Kabanata 32

3002 Words
Dahil sa mukhang hindi nais ni Mireya na makipag-usap sa kahit sino noong araw na iyon, mas minabuti na lamang na’ming lahat na hayaan siya sa kaniyang nais na gawin sapagkat nakikita na’ming lahat na tila ba malalim ang iniisip nito. Kahit nga siya ay kausapin ng isa sa a’min, hindi siya umiimik at patuloy lamang na nakatulala sa kawalan, na para bang hindi niya mawari ang kaniyang maaaring gawin upang masolusyonan ang problema niyang hindi rin naman niya nais na sabihin sa amin.  Kahit na tanungin na’min siya tungkol sa mga tumatakbo sa kaniyang isipan, hindi pa rin siya nagsasalita at nananatili pa rin siyang tahimik, kaya naman mas minabuti na lamang talaga na’min ang hayaan siya sa kaniyang nais na gawin sapagkat kahit na hindi niya naman talaga sinasabi sa amin ang kaniyang problema, alam na’ming lahat na may kinalaman iyon kay Draco. Alam na’min na may koneksiyon iyon sa lalaking bigla na lamang siyang iniwan at nag-iwan lamang ng liham sa tinutuluyan nito. Alam na’min na kahit na ano pa man ang gumugulo sa kaniyang isipan ngayon, mayroon iyong koneksiyon sa taong iyon na sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang umalis ng bayan na ito. At nang dahil din sa bagay na iyon, mukhang hindi na kami makapag-eensayo sa araw na ito, sapagkat tila ba balisa si Mireya at alam ko na hindi na rin siya makapagtuturo nang maayos kung ipagpipilitan ko pa na mag-ensayo kami ngayong araw. Mas minabuti ko na lamang na hayaan siya sa kaniyang nais na gawin, at ipagpaliban ko muna ang aking paglutas kung paano ko muling magagamit ang aking mahika – kung paano ko muling maaalala ang mahika na aking taglay. Hinayaan ko na lamang muna siya na mag-isip-isip, sapagkat nakikita ko na kinakailangan niya iyon ngayon. Atsaka… atasaka, sa tingin ko ay wala pa rin talagang pagbabago sa a’kin kahit na ano pa man ang aking gawin. Hindi ko nararamdaman na bumalik na ang mahika na a’king taglay. Hindi ko nararamdaman iyong mga bagay na sinasabi ng aking mga kasamahan na mararamdaman ko sa oras na bumalik na sa akin ang aking mahika.  Wala akong ideya kung ano man iyon, ngunit nasisiguro ko talaga na hindi pa talaga bumabalik ang aking taglay na mahika. Alam ko sa sarili ko na kahit na ginawa ko na ang lahat, at patuloy pa rin akong nahanap ng paraan upang muli kong maibalik ang aking mahika, wala pa ring pagbabago na nangyayari sa akin. Hindi ko pa rin iyon magamit, ngunit kahit na sa gayon pa man, hindi iyon nagiging dahilan upang basta na lamang ako sumuko. Hindi ko iyon iniisip sapagkat alam ko nang mapanghihinaan lamang ako ng loob kung mag-iisip ako ng mga negatibong bagay – mas lalo lamang walang mangyayari kung mangyayari ang bagay na iyon. “Mabuti naman at naisipan mong magpahinga para sa araw na ito,” narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses sa aking likuran, na naging dahilan upang mapatigil ako sa aking malalim na pag-iisip at mapalingon sa kaniyang gawi. Hindi na ako nagulat pa nang makita ko na si Alana iyon at ngayon ay mayroon itong isang masuyong ngiti sa kaniyang mga labi. Nakatayo lamang ito sa di kalayuan sa a’king kinaroroonan, at kahit na hindi pa man niya sinasabi sa akin, alam ko na pinuntahan niya si Mireya upang kausapin ito – katulad na lamang ng ginawa nina Linnea at Demetrius kanina ngunit bigo pa rin silang makausap ito. Napa-buntong hininga na lamang ako, bago ako muling tumingin sa labas ng bintana ng tahanan ni Linnea sapagkat tila ba parang may kung anong gumugulo sa aking isipan sa ngayon, ngunit hindi ko rin naman mawari kung ano ang bagay na iyon.  Ang akala ko ay mapapakalma ako ng aking mga nakikita, ngunit tila ba mali rin ako nang isipin ko iyon sapagkat kahit na walang nagsasabi sa a’kin nang kung ano pa man, alam ko na na matagal na oras na rin magmula noong napagpasiyahan kong maupo na lamang sa parteng ito ng tahanan ni Linnea. “Naisip ko rin kasi na mas makabubuti rin naman sa akin na magpahinga pa-minsan-minsan,” sagot ko na lamang sa kaniya sapagkat alam ko na kung ako ang tatanungin, hindi ko nais na sayangin ang araw na ito nang walang ginagawa, ngunit alam ko rin naman na wala na akong magagawa pa kung ang taong tumutulong sa a’kin ay may problema ring dinadala sa ngayon. Mukhang nahinuha ni Alana ang laman ng aking isipan nang sabihin ko ang bagay na iyon, sapagkat narinig ko na para bang mahina siyang napatawa, bago ko naramdaman na tuluyan na siyang lumapit sa aking kinaroroonan at umupo sa aking tabi – na para bang napaka-normal lamang para sa kaniya na gawin ang bagay na iyon. “Kunwari na lamang ay naniwala ako sa iyong sinabi,” sabi pa niya habang para bang pinipigilan niya ang kaniyang pagtawa, kaya naman hindi ko na lamang napigilan ang aking sarili na mapailing at mapahinga nang malalim muli. “Alam ko kasi na hindi rin naman mapagtutuunan ng pansin ni Mireya ang pagtulong sa a’kin ngayon, kaya naman mas minabuti ko na lamang ang magpahinga at ipagpaliban muna ang paglutas kung paano ko nga ba magagamit muli ang aking mahika,” pagpapaliwanag ko sa kaniya, at nakita ko sa gilid ng aking mga mata kung paano siya tumango-tango na tila ba naiinitindihan niya ang aking mga sinasabi. “Mukha ngang napaka-laki ng problema ni Mireya ngayon.”  Napatingin ako sa kaniyang gawi nang sabihin niya iyon, bago ko muling itinuon ang aking pansin sa mga taong patuloy na naglalakad sa labas ng tahanan ni Mireya.  “Pinuntahan mo siya kanina sa kaniyang silid, hindi ba?”  Narinig ko rin kasi kanina na nagtanong ito kina Demetrius at Linnea kung maaari niyang makita si Mireya, at mukhang pumayag naman iyong dalawang nauna nang kausapin si Mireya ngunit hindi rin naman nagtagumpay ang mga ito sa kanilang balak na pagpapagaan ng loob nito – sapagkat tila ba hindi rin nais ni Mireya na makausap ang kahit na sino man sa a’min ngayong araw. Nakita kong muling tumango si Alana sa a’king tanong, bago nito sinabing, “Sinubukan ko siyang kausapin upang pagaanin ang kaniyang loob, ngunit tila ba hindi talaga niya nais na magsalita tungkol sa kung ano mang gumugulo sa kaniyang isipan ngayon.”  Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Alana na para bang labis siyang nag-aalala para kay Mireya, ngunit hindi rin naman niya mawari kung ano ang kinakailangan niyang gawin upang matulungan ito. Wala na lamang siyang ibang magawa kung hindi ang hintayin itong magsalita nang walang pumipilit sa kaniya. “Sa tingin ko ay kailangan muna na’tin siyang hayaan.” Agad naman siyang sumang-ayon sa aking sinasabi sapagkat muli kong nakita ang pagtango ng kaniyang ulo. “Para na rin makapag-isip-isip siya sapagkat mukhang kinakailangan niya talaga iyong gawin sa ngayon.” Sa tingin ko ay iyon ang pinakamainam na paraan upang matulungan siya. Kailangan muna na’ming pagmasdan kung ayos lamang ba talaga siya, o kinakailangan na talaga na’ming gumawa ng paraan upang hindi na siya masadlak pa sa mga iniisip niya ngayon. “Sa tingin ko nga ay iyon ang pinaka mabuting paraan na maaari na’ting gawin sa ngayon.”  Napatigil ako sa pagtingin ko sa labas ng tahanan ni Linnea nang maramdaman ko na para bang bigla na lamang nanahimik si Alana, at nang ako ay mapabaling sa kaniyang gawi, doon ko nakita na para bang napaka-lalim din ng kaniyang iniisip. Doon ko nakita na tila ba may gumugulo sa kaniyang isipan, at sa tingin ko ay may kinalaman ang pagpunta niya sa silid ni Mireya kaya siya nagkakaganoon. “May problema ba, Alana?” tanong ko sa kaniya matapos dumaan ang ilan pang mga minuto na tahimik lamang siyang nag-iisip sa aking tabi. Muli ko pa ngang tinawag ang kaniyang ‘ngalan nang tila ba hindi niya narinig ang aking tanong. Doon lamang siya unti-unting napatingin sa a’kin ang wala nang pagtataka sa kaniyang mukha, ngunit naroroon pa rin ang mumunting kunot sa kaniyang noo na tila ba hindi niya mahinuha ang isang bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. “Ano ang iyong sinasabi?” Muli kong inulit sa kaniya ang aking tinanong kanina, at doon na naman bumalik ang labis na pagtataka sa kaniyang mukha habang mas lalo lamang lumalim ang gatla sa kaniyang noo, na para bang hindi niya mawari kung sasabihin ba niya sa akin ang nasa isipan niya o hahayaan na lamang niya akong nagtataka at nag-iisip habang nakatitig sa kaniyang mukha. Makalipas muli ng ilan pang mga segundo, doon lamang siya napa-hinga nang malalim bago niya sinabi sa akin ang kanina pa gumgulo sa kaniyang isipan – bago niya isiniwalat ang kaniyang narinig sa loob ng silid ni Mireya. “Noon kasing nagpaalam na ako kay Mireya na ako ay aalis na at babalik na lamang muli mamaya, may narinig akong salita sa kaniya na hindi ko mawari kung totoo ba o guni-guni ko lamang iyon.” Napa-kunot ang aking noo nang marinig ko ang bagay na iyon sapagkat alam ko na nakapagtataka naman talagang iniisip ni Alana na guni-guni lamang niya iyon – dahil sa aking pagkakakilala sa kaniya, lagi itong sigurado sa mga bagay na ginagawa nito pati na rin sa mga salitang naririnig nito. Imbis na magtanong ako sa kaniya, hinayaan ko lamang siyang magsalita upang malaman ko at upang mahinuha na’min kung ano ba talaga ang nangyayari kay Mireya ngayon – sapagkat sa tingin ko ay may kinalaman ang bagay na narinig ni Alana sa kaniya sa mga bagay na ginagawa ni Mireya ngayon. “Bumulong siya at hindi ko mawari kung para ba sa a’kin iyon, o lumabas lamang iyon sa kaniyang bibig nang hindi niya sinasadya.”  Nakikita ko kung papaano napaisip si Alana nang dahil sa mga narinig niya kay Mireya, at kung ako ang tatanungin, sa tingin ko ay may kinalaman iyon sa mga bagay na hindi na’min alam sa kaniya. Alam ko na may kinalaman iyon sa mga bagay na hindi sinasabi sa a’min ni Mireya. Tinignan ako ni Alana, na para bang sinisigurado niya na ako ay nakikinig pa rin sa kaniya, kaya naman itinuon ko ang a’king buong atensiyon sa kaniya upang ipahiwatig na pinakikinggan ko ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig, at pinag-iisipan ko nang mabuti kung ano ba talaga ang nangyayari sa isa na’ming kasamahan ngayon. “Hindi ko alam na muli niya akong iiwan sa pangalawang pagkakataon.” Napatigil ako nang marinig ko iyon kay Alana, at sa hindi ko malamang dahilan, para bang sumikip ang aking dibdib nang marinig ko ang bagay na iyon mula sa kaniya. Sa isang rason na hindi ko mawari kung ano, para bang higit pa ang ibig sabihin ng bagay na iyon sa mga nais pa niyang sabihin. Tila ba ako’y nasasaktan, sa isang hindi ko malamang dahilan. Tila ba may kumirot sa a’king puso, ngunit wala akong ideya kung bakit tila ba ganito ang a’king nararamdaman nang dahil sa mga bagay na kaniyang sinabi. “Iyon ang narinig kong ibinulong niya kanina, Ambrose,” sambit ni Alana, na naging dahilan upang mabalik ako sa realidad at maituon kong muli ang a’king atensiyon sa kaniya. Hindi ko mawari kung bakit, ngunit hindi sumagi sa a’king isipan kung bakit hindi ko naisip na kaya niya sinabi iyon ay sa kadahilanang iyon ang narinig niya kay Mireya. Hindi ko mawari kung bakit, ngunit tila ba may iba akong naisip nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kaniyang labi – na tila ba minsan na ring may nagsabi sa a’kin ng mga bagay na iyon. Na para bang minsan ko na ring narinig iyon mula sa isang pamilyar na taong hindi ko naman mawari kung ano ang kaniyang papel sa aking buhay – isang taong hindi ko mawari kung ano ang kaniyang koneksiyon sa a’king nakaraan. “Sa tingin mo ba ay may kinalaman iyon kay Draco?” tanong sa a’kin ni Alana, na muling nakapagpagising sa a’king sapagkat ang a’king isipan ay muling pinipilit ang a’king sarili na alalahanin ang a’king nakaraan. “Sa tingin mo ba, Ambrose, ang kaniyang nakaraan ay may koneksiyon sa taong tumulong sa kaniya sa bayan na ito?” Tinitigan ko nang maigi si Alana at mukhang sa a’ming dalawa, ako lamang ang nag-iisip nang nag-iisip tungkol sa a’king nakaraan, sapagkat nakikita ko sa kaniyang mukha na siya ay labis lamang na nag-aalala kay Mireya kaya sinasabi niya ang mga bagay na ito sa a’kin. Nakikita ko na nais lamang niyang maibsan ang kalungkutang nararamdaman ni Mireya, at wala siyang ideya na bigla na lamang akong nakaramdam nang ganoon. Napahinga ako nang malalim nang dahil sa nahinuha ko sa kaniyang pagtingin ngayon. Iyon ang naging dahilan upang pilitin ko ang a’king sarili na pilitin ang a’king sarili na ituon ang a’king isipan sa nangyayari sa ngayon at hindi sa mga bagay na alam kong labis lamang makagugulo ng a’king isipan. Tama. Hindi dapat ako magpaapekto sa mga bagay na naiisip ko ngayon sapagkat alam ko sa a’king sarili na kinakailangan talaga ni Mireya ng tulong na’min. Alam ko na kailangan ko muna iyong pagtuunan ng pansin, bago ko pag-isipan nang mabuti ang mga bagay na nangyari sa a’king nakaraan – bago ko alalahanin ang mga bagay na hindi ko pa rin maalala hanggang sa ngayon. “Sa tingin ko ay hayaan muna na’tin siyang mapag-isa,” sambit ko sa kaniya, bago ako tumalikod upang umalis na sa lugar na iyon. “Hintayin na lamang na’tin siyang magsalita tungkol sa kaniyang nakaraan. Huwag na’tin siyang pilitin, sapagkat alam na’ting lahat na wala ring magandang mangyayari kung pipilitin lamang na’tin siya.” Hindi ko na narinig pang nagsalita si Alan kaya naman akala ko ay hahayaan na lamang talaga niyang ganoon na lamang ang a’ming gagawin, ngunit tila ba mali ako nang maisip ko ang bagay na iyon sapagkat napatigil ako nang dahil sa kaniyang mga sumunod na sinabi sa a’kin. “Ngunit, paano kung nais kong gumawa ng paraan upang hindi siya masadlak sa kaniyang mga problema? Paano kung nais kong gumawa ng paraan upang mailigtas siya sa tiyak na kapahamakan?” Unti-unti akong napatingin sa kaniya nang dahil sa kaniyang mga sinabi, hindi dahil sa kadahilanang hindi ko inakalang sasabihin niya ang bagay na iyon, kung hindi iyon ay dahil sa tingin ko ay narinig ko na rin ang mga salitang iyon mula kaniya noon. Sa tingin ko ay narinig ko na ang bagay na iyon mula kay Alana sa a’king nakaraan, at nang pilitin ko ang a’king sarili na alalahanin kung kailan nangyari ang bagay na katulad nito, hindi ko maiwasang magkaroon ng halu-halong emosyon – hindi ko maiwasang malito kung ano ang a’king dapat na maramdaman. “Paano kung nais kong solusyonan ang lahat kapag nangyari na ang lahat ng iyong mga sinasabi ngayon, Ambrose?” naalala kong tanong sa a’kin ni Alana, at doon ko nakita ang isang emosyon na kahit kailan ay hiindi ko inaasahang makikita sa kaniya. “Paano kung sabihin ko sa iyo na gagawin ko ang lahat kung nakikita ko nang nahihirapan ka nang dahil sa iyong mga pina-plano?” “Kapag nangyari ang bagay na iyon, ibigay mo sa a’kin ito,” sambit ko at nakita kong may ibinigay akong papel kay Alana – isang papel na hindi ko mawari kung ano ang tunay na nilalaman nito. “Ito ang magiging susi upang malaman na’tin kung papaano ko muling magagamit ang a’king mahika. Ito ang magiging isang malaking hakbang upang mas mapalapit tayo sa takipsilim na a’ting pinaka hihintay.” Napa-balik ako sa kasulukuyan nang marinig ko ang tinig ng boses ni Alana habang tinatawag niya ako sa a’king ngalan nang may labis na pag-aalala, ngunit kahit na sa gayon pa man, kahit na bumalik na ang a’king isipan sa kasulukuyan, hindi ko pa rin maiwaksi sa a’king isipan ang alaala kong iyon na alam kong may koneksiyon sa lahat ng pangyayari ngayon. Ako ba… ako ba ang dahilan ng lahat ng pangyayaring ito? Ako ba… ako ba ang dahilan kung bakit tila ba ganito ang nangyari sa lahat? Ako ba ang nagplano ng bagay na ito, ang mga bagay na pilit na tinatago ni Alana sa a’kin? Ngunit sa anong dahilan? Bakit kailangan ko pang gawin ang bagay na ito? Bakit para bang labis-labis na ang lahat ng aking ginawa? Bakit tila ba alam ko sa a’king sarili na ginawa ko iyon sapagkat alam ko sa a’king sarili na magbubunga ang lahat ng ito ng mga bagay na nais na’ming makamtan? Higit pa roon sa mga bagay na iyon, may isa akong papel na ibinigay kay Alana. Ano ang laman ng sulat na iyon? Ano ang dahilan kung bakit hindi ko na lamang sinabi sa kaniya ang bagay na iyon? Ano ang dahilan kung bakit tila ba sa lahat ng alaalang na bumalik sa a’king isipan, kami ay laging patagong nag-uusap – na para bang natatakot kaming may ibang makarinig ng mga bagay na pinag-uusapan na’min, na para bang hindi na’min nais na may makaalam ng mga bagay na a’ming pinaguusan? Puno ng kaguluhan ang a’king isipan. Hindi ko mawari kung ano ang aking nararapat na gawin. Hindi ko alam ang a’king unang dapat na isipin, ngunit may isang bagay akong sigurado nang dahil sa alaala kong iyon. Tumingin ako kay Alana nang may hindi maipaliwanag na ekspresiyon sa a’king mukha, at mukhang hindi niya inaasahan iyon sapagkat nakita ko kung paano siya napa-hakbang papalayo sa a’kin, na para bang hindi siya sigurado kung bakit tila ba ganoon ako kung makatingin sa kaniya. Narinig kong tinawag niya ang a’king ngalan, ngunit hindi ko iyon pinansin sapagkat ang a’king isipan ay naroon lamang sa bagay na naalala ko na lamang bigla. Nasa kaniya ang sagot upang muli ko nang magamit ang aking mahika. Na’kay Alana ang susi upang muli ko nang maalala ang mahikang a’king kinalimutan.  Ang mahikang magiging hakbang upang mangyari na ang takipsilim na a’ming pinaka aasam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD