Chapter 21-Falls Of Memories

2188 Words
Aichi Binilisan ko ang aking pagtakbo. Kinalimutan kong naka-sibilyan akong damit sa pagmamadali na puntahan ang mga kaibigan ko. Ayoko nang maulit ang nangyari noon kung saan namatay ang una kong kaibigan at kasintahan na si Hestia. Kaya naman ipinangako ko na ang susunod at huling babaeng mamahalin ko ay hindi ko hahayaang mapahamak. "Asia!" ang pagtawag ko sa pangalan niya. Nang makarating ako sa Dangerous garden  ay naabutan kong nagkakagulo ang mga estudyante at ang mga professor. Nakita kong lumabas sa hardin sina Europe at Sakura. Nanghihina si Europe kaya akay-akay siya ni Sakura. Sinalubong ko sila at bakas sa mukha nila ang pagkabahala. "Nasaan ang iba nating kaklase?"ang tanong ko. "Nasa loob pa sila!" ang sabi ni Sakura. Hinatak ni Europe ang manggas ng aking kwelyo kahit na nanghihina siya. "Nakikiusap ako, iligtas mo si Asia. Huwag mong hayaan na saktan niya ang sarili niya," ang pakiusap ni Europe. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Europe. Kung ganun, si Akari ang may gawa nito? Tumakbo ako sa loob ngunit may isang tao na humatak sa aking kamay. "Huwag kang hangal, Hamilton! Sa lakas ng apoy na iyan ay possible kang maging abo!" ang sigaw ni Satsuki. "Bitiwan mo ako, Satsuki! Kailangan kong puntahan si Asia!" ang sigaw ko. Napatingala ako sa langit at nakita kong nagtatakip silim na. Kung hindi pa maapula ang apoy ay maaari itong kumalat sa Midst Forest at kapag nangyari iyon, madadamay ang Forbidden Forest. "Sinabi ko na sa iyo na hindi magandang ideya ang pagtatayo ng Dangerous garden dito, Alia! Paano mo aakuin ang responsibilidad na ito ngayong nilalamon na ng apoy ang buong hardin at ang mas malala pa ay may lima na estudyante pang nasa loob?!",ang sermon ng isang miyembro ng council. "Sinasabi ko po sa inyo, ngayon lang po may nangyaring ganito," ang paliwanag ni Miss Flerris. Napalingon kami nang biglang sumabog ang gitnang parte ng hardin at kasabay nun ang  pagtalsik ng apat na naglalakihang psychic ball. Sa loob nun ay nandoon sina Kaito na walang malay. Agad silang inalalayan ng mga professor. Dahan-dahan namang naglaho ang apoy na tila isang himalang nangyari. Matinding init ang nararamdaman mula rito. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon kaya nagcast ako ng ice chikara. "Ice of Nilfheim!" Nagkaroon ng bughaw na magic circle at nang lumawak iyon ay agad nitong pinababa ang temperatura na dulot ng sunog. Tumakbo ako at hinanap ko si Akari. "Akari!" ang pagtawag ko sa kanya. Ngunit tanging tunog ng hangin ang aking naririnig. Nagtungo ako sa gitnang bahagi ng hardin sa pag-asang matatagpuan ko siya roon ngunit ni katawan niya ay hindi ko nakita. May nakita akong isang makinang na bagay sa ilalim ng naabong halaman. Pinulot ko iyon at nakita ko ang choker na madalas suotin ni Akari. Nagtiim ang bagang ko sa galit. Ayokong isipin na sa pangatlong pagkakataon ay hindi ko nagawang iligtas ang taong napakahalaga sa buhay ko. Idinaan ko sa sigaw ang lahat ng sama ng loob ko. Tumulo ang luha ko dahil naging hangal na naman ako na iniisip na naging malakas ako sa loob ng nagdaang taon. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa aking likuran. "Tama na, Aichi. Hindi ka dapat nakukulong sa iyong nakaraan," ang sabi ni Frith. "Hindi ako nagpapakulong sa nakaraan, Frith. Dahil kahit na anong mangyari, siya ang babaeng minahal ko ng lubusan sa nakaraan, patuloy na mamahalin sa kasalukuyan at kasamang mangangarap sa hinaharap. Kaya kahit ilang beses pa niya akong malimutan, patuloy kong ipapaalala kung gaano ko siya ka-mahal," ang sabi ko. Inalis ko ang pagkakayakap ni Frith at wala sa sarili akong naglakad palayo sa kanya. Sinalubong ako ni Europe at nakita ko ang pagkabahala sa mukha niya. "Nasaan si Asia?" ang tanong ni Europe. Iniabot ko ang choker ni Asia sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Europe at saka tumakbo siya paloob ng hardin. Rinig ko ang sigaw niya. Alam kong mahirap tanggapin. Alam kong masakit mawalan ng kapatid. Walang may gusto sa nangyari. Walang sinuman. Asia Nasaan na ba ako? Naramdaman ko ang lamig ng paligid. Sinubukan kong magsalita ngunit walang boses ang kumakawala sa aking bibig. Nahirapan akong huminga at parang pinipiga nito ang aking dibdib. Pinilit kong lumangoy paitaas ngunit hindi ako maka-ahon dahil sa mga baging na patuloy na humihila sa akin. Sinubukan kong gamitin ang chikara ko ngunit walang nangyayari. "Europe. Patawad,"ang sabi ko at tuluyan na akong napapikit habang tinatanggap ko na wala nang pag-asa na makita ko silang muli. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ilalim ng tubig. Masyadong madaming nangyari at sa tuwing inaalala ko ay sumasakit ang ulo ko. Hindi ako maaaring mawalan ng pag-asa! Hindi sa pagkakataong ito! Iminulat ko ang aking mata  at napalingon ako sa aking likuran at nakita ang bughaw na liwanag. "Maligayang pagbabalik. Handa ka na bang  alalahanin ang lahat?" ang sabi ng isang boses. "Ano bang dapat kong alalahanin?" ang tanong ko. "Ang mga alaalang ikinulong mo sa nakaraan. Ang mga alaalang pilit mong itinatanggi. Ang mga alaalang pilit mong tinatakasan kaya naman maraming tao ang naapektuhan. Hanggang kailan mo balak itanggi na ito ang iyong nakaraan?" ang tanong ng boses. Ano bang dapat kong gawin? Natatakot ako sa maaaring mangyari. Natatakot ako na sa pagbabalik ng alaala ko ay biglang magbago ang tingin nila sa akin. "Mas mahalaga ba sa'yo kung ano ang tingin nila sa'yo? Hindi ba masyado ka nang nagiging makasarili? Hanggang kailan mo iisipin ang sasabihin ng iba? Kapag sobrang sakit na? Isipin mo kung anong ikakabuti ng lahat. Hindi lang ito para sa sarili mo.",ang sabi niya. Napaisip ako sa sinabi ng boses. Masyado ko nga bang iniisip ang sinasabi ng iba? To the point na nalimutan ko na kung sino ako? Gusto kong maalala ko kung sino ako. Gusto kong maalala kung ano ako sa nakaraan. Pero paano ko sisimulan? "Desidido ka na ba? Handa ka na bang tanggapin kung sino ka o ano ka sa nakaraan?" ang tanong nito. "Anong kapalit nito? Alam kong hindi mo basta-basta hahayaang makamit ng ganun-ganun na lang ang aking alaala," ang tanong nito. Ngumiti siya at saka umiling. "Isa lang ang mahihiling ko sa iyo. Iligtas mo ang lupaing ito, gaya ng ginawa ng mga ninuno mo. Aasahan kong gagawin mo ang lahat ng makakaya mo," ang sabi nito. Nakita ko ang anyo nito at nanlaki ako nang makita ko kung sino ito. "Akari," sabi ko. "Di ba sinabi ko sa iyo, ikaw ay ako. Walang  maaaring bumago dun," ang sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Ito na ang simula ng pagbabalik ko ang sabi ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. Sakura Napatingala ako sa langit nang makita namin ang isang liwanag. Ano na naman ito? Sumalida ako at saka tumalon paitaas. "Floral Wings!" ang pagkacast ko at saka lumipad ako paitaas. Nakita ko ang pinanggagalingan ng liwanag. Nagmumula ito sa Midst Waterfall. Nakita ko ang isang liwanag na nagmumula naman sa Boys' Dormitory at sumalubong iyon sa liwanag na nagmumula sa talon. Lumipad ako papunta sa talon. Binilisan ko ang paglipad ko dahil may kutob akong dito tutungo si Europe. "Europe!" ang sigaw ko. Napatingala naman siya at nakita kong nagsummon siya ng Psionic plate at tumalon siya pataas. Leche. Ilan bang ability meron ang lalaking ito? "Sakura! Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko. "Alam kong pupuntahan mo ang liwanag! Bilisan natin! Masama ang kutob ko.",ang paliwanag ko sa kanya. Naglabas naman siya ng Psionic wings at saka binilisan ang paglipad. "Teka Europe! Hintayin mo ako!" ang sigaw ko. Binilisan ko ang paglipad ko dahil baka liparin ako ng hangin dulot ng pakpak ni Europe. Pagkarating ko sa talon ay nakita ko ang isang  malaking sphere. Nanlaki ang mata ko nang makita kong may tao sa loob nito. "Asia!" ang sigaw ni Europe. Lumipad siya sa palapit sa sphere ngunit itinulak lang siya palayo nito. Tumalsik sa kalapit na puno si Europe. "Akari!" ang sigaw ni Aichi at dali-dali siyang tumalon patungo sa sphere. Binalot niya ng yelo ang kanyang kamao at saka sinuntok ang sphere ngunit katulad ng nangyari kay Europe ay tumalsik si Aichi. Nakuha ni Aichi ang kanyang balanse kaya naman hindi siya natumba at sumalampak sa lupa. Ang isa pa ipinagtataka ko ay nasa nasusunog na hardin si Asia kanina kaya paano siya napunta sa talon. Napalingon ako sa bandang gilid ko nang biglang may sumulpot na void at lumabas doon ang ex ni Akari na si Kazumi. Lumapag ako sa lupa at saka hinarang si Kazumi. "Kumalma ka, Prinsesa ng Sierra. Kapayapaan ang sadya ko at hindi ako manggugulo," ang sabi ni Kazumi. Nagtangis ang aking ngipin dahil sa galit. Ang tigas talag ng mukha ng lalaking 'to. Pagkatapos niyang patulugin si Asia gamit ang isang suntok, eh may gana pa siyang magpakita. "Kwento mo sa pagong. Walang maniniwala sayong depunggal ka,"ang sabi ko. Tumingin siya kay Akari na kasalukuyang nilalamon ng liwanag. "Mukhang buo na ang desisyon niyang tanggapin ang katotohanan. Ihanda niyo ang inyong mga sarili. Mukhang babalik na ang lahat sa dati. Magbabalik na ang Akari na kilala natin," ang sabi ni Kazumi  at saka tumingala siya sa sphere. Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Kazumi. Paano ako maniniwala sa hayop na ito? "Oi, Prinsipeng tungaw. May tatlumpung segundo ka na lang upang saluhin si Akari. Kaya kung ako sa'yo, ihahanda ko na ang pakpak pang lumipad," ang sabi ni Kazumi. "Oi Prinsipeng sintunado ang plauta. Manahimik ka diyan dahil baka masampiga lang kita," ang banat ni Aichi. Napatingin naman si Europe sa dalawa na halos magpatayan na sa tingin. Napalingon kami nang biglang naglaho ang liwanag. Nagsimulang bumagsak pababa si Asia. Akmang tatalon si Aichi nang bigla siyang mapaupo sa lupa. Hindi kaya napilayan siya dahil sa pagkakatalsik niya kanina? Lagot na! Nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong parang may anino na dumaan sa gilid ko at saka sinalo si Asia. Pagkaapak niya sa ibabaw ng catch basin ng talon ay kumulo ito bago tuluyang naiga. "Mga hangal! Magtatalo na nga lang kayo, eh hanggang putak lang naman ng bibig ang ginawa ninyo! At ikaw Phantom Prince, hindi ka tinatanggap ng teritoryo ko kaya umalis ka na bago ka pa tupukin ng apoy ko!" ang sigaw ng isang lalaking may mahabang buhok. Nang makita ko kung sino iyon ay nanlaki ang mga mata ko. "Hiro?",ang pagtawag ko sa kanya. Ngumisi naman siya at saka tiningnan kami. "Sakura, maligayang pagbabalik," ang sabi ni Hiro. Naglakad naman papalayo si Kazumi. "At saan ka naman pupunta?"ang tanong ni Hiro. Lumingon sa amin si Kazumi. Bakas sa mukha niyang pagiging seryoso. "Ihanda ninyo ang mga sarili. Magdedeklara ang Phantom King ng digmaan sa mga Celestial. Kaya naman siguraduhin niyong preparado kayo dalawang buwan mula ngayon.",ang sabi niya at saka pumasok ito sa void. "Salamat, Hiro. Kung hindi mo sinagip si Asia malamang sa Medical Department na naman ang kanyang bagsak.",ang sabi ko. Napatawa naman si Hiro. Di tulad ng dati ay napakatahimik niya. Pero simula nang mawala ang harang sa pagitan ng mga Cursed Ones at ng mga estudyante ng Academy ay naging mabuting balahura din ang isang 'to dahil sa lakas nitong manlait. What do you expect? Malakas din manlait sina Aichi, kaya na-adapt niya na rin ang ugali nito. "Mukhang hindi lang si Asia ang kailangang magtungo ng Medical Department. Mukhang kailangan rin nilang dalhin doon.",ang sabi ni Hiro at itinuro ang dalawa naming kasamang injured. "Manahimik ka na nga lang, pwede?" ang naiinis na sagot ni Aichi. "Mukha nga. Pero nagtataka ako, sino ang nalagay ng Psychokinetic sphere kina Kaito sa loob ng nasusunog na hardin?" ang tanong ko. "Si Asahi ang nagligtas sa kanila. Pero ang pinagtataka niya ay napahiwalay naman ng landas si Akari at sa talon siya ibinagsak," ang sabi ni Hiro. Napatingin ako sa kanya. anong ibig niyang sabihin dun? "Teka alam mo ba ang pinagkaiba ni Asia kay Akari?" ang tanong ko. "Oo. At ang liwanag na nakita mo kanina ay ang tinatawag na Memory Pillar. Iyon ang liwanag na iyong nakikita sa oras na ibinabalik ng tagapangalaga ang alaalang ninakaw sa may-ari ng alaala. At dahil nagbalik na ang alaala niya, i conclude na siya si Akari," ang nakangiting sagot ni Hiro. Napahawak ako sa bibig ko sa narinig ko. Niyakap ko ang walang malay na si Akari. Dumaloy ang luha sa aking mukha dahil sa pagkasabik na maalala ako ni Akari. Tumayo naman si Europe at saka lumapit kay Akari. "I thought. I lost you. Di ko na alam ang gagawin kapag nawala ka pa, Asia,"ang sabi ni Europe at saka kinuha niya si Asia kay Hiro. Rinig namin ang paghagulhol ni Europe habang yakap si Asia. Kahit wala ako sa mood na mambatok ay binatukan ko si Aichi. "Ano ba? Dodoblehin ko ba yang pilay mo o pupuntahan mo ang asawa mo?" ang sigaw ko. "Eto na nga po. Pupunta na, ",ang sabi ni Aichi. Nagulat ako nang bigla niyang halikan si Akari sa labi. And take note: habang nasa harapan niya si Europe. Nagbangayan naman si Europe at Aichi na parang walang bukas. Napangiti naman ako ng wala sa oras. Maligayang pagbabalik, Akari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD