Chapter 20-The Dangerous Garden

3073 Words
Asia Naging usap-usapan ang naging resulta ng CILT ko. Nandito kami ngayon sa Finance Department at iniabot ang aming mga Ore Card. Dito magbabase kung magkano ang allwance namin. Kaya naman ng ako na ang kukuha ng card ay nagulat ako nang iabot sa akin ang isang clear card. "Teka, ano pong ibig sabihin nito?",ang tanong ko. "Dahil hindi mabasa ng CILT ang iyong level, Iginagawad sa'yo ng Diamond Cryystal card. ng pinakamataas na uri ng card sa lahat.",ang sabi ni Sir Tokiya. Halos mahulog naman ako sa kinauupuan ko dahil di ko inexpect na may ganitong uri ng card na nag-eexist sa mundong ito. At talagang diyamante ang gamit nila sa card na ito?! Magkano naman kaya ang allowance ko rito? "Matanong ko lang po, magkano po ang allowance ko?",ang tanong ko kay Sir Tokiya. Lumapit siya sa akin at ibinulong ang amount ng allowance ko. Parang gusto kong lagnatin sa nalaman ko. Inilapag ko ang card at ibinalik ko kay Sir Tokiya. "Di ko kayang i-handle ang isang yan. Masyadong malaki ang halaga nito!",ang sabi ko. Napabuntung-hininga naman ako dahil sinong mag-aakala na ang card na ito ay unlimited ang laman at ang chikara ko na pinakawalan ko noong nakaraan ay siyang dahilan. Umiling naman si Sir Tokiya kaya napa-buntung-hininga na lang ako. Dahil wala naman akong magagawa ay kinuha ko ang card at saka nagpasalamat kay Sir Tokiya bago lumabas ng Finance Department. Sinalubong naman ako ng mga kaibigan ko at bakas sa mga mukha nila ang pagka-excite. "So anong nakuha mo?" ang tanong ni Sakura. Ipinakita ko ang clear card na hawak ko at halos mahulog ang kanyang panga. Inaasahan ko na magiging ganito ang magiging reaksyon nila kaya naman ay agad kong itinago ang aking card. "O paano? Tayo na sa sunod nating klase. Mahirap na si Ma'am Flerris pa naman ang professor natin. Ayaw pa naman niya na may sumasabog sa laboratory,"ang sabi ni Shin. "Mukha nga. Bilisan natin lalo na't balita ko ay sa Garden of Dangerous species tayo kukuha ng sangkap para sa ating potion na gagamitn ngayon" ang sabi ni Akio. "Mukhang magiging exciting ang lahat ah,"ang sabi ni Europe. Sinamaan naman siya ng tingin nina Sakura. Mukhang masama ang kutob ko sa hardin na yon ah. May dapat ba kaming ikabahala sa aming klase ngayon? Naglakad kami papuntang Eat Wing dahil doon ang sunod naming klase. Habang naglalakad kami ay nagbibigay daan ang mga esudyante sa amin. I sense fear from them.  And this is what I hate. "Bilisan na natin baka ma-sermonan tayo ni Miss Flerris!" ang sabi ni Jun. Sumang-ayon kami kay Jun dahil baka katulad siya ni Sir Crimson na bigla na lang inaatake ng sumpong. Sa aming pagmamadali ay may nabangga akong estudyante. Parehas kaming napasalampak sa sahig. "Ano ba?! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" ang sigaw ng isang lalaki. Tiningnan ko siya at nakita kong may benda siya sa kaliwa nyang mata. Tumayo ako at saka iniabot ko ang aking kamay sa kanya. "Pasensya na! Ayos ka lang ba?"ang tanong ko at nakita ko ang pagkatulala sa kanyang mata. Tinabig niya ang kamay ko at saka tumayo siya upang pagpagan ang kanyang sarili. "Ayos lang ako. Sa susunod, matuto kang mag-ingat,"ang sabi niya at saka umalis. Huh? Ano naman bang problema ng isang iyon? Napailing na lang ako saka muling tumakbo. Pagdating namin sa laboratory ay  halos habulin naming lahat ang aming mga hininga dahil sa takot na ma-late at sa takot na ma-sermunan ng aming professor. "O? Bakit kayo mga hinihingal? Hinabol ba kayo ng Lynx?" ang malambing na tanong ng isang babaeng naka-pink na gown at may suot na witch hat. Kulay violet ang kult ngunit mahabang buhok at kulay green ang kanyang mata. "Teka sino po kayo?" ang tanong namin. Napatawa naman nang mahina ang babaeng kausap namin at saka winasiwas ang kanyang wand. Gumalaw ang laboratory apparatus at organisado itong napunta sa bawat mesa ng laboratoryo. "Ako si Alia Flerris. At ako ang inyong professor sa Potion making class," ang sabi niya at saka ngumiti ito sa amin. Nagkatinginan naman kaming lahat dahil ang akala ng lahat ay napaka-terror na professor si Miss Flerris. "Teka, sino bang nagpakalat na masungit si Miss Flerris?" ang tanong ko. "Si Sir Crimson at Sir Xerxes,"ang sabi ni Shin. "Tapos ang sabi pa nilang dalawa ay matandang hukluban daw si Miss Flerris. Kaya kapag nagsungit ay hayaan na lang daw natin dahil baka nagmemenopause ito,"ang sabi pa ni Akio. Napatingin naman kami kay Ma'am Flerris at nahalata namin ang madilim na aura sa palibot niya. "Sinabi sa inyo ni Xerxes at Crimson iyon?" ang tanong ni Miss Flerris. Napatango naman si Akio at Shin sa tanong ni Miss Flerris. Narinig kong pumitik si Miss Flerris at nakita naming lumilipad sa labas ng laboratory ang isang Hippogriff. "Baby, pwede mo bang dalhin rito ang dalawa mong kalaro? Pangako bibigyan kita ng pumpkin pie na may lamang karne kapag dinala mo sila sa akin," ang sabi ni Miss Flerris. Ipinagaspas nito ang kanyang mga pakpak at saka lumipad ng napakatayog. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari dahil paglipad nito pababa ay may narinig na kaming sumisigaw. "Lit! Ibaba mo kami ngayon din!" ang inis na sigaw ni Sir Crimson. "For Pete's sake, Lit! Hindi tayo naglalaro ngayon!" ang sigaw ni Sir Xerxes. So, Lit ang pangalan ng hippogriff na dumagit sa dalawa naming professor. Inihagis ni Lit ang dalawa naming professor sa bintana kaya napaaray sila matapos nilang sumalampak sa sahig. Gaya ng pangako ni Miss Flerris ay inihagis niya ang pumpkin pie na may karne at kinain naman yun ni Lit bago siya lumipad palayo. Nakita kong nangangatal na si Miss Flerris na bugbugin ang dalawa naming professor. Ipagdarasal ko na lang nang matiwasay ang kanilang mga kaluluwa. Pumalakpak ako ng dalawang beses at saka nagsimulang magdasal. Narinig ko naman ang pagpalakpak ng mga kaklase ko na ginaya ako. Napatingin naman sa amin ang mga professor namin na tila nababahala sa ginagawa namin. "Hoy! Baka gusto niyong pigilan si Lyra?",ang sigaw ni Xerxes. "Hindi po Sir. Ipagdadasal na lang po namin ang inyong kaluluwa. Ayaw po naming madawit sa inyong sigalot sa pagitan ninyo ni Miss Flerris," ang sagot ni Europe. "Salamat sa inyo Royal course students. Dahil diyan, doon tayo sa dungeon!" ang kalmadong sabi ni Miss Flerris at saka hinatak ang paa ng dalawa naming prof. I wonder kung saang lupalop nakuha ng professor namin upang hatakin ang dalawang professor namin. At ang sumunod na pangyayari ay narinig namin ang sigaw ng mga professors namin. Teka kung abala si Miss Flerris sa pagpapahirap sa dalawa naming prof, sinong magtuturo sa amin ngayon?  "Teka sino palang magtuturo sa atin ngayon?!",ang tanong ko. "Siyempre, ako pa rin,"ang mahinhing sabi ni Miss Flerris. Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan dahil sa biglang pagsulpot ni Miss Flerris. I thought she was at the dungeon? Paano siya napunta rito? "That was the gimmicker. I ask him to disguise as me. I told him na pwede niyang gawin ang kahit ano basta wag niya lang papatayin yung dalawa o di kaya ay pahihirapan yung dalawa in unethical way if you know what I mean,"ang sabi ni Miss Flerris. Halos malaglag ang panga ko sa kanyang ginawa. How can she tame a gimmicker na ang hilig gawin ay pagtripan ay ang mga estudyante?! Pumalkpak siya at ang mga stool sa laboratory ay umatras nang bahagya upang bigyan kami ng space upang makaupo. "I didn't have a proper introduction because of those two. Again, I'm Miss Lyra Flerris at ako ang inyong Potions class professor. At kung tatanungin niyo ako kung anong chikara ko, isa akong hybrid type. Dahil great grandmother ko ang great witch na si Astia Lakewood, ang best friend ng former Celestial Prodigy na si Queen Diana Solarius," ang sabi ni Miss Flerris. Napasigaw naman ang mga kaklase ko. Teka may alam ba sila na hindi ko alam? Halos apabuntung-hininga na lang ako sa kanilang inasta kaya naman nagtaas ako ng kamay. Napatingin naman si Miss Flerris at saka ngumiti sa akin. "Itatanong ko lang po, wala po kasi akong ka-ide-ideya kung sinu-sino ang mga dating Celestial Prodigy. Pero baka pwede niyo pong ituro sa akin? Ang dami ko na po ksing absences dulot ng pagbagsak ko lagi sa Medical Department,"ang nahihiya kong sabi. Ngumiti naman si Miss Flerris at saka kinurot niya ang aking pisngi. "Well, mukhang hindi concern ang professor mo sa estudyante niyang nahimlay ng ilang linggo ako na ang bahalang magsummarize para sa iyo," ang sabi ni Miss Flerris. "Itong hinagupak na'to Miss ang tawag niyo? Sa lakas manuntok ni Lyra, dinaig pa ang lalaking nagbubuhat ng dumbell!" ang sabi ni Sir Crimson na basang-basa. Nagtakip kami ng ilong dahil sa masangsang na amoy na aming naamoy. Nang mahalata iyon ni Si Crimson ay kinuha niya sa kanyang bulsa ang kanyang pocket watch. "Initial State: Past," ang sabi ni Sir Mitsui at binuksan niya ang kanyang pocket watch. Ang likido na bumabalot sa katawan niya ngayon ay nawala at ang amoy na masangsang naamoy. At ang likidong iyon ay  hinigop ng kanyang orasan. Napansin ko rin na sa halip na gumalaw ng clockwise at mabilis itong gumalaw ng counterclockwise. "Last state: Future,"ang sabi ni Sir Crimson. Gumalaw naman ng clockwise ang kanyang pocket watch. Sa paggalaw ng kanyang orasan ay humangin nang malakas sa loob ng laboratory. Naging matigas at solido ang  likidong bumabalot sa kanyang katawan at naging crystal ito. Humulma ito bilang isang spear katulad ng Everlasting spear na ginamit ko noong nakaraan. Humupa naman ang hangin na bumalot sa laboratory at nakita ko ang kagandahan ng sibat. Lumapit sa akin  si Sir Crimson at inabot niya sa akin ang sibat. "You should name this spear. Ikaw na ang magmamay-ari ng sibat na ito. Inalis ko na rin ang masangsang nitong amoy. It may be clearless pero magkakaroon ito ng kulay once the owner give a name,"ang sabi ni Sir Mitsui at nakita ko ang once in a blue moon niyang ngiti. Napansin ko na kulay gintong ang kanyang mga mata at ang kanyang chikara ay ang pagkontrol ng oras ay naisip ko na pangalanan ang spear base sa kanya. "Sky's Horizon spear,"ang sabi ko. Nagulat ako nang biglang lumiwanag ang sibat at nakita kong nagsama ang bughaw at kahel na kulay sa loob ng mala-crystal na spear. Nagkaroon rin ng disenyong ulap ang sibat na animo'y humalik ang langit sa lupa. Nagkatinginan naman si Sir Crimson at Miss Flerris. Hinatak ni Miss Flerris ang kuwelyo ni Sir Crimson. "Hoy Mitsui! Ipaliwanag mo sa akin ngayon din?! Sino ang batang 'to?" ang sigaw ni Miss Flerris habang inaalog-alog niya si Sir Crimson. "Will you stop shaking my body, Lyra! It hurts!" ang sigaw ni Sir Crimson at saka inayos niya ang kanyang bow tie. He fake his cough and gave a bored look at Miss Flerris. Agad ko naman itinago sa void ang Sky's Horizon spear dahil sa napakabigat nito. "She's the top scorer of the CILT. And if you asked what is level, it is unknown dahil hindi ma-detect ng sensors natin ang kanyang Chikara capacity niya. But they able to tell what is her identification,"ang sabi ni Sir Crimson. "At anong identification niya?",ang tanong ni Miss Flerris. Bumuntung-hininga naman si Sir Crimson na tila nabuburyong sa tanong ni Miss Flerris. "Celestial Prodigy,"ang sagot ni Sir Xerxes. Nanlaki ang mata namin nang makita naming naliligo sa berdeng likido si Sir Xerxes. Don't tell me, he kills the gimmicker?  "Hoy Xerxes! Anong ginawa mo sa gimmicker? ",ang sigaw ni Miss Flerris. Inirapan lang ni Sir Xerxes si Miss Flerris at saka ito tumingin kay Jun. "Jun, would you mind to make a water whirlpool around me? The gimmicker's blood stinks,"ang sabi ni Sir Xerxes. At sa halip na whirlpool ang ginawa ni Jun ay waterfalls ang ginawa nito kaya naman nadamay si Sir Crimson at Miss Flerris. "Dang it! Bakit pati ako dinamay mo?"ang sigaw ni Sir Crimson. Tumingin naman sa ibang direksyon si Jun. nagtawanan naman ang buong klase kaya naman isang sigaw ni Miss Flerris ang nagpatahimik sa amin. "Magsitahimik kayo, mga depunggal! Lahat kayo magtungo kayo sa Dangerous Garden at doon niyo pitasin ang mga kakailanganing angkap para sa paggawa ng Cordial potion!" ang nanggigil na sigaw ni Miss Flerris. Natahimik kaming lahat sa sigaw ni Miss Flerris at dali-dali naming kinuha ang libro at flask bago kami magtungo sa Dangerous garden. Mula sa East ay nagtungo kami sa Northwest part ng academy dahil doon matatagpuan ang Dangerous garden. Nang makarating kami doon ay sumalubong sa amin ang katahimikan. Sana ganito lang ang katahimikan hanggang sa makuha namin ang lahat ng sangkap. Pumasok kami sa hardin upang simulan ang aming activity. Binuklat ko ang pangtatlumpu't pitong pahina ng libro at doon ko nakita ang sangkap upang gumawa ng cordial potion. "Laway ng Giant Venus Fly trap? Sisiw," ang sabi ko. Kinalabit naman ako ni Europe ngunit hindi ko iyon pinansin. Nagfocus naman ako sa libro dahil gusto kong malaman kung para saan ang Cordial Potion. Ngunit hindi ko magawa dahil patuloy akong kinakalabit ni Europe. "Anak ng Hippogriff! Ano bang problema mo, Europe?" ang sigaw ko. "Asia! Langya! Takbo!" ang sigaw ni Europe at saka siya tumakbo. "Aba't hoy! Anong problema mo? Pagkatapos mo akong kalabitin tatakbuhan mo lang ako? Ayos ka rin eh ano?" ang sigaw ko. Narinig ko naman ang sigaw mula sa likuran ko. Kaya naman dahan-dahan akong lumingon at halos ma-istatwa ako sa kinatatayuan ko. May tumalsik naman na laway sa lupa malapit sa kinatatayuan ko kaya naman agad akong sumalok dun gamit yung flask na dala ko. Hindi ko rin alam kung saang lupalop ako ng mundo kumuha g lakas ng loob na salukin ang laway ng Venus fly trap bago ako tuluyang tumakbo. "Leche! Bakit lumilipad ang Venus Fly Trap na ito?" ang sigaw ko. Napatakbo naman ako nang wala sa oras at agad kong iniwasan ang mala-latigong baging ng Venus Fly trap na humahabol sa akin ngayon. "EUROPE! NASAANG LUPALOP KA NG CHIKARA REALM!" ang sigaw ko. Lumiko ako sa may kantuhan ng garden at sa kamalas-malasan ay tumama ang pagmumukha ko sa isang pader. Napatingala ako at tiningnan ko kung saan ako bumangga. Nang makita ko kung sino ay agad akong tumalon at niyakap siya. "Aichi!" ang tawag ko sa kanya. "Huy, tahan na. Wala nang halimaw dito. Ako lang ang halimaw dito!" ang sabi nito at nagbago ito ng anyo. Anak ng sandamukal na Barracuda! Gimmicker yung kayakap ko! Letse! Nag-anyo itong Venus Fly trap kaya naman  pumulupot ang mga baging nito. "Sky's Horizon Spear!" ang sigaw ko. Lumabas ang sibat na binigay ni Sir Crimson. "Anak ng letsugas! Lumayas-layas ka sa harapan ko bago pa magdilim ang paningin ko!" ang sigaw ko at nagsimulang umapoy ang paligid. Napahiyaw naman ang gimmicker dahil sa kasama siya sa tinupok ng apoy. Napalingon naman ako sa gawing hilaga nang marinig ko ang sigaw ng mga kaklase ko. Napatakbo naman ako sa pinanggalingan ng kanilang sigaw at sa kamalas-malasan ko ay may nakita akong penguin. Kinuha ko ang guidebook ko sa aking bag at tiningnan kung anong klase halimaw ang nasa harapan ko. "Assassin Guinaxxe?" ang sigaw ko at ang kaninang cute na penguin ay may hawak na palakol at ang mga tuka nito ay mayroong matatalas na ngipin. Napatalon naman ako dahil binato lang naman ako ng palakol! Napatakbo na naman ako nang wala sa oras. "NAPIPIKON NA AKO! SINO BANG BALIW ANG NAKAISIP NA MAGLAGAY NG GANITONG URI NG HARDIN SA LOOB NG ACADEMY?" ang sigaw ko habang patuloy na iniiwasan ang mga palakol na ibinabato nito. Sa aking pagtakbo ay nakasabay ko ang mga kaibigan ko na tumatakbo rin. "LECHE! SINABI KO NA SA INYO NA HUWAG KAYONG MAGLALABAS NG KAHIT NA ANONG PAGKAIN PERO HETO AT NAGPAKADALUHASA KAYO SA PAGIGING PASAWAY!" ang sigaw ni Kaito. "HINDI AKO ANG MAY KASALANAN! YUNG TIYAN KO BIGLA NA LANG KUMULO! ALAM MO NAMAN NA MAHIRAP GUMAWA NG ACTIVITY NG WALANG LAMAN ANG TIYAN!" ang sigaw ni Shin. Sumingit naman ako sa pag-aaway nila dahil gustuhin ko man na tumawa sa sitwasyon. "Guys?  Mag-aaway lang ba kayo! Utang na labas naman oh! Pwede bang sunugin nalang natin itong hardin? ",ang suhestyon ko. Huminga sila nang malalim habang dahil pare-parehas naming hinahabol ang mga hininga namin dahil sa patuloy na pagtakbo. "Babagsak tayong lahat kapag ginawa mo yun!",ang sigaw ni Jun. "Di ba may kasabihan, kung di madaan sa santong paspasan, mas mabuti pang daanin sa illegal na paraan!" ang sabi ko. "Takte! Wala kaming narinig na kasabihang ganyan!" ang sigaw ni Kaito. Napatigil naman ako sa pagtakbo at gumuhit ako ng buwan at araw sa lupa gamit ang spear na binigay ni Sir Crimson. "Hoy anong ginagawa mo? Huwag mong sabihin balak mo talagang sunugin ang hardin?",ang tanong ni Akio. Nginisihan ko lang sila. Alam kong aabot ako sa puntong mauubusan na ako ng pasensya. "Pasensyahan na lang po tayo, Miss Flerris! Mukhang magiging estudyante niyo ulit kami ngayong taon! Sky's Horizon Spear Spell: Flames of the Dawn!" ang sabi ko at mula sa langit ay gumawa ng solar pillar ang magic circle na ginawa ko. "Gumawa kayo ng force shield ngayon din!"ang sigaw ko. Lumaki ang magic circle at sinunog ng Solar Pillar ang lahat ng madaanan nito ay sinusunog nito. Mukhang lagot talaga ako. Aichi Nagising ako sa aking kwarto dahil sa init. Langya. Sasakalin ko talaga si Fire Prince sa oras na nakasunog na naman siya ng kusina. Dumungaw ako sa bintana katulad ng ginagawa ko kapag bagong gising ako. Ngunit nanlaki ang mata ko nang makita kong nasusunog ang Dangerous garden. Napatingin naman ako sa aking orasan at doon ko nakita na tatlong subject na pala ang hindi ko napasukan. Tiningnan ko ang registration card ko at nakita kong klase namin sa Potion Class. Anak ng Castor Fairy! Bakit naman kasi nandoon lahat ng rare na sangkap ng potion? Masama ang kutob ko sa nakikita ko, kailangan kong pumunta ng Dangerous Garden! Binilisan ko ang pagtakbo dahil delikado ang buhay ng mga kaibigan ko kapag nagkataon or else magiging huli na ang lahat para sa amin! Alam kong hindi susunugin yun Fire Prince lalo na't ibabagsak kami ni Miss Flerris sa oras na sinunog namin ang pinakamamahal niyang Dangerous Garden! Kaya alam ko kung sino ang may kakayahang sunugin ang Dangerous Garden! Walang iba kung hindi si Akari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD