilang pakay. Naririnig na’min na nagkakagulo na sila noong nakita nila kung saan kami patakbo, kahit na may mga taong nakapaligid din doon.
Wala namang nagawa ang mga humaharang sa a’min sapagkat agad silang napipigilan nina Demetrius. Hindi rin sila makahabol sa a’min sapagkat agad silang napatutumba ni Mireya na ngayon ay napapaligiran na ng mga kawal.
May kaunting pag-aalala akong naramdaman para sa kaniya, ngunit wala naman akong magagawa kung hindi ang pagkatiwalaan siyang gagawin niya talaga ang pangako niya sa a’min sapagkat iyon na lamang ang maaari na’ming panghawakan sa ngayon.
Iyon na lamang ang natatanging kailangan na’ming paniwalaan sa ngayon sapagkat kung hindi na’min gagawin iyon, alam ko na makasasagabal lamang iyon sa plano na nais na’ming gawin – magiging dahilan lamang iyon upang hindi na’min mapagtagumpayan ito.
Mas binilisan pa na’min ang a’ming takbo nang makita na na’ming malapit na kami sa daanan na nakita ko nang dahil sa mga sinabi sa a’kin ni Linnea kanina. Mas lalo pa na’ming binilisan ang a’ming pagkilos, ngunit tila ba napagtanto na ng mga tao sa bayan na ito at ng mga kawal ang nais na’ming gawin.
“Huwag n’yo silang hayaang makalabas ng bayan na ito!” narinig na’ming sigaw ng isa sa mga kawal na napagtanto ang nais na’ming gawin, at hindi ko maiwasan ang hindi mapamura sapagkat nakita ko na nagbabalak na silang harangan ang daraanan na’min.
“Lumayo kayo nang kaunti sa a’kin,” bigla na lamang sabi sa a’min ni Alana, na naging dahilan upang mapalingon kami sa kaniya at doon ko lamang nakita na kalmado pa rin siya kahit na ganito na ang mga nangyayari. “Ako na ang bahala sa mga taong iyan.”
Pinagmasdan ko siya nang maigi, bago ako napa-buntong hininga at pumayag sa kaniyang nais na gawin. Mukhang wala rin namang reklamo ang a’ming mga kasamahan sapagkat wala itong sinabi at tumango lamang sa kaniya.
Binagalan na’min nang kaunti ang a’ming takbo at pinauna na si Alana upang magawa nito kung ano man ang nasa isipan nito. Ginamit ko ang mga oras na iyon upang tignan ang kalagayan ni Mireya, at ganoon na lamang ang pagkawala ng hininga ko, na sa tingin ko ay kanina ko pa pinipigilan, nang makita ko na ayos lamang siya at patuloy pa rin niyang napapatumba ang mga kawal na iyon.
“Kailangan na ring makahabol ni Mireya sa a’tin,” sabi naman ni Linnea, kaya naman napatingin ako sa kaniya sapagkat pilit kong iniintindi ang kaniyang mga sinasabi. “Ginamitan ko ng mahika ang daanan na iyon sapagkat sa tingin ko ay mangyayari ang bagay na ito, at ang mahika na iyon ay nagpapahintulot sa a’kin na sa oras na makalagpas ako sa daanan na iyon upang wala nang makahabol sa a’tin.”
“Bakit hindi mo agad sinasabi sa a’min na may plano ka palang gan’yan?” tanong ni Demetrius sa kaniya nang may kunot sa kaniyang noo.
“Ang akala ko kasi ay magkakaroon ako ng sapat na oras upang sabihin sa inyo ito,” sagot naman ni Linnea sa kaniya. “Hindi ko naman inaasahan na ganito pala lalala ang a’ting sitwasyon sa oras na mapagdesisyunan na’ting umalis na sa bayan na ito.”
“Tama na iyan,” pagsaway ko naman sa kanilang dalawa sapagkat sa tingin ko ay mauuwi lamang sa pagtatalo nilang dalawa ang pag-uusap na ito. “Pagtuunan na lamang na’tin ng pansin ang sitwasyon na’tin sa ngayon, at kung papaano na’tin masasabihan si Mireya tungkol sa sinabi ni Linnea.”
“Senyasan na lamang na’tin siya,” sabi ni Linnea sa a’kin, at sa tingin ko rin ay iyon ang pinaka mainam na gawin sa ngayon. “Sa tingin ko naman ay agad na maiintindihan ni Mireya ang ibig sabihin noon sa oras na makita niya iyon.”
“Kung gayon ay ikaw na lamang ang magsabi, Ambrose,” sambit naman ni Demetrius, at agad naman akong pumayag sa kaniya. “Habang tinutulungan na’min si Alana na pigilan ang mga taong iyon na gumawa pa ng mas makasasagabal pa sa a’tin.”
Nang sabihin niya iyon, hindi na niya hinintay pa ang a’king sagot at basta na lamang ito sumunod kay Alana. Ganoon na rin ang ginawa ni Linnea, kaya naman bumaling na lamang ako kay Mireya upang makuha ko ang atensiyon nito.
Hindi ko naman magawang tawagin ang kaniyang ngalan sapagkat alam kong mas lalo lamang lalala ang sitwasyon kung ganoon nga ang a’king gagawin. Ang natatanging maaari ko na lamang gawin ay tignan siya habang tinatawag ko siya sa a’king isipan at ipagdasal n asana ay mapansin niya iyon.
Mukhang dininig naman ang a’king mga ninanais sapagkat nakita ko na napatingin siya sa a’king gawi, at nagtama ang a’ming mga tingin. Iyon ang mga oras na pinilit kong ipahiwatig sa kaniya ang mga sinabi ni Linnea.
“Kailangan na talaga na’ting lumabas ng bayan na ito,” sabi ko pa sa a’king isipan, kahit na hindi naman iyon maririnig ni Mireya, ngunit tila ba naiintindihan niya ako sapagkat nakita ko kung papaano siya tumango sa a’kin.
Nakita ko na para bang agad niyang nakuha ang a’king nais na sabihin, kahit na hindi ko naman mawari kung papaano iyon nangyari. Nakita ko rin na agad na niyang tinapos ang laban sa pagitan niya at ng mga kawal na iyon, bago siya tumakbo papalapit sa kinaroroonan ko ngayon.
“Kailangan na na’ting makalabas ng bayan na ito kasama si Linnea,” sabi ko sa kaniya noong mga oras na tuluyan na siyang makalapit sa a’min. “Iyon na lamang ang natatanging paraan upang tuluyan na talaga na’tin silang mapigilan na makalapit pa sa a’tin.”
Huminga nang malalim si Mireya, bago niya sinabi sa a’kin, “Kung gayon ay halina at umalis na tayo sa bayan na ito.”
Tumango ako sa kaniya, bago ako tumingin sa a’ming mga kasamahan na ngayon ay nakipaglalaban pa rin sa mga taong nakapaligid na sa daanan na iyon. Mukhang napansin din iyon ni Mireya, kaya naman hindi na ito nagdalawang isip pa at tumakbo na papalapit doon.
Ganoon na rin ang a’king ginawa, at sa paglapit pa lamang ni Mireya sa kanila, agad nang natalo ang ilan sa mga kawala at tao ng bayan na ito. Agad niyang napatumba ang ilan sa mga iyon, ngunit mas dumarami pa ang mga nakapaligid doon.
“Lumabas na kayo ng bayan na ito!”
Agad na’ming sinunod ang isinigaw ni Linnea sa a’min, at noong tuluyan na kaming makalabas ng bayan na iyon, nakita ko na para bang may humarang sa mga taong nasa loob pa rin ng bayan at sa a’min na nasa labas na noon.
“Hindi na ba sila makalalabas ng bayan na iyon?” tanong ni Mireya kay Linnea, kaya naman agad itong umiling upang sagutin ito.
“Mawawala ang bisa ng mahika ko sa oras na makalayo na tayo sa bayan na ito,” pagpapaliwanag nito sa a’min, bago ito pumunta sa mga kabayo na ngayon ko lamang napansin na naroroon pala sa labas ng bayan. “Inihanda ko na rin ang mga kabayo na ito at maaari na’ting gamitin ito upang makalayo na tayo sa bayan na ito.”
Kahit na labis kaming nagtataka kung hanggang saan ba talaga ang nahinuha ni Linnea, nagkaniya-kaniya na kami sa pagpili kung anong kabayo ba ang a’ming gagamitin. Nagkaniya-kaniya na rin kaming sakay doon, habang pinakikinggan na’min ang pagsigaw ng mga tao ng bayan nina Linnea at Mireya, pati na rin noong mga kawal na naroroon pa rin sa loob.
“Halina kayo at pumunta na sa bayan na iyon,” sabi ni Linnea, kaya naman hindi na kami lumingon pa sa bayan nila at naghanda na lamang kami sa a’ming pag-alis. “Ipaliliwanag ko na lamang sa inyo ang mga plano ko kapag nakarating na tayo roon.”
At doon lamang kami tuluyan umalis upang makarating na sa bayan na iyon – sa bayan kung saan malalaman na’min ang susi upang muli ko nang magamit ang a’king mahika.