Kabanata 31

2706 Words
Isang umaga habang katatapos pa lamang na’min kumain ng agahan, lahat kami ay nakarinig ng katok mula sa pinto ng tahanan ni Linnea, na nakapagpatigil sa aming lahat sapagkat wala kaming inaasahan na taong darating ngayon – maliban na lamang kay Mireya na nagpaalam na mamayang hapon pa siya makararating upang muli akong sanayin. Nagkatinginan kaming apat sapagkat hindi talaga na’min alam kung sino ba ang taong iyon na kumakatok sa tahanan ni Linnea, ngunit alam naman na’min na walang mangyayari kung magpapatuloy lamang kami sa panghuhula kung sino iyon. Hindi naman na’min makukumpirma kung sino ang taong iyon, kaya naman napagpasiyahan na lamang na’min ang buksan ang kaniyang pinto upang makita kung sino ang taong iyon. “Ako na ang magbubukas ng pinto,” sambit ni Linnea sa aming lahat, kaya naman agad kaming tumango sa kaniya at mas lalo pang naging alerto nang makita na’min na papalapit na siya sa pinto ng kaniyang tahanan. “Ihanda na ninyo ang inyong sarili,” sabi naman sa amin ni Demetrius, kaya naman agad din na’ming ginawa iyon ni Alana sapagkat hindi na’min alam kung ano ang pakay ng taong kanina pa kumakatok sa pinto ng tahanan na ito. Hindi kami makasisigurado na wala iyong masamang balak na gawin. Hindi na’min alam kung bakit siya pumunta nang ganitong kaaaga, kahit na alam naman ng mga taong nakatira sa bayan na ito na hindi nagbubukas nang maagad si Linnea. Hindi na’min mawari kung ano ang kailangan ng taong iyon, kaya naman mas minabuti na lamang na’min ang ihanda ang aming sarili sapagkat hindi kami makasisigurado na hindi sila gagawa nang kahit na ano pa mang masama sa amin. Kailangan na’ming maging handa, sapagkat alam naman na’ming lahat na hindi pa rin natatapos ang kaguluhan sa mundong ito. Kahit na sabihin pa nilang tahimik naman ang lugar na ito, hindi kami makasisigurado na wala ngang mangyayari sapagkat kahit na hindi na’min nakikita ang kaguluhan na iyon, alam na’min na iyon ay nangyayari pa rin sa loob ng bayan na ito. Hindi ito lubusang tahimik, kagaya na lamang ng mga sinasabi sa amin nina Linnea at Mireya noong nakaraang araw. At isa pa, marami pa rin ang may galit kay Linnea sapagkat marami ang hindi makatanggap ng kaniyang mga sinasabi. Marami pa rin ang nais siyang saktan nang dahil sa mga pangitain na sinasabi niya, at sa mga sagot na kaniyang sinasabi sa kanilang mga tanong, kaya naman sa tingin ko ay isa ang taong kumakatok ngayon sa mga taong labis na may galit sa kaniya. Unti-unti kaming lumapit sa gawi ng kaniyang pinto, at nakita ko naman na para bang inihahanda nina Alana at Demetrius ang kanilang mahika kung sakaling may masama ngang balak ang kung sino man ang kumakatok sa pinto ng tahanan ni Linnea ngayon. Inihanda na’min ang aming sarili nang makita na’min na bubuksan na ni Linnea ang kaniyang pinto, ngunit napatigil kaming lahat nang makita na’min na parang kumunot ang kaniyang noo nang dahil sa pagtataka bago niya sinambit ang ngalan ng taong laging naririto sa tahanang ito nitong mga nakaraang araw. “Mireya?” may labis na pagtataka sa kaniyang boses nang sambitin niya ang ngalan ni Mireya, na para bang hindi niya mawari kung bakit naririto siya ngayon. “Hindi ba’t sinabi mo na mamayang hapon ka pa pupunta sapagkat may kailangan kang ayusin sa iyong pinapasukan?” Nagkatinginan kaming tatlo nina Demetrius at Alana nang dahil sa mga sinabi ni Linnea, bago kami tumango sa isa’t-isa at napagpasiyahan na’ming lumapit sa kanila sapagkat nakapagtataka namang talaga na si Mireya ay naririto na ngayon sa kaniyang tahanan kahit na siya na mismo ang nagpaalam kahapon na hapon na siya makararating sapagkat may kailangan siyang ayusin sa kainan na iyon. Mabilis kaming nakalapit sa kinaroroonan ng dalawang iyon, ngunit unti-unting kumunot ang aking noo nang makita ko na may dala siyang napakaraming gamit – isang bagay na hindi niya ginagawa nitong mga nakaraang araw sapagkat ayon sa kaniya, malapit lamang ang kaniyang tinutuluyan at maaari siyang magpabalik-balik kung gugustuhin man niya. Akmang ibubuka ko ang aking bibig upang magtanong sapagkat ako rin ay labis na nagtataka sa ikinikilos niya ngayon, ngunit napatigil ako nang dahil sa kaniyang mga sumunod na sinabi – mga salitang labis na’ming ikinagulat sapagkat hindi na’min mawari kung bakit bigla na lamang niya iyon sinabi. “Maaari bang dito muna ako manirahan?” Tumingin siya sa amin at nakita ko ang pagod sa kaniyang mga mata. Nararamdaman ko rin na para bang galit siya nang dahil sa isang kadahilanang hindi ko mawari kung ano, ngunit hindi iyon ang labis na nakakuha ng aking atensiyon. Ang labis na ikinakunot ng aking noo ay ang kislap ng kaniyang mga mata na para bang siya ay bigla na lamang pinagtaksilan – na para bang hindi niya inaasahan na may mangyayaring ganito at wala siyang magagawa kung hindi ang humanap ng paraan upang siya ay hindi mapahamak. Naguguluhang tumingin sa kaniya ang tatlo ko pang kasama, ngunit ako ay nanatili lamang na tahimik sapagkat nais kong makita ang iba pang emosyon na makikita sa kaniyang mga mata ngayon – nais ko pa siyang obserbahan kung may iba pa ba siyang ipakikita sa amin o mas pipiliin na lamang niyang itago iyon sa aming lahat. Nakita ko pa kung paano ito lumingon sa kaniyang likuran na para bang natatakot siyang may mangyaring masama – kahit na maliwanag naman na at marami na ring mga tao ang naglalakad sa labas ng tahanan na ito – bago ito muling bumaling sa amin at nangungusap ang kaniyang mga tingin. “Maaari rin bang sa loob ng tahanan mo na lamang ako magpaliwanag, Linnea?” tanong nito kay Linnea na para bang siya ay nagmamadali at para bang may humahabol sa knaiya, kahit na wala naman akong nakikitang tao na may kakaibang kilos. Sa katunayan pa nga, normal lamang na makita na’ming may mga taong naglalakad-lakad na nang ganitong oras, ngunit alam ko rin na maaari pa ring nagtatago lamang sila at naghihintay ng pagkakataon na si Mireya ay hindi na alerto sa kung ano mang mga nangyayari sa kaniya. Mukhang nahinuha rin ni Linnea ang mga nararamdaman ngayon ni Mireya sapagkat huminga ito nang malalim bago ito tumalikod kay Mireya, bago ito nagsalita na agad namang sinunod ni Mireya. “Kung gayon ay pumasok ka na sa loob upang makapagpaliwanag ka na sa amin,” sabi sa kaniya ni Linnea bago ito tuluyang pumasok sa kaniyang tahanan, ngunit lumingon ito sa aming dalawa ni Demetrius at kami ay inutusan din niya. “Maaari bang isara ninyo ang aking pinto sa oras na makapasok na si Mireya? At kung maaari, tulungan n’yo na rin siya sa pagdadala ng kaniyang mga gamit.” Agad kaming tumango sa kaniya, bago na’min nilapitan si Mireya na para bang balisa sapagkat sa unang pagkakataon na siya ay aking nakilala, nararamdaman ko na para bang nangangatog ang kaniyang tuhod na para bang nanghihina siya nang dahil sa isang bagay na hindi ko pa rin mahinuha kung ano – ngunit nasisigurado ko na may kaugnayan iyon sa kung ano mang nangyari bago man siya makarating sa tahanan na ito. “Salamat,” sabi pa nito sa aming dalawa ni Demetrius sa kaniyang mababang boses, na ikinakunot din ng aking noo sapagkat ito rin ang unang beses na narinig ko ang ganoong klaseng tono ng boses sa kaniya. Kung iisipin ko kasi ngayon, sa tuwing siya ay magsasalita, para siyang hindi babae. Laging malaki ang kaniyang boses na para bang nais niyang ipakita sa lahat na hinding-hindi siya matatakot sa kahit na kanino man, ngunit ngayon na para bang natatakot siya sa isang bagay na hindi ko pa rin mawari kung ano, ang boses niya ay para bang lumiit na para bang hindi niya nais na may iba pang makarinig ng kaniyang mga sinasabi – na para bang natatakot siya sa maaaring mangyari kung marinig siya ng mga ‘yon. Nakita ko na akmang magtatanong si Demetrius, at alam ko na itatanog niya rito kung ayos lamang ba siya, ngunit pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang braso, na naging dahilan upang mapatingin siya sa akin, bago ako umiling upang sabihin sa kaniya na hindi ito ang tamang oras upang tanungin na’min si Mireya kung ayos lamang ba siya. Sapagkat kung may tinatakbuhan nga siya kagaya ng aking nahinuha, alam ko na hindi palalagpasin ng taong iyon ang pagkakataon na nasa labas si Mireya. Alam ko na mas ikapapahamak pa niya iyon kaya naman naisip ko na mas mabuti na lang kung itatanong na’min sa kaniya ang bagay na iyon sa loob ng tahanan ni Linnea – sa isang lugar na alam kong hindi agad siya makukuha ng kung sino mang taong iyon. “Para bang nanginginig si Mireya,” pagbibigay pansin ni Demetrius nang makita niyang nakalayo na sa aming kinaroroonan si Mireya – na agad ko namang sinang ayunan sapagkat noong lumapit kami sa kaniya upang kuhanin na’min ang kaniyang mga gamit, naramdaman ko na para bang nanginginig nga siya. Tinapik ko na lamang sa balikat si Demetrius sapagkat hindi ko na rin naman alam ang aking sasabihin. Alam ko sa aking sarili na napansin ko rin iyon, ngunit may parte rin ng aking isipan na nagsasabi sa akin na huwag akong manghimasok at hayaan ko na lamang siyang sabihin sa amin ang nangyari kung nanaisihin niya iyon. “Hintayin na lamang na’tin siyang magpaliwag,” sabi ko kay Demetrius, bago ko isinara ang pinto na nasa likuran na’min ngayon. “At paano kung hindi siya magsasalita nang tungkol doon?” tanong ni Demetrius at naramdaman ko na para bang naghihinala siya sa tunay na nais ni Mireya. “Paano kung hindi siya magsabi ng totoo?” Dagdag pa niya nang humarap ako sa kaniya nang may seryosong tingin sa aking mga mata. “Desisyon na niya iyon kung magsasabi siya ng totoo sa ating lahat.” Tumalikod na ako nang sabihin ko sa kaniya iyon, ngunit alam ko na hindi siya nakumbinsi sa aking mga sinabi. Alam ko na sa pagkakataong ito, muli niyang pinaghihinalaan ang taong nais na makalapit sa amin. Alam ko na hindi niya lubusang mapagkatiwalaan si Mireya nang dahil sa biglaang desisyon nito ngayon. “Ambrose, naiintindihan mo ba ang iyong sinasabi?” tanong pa niya sa akin kaya naman tumango ako sa kaniya sapagkat buo ang aking loob nang sabihin ko sa kaniya ang mga bagay na iyon. “Maninirahan siya sa tahanang ito at hahayaan lamang na’tin siyang itago ang katotohanan? Hahayaan lamang na’tin siyang magsinungaling sa ating lahat?” “Ganoon din naman si Alana.” “Iba ang sitwasyon ni Alana!” Kung sa ibang pagkakataon siguro niya sinabi ang mga bagay na iyon, siguradong mapangingiti na ako sapagkat alam ko kung gaano katagal bago niya naisip na wala naman talagang masamang balak si Alana sa kahit na sino man sa amin. Alam ko na nagawa lamang niya itong pagkatiwalaan nang dahil sa aking mga sinabi at sa mga ipinakita ni Alana sa kaniya, ngunit iba ang sitwasyon na’min sa ngayon. Muli na naman siyang naghihinala sa tunay na nais ng isang nais na sumama sa amin, ngunit hindi ko naman magawang magalit sa kaniya. Alam ko kasi na hindi naman talaga madaling magtiwala sa kahit na sino man. Alam ko na mahirap na ibigay ang tiwala ng isang tao sa iba pa lalo na at nasa ganitong sitwasyon kami sa ngayon. Ngunit… ngunit alam ko rin na si Mireya na ang pipili kung magsasabi siya ng totoo. Siya na ang may hawak ng sarili niyang kapalaran ngayon – kapalaran na magsasabi kung dapat ba siyang sumama sa amin o dapat ba na’min siyang layuan. “Siya na ang pipili ng kaniyang nais na gawin, Demetrius,” sambit ko sa aking kausap nang may seryosong tingin sa aking mga mata. “Kailangan na’ting tanggapin na hindi naman na’tin makokontrol ang lahat. Lalong-lalo na ang takbo ng isipan ng iba.” Natahimik naman si Demetrius nang dahil sa aking mga sinabi at hindi na ito nagsalita pa. Tahimik na lamang siyang naglalakad sa aking likod na para bang malalim ang kaniyang iniisip – ngunit alam ko rin na ginagawa niya iyon sapagkat hindi pa rin talaga niya mawari kung bakit tila bigla na lamang nais ni Mireya na dito manirahan sa tahanan ni Linnea. Nakarating kami sa kinaroroonan nina Alana, Mireya, at Linnea at napagdesisyunan na’min na umupo sa katapat ni Mireya ngayon. Magkakatabi kaming apat habang pinagmamasdan na’min siya, na para bang nais na’ming malaman kung bakit bigla na lamang siya nagdesisyon nang ganito. Wala pa mang nagsasalita sa amin ay inunahan na kami ng pagpapaliwanag ni Mireya, at nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata… ang takot… at ang para bang emosyon na nagsasabing pinagtaksilan siya at hindi na niya alam pa ang kaniyang gagawin. “Bigla na lamang siyang umalis,” sambit ni Mireya, na naging dahilan upang magkatinginan kaming apat sapagkat hindi na’min mahinuha kung sino ang taong kaniyang tinutukoy ngunit walang nagsalita kahit na isa pa sa amin sapagkat hinayaan lamang na’min siyang magsalita. “Gumising ako nang maaga kagaya ng aking nakasanayan at hinanap ko si Draco sa loob ng kaniyang kainan, ngunit hindi ko siya nakita.” Napaisip naman ako nang sabihin niya ang ngalan na para bang pamilyar sa’kin, at doon ko lamang naalala na sinabi ni Linnea na si Draco ang may ari ng kainan na pinapasukan ni Mireya ngayon – siya iyong pumunta sa tahanan ni Linnea noong nakaraang araw na maaga ring tinapos ni Mireya ang aming pagsasanay. “Hinanap ko siya sa buong kainan ngunit hindi ko siya nakita.” Nagtagis ang kaniyang bagang habang nanginginig na kumuyom ang kaniyang kamao na para bang nais niyang manakit, ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili. “Pumunta rin ako sa tahanan niyang malapit lamang sa kainan na kaniyang ipinatayo, ngunit isang liham lamang ang kaniyang iniwan sa akin.” “Ano ang laman ng liham na iyon?” tanong ni Alana sa kaniya, na naging dahilan upang mapatingin siya rito bago ito huminga nang malalim, na para bang nais niyang pakalmahin ang kaniyang sarili. “Sinabi niya na hanggan doon na lamang siya,” sambit niya, na ikinatigil na’ming lahat sapagkat alam ko na nahinuha na na’min kung ano pa ang mga sumunod na sinabi ng lalaking iyon sa kaniya. “Sinabi rin niya na kinakailangan na niyang isara ang kaniyang kainan sa isang dahilan na hindi niya sinabi sa liham na iyon.” “Ano pa ang kaniyang sinabi sa liham na iyon?” tanong naman ni Linnea sa kaniya, ngunit napatigil ako nang maramdaman ko na para bang may kakaiba sa kaniya ngayon – na para bang ginagamit niya ang kaniyang mahika kay Mireya na wala man lang kamalay-malay sa kaniyang ginagawa. “Sinabi niya na huwag ko na siyang hanapin pa, sapagkat mabibigo lamang ako kung gagawin koi yon.” Natahimik ang buong paligid nang dahil sa kaniyang mga sinabi, at alam ko na lahat kami ay nag-iisip kung bakit tila ba nawala na lamang bigla ang natatanging tao na naglakas loob upang tulungan si Mireya – ang natatanging tao na may lakas ng loob na lokohin ito na para bang hindi siya natatakot sa kayang gawin ni Mireya sa kaniya. Alam ko na hindi lamang basta-basta ang naging desisyon ng lalaking iyon. Nararamdaman ko na may dahilan siya kung bakit tila ba bigla na lamang siya nagpasyang umalis nang hindi man lang kinakausap si Mireya. Alam ko na may dahilan siya, kahit na hindi ko pa siya nakikila, alam ko na hindi niya gagawin ito kung wala siyang sapat na dahilan. Alam ko na kung ano man iyon, isa si Mireya sa naging dahilan upang magdesisyon siya nang ganoon. Habang iniisip ko ang mga bagay na ‘yon, hindi ko namalayan na tumayo na pala si Linnea sa kaniyang kinauupuan kanina. Napagtanto ko lamang iyon nang marinig ko ang tinig ng kaniyang boses habang kausap niya si Mireya. Nabalik lamang ang aking isipan sa kasulukuyan nang marinig ko siyang nagsabi, “Hahanapin na’tin ang dahilan kung bakit bigla na lamang siya nagdesisyon nang ganito, at pansamantala, nais kong dito ka muna sa aking tahanan tumuloy at manirahan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD