Asia
Tinitigan ako nang matalim ni Aichi. Alam kong may mali at alam kong wala sa katinuan niya si Aichi.
"Cry of Undead!" ang sigaw ni Sora.
Lumabas ang mga kaluluwa mula lupa at narinig ko ang sigaw ng mga ito at patuloy nilang sinisira ang barrier. Kailangan kong gisingin ang kamalayan ni Aichi.
"Ito ba talaga ang gusto mo? Paano naman ang gusto ko?" ang tanong ko.
"Manahimik ka! Para sa'yo ang ginagawa ng lalaking ito!" ang sigaw ni Aichi.
Lumapit ako at nawasak ang barrier dulot ng liwanag na nagmumula sa mga magic circle. Naglaho naman ang mga kaluluwang tinawag ni Sora.
"Ano bang kailangan mo? Pwede bang lubayan mo na si Aichi?" ang tanong ko.
Narinig ko ang halakhak na nagmumula sa kanya. At alam kong isang sugal ang magaganap kung patuloy ko lang siyang kakausapin. Kailangan kong gawin ang nararapat. Buhay ng lahat ang nakataya rito. Huminga ako nang malalim at tinitigan si Aichi ng seryoso.
"Bakit sa dinami-raming bibiktimahin mo ay si Aichi pa?"ang sigaw ko at lalong lumiwanag ang mga magic circle.
"Kung ganun, ikaw pala ang dilag na nais iligtas ng binatang ito? Hmm. Mukhang sagana ka sa chikara kaya naman lilipat ako sa katawan mo!" ang sabi ng nilalang na nasa katawan ni Aichi.
"May kasunduan tayo! Huwag mong gagalawin si Akari!"ang sigaw ni Aichi.
"Lux sancta estucheon!",ang sigaw ko at saka binalutan si Aichi ng Holy light shield.
Nataranta ang nilalang na kumokontrol sa isipan ni Aichi nang hindi niya magawang lumabas sa shield. Lumabas siya sa katawan ni Aichi at patuloy ang kanyang pagwawala.
Inilabas ko ang sibat sa aking kamay. Hinigpitan ko ang hawak ko dun at tinitigan ang kaluluwang patuloy na nagwawala.
"Kailangan mo nang humimlay sa lugar kung saan pinaparusahan ng langit ang katulad mo," ang sabi ni Sora at nakita ko ang isang kalawit.
"Sandali lang, Sora! Mamamatay si Aichi kapag itinuloy mo ang pagtarak mo ng iyong sandata! Ipaubaya mo sa akin ang isang ito," ang sabi ko.
Napahinto naman si Sora. Naririnig ko ang nakakairitang halakhak ng aming kalaban. Niyakap naman ako ni Sora kaya naman wala akong nagawa. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga.
"Akari. Masakit isipin na wala akong magagawa sa pagkakataong ito. Kaya kung anuman ang iniisip mo, huwag mo sanang ipapahamak ang sarili mo," ang sabi ni Sora.
Ngumiti naman ako at tinitigan nang matalim ang kaluluwang kumokontrol kay Aichi. Anuman ang maging desisyon ko ngayong gabi, nawa'y hindi ko sana pagsisihan pagdating ng panahon.
"Nais mo ba talagang tapusin ang buhay ng isang ito binibini? Mamamatay ang binatang ito sa oras na itinarak mo ang sibat na iyan sa kanyang katawan!" ang sigaw ng isang kaluluwa.
Ngumiti ako nang mapait. Di ko akalaing hahantong kami sa ganitong sitwasyon. Isang desisyon ang maaaring bumago sa lahat. Kung sasaksakin ko si Hamilton ng sibat, maaari siyang mamamatay. Kaya naman sa pagkakataong ito isa na lang ang naiisip kong paraan. Lumapit ako kay Sora at saka bumulong.
"Sora, kailangan mong magtiwala sa akin. Kahit na anong mangyari," ang sabi ko.
"Hoy! Kaluluwang panget! Lumabas ka sa katawan ni Hamilton! Hindi ba naeenganyo kang kunin ang katawan ko dahil sagana sa chikara?" ang pag-uudyok ko sa kaluluwa.
Nanlaki ang mata ni Sora sa sinabi ko. Alam kong magagalit siya sa oras na sinabi ko sa kanya ang buong plano. Akmang lalapit si Sora nang pigilan siya ni Artemis at Apollo.
"Pasensya na kung dinamay ko kayo sa plano ko. Hawakan niyo si Sora. Magiging hadlang siya sa plano ko,"ang sabi ko.
"Akari! Patayin mo na ako! Huwag kang magdadalawang isip na gawin iyon! Kasalanan ko ang lahat! Kung hindi ko lang sana itinakas ang kwaderno sa kagustuhang iligtas ka sa mangyayaring propesiya, eh di sana!" ang sigaw ni Aichi.
"Hindi ako si Akari. Pero nangako ako sa kanya na poprotektahan ko kayo. Kahit na anong mangyari. Kaya desisyon kong hindi ko hahayaang may masaktan ang kahit sino sa inyo," ang sabi ko.
Inalis ko ang light shield sa paligid ni Aichi. Dali-daling lumabas sa katawan ni Aichi ang kaluluwa.
"Sigurado ka na ba, munting binibini? Kung gayo'y ihanda mo na ang iyong sarili!" ang sabi niya at dali-dali siyang lumipad patungo sa aking katawan.
Tumawa ako nang malakas at alam kong hindi niya makokontrol ang aking isipan at katawan.
"Anong nangyayari?" ang sigaw niya.
"Maligayang pagdating sa aking mundo. Kung saan hindi ka na makakapanggambala pa. At kung iniisip mong ligtas ka na, nagkakamali ka,"ang sabi ko at saka tumawa nang malakas.
Naririnig ko ang boses niya. Punong-puno iyon ng takot.
"May kasunduan tayo! Mamamatay ka kapag pinatay mo ako!" ang sigaw niya.
"Wala akong naalalang may usapan tayo. Oras na para mamaalam. Iniectum telum meis," ang sabi ko.
Ang liwanag na nagmumula sa mga magic circle ay unti-unting gumapang sa aking sibat. Nang mabalot na nito ang sibat ay saka ko iyon itinarak sa aking katawan. Ang sunod kong narinig ay ang sigaw ni Aichi at Sora.
"ASIA!" ang sigaw ni Aichi.
Binunot ko ang sibat sa aking katawan at kasama nitong lumabas ang kaluluwang na-trap sa aking katawan. Naririnig ko ang pagtangis ng kaluluwa. Nakikita ko ang pagkakaroon ng bitak sa kanyang katawan. Tuluyang nagpira-piraso ang kanyang katawan hanggang sa dalhin na ng hangin ang kanyang abo. Buti na lang at epektibo ang ikinast ko na spell sa sibat dahil kung hindi ay nagliliwaliw na ako sa kabilang buhay.
"Di ba sabi ko sayo, magtiwala ka?" ang sabi ko at saka nag-thumbs up lang sa kanila.
Napaluha naman si Sora kaya naman binitawan siya ni Artemis at Apollo. Tumakbo naman si Aichi at niyakap ako. Nawalan kami ng balanse at parehas kaming natumba sa damuhan.
"I'm sorry. I'm sorry. Sa kagustuhang bigyan ka ng normal na buhay, heto at lalo pa kitang pinahamak,"ang sabi niya at naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.
"Hindi ko hiniling na ibalik mo ang dati kong buhay. Dahil simula pa lang na iligtas mo ako sa mga nagtangka sa buhay namin, na-realize ko na hindi muling magiging normal ang buhay namin. Kaya kaysa sa sisihin ko ang tadhana ay napagdesisyunan kong protektahan ang mundong ito sa abot nang makakaya ko. At walang magbabago dun. Dahil iyon ang itinakdang mangyari. Wala na tayong magagawa. Nandiyan na eh,"ang sabi ko at saka hinaplos ko ang kanyang buhok.
Hinatak naman ni Sora si Aichi at ibinalibag niya ito sa may lawa. Napabangon naman agad ako at nakita ko na lumikha naman ng malaking saboy ng tubig ang pagbagsak ni Aichi sa lawa. Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Sora. Kitang-kita ko ang inis sa mga mata niya.
"Ganun na lang yun? Pagkatapos mo kaming bigyan ng matinding sakit ng katawan at bigyan ng walang humpay na kaba, sorry lang ang sasabihin mo? Di sapat ang sorry lang!" ang sigaw ni Sora.
Lumangoy naman paibabaw si Aichi at bumuga ng tubig. Halatang na-buwiset din ito sa pagbalibag sa kanya ni Sora.
"Ano bang problema mo? Kung nagagalit ka dahil sa sinapak kita kanina sa dorm, deserve mo yun! Isa pa, nagsorry na ako! Ano pa bang kulang?",ang sigaw ni Aichi.
"Di sapat ang sorry lang! Dapat sorry with Chateau Margaux at lechon belly! Ganun!"ang sigaw ni Sora.
Lumangoy si Aichi pabalik sa gilid ng lawa at saka umahon. Sinamaan niya ng tingin si Sora at nagsimula na naman silang mag-away. Muli naman akong napatingin at naalala ang ginawa ko sa sibat. Eto ang tinatawag na Everlasting Spear. May kakayahan itong pumatay ng mga undead at phantom na may kakayahang pumasok sa katawan ng ibang tao. Ngunit hindi ko kayang gawin iyon habang nasa loob iyon ng katawan ni Aichi.
"Tayo na magpahinga, lalo na't may CILT pa tayo bukas," ang sabi ko at nakaramdam ako ng antok.
Nawalan ako ng balanse at may isang taong sumalo sa akin.
"S-Sora?" ang sabi ko ngunit nagulat ako nang makita ko kung sinong sumalo sa akin.
Ang bilis naman ata niyang matuyo? Hindi ba basang-basa siya dahil umahon siya sa lawa? At nasaan si Sora?
"I'm afraid, he's swimming right now in Moonlight Lake,"ang sabi ni Aichi.
"Paano?" ang tanong ko.
"I froze the water in my clothes and turned them into ice dust. Kaya ngayon tuyong-tuyo na ako," ang sabi ni Aichi.
Napalingon naman ako sa may lawa at katulad nang nangyari kanina kay Aichi ay napabuga rin ng tubig si Sora. I'm glad they're safe. Ipinikit ko ang aking mata dahil inaantok na ako. Sana naman sa hindi ko na mapanaginipan na mapapahamak ang mga mahal ko sa buhay.
Aichi
Nakatulog sa sobrang pagod si Akari kaya naman binuhat ko si Akari. Naalala ko ang kwadernong nakakalat sa lupa. Walang sinuman ang dapat makapagbasa ng kwadernong iyon.
"Lockhart Spell: Holy Light flames!" ang pagkacast ko ng spell at saka sinunog ang kwaderno.
Paalis na sana ako nang may biglang humatak sa damit ko. Isa lang ang kilala kong hahatak nang wagas sa damit ko.
"What the hell is your problem, Williams?" ang sigaw ko.
"Nothing, dumbass," ang sabi ni Sora.
Aba't ang lakas rin mambwisit ng lalaking ito? Binitawan niya ang aking damit at saka naglaho na lang parang isang kaluluwa. Inilabas ko ang Ice wings ko at saka lumipad sa girl's dormitory. Dumaan ako sa bintana ng kwarto ni Akari dahil mas convenient iyon kumpara sa pagdaan sa main entrance ng dormitory. Inihiga ko siya sa kama at saka muling lumipad pabalik sa lawa. May kailangan lang akong malaman. Pagdating ko sa lawa ay nakita kong nag-aabang ang kumag.
"Akala ko, hindi mo napansin. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng bagay na iyon rito. Pero maaaring iyon ang susi upang maibalik ang alaala ni Akari," ang sabi ni Sora.
Tumalon naman ako sa lawa at lumangoy sa kailaliman nito. Bumungad sa amin ang isang bolang crystal na nagliliwanag.
"Mnemosyne's memory crystal ball. Pero anong ginagawa nito rito?" ang tanong ko sa isipan ko.
Lumangoy naman ako palapit sa bolang kristal at saka kinuha ito. Sumenyas naman ako kay Sora na lumangoy kami pataas. Nang maka-ahon na kami ay agad naming hinabol ang aming mga hininga.
"Anong balak mo sa Memory crystal ball na yan?" ang tanong ni Sora.
"Kailangan nating kausapin si Satsuki. Malamang makakatulong siya sa atin," ang suhestyon ni Sora.
Bumalik kami sa pampang ng lawa at pinagmasdan ang bolang kristal. Sana ito na nga ang susing hinahanap namin.
Asia
Tumama sa aking mukha ang sinag ng liwanag na nagmumula sa araw. Iminulat ko ang aking mata dahil ramdam ko ang init na nagmumula rito.
"Umaga na? Ang bilis naman ata? Gusto ko pang matulog," ang sabi ko.
Tinakpan ko ang aking mukha ng unan upang di ko makita o maramdaman ang sikat ng araw. Napabangon naman ako nang biglaan at hinanap ko ang aking alarm clock. Napasigaw naman ako nang makita ko ang oras. Leche! Kasalanan 'to nina Aichi!
"Late na ako! Kainis bakit hindi ko narinig yung alarm ko? Huli na ako sa CILT!" ang sigaw ko.
Agad akong naligo at nagpalit ng combat uniform. Kinuha ko ang suklay ko at kumuha rin ako ng sandwich sa cupboard. Agad akong tumakbo palabas ng dorm at saka nagcast ako ng celestial wings upang mabilis akong makarating sa arena. Habang nasa ere ako ay kinain ko ang sandwich na nakahanda sa cupboard. Wala pa man ako sa may arena ay naririnig ko na tinatawag na ng emcee ang pangalan ko. Kailangan kong magmadali or else next year na ako makakapagtake ng CILT. Nilunok ko ang huling piraso ng sandwich at kinuha ang flask na naglalaman ng tubig. Naririnig ko rin ang mga insulto ng mga estudyante na hindi makapaghintay sa aking pagdating. Napbuntung-hininga na lang ako sa mga narinig kong insulto. Dahil samu't saring insulto ang narinig ko, I think the mess with the wrong person. Ipinocus ko ang chikara sa buong bubong ng arena. Lumabas ang mala-bahaghari na magic circle at narinig ko ang sigaw ng mga tao sa loob. Lumikha ng walong layer ang magic circle ang magic spell na nasa isipan ko.
"Quod caelestia Lucis!" ang pagkacast ko ng spell.
Isang malakas at malaking na liwanag mula sa langit ang sumira ng bubong ng arena. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong hindi lang basta spell ang ginamit ko. Kaya na nitong bumura ng lugar sa mapa! Nang humupa na ang liwanag ay narinig ko ang sigaw ng buong Royal Section.
"BALAK MO BA KAMING PATAYIN? ",ang sigaw nila.
Nagpeace sign lang ako at nakita ko ang mga natulalang estudyante. Bakas rin sa mukha nila ang trauma dulot sa pinakawalan kong atake. Napaupo naman sa sahig ang mga teachers at professors ng tatlong department na siyang nagcast ng pinagtibay na force field. Nakita ko naman na napahilot ng sentido si Headmaster Satsuki.
"So sinong siraulo ang nagpasimuno ng pang-iinsulto sa akin? Tinanghali lang ako ng gising kung anu-ano na ang aking narinig? ",ang sigaw ko at saka itinuro nila si Frith.
Nakita kong ibinato ng mga estudyante pabalik ang mga Chi kay Frith. At samu't saring reklamo ang kanyang natanggap. Lumapag naman ako sa gitna ng arena. Mukhang matinding pinsala talaga ang tinamo ng arena. Patawarin nawa ako ng mga construction elves. Nagpadausdos pababa ng crater si Europe at saka binatukan ako.
"Nababaliw ka na ba? Anong naisip mo at ginamit mo ang Celestial Spell sa araw ng CILT? Balak mo bang burahin ang buong arena sa mapa? Kung may balak ka dapat si Frith na lang!" ang sermon ni Europe.
"Hoy babaita! Mukhang tataas na naman ang expenses ng academy sa ginawa mo sa arena!" ang sabi ni Sakura.
Napabuntung-hininga na lang ako at saka pumitik ako. Bumalik sa dating ayos ang buong arena na siyang ikinagulat ng mga estudyante. Tumingin naman ako kay Frith na ngayon ay gulo-gulo ang buhok dahil sa mga estudyanteng sinuhulan niya.
"Sa oras na insultuhin mo ako, siguarduhin mong sa susunod ay makakailag ka,"ang sabi ko at saka hinawi ang mahaba kong buhok sa likod.
May manners naman ako ang ayoko lang sa lahat ay yung iinsultuhin ako. It's like digging your own grave once na magkamali sila. Napatingin naman ako sa screen at nakita ko na sagana ito sa question mark.Tiningnan ko kung para saan ang monitor na yun at doon ko nakita na isa iyong level meter. Hala! Ibig sabihin ba nito na hindi nabasa ng monitor yung chikara na aking inilabas kanina? Sayang naman kung ganun! Pero mas nanlaki ang mata ko sa Identification ko. Sa ngayon ay dapat ko na bang tanggapin na totoo ang sinasabi sa akin nina Aichi na ako si Akari? Dahil hindi ako makapaniwala na ang nakalagay sa monitor ay ang salitang Celestial Prodigy.