Europe
Hanggang ngayon ay nahihimbing pa rin si Asia sa kanyang pagkakatulog. Binisita ko siya sa kanyang paborito niyang kama. Ang kama ng Medical Department. May nakakabit sa kanyang makina at patuloy pa rin siyang inoobserbahan. Heto ako at patuloy akong humihingi ng tawad. Ang sabi ni Hiro ay sumailalim sa Memory Pillar si Asia.
"Masyadong malalim ang iniisip mo, baka malunod ka niyan," ang sabi ni Dr. Yuki at saka inabutan ako ng iced coffee.
"Salamat po," ang sabi ko at saka kinuha iyon.
"Ano bang iniisip mo?" ang tanong ni Dr. Yuki.
Hindi ko na alam kung pang-ilang buntung-hininga ko na ito pero naiibsan nito ang aking pagkainip sa pahihintay.
"Alam mo, Dr. Yuki. Si Asia na lang ang meron ako. At ayokong dumating sa puntong pati siya ay mawala sa akin," ang panimula ko.
Hindi ko alam kung bakit pasaway ang aking luha at patuloy itong umaagos. Pagod na siguro akong intindihin ang mundong ito. Masyadong masakit. Masyadong masalimuot. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at tila gustong kumawala sa aking puso.
"I see. You felt weak kahit hindi naman talaga,"ang sabi ni Dr. Yuki.
Minsan ang sakit palang ma-real talk. Akala ko noong CILT, noong naka-third rank ako, akala ko kaya ko nang lumaban. Pero nagkamali ako, katulad ng babagsaking estudyante, totoo nga siguro ang kasabihang "Grades are just number. It doesn't define your future."
"Di ka naman mahina eh. Kulang ka lang sa karanasan. Kaya kung ako sa iyo, kaysa magmukmok at magpaka-sad boy ako rito ay ibabagsak ko ang sarili ko sa mga mission upang palakasin ang sarili ko. Pero dahil nagfocus ako sa Healing Chikara, I doubt, kung anong klaseng combat ang meron ako ngayon. I hope ay hindi pa ako kinakalawang just like your mother," ang sabi ni Dr. Yuki.
Napalingon naman ako sa kanya. Kilala niya si Mom?
"Don't mind me. Sabog lang siguro ako lalo na't three days na akong hindi nakakatulog nang matino,"ang sabi niya at saka umalis sa kwarto.
Tumayo ako at muling tiningnan si Asia. Kailangan kong umalis. Kung gusto kong lumakas kailangan ko ng karanasan. Hindi ako maaaring umiyak at magmukmok rito.
Nagtungo ako sa office ni Headmaster. Ang alam ko ay dito nagmumula ang mga mission na ibinibigay sa mga estudyante. Hindi na ako kumatok at dali-dali ko itong binuksan. Pagdating ko ay nakita kong nandito sina Kaito at ang Cursed One na si Hiro.
"Mukhang ok ka na. Anong sadya mo rito, Europe," ang tanong ni Headmaster.
Tiningnan ko sila at tila hinihintay nila ang aking sasabihin.
"Gusto kong sumama sa inyong mission. Gusto kong magkaroon ng karanasan sa pakikipaglaban.",ang sabi ko.
Ngumiti naman si Headmaster. Ngunit agad niya iyong binawi. Magkadaop ang kanyang mga kamay at doon niya idinantay ang kanyang baba.
"Desido ka na ba sa iyong gagawin?" ang tanong niya.
"Desido na ako. At walang makakapagpabago ng isip ko,"ang sabi ko.
Napabuntung-hininga naman siya at saka inalis niya ang kanyang salamin.
"Kung ganun, hindi kita maaaring pasamahin sa misyon,"ang sabi niya.
Nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Headmaster. Bakit ayaw niya? I slammed his table out of my frustration.
"Bakit ayaw niyo?" ang sigaw ko.
"Dahil sa ugali mong iyan.",ang sabi ni Headmaster.
Napaisip naman ako kung anong ginawa kong naging dahilan ng hindi niya pagpayag.
"Hindi ko pati hahayaang sumama ka sa misyon na ito nang walang matinong rason. At higit sa lahat, nandun kayo para magligtas ng tao. Hindi yon isang training grounds, Europe. At isa pa, hindi ka qualify sa S++ mission,"ang sabi ni Headmaster.
Halos madurog ang puso ko sa sinabi ni Headmaster. Isang malaking sampal, ang sinabi niya.
"Naiintindihan ko.Pasensya na, aalis na po ako," ang sabi ko
Muli akong bumalik sa Medical Department nang dismayado. Napansin ni Dr. Yuki ang aking pagdating.
"Ang bilis mo naman bumalik. Wala ka bang klase?" ang tanong ni Dr. Yuki.
"Wala akong ganang pumasok. Nagpunta ako kay Headmaster kanina gaya ng inyong suhestyon ngunit hindi niya ako pinayagan," ang sabi ko.
"Ang bilis mo naman sumuko. Wala ka ba talagang balak na sumunod? Malay mo sinusubok ka lang ni Satsuki. Alam mo naman ang isang yun mahilig sumubok ng estudynate. Kaya kilala siya bilang Esteem Reaper," ang sabi ni Dr. Yuki.
Tiningnan ko si Dr. Yuki. Seryoso ba siya? Sa lakas mang-realtalk ni Headmaster ang laki nang ibinaba ng aking self-esteem sa kanyang sinabi.
"Anong balak mo?" ang tanong ni Dr. Yuki.
"Susundan ko sila. Hindi ako maaaring magpakampante lang rito," ang sabi ko.
"Sinasabi ko na nga ba t balak mong gawin yun. At isa ka pa, Yuki! Alam mo naman na delikado ang S++ mission! Kaya kahit sulsulan mo pa siya na sumunod ay hindi pa rin ako papayag," ang sabi ni Headmaster.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Dr. Yuki. Ibinaba niya ang chart na kanyang hawak.
"Ayaw mo lang siyang matulad sa'yo, Satsuki?" ang tanong ni Dr. Yuki.
Iniba ni Headmaster ang kanyang tingin.
"Huwag mong ipaalala ang katangahan ko sa mga taong nagdaan. Kaya hangga't maaari ay hindi ako nagpapadala ng mga estudyante," ang sabi niya.
I heard the tongue clicking of Dr. Yuki. He flipped his dark green hair that has a lower tie. Hindi naman siya nagmukhang bakla sa kanyang ginawa and I don't see any wrong thing with that. Kung manenermon ako at may mahaba akong buhok, I would probably do that.
Sinamaan naman ako nang tingin ni Headmaster kaya naman nakipagsukatan rin ako ng tingin sa kanya. Parang "an eye for an eye" lang peg ah ? Bumuntung-hininga naman siya at napailing na lang.
"Maghanda ka na, sumunod ka sa kanila sa Lacus. Kung naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, di kita pipigilan. Pero isa lang ang siguraduhin mo. Bumalik kang buhay, hihintayin ka namin ni Asia,"ang sabi ni Headmaster.
Tumango ako at saka inihanda ang mga gamit ko papuntang Lacus. Naglakad ako hanggang sa gate ng academy. Lilipad na sana ako patungo ng Lacus nang marinig kong tinawag ako ni Headmaster Satsuki.
"Europe!" ang sigaw ni Headmaster Satsuki at kita ko na nakasakay siya sa isang Treant.
Kilala ang Treant bilang isang buhay na puno. Sabi sa lecture namin ay mabagal ito maglakad kaya sakit sa ulo ito sa mga mangangalakal kung sakaling humarang ito sa daan. Pero ngayon lang ako nakakita ng Treant na naka-turbo mode? Nang makarating ito sa tapat ko ay tumalon si Headmaster mula sa Treant.
"Dalhin mo ito. Alam kong hindi ko kasing sarap magluto si Asia ng Blueberry pie. Pero nasabi niya sa akin minsan na paborito mong pagkain ito. Kaya sana ay kunin mo ito.",ang sabi ni Headmaster.
Ngumiti ako at bukal sa loob kong kinuha iyon.
"Headmaster, bakit po ang bait niyo sa amin ni Asia?",ang tanong ko.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Iyon ang unang beses na nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"May pagkakahawig kayo ng kapatid kong babae. Alam kong nasabi ko na noon na kamukha ni Asia ang kapatid ko. Yun nga lang yung kilos niya ay katulad ng sa'yo. Kaya kung magkakaroon man ako ng kapatid na lalaki, sisiguraduhin kong hindi siya mapapahamak katulad ng pag-iingat namin sa kapatid naming babae."ang sabi ni Headmaster.
Niyakap ako ni Headmaster at nagsimulang tumulo ang luha ko. Never pa akong naka-experience ng yakap mula sa mas nakakatanda sa akin. Ako kasi ang tumatayong nakatatandang kapatid ni Asia sa mga nakalipas na taon kaya hindi ko masabi sa kanya ang mga hinanakit ko dahil ayokong mag-alala siya.
"Humayo ka na. Hinihintay ka na nila. Kailangan ka na nila sa Lacus," ang sabi ni Headmaster.
Pinunasan ko ang aking luha. Ngumiti ako at saka i-sinummon ang aking psionic wings.
"Aalis na po ako," ang sabi ko at saka lumipad.
Mula sa himpapawid ay nakita ko ang ganda ng Caden City. Lumipad ako patungong Kanluran lalo na't doon matatagpuan ang Lacus. Teka sa lawak ng Lacus, saang lupalop ako ng Lacus pupunta?
Ikinalma ko ang sarili ko at nag release ako ng sandamakmak na Psionic orbs at pinakalat ko iyon.
"Sana matulungan niyo akong hanapin ang lokasyon ng misyon ko," ang sabi ko at mabilis itong lumipad palayo.
Pagkalipas nang ilang minuto ay wala pa rin ang mga orbs. Nakaramdam naman ako ng gutom at naisip kong kainin ang blueberry pie na binigay ni Headmaster. Binuksan ko ang lunch box kung nasaan ang sixteen slices pa ng Blueberry pie. Mukhang di naman ako balak patayin ni Headmaster. Kumuha ako ng isang slice at kinain iyon. Sa unang kagat ay sumasabog na sa fillings ito. Ito yung uri ng fillings na paborito ko.
"Nagbibiro ba siya? Ang sarap kaya nito!" ang sabi ko.
Muli kong isinara ang lunch box at itinago ko iyon. Nakita kong bumalik na ang mga psionic balls na ipinakalat ko. Parang isang particles, ay nagpakita iyon ng Brownian movements dahil zigzag ang paggalaw nito.
"Mukhang nakita mo na ang location. Ano kayang ginagawa nila ngayon?" ang tanong ko.
Katulad ng isang buhay na nilalang, ay hinatak ako nito patungo sa mission site.
"Sandali lang!" ang sigaw ko at ngunit hindi ako nito pinakinggan.
Nang makarating kami malapit sa mission site ay inikot-ikot ako nito na para ipo-ipo at saka binitawan. Kaya ang ending ko ay bumagsak ako sa camping site. Nakita ko pa ang pagsaludo ng psionic ball na tila may sarili itong pag-iisip at naglaho ito. Naramdaman ko naman ang pagsakit ng likuran ko dahil sa lakas ng pagbagsak ko. Tinutukan naman ako ng sibat at napatingin ako kung sino iyon.
"Putek. Masakit na nga ang katawan ko, tinutukan niyo pa ako ng mga armas niyo?" ang sabi ko.
"Europe! Anong ginagawa mo rito?" ang tanong ni Jun.
Sinenyasan naman ni Jun ang mga kawal na ibaba ang mga sibat. Binaba nila ang sibat at saka tumayo ako upang pagpagan ang aking sarili.
"Pinadala ako ni Headmaster dito upang tumulong. So anong gagawin ko?"ang sabi ko.
"Wala kang gagawin. Umuwi ka na. Di namin kailangan ang isang tulad mo rito.",ang sabi ni Jun.
Huminga ako nang malalim. Ngumiti ako at hinatak ko ang kanyang kuwelyo. Inihagis ko siya sa puno kaya naman mula sa itaas ay lumagpak siya sa lupa.
"Oi, Water Prince kailangan ko pa ban ulitin ang sinabi ko? Pinadala ako ni Headmaster Satsuki rito upang tumulong sa misyon kaya sa ayaw at sa gusto mo ay tutulong ako, maliwanag?" ang sermon ko kay Jun.
Bigla namang lumabas si Aichi at inatake ako gamit ang kanyang ice spears. Nagsummon naman ako ng Psionic shield kaya naman nabasag ito ng vibration na nagmumula rito.
"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? Kaya mo ba talagang pumatay ng phantom kung sakali? Kahit bata pa sila at hindi nila ginusto ang pagiging phantom?" ang tanong ni Aichi.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nila. Kung ganun wala nang atrasan 'to. Napalunok ako sa kanilang sinabi. May batang phantom?
"Kung ayaw mo, bumalik ka na sa Caden,"ang sabi ni Kaito.
"Paano kung may paraan pa upang maalis ang pagiging phantom sa kanila?" ang tanong ko.
"Suntok sa buwan ang gusto mong manyari, Ashbell,"ang sabi ni Akio.
Tiningnan ko si Akio na tila hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Bago pa umusbong ang tawag na Phantom, mas kilala sila sa tawag na Acerbus. Ito ang tawag sa mga kampon ni Serpentius. Sila ang pwersa na may pinaghalong buhay at patay. May mga binuhay si Serpentius at isa doon ang kasintahan ni Akio na si Kaoru. At sa kasamaang palad ay kahit na binasbasan ng pagiging Celestial si Kaoru ay pinili nitong maging Acerbus. Kaya naman sa huli ay napatay siya ni Eichi,"ang kwento ni Shin.
Naikuyom ko ang aking mga kamay. Alam kong may paraan.
"May paraan pa! At sisiguraduhin ko iyon sa inyo!" ang sigaw ko.
"Bumalik ka na sa Caden. Hindi kailangan rito ang katulad mo," ang sabi ni Aichi.
Napabuntung-hininga naman ako. Mukhang isinilang talaga ako na duwag. Umalis ako sa camp site at akmang hahakbang ako nang biglang ma-activate ang force field sa paligid.
"Magsipaghanda kayo! May mga batang Phantom ang patungo rito!" ang sabi ng isang lalaking may malaking pangangatawan.
Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Nakita ko ang pagdating ng mga batang phantom na tinutukoy nila. Napatulo ang luha ko nang makita na karamihan sa kanila ay nasa edad pito hanggang labintatlong taong gulang. Hindi ko alam kung ilang beses ko na naikuyom ang aking kamao. Alam kong hindi ito hahayaan ni Hikari na mangyari! Napaisip ako sa sandaling iyon. Sino si Hikari? Nagulat ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Nakasuot ito ng puting cloak at nang ibinaba niya iyon ay kamukha ko ito.
"Akumi ang iyong pangalan at nangnguluhugan iyon ng kadiliman. Ngunit hindi ibig sabihin na Akumi ang iyong pangalan ay masama ka na," ang sabi niya.
Napansin ko na tumigil ang pagkilos ng tao sa paligid.
"Sino ka? Anong klaseng nilalang ka?",ang tanong ko.
Tumawa naman ito. Napabusangot naman ako sa kanyang ginawa. Para siyang kaluluwa na nagpalutang-lutang sa paligid.
"Ako ang iyong alaala sa nakaraan. Magagawa mong iligtas ang mga batang phantom na iyon. Dahil minsan ka nang naging katulad nila," ang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon.
"Pero huwag kang mag-alala. Isa ka sa tumuligsa sa kanilang paniniwala. Kaya nga inalis niya rin ang alaala mo. Handa ka na bang iligtas sila?" ang tanong niya.
"Kapag bumalik ba ang alaala ko, maibabalik ba sila sa mga normal nilang buhay?" ang tanong ko.
Umiling siya sa sinabi ko. Kung ganun anong point nang pagbalik ng alaala ko kung hindi ko sila mapipigilang patayin nina Aichi?
"Pero makakarating sila sa pupuntahan nila. Ang Celestial Kingdom," ang sabi niya.
Mukhang isa na lang ang magagawa ko para sa kanila.
"Mukhang mas mabuti na yun kaysa sa dumanak ang dugo rito," ang sabi ko.
"Kung ganun, gawin na natin," ang sabi niya.
Pinagdaop namin ang aming mga kamao. Eto na ang simula. Magbabalik na ang alaala ko.
"Ako ang Nakaraan!"
"Ako ang Kasalukuyan!"
"Sa iisang layunin, kami ay pag-isahin!
Sa iyo ang kaalaman, sa akin ang kapangyarihan!
Memory Sphere!" ang sigaw namin.
Katulad nang nakita ko sa talon, binalot rin ako ng Memory Sphere. Lumabas ang mga ancient runes sa paligid. Ikinumpas ko ang aking kamay at nagpalabas ako ng pentagram sa lupang kinatatayuan ng mga batang Phantom.
"Nakikiusap ako dalhin ninyo sa dapat patutunguhan ang mga batang ito. Celestial Spell: Light Chain of Astral!" ang sabi ko.
Lumabas ang puting kadena at nakita ko na nagpupumiglas ang mga batang Phantom. Binalot naman sila ng puting apoy ngunit sa halip na masunog ang kanilang katawan ay sinunog nito ang kumokontrol na kadena ng mga nakatatandang Phantom sa mga batang Phantom. Nakita ko ang pagngiti ng mga bata at unti-unti ay tuluyan silang naging white orbs. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa patuloy na kinukuha ng ginamit ko na spell ang aking lakas.
Aichi
Nanlaki ang mata ko nang makita ko sa loob ng Memory sphere si Europe.
"Ice Prince, anong nangyayari?"ang tanong ni Kaito.
"Katulad ni Akari, bumabalik na ang alaala ni Europe.",ang sabi ko.
"Panain niyo ang sphere!" ang sigaw ni Commander Asteil.
"Huwag niyong gagawin yan! Wala kayong dapat ipag-aalala. Bumabalik lang ang kanyang alaala," ang sabi ni Jun.
Ilang minuto lang ay humupa na ang Memory sphere at tuluyan na siyang bumulusok paibaba mula sa ere. Nagsummon naman ng Whirlwind si Akio at sinalo nito si Europe.
"Europe!" ang pagtawag namin sa kanya.
Paglapit namin sa kanya ay nakahinga kami nang maluwag.
"Nakatulog lang siya," ang sabi ni Akio.
"Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa academy. Hindi matutuwa si Headmaster sa ating balita," ang sabi ni Hiro.
"Good job, Europe," ang sabi ko at agad naman siyang binuhat ni Eichi.
Nakita kong nagdasal muna si Heiji bago siya sumunod sa amin.
"Pasalamat tayo kay Europe at hindi na natin kailangang dungisan ang ating kamay. Ayoko ring paslangin ang mga batang iyon," ang sabi ni Heiji.
Mukhang madaming lihim na itinatago si Europe. Paano siya nakagamit ng Light Chikara kung Psionic chikara ang kanyang ability? Sino ka ba talaga, Europe Len Ashbell?