Kabanata 39

2855 Words
Nang dahil sa mga kabayo na a’ming ginamit upang makaalis ng bayan nina Linnea at Mireya, madali kaming nakalayo at walang sinuman ang nagtagumpay na masundan kami sapagkat ang mahika ni Linnea ay nagana pa rin kahit may kalayuan na kami sa a’ming pinanggalingan kanina.  Walang sinuman sa a’min ang nagsasalita at nakatuon lamang ang a’ming atensiyon sa daan na tinatahak na’min. Diretso lamang ang a’ming tingin habang ang a’ming isipan ay nakatuon lamang sa paglayo sa bayan na iyon upang maging ligtas kami sa kung anumang panganib na maaari na’ming mahinatnan sa oras na maabutan nila kaming lahat. Ganoon lamang ang a’ming ginagawa, ngunit napalingon ako sa a’ming kasamahan nang marinig ko na para bang may isa sa a’min ang labis na hinihingal – na para bang pagod na pagod na siya, na para bang ang nangyari kanina ay sapat na para kaniya na maging ganoon ang kaniyang nararamdaman. Napakunot ako sapagkat ako rin naman ay nakaramdam ng pagod, ngunit hindi iyon ganoong kalala. Tinignan ko rin si Alana at Mireya, na pinaka nahirapan nang dahil sa mga nangyari, ngunit tila ba normal lamang ang paghinga nila – tila ba hindi nila iniinda ang pagod na kanilang nararamdaman. ‘Kung gayon ay dalawa na lamang sa a’min ang narinig kong humihinga nang ganoon na para bang nauubusan na siya ng hangin,’ sabi ko sa a’king isipan sapagkat nasisigurado ko na hindi isa kay Alana o Mireya ang taong iyon. Sa isipin kong ganoon, hindi na ako nagdalawang isip pa na lingunin sina Demetrius at Linnea, na nahuhuli sa a’min kahit na sinabi sa a’min ni Linnea kanina na siya na ang magtuturo ng daan sa a’ming lahat. Hindi iyon nangyari sapagkat sa hindi na’min malamang dahilan, bigla na lamang niyang sinabi kay Mireya na siya na lamang ang magtunton ng dapat na’ming daanan, at wala namang ibang sinabi si Mireya sa kaniya at talagang sinunod na lamang niya ang sinabi ni Linnea. Ang akala ko noong mga oras na iyon ay sinabi niya iyon kay Mireya sapagkat naisip niya na baka mas may alam si Mireya tungkol sa daan papunta sa susunod na bayan na iyon kaysa sa kaniya, ngunit mukhang nagkamali rin ako sapagkat tila ba may iba pa siyang dahilan kung bakit niya nasabi iyon kanina. Pinagmasdan ko nang maigi si Demetrius at mukhang normal lamang din ang kaniyang paghinga, kaya naman doon ko nahinuha na si Linnea ang kanina ko pa naririnig na para bang hinihingal na siya at kinakapos sa kaniyang paghinga – siya iyong para bang pagod na pagod na at mukhang alam ko kung bakit siya nagiging ganoon. At dahil sa a’king napansin kay Linnea, hindi na ako nagdalawang isip pa na patigilin ang kabayo na a’king sinasakyan sa ngayon. Hindi na ako nagdalawang isip pa na gawin iyon kahit na nasa likod lamang na’min ang banta ng mga nais na sumugod sa a’min – kahit na alam kong hindi pa naman kami tuluyang nakalalayo sa panganib na pilit na lumalapit sa a’min. Alam ko na labis silang nagtaka nang dahil sa a’king ginawa. Alam ko na nagtatanong sila sa kanilang isipan kung bakit bigla na lamang akong tumigil sa pagpapatakbo ng kabayong iyon, at nakita ko iyon nang unti-unti na ring tumigil sina Demetrius at Linnea, na nasa likuran ko, at sumunod doon sina Mireya at Alana na nagtatakang lumingon sa a’ming gawi. “May problema ba, Ambrose?” agad na tanong sa a’kin ni Alana, bago ito tuluyang lumapit sa kinaroroonan na’ming tatlo nina Linnea at Demetrius. “Bakit bigla ka na lamang ata tumigil sa pagpapatakbo?” Huminga ako nang malalim, bago ako tumingin sa kinaroroonan ni Linnea, at kahit na pinipilit niyang hindi ipahalata sa a’min ang kaniyang nararamdaman, alam ko na napapagod na talaga siya at anumang oras sa ngayon, mas lalo pang lalala ang kaniyang kalagayan. Tinignan ko rin ang posisyon ng araw upang makita ko kung ano bang oras na ngayon, at nang makita ko na malapit nang dumilim, agad akong nagpasiya para sa a’ming lahat – agad kong sinabi ang a’king desisyon para sa a’ming lahat, lalong-lalo na kay Linnea na tila ba mawawalan na ng malay nang dahil sa pagod na kaniyang nararamdaman. “Magpalipas na lamang tayo ng gabi sa lugar na ito,” sabi ko sa kanilang lahat, dahilan upang mapatingin sila sa a’kin nang may nagtatanong na tingin sa kanilang mga mata. “Maghanap na lamang tayo ng lugar na maaari na’ting matulugan para sa gabi na ito.” “Ngunit, Ambrose,” napatingin ako kay Mireya na mukhang tutol sa naging desisyon ko, “mas mabilis tayong makararating sa bayan na iyon kung hindi tayo titigil ngayon. Sa tingin ko pa nga ay bago mag-umaga ay naroroon na tayo sa bayan na iyon.” “Ngunit hindi na makakaya ni Linnea na magpatuloy pang maglakbay nang hindi man lang tayo nakababawi ng a’ting lakas.” Muli akong napatingin sa gawi ni Linnea, at sa pagkakataong ito, siya ay nakatingin na nang diretso sa a’king mga mata habang pinipilit pa rin niya na hindi ipahalata sa a’min ang kaniyang pagod na nararamdaman. “Kaya ko pa naman.” Umiling agad ako nang marinig ko ang bagay na iyon mula sa kaniya upang ipahiwatig sa kaniya na hindi na niya kailangan pang magpakatatag kahit na alam ko naman na nahihirapan na siya. “Ang iyong mahika,” nakita ko kung papaano siya napatigil nang sabihin ko ang bagay na iyon sa kaniya, “alam ko na iyon ang dahilan kung bakit pagod na pagod ka ngayon, hindi ba? Iyon ang dahilan kung bakit labis kang nakararamdam ng panghihina sa ngayon.” Nang matapos kong sabihin ang bagay na iyon, agad na bumaba si Alana sa kabayo na pinapatakbo niya, bago siya lumapit sa kaniyang kaibigan upang tignan ang kalagayan nito sa ngayon.  Nakita ko pa nga kung paano niya inanyayahang bumaba muna si Linnea sa kaniyang kabayo upang mas lalo pa niyang maobserbahan ito. Hinawakan pa nito ang pisngi ni Linnea, at nakita ko kung paano mas lalong naging seryoso ang tingin ni Alana sa kaniya. “Tama ang sinasabi ni Ambrose,” sabi ni Alana sa kaniya, bago ito humarap sa a’kin. “Sa tingin ko rin ay kinakailangan na’ting magpahinga. Alam ko na hindi lamang si Linnea ang nakararamdam ng pagod sa ngayon.” Parehas na’ming ipanalibot ang a’ming tingin sa iba pa na’ming kasama, at nakita ko sa kanilang mga mukha na tama ang sinabi ni Alana. Nakita ko na kahit hindi kagaya ng nararamdaman ni Linnea ang nararamdaman nila sa ngayon, alam ko na hindi malayong mawalan pa lalo sila ng lakas kung ipagpapatuloy pa na’min ang a’ming paglalakbay nang wala man lang pahinga. “Maghanap na tayo ng maaari na’ting mapagpahingahan at nang sa gayon ay maaga tayong makaalis sa lugar na ito,” sabi kong muli sa kanilang lahat at wala na silang nagawa pa kung hindi ang sundin ako. “Kung gayon ay gagamitin ko pa rin ang a’king mahika upang hindi talaga makalapit sa a’tin ang mga kawal at tao ng bayan na iyon.” Agad akong umiling nang sabihin iyon ni Linnea sa a’min sapagkat alam ko na mawawalan din ng saysay ang pagpapahinga na gagawi na’min kung ipagpapatuloy pa niyang gamitin ang kaniyang mahika para lamang masigurado niyang walang mangyayaring masama sa a’min. “Hindi mo na rin kailangang gawin iyon,” sabi ko pa sa kaniya. “Ngunit…” “Mauuwi lang din sa wala ang gagawin na’ting pagpapahinga kung ipagpapatuloy mong gamitin ang iyong mahika,” pagpapaliwanag ko sa kaniya bago ako tumingin sa daanan na tinahak na’min kanina. “At sa tingin ko naman ay hindi na nila tayo maabutan pa.” Malayo naman na kami sa a’ming pinanggalingan. Kalahating araw na rin kaming naglalakbay at sa tingin ko ay mahihirapan nang sumunod ang mga kawal na iyon sa a’min. Mahihirapan na silang tuntunin ang kinaroroonan na’min, at higit pa roon, mahihirapan silang hanapin ang lugar na pupuntahan na’min. Tututol pa sana si Linnea sa a’king mga sinabi, ngunit agad din iyong naputol nang maramdaman niyang hinawakan siya ni Alana sa kaniyang balikat, bago ito umiling na para bang sinasabi niyang sundin na lamang niya ako sapagkat iyon naman talaga ang nararapat na’ming gawin sa ngayon. “Kung gayon ay maghanap na tayo ng a’ting matutulugan,” sabi ni Mireya nang mahinuha niya na wala nang pagtutol pang gagawin si Linnea sa a’king naging desisyon. “Para na rin makakain tayo sapagkat halos mag-iisang araw nang walang laman ang a’ting tiyan.” Hindi ko maiwasang sumang-ayon sa mga sinabi ni Mireya sapagkat alam ko rin sa a’king sarili na wala man lamang kaming kinain ngayong araw. Maaga kaming umalis ng tahanan ni Linnea at naipit naman kami sa gulo noong katanghalian. Hindi rin kami tumigil sa paglalakbay kaya naman alam kong gutom na rin ang lahat sa a’min – lalo na iyong si Demetrius na tila ba walang kabubusugan. “Nasaan nga pala si Demetrius?” tanong ko sa a’king mga kasama nang mapagtanto ko na para bang nawala nang parang bula si Demetrius at hindi ko man lang napansin na nakaalis na pala siya. Hindi ko alam kung dahil ba nakatuon ang a’ming atensiyon kay Linnea, o baka nakaligtaan ko lamang siya, ngunit ang makita kong nagtataka rin ang mga kasama ko kung nasaan man siya sa ngayon, doon ko lamang napagtanto na wala man lang isa sa a’min ang nakaaalam kung nasaan siya. “Naghanap ako ng maaari na’ting matulugan ngayon gabi,” bigla na lamang sabi ng pamilyar na boses ni Demetrius, kaya naman agad kaming napalingon sa gawi kung saan na’min narinig iyon. Itinuro niya ang daan na sa tingin ko ay tinahak niya kasama ang kaniyang kabayo – na hanggang sa ngayon ay nakasakay pa rin siya roon. “May nakita akong lugar sa may kakayuhan doon. Walang mga hayop na naroroon at sa tingin ko rin ay walang taong makatutunton sa a’tin habang naroroon tayo. Maaari tayong gumawa ng masisilungan habang naroroon tayo.” “Napaka-bilis mo talaga sa mga bagay na katulad nito,” sabi sa kaniya ni Alana, at alam ko na sarkastiko ang dating noon ngunit wala na akong magawa pa kung hindi ang mapailing sapagkat alam ko na magkakasagutan na naman ang dalawang ito ngayon. Nakita ko namang parang wala lamang kay Demetrius ang mga sinabi ni Alana sa kaniya sapagkat nakita ko kung paano siya nagkibit balikat na para bang sinasabi niya na wala siyang pakialam kung sarkastiko man iyon o hindi.  “Humanap na agad ako ng maaari na’ting masilungan nang sinabi ni Ambrose na titigil tayo sa lugar na ito.” Hindi na’min maiwasang hindi mapatigil sapagkat hindi na’min inaasahang lahat na iyon ang kaniyang dahilan, ngunit wala na lamang ang nagsalita ni isa sa a’min sapagkat alam na na’ming lahat na ganoon talaga ang ugali ni Demetrius. Basta-basta na lamang ito nagdedesisyon kung ano man ang kaniyang nais na gawin, ngunit hindi naman na’min siya pinipigilan sapagkat hindi naman iyon nakasasagabal sa a’ming mga ginagawa. Kung ako pa nga ang tatanungin, sa tingin ko pa nga ay mas nakabubuti ang kaniyang mga ginagawa para sa a’ming mga plano. Sa tingin ko ay ang kaniyang mga ginagawa ay binabase niya sa mga nangyayari sa a’ming lahat, at hindi ko maiwasang magpasalamat nang lubos sa kaniya sapagkat alam kong magiging mainam iyon sa mga darating pang mga araw na magkakasama kaming lahat. Alam ko na magiging mainam iyon upang mas mapadali pa ang a’ming mga ginagawa – katulad na lamang ngayon. “Kung gayon ay ituro mo na ang daan patungo sa lugar na iyong sinasabi,” narinig kong sabi ni Mireya sa kaniya, kaya naman agad na tumango si Demetrius sa kaniya at walang sabi-sabing tumalikod sa a’ming lahat, bago siya nauna nang pumunta sa kinaroroonan noong lugar na sinasabi niya – habang nakasakay pa rin siya sa kaniyang kabayo. Hindi ganoong kalayo sa dinaraanan na’min kanina ang lugar na sinasabi ni Demetrius, kaya naman agad na’min iyong natunton gamit na rin ang pagtuturo ng direksiyon ni Demetrius patungo sa lugar na iyon. Tumigil na lamang kami noong bumaba na si Demetrius sa kaniyang kabayo at itinali niya iyon sa isa sa mga puno na malapit doon. Ganoon na rin ang a’ming ginawa habang pinalilibot na’min ang a’ming tingin sa kabuuan ng lugar na iyon. “Mukhang maayos naman ang lugar na ito,” sabi ni Alana, habang patuloy siyang naglilibot sa kabuuan ng lugar na iyon, at agad naman akong sumang-ayon sa kaniyang mga sinabi. “At kagaya ng sinabi niya, maaari tayong manatili sa lugar na ito ngayong gabi.” Mukhang narinig ni Demetrius ang sinabi ni Alana, sapagkat natango-tango itong lumapit sa a’ming dalawa. Hindi ko naman maiwasang hindi mapailing nang makita ko kung paano umingos si Alana na para bang alam na nito ang susunod na mangyayari. “Purihin mo pa ako, Alana.” “Asa ka naman, Demetrius.” Napailing na lamang ako nang marinig ko iyon mula sa kanilang dalawa at hindi na lamang ako pumagitna pa sa kanilang dalawa sapagkat alam ko nang wala rin namang mangyayari kung gagawin ko iyon. Sa tingin ko pa nga ay mas lalo pa silang mag-aaway kung gagawin ko iyon, kaya naman mas minabuti ko na lamang ang magsimula nang mag-ayos ng maaari na’ming masilungan sa lugar na ito. Iyon lamang ang a’king ginagawa nang mapansin kong akmang tutulong sa a’king si Linnea. Agad kong tinawag ang kaniyang pansin, at agad din naman siyang tumingin sa a’king kinaroroonan. “Hindi mo na kailangang tumulong pa.” Akmang magrereklamo sana siya sa a’king mga sinabi, ngunit hindi ko siya hinayaan at nagpatuloy lamang ako sa pagsasalita. “Kailangan mong magpahinga sapagkat labis mong ginamit ang iyong mahika. Kailangan mong makabawi ng lakas, Linnea.” “Hayaan mo na lamang kami ang gumawa nang ganito,” sabi pa ni Mireya na mukhang patapos na sa kaniyang pag-aayos ng kaniyang matutulugan para sa gabing ito. “Hindi naman ganoong kahirap na gawin ang katulad nito.” Halos mapatigil ako nang makita ko na tila ba ngumiti si Mireya sa kaniya, ang isang bagay na hindi niya pa nagagawa kahit na kailan magmula noong una na’min siyang nakilala, at mukhang hindi lamang ako ang nagulat nang makita na’min iyon.  Narinig ko pa ngang napasinghap si Demetrius, na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala, habang nakatingin ito kay Mireya na ngayon ay seryoso na muling nakatingin sa a’min – na para bang guni-guni lamang na’min ang nakita na’ming nakangiting Mireya kanina. “Napangiti mo si Mireya!”  Hindi ko maiwasang mapailing nang marinig ko iyon mula kay Demetrius habang nagpapatuloy pa rin ako sa pag-aayos ng matutulugan na’ming lahat. At habang ginagawa ko ang bagay na iyon, naririnig ko ang pakikipaglokohan ng mga kasamahan ko na para bang hindi kami nakaranas ng labanan sa bayan nina Linnea kanina. “Guni-guni mo lamang iyon, Demetrius,” narinig kong sabi ni Mireya kay Demetrius na hindi pa rin siya tinitigilan hanggang sa ngayon, at ang kaniyang boses ay iyong natural na boses niya sa tuwing siya ay kauusapin na’min. “Hindi! Makasisiguro akong hindi ko iyon guni-guni!” pagtatalo naman ni Demetrius sa kaniya habang pinipilit niya ang nakita niya kanina. Humarap pa nga ito sa a’kin na para bang naghahanap siya ng saklolo, kaya naman hindi ko maiwasan ang mapailing na lamang. “Nakita mo rin iyon, hindi ba, Ambrose?” Ngumiti na lamang ako sa kaniya at hindi na lamang siya sinagot pa sapagkat nakikita ko na para bang hindi na komportable pa si Mireya sa pagbibigay pansin ni Demetrius sa ginawaniya kanina. Nakikita ko na para bang naiilang siya, kahit na hindi ko naman mawari kung bakit hindi siya sanay sa ganoong bagay. Ngunit, siguro nga ay ganoon lamang ang kaniyang ugali sapagkat nakikita ko na hindi naman talaga siya naiinis kay Demetrius. Pinipigilan lamang niya ang kaniyang sarili na ipakita kay Demetrius ang ‘ngiti’ na nakita nito sa kaniya kanina. Nakikita ko na mukhang sinusubukan na niyang unti-unting buksan ang kaniyang sarili para sa a’min. Nakikita ko na mukhang nakita niya ang pagkakataon na iyon upang gumawa ng hakbang upang hindi na siya mailang pa sa a’ming lahat. Pinagmamasdan ko lamang silang dalawa ni Demetrius habang pabiro silang nagsasagutan, at mukhang hindi na rin nakatiis pa si Linnea sapagkat tumabi na ito sa a’ming mga kasamahan habang patuloy pa rin silang nagbibiruan. “Nakatutuwang isipin na sila ang mga taong nakilala na’tin sa mundong ito,” sabi sa a’kin ni Alana, na hindi ko napansing nasa tabi ko na pala ngayon. “Nakasisiyang isipin na sa kabila ng lahat ng nangyari, mayroon pa rin palang mga taong katulad nila na handang tulungan tayo sa abot ng kanilang makakaya.” Ngumiti na lamang ako sa kaniya, bago ako muling tumingin sa mga taong pinili na’ming pagkatiwalaan – ang mga taong piniling tulungan kami kahit na hindi naman talaga nila kami lubusang kilala. Sila. Sila ang mga taong alam kong gagawin ang lahat upang maisakatuparan na’min ang lahat ng a’ming pina-plano para sa mundong ito. Para sa buong Llamante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD