Aichi Madaling araw na nang makabalik kami sa academy. Naabutan namin si Headmaster na naghihintay sa labas ng gate. "Buti naman ako nakarating na kayo. Kanina ko pa kayo hinihintay," ang sabi niya. Kita ko ang pagkagulat ni Headmaster nang makita niyang walang malay si Europe. "Anong nangyari?" ang tanong niya. "Bumalik na ang alaala ni Europe," ang sabi ko. Natahimik kami at tanging tunong ng hangin ang aming naririnig. Binasag ni Headmaster ang katihimikan. Nanibago kami sa kanyang naging kilos niya. "Sumunod kayo sa akin. May pag-uusapan tayo," ang sabi ni Headmaster. Sinundan namin siya hanggang makarating kami sa Medical Department. Binuksan niya ang kwarto na para sa kriminal na siyang ikinagulat namin. "Ipasok niyo siya rito," ang malamig na tugon ni Headmaster. Nagkating

