Europe
Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang manggaling sa Custodium at sa wakas ay na-discharge na sa Medical Department si Asia. Ngayong nalaman namin na interesado sa kanya ang Phantom Prince ay mas lalo naming kailangang mag-ingat. Masyado nang masakit sa ulo ang mga nangyayari.
"Huwag mo ditong idamay si Akari!" ang sigaw ng isang boses.
Napatingala naman ako at napatingin ako sa professor namin. He slammed his hands on my desk. Looks like I summoned a beast from underworld based on his expression. I heard him sigh kaya naman itinuon ko ang aking atensyon sa discussion.
"Gaya nga ng sinasabi ko, kailangan niyong i-kundisyon ang sarili niyo para sa paparating na CILT. Dahil sa performance niyo ibabase ang ranggo ng CILT," ang sabi ni Sir Crimson.
May nagtaas naman ng kamay upang magtanong. Nakasalamin siya at naka-bobcat ang gupit ng buhok. Maputi ito at katamtaman lang ang height. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang anak ng Marquis ng Crowley sa kaharian ng Terra.
"Sir, paano po ang CILT natin? Ayon po sa mga upper classmen,di ba po last year, kailangan masira ang Realm Jewel? Kaya po nais po naming malaman kung anong klaseng CILT ang gagawin po namin ngayon?" ang tanong niya.
Napangiti naman si Sir Crimson at saka nilaro ang chalk sa kanyang kamay.
"Sa ngayon wala pang nakakaalam kung anong pagsusulit naman ang gagawin sa CILT," ang sabi ni Sir Crimson.
Napasigaw naman kaming lahat sa kanyang sinabi. Paano kami makakapaghanda sa CILT kung hindi namin alam ang exam na pagdadaanan namin? Ano to'? Magreready kami pero bahala na kaming bumagsak sa CILT? Itinaas ko ang aking kamay upang magtanong at nakita kong ngumisi si Sir Crimson. Mukhang inaasahan niya na baka umangal ako sa kanyang sasabihin.
"Inaasahan ko na ang iyong pagtatanong, Mr. Ashbell. Anong nais mong malaman?" ang tanong ni Sir Crimson.
"Hindi po ba kami magmumukhang katawa-tawa sa darating na CILT? Biruin niyo wala kaming kaalam-alam sa mangyayaring exam pero heto at para kaming susugod sa giyera ng walang armas. And yet, pinagreready niyo kami sa isang pagsusulit na walang kasiguraduhan? Hindi po ba parang tinapon lang po namin ang effort, panahon at pagod po namin?"ang tanong ko kay Sir Crimson.
Nagpunta naman sa may unahan si Sir Crimson at nagsulat ng kung ano sa pisara. Hindi ko iyon maintindihan dahil parang naasinang uod ang nakasulat sa pisara.
"Aww. Shucks. So ang Legendary Council pala ang magbibigay ng pagsusulit ngayong taon,"ang sabi ni Sakura.
Legendary what? May dapat ba akong ikabahala sa kanilang mga reaksyon. Mukhang badtrip rin si Sir Crimson sa kanyang sinusulat.
"Kahit kami ay walang magawa sa kanilang pakulo. Tama ka Miss Rogue. Ang Legendary Council ang magbibigay ng pagsusulit. Kaya kahit ang Headmaster ay walang kaide-ideya sa mangyayari," ang sabi ni Sir Crimson.
Napabuga na lang ako ng hangin lalo na't ito ang una naming performance exam ni Asia. Kaya nababahala ako na baka mapasubo na naman si Asia sa mangyayari. Bagamat na-discharge na siya sa Medical Department ay hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. Nang matapos na ang klase ay agad akong nagtungo sa Girl's Dormitory. Umakyat ako sa isang puno at nang maabot ko na ang level ng bintana ng kuwarto ni Asia ay agad akong tumalon dito. Nakita kong natutulog na naman siya. Gamit ang telekinesis ay binuksan ko ang bintana mula sa loob. Inayos ko ang comforter niya at inipinantay ko hanggang balikat niya.
Masyadong maraming nangyari sa mga nagdaang araw. Ngunit wala akong magawa. Tama nga siguro ang sinabi ni Tanda. Masyado akong mahina. Kailangan kong maging malakas. Kailangan kong protektahan ang pamilya ko. At si Asia lang yun. Wala nang iba pa. Pumunta ako sa kusina at ipinagluto ng sopas si Asia. Saan pa nga ba sila nagpunta noong gabing iyon. Ang sinabi lang ni Tanda ay nagkaroon sila ng engkwentro sa Phantom Prince. Pagkatapos nun, ay wala na silang iba pang nabanggit.
"Eu? Ikaw ba yan?" ang tanong ni Asia.
Humarap ako kay Asia at nanlaki ang mata ko nang makita kong naging ginto ang kulay ng kaliwa niyang mata.
"Eu, sopas ba yan?",ang tanong ni Asia.
Natulala ako sa nakita ko. Niyakap ko si Asia nang mahigpit at sunod kong pinakawalan ang luhang matagal ko nang gustong ilabas.
"I'm sorry. I'm sorry, "ang tangi kong nasabi.
"Ano bang sinasabi mo? Ginawa niyo yun di ba para protektahan ako? Wag ka ngang umiyak diyan!",ang sabi ni Asia.
Napahagulhol na lang ako dahil hindi ko deserve ang kanyang kabaitan. Di niya deserve magkaroon ng kapatid na mahina.
"Eu, kung mananatili kang nakayakap sa akin, baka maging inihaw na sopas yung kakainin natin," ang pagbibiro ni Asia.
Agad kong pinunasan ang aking luha at initindi ko ang aking niluluto. Umupo naman siya sa upuan sa may dining table. Isinalin ko ang sopas sa tupperware at ipinagsandok ko siya ng isang mangkok na sopas.
"Anong tinatayo-tayo mo diyan? Tulungan mo akong ubusin ito!" ang sabi ni Asia.
I wish ganito lang kasimple ang buhay namin. Pero dahil sa madaming humahadlang sa kagustuhan naming iyon, wala kaming magagawa kung hindi ang lumaban para sa mga buhay namin.
Aichi
Patuloy pa rin akong nagbabasa ng mga libro rito sa library at wala akong ibang makitang solusyon. Ayokong mawala si Akari.
"Wala na ba talagang ibang paraan?" ang sigaw ko at kasunod nun ay ang pagtunog ng bell ng librarian.
Napatingin naman sa akin ang mga estudyante na halatang nagulat sa ginawa ko.
"Paumanhin sa aking naidulot na abala,"ang aking nasambit at pinulot ko ang librong nagkalat sa sahig.
Muli namang bumalik sa kanilang ginagawa ang mga estudyante. Napabuga naman ako ng hangin dahil sa wala sa mga librong ito ang makakatulong sa sitwasyong kinahaharap namin. Hindi ako maaaring sumuko. Ayokong maulit ang nakaraan. Pagod na akong masaktan. Napansin ko ang isang bughaw na kwaderno at binuksan ko iyon. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang hinahanap kong impormasyon. Agad kong itinago ang kwaderno at ibinalik ang mga hiniram kong aklat. Bumalik ako sa dormitoryo at doon ko binasa ang mga kakailanganin upang maalis kay Akari ang pagiging Celestial Prodigy. Sa wakas, nahanap ko na ang solusyon upang hindi na muling mawala
Asia
Dalawang linggo na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa ring gumawa ng bagong atake. Nalaman ko rin na gaganapin na ang CILT bukas kaya naman puspusan ang paghahanda ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng bote sa aking mukha at nang tingnan ko kung kanino nagmula ang bote ay nakita ko ang maamong mukha ni Aichi.
"Pinapagod mo na naman ang sarili mo. Gusto mo ba talagang magpahinga ulit sa Medical Department?" ang tanong ni Aichi.
Napatawa naman ako sa sinabi niya. Halos hawakan ko ang aking tiyan sa kanyang biro. As if gugustuhin ko pang manatili sa Medical department eh halos isumpa ko nga ang lugar na iyon ng ilang linggo. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Aichi na tila hindi ito nagbibiro sa kanyang sinabi.
"Wag kang mag-alala. Hindi pa ako mawawala. Di ba, My King?",ang sabi ko.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Agad ko naman binawi dahil baka umasa siya sa wala at akalain niya talagang ako si Akari.
"Joke lang. Nakita ko ang journal ni Akari sa may library,"ang sabi ko.
Tumayo siya at naglakad siya papalayo.
"Hindi mo alam ang pakiramdam ng umaasa, Asia. Kaya sana, sa susunod na gawin mo yan, siguraduhin mong totoo iyan. Kasi sa totoo lang nakakapagod na maghintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan," ang sabi niya.
Patay mukhang nagalit sa joke ko si Aichi. Tumayo ako at saka hinabol ko si Aichi.
"Aichi, sandali!" ang pagtawag ko.
Nakita ko ang naiinis na tingin ni Aichi. I cleared my throat to clarify some things.
"Hindi ko dapat ginawang biro ang pagtawag sa'yo ng My King.Pero noong sinabi ko sa'yo na hindi ako mawawala. Totoo yun. Alam mo kung bakit? Natatakot akong lumisan mag-isa. Natatakot akong iwan kayo, kung sakali mang dumating ang pagkakataong iyon,"ang sabi ko.
Humarap siya sa akin at naglakad siya patungo sa direksyon ko.
"Paano ba kita matitiis kahit isang segundo lang?" ang sabi niya at saka niyakap ako nang mahigpit.
Napatawa naman ako sa kanyang sinabi. Ewan ko ba kung bakit ako kinikilig. That was supposed to be his words on his fiance, Akari. Sumubsob ako sa kanyang dibdib at naamoy ko ang lavender sa kanyang long sleeve. Alam kong magiging selfish ako sa aking hihilingin pero pwede bang ako na lang?
"Nagbago ka man ng katauhan,pangalan o hitsura. Mamahalin kita, makailang reincarnation ka man," ang sabi ni Aichi.
So naniniwala siyang ako talaga si Akari?
"Ang mabuti pa, maghanda na tayo para sa paparating na CILT,"ang sabi ko.
Hinatak ni Aichi ang isa kong braso.Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata pero agad niya iyong pinunasan.
"Gusto mo ba talagang magpatuloy? Kaya kong alisin ang chikara mo upang mamuhay ng normal.Pag-isipan mo sana, Akari,"ang sabi ni Aichi.
Nalakad siya papalayo at iniwan akong nakatunganga. Anong ibig niyang sabihin? Napailing na lang ako at nagdesisyon na bumalik ng girls' dormitory upang magshower. After nun ay naisip kong ipag-bake ng cake si Eu. Gustong-gusto nun ang Blueberry cheesecake. Mukhang buryong na ang isang iyon sa pag-eensayo.
Nang matapos na ako ay nagtungo ako sa boys dormitory upang bisitahin si Eu. Pagpasok sa may lobby ay nanlaki ang mata ko sa naabutan kong kaguluhan.
"Sa tingin mo ba matutuwa si Asia sa gagawin mo?"ang sigaw ni Sora na patuloy inaawat nina Akio at Shin.
"Ginagawa ko ito para sa sarili niyang kapakanan! Kaya huwag mo akong pigilan, Sora!" ang sigaw naman ni Aichi.
Patuloy namang inaawat nina Kaito si Aichi. Nakita ko ang mga pasa sa kanilang mga mukha. Patuloy pa rin sa pagpalag yung dalawa kahit na inaawat na sila.
"Bitiwan niyo ako! Hayaan niyo akong basagin ang bungo ni Ice Prince! Mukhang nasobrahan sa lamig ang utak niya!" ang sabi ni Sora.
"Nahiya naman ako sa utak mong tumatagos! Baka gusto mong i-solidify natin yan baka sakaling magamit mo nang tama!" ang sigaw ni Aichi.
Naririndi na ako sa away ng dalawang ito. Dahil hindi nila ako napapansin ay humakbang ako at lumabas ang tatlong magic circle sa aking paanan.
"Titigil kayo o ibabalibag ko kayo palabas ng dormitory?" ang tanong ko.
Napalunok naman sina Aichi sa aking tanong . Napatago naman sina Kaito sa likuran ng mga couches at samantalang sina Shin ay gumawa ng kani-kanilang mga shield gamit ang kanilang mga chikara.
"Asia, let us explain! Kumalma ka muna! Pwede!" ang pakiusap ni Sora.
"Utang na labas, Asia! Wag mong pasabugin ang dormitory! Lagot tayo sa mga construction elves!" ang sigaw ni Aichi.
Ngumisi ako sa naririnig ko sa kanila. After nilang magsapakan na parang walang nagyari ay nakikiusap sila sa akin ngayon na kumalma ako? Pwes! Galit na galit na ako!
"Eh di kayo ang gumawa ng dormitory? Batak naman siguro ang mga kalamnan at buto niyo, hindi ba?" ang tanong ko sa kanila.
"Teka, Asia! Huwag!" ang sigaw nung dalawa.
Pinakawalan ko ang enerhiya pero nagulat ako nang biglang sumulpot si Sir Apollo at ang isang babaeng kamukha niya ngunit itim naman ang buhok nito at nagcast sila ng pinagsamang magic circle at hinigop lang nito ang atakeng pinakawalan ko. Halos umakyat naman ang dugo ko sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Putek, lagot ako nito. Nakita ko ang pagbuntung-hininga nina Sora at Aichi.
"Nice timing, Apollo, Artemis!" ang sabi ni Shin.
"Akala ko, magiging alila na kami for one year," ang sabi ni Sora.
Sinamaan naman sila ng tingin ni Sir Apollo at lumapit siya sa akin.
"Master naman! Balak niyo ba talagang burahin sa mapa ang Boys' Dormitory? Paano kung hindi kami dumating eh di sana wala na kayong cute na fiance?"ang sabi ni Sir Apollo.
"Ha? Ako po ba tinutukoy niyo?"ang tanong ko.
Napaturo naman ako sa sarili ko. Lumingon-lingon pa ako sa paligid ko at tiningnan kung may iba pa bang tao na pwedeng tawaging Master. Tumingin ako kina Jun pero nagkanya-kanya silang tingin sa iba't ibang direksyon.
"Hoy! Huwag niyo akong echepwerahin dito! Nagtatanong ako dito kaya sana naman sagutin niyo ako nang maayos!"ang sigaw ko.
"Kayo nga po ang tinutukoy namin. Kayo ang master namin ni Apollo. Kami ang inyong Custos,"ang sagot ni Artemis.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Artemis. Teka yung prof namin? Custos ko? Parang mababaliw ata ako sa nalaman ko. Napatingin naman si Sir Apollo sa hawak kong basket.
"Maiba nga pala ako, Master. Ano pong ginagawa niyo rito sa Boys' Dormitory? Sa pagkakaaalala ko ay bawal ang babae rito?"ang tanong ni Sir Apollo.
"Dinadalaw ko lang ang kapatid ko. Alam kong nabuburyong na yun kakaisip kung paano i-eenhance ang kanyang chikara,"ang sabi ko.
"Oh paano? Iiwan ko muna kayo. Kailangan kong makausap si Eu.",ang sabi ko at dumiretso ako sa kanyang kwarto.
Pagkarating ko sa kanyang kuwarto ay naabutan ko siyang pinapalipad ang mga libro. Sa sobrang inis niya ay sumigaw siya at hindi sinasadyang pagkakataon ay nawalan siya ng kontrol sa mga libro kaya naman tumama sa mukha ko ang isang hard bound na libro. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya ang ending napahiga ako sa sahig. Narinig ko ang pagsigaw ni Eu at dali-dali siyang tumakbo sa tabi ko. Minsan napapaisip ako kung isa ba akong taga-salo ng sumpa sa nakaraang buhay ko at sunud-sunod na kamalasan ang aking nararanasan.
"Hey! Asia! Wake up! Asia! Hoy! Tulungan niyo kami!" ang sigaw ni Eu.
Sunod-sunod na yabag ang aking narinig at nakita ko ang pagdating nina Headmaster Satsuki. Langya, ang laking gulo nito. Agad naman akong bumangon. Bumewelo pa ako at tumungo muna ako pansamantala.
"Asia! Okay ka lang ba?" ang tanong ni Jun.
Tiningnan ko sila nang matalim dahil sa inis. Meron bang okay after tamaan ng hard bound na libro? Sana okay lang sila?
"Gusto mo bang dalhin ka na namin sa Medical Department?" ang tanong ni Aichi.
"Huy, baka sunod naman niyang pasabugin ang Medical Department sa sobrang OA ninyo!"ang pagbibiro ni Shin.
"Actually magandang ideya yan, Shin. Kaya wag niyo akong dadalhin dun ngayon!"ang sabi ko.
Hinila naman ni Aichi ang kamay ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Your nose. It's bleeding,"ang sabi niya.
Napairap na lang ako. Huwag niyang sasabihin na nang dahil lang sa nagdurugo kong ilong ay dadalhin na naman nila ako sa Medical Department?
"Don't you dare to bring me in Medical Department or else!" ang pagbabanta ko.
Hinila na naman ako ni Aichi at isinandal sa pader.
"Or else what, My Queen? " ang tanong niya.
Natulala ako sa kanyang sinabi. Masyadong siyang malapit sa mukha ko. At nakikita ko ang nangingintab niyang kulay rosas na labi at naamoy ko ang mint sa kanyang hininga. Nag-iwas ako nang tingin at saka lumayo sa kanya.
"Europe. O Blueberry cheesecake. Kainin mo tapos bigyan mo 'tong mga 'to! Napapraning na naman sila,"ang sabi ko at saka inabot kay Eu ang basket na dala ko.
Naglakad naman ako palabas naman ng Boys' Dormitory. Naalala ko na naman ang mukha ni Aichi kanina. Halos takasan naman ako nang sarili kong diwa sa ginawa niya kanina. Lord! Bakit naman po sobrang biyaya po ang inihasik po ninyo sa mundong 'to?! Kaysa naman magdrama ako dito na parang isang baliw ay napagdesisyunan ko na lang bumalik sa dorm para matulog lalo na't bukas na CILT.
Sora
Naiinis pa rin ako kay Aichi. Ano na namang pumasok sa tuktok ng isang yun?! Paano niya nakuha ang libro mula sa Forbidden Archives? Alam niya bang buhay ang magiging kapalit kapag inalis niya kay Asia ang pagiging Celestial Prodigy? As if, hahayaan iyon ni Asia. Kung sa nakaraang buhay niya nga ay kinailangan niya pang kuryentehin si Aichi upang mabuhay ngayon pa kayang desido na siyang bigyan ng normal na buhay si Asia? Kailangan kong siguraduhin na hindi matutuloy ang binabalak niya. Bumangon ako sa aking kama at sinuot ko ang coat ko.
"Seula, Arius,"ang pagtawag ko sa mga custos ko.
"Master, ano pong maipaglilingkod po namin?" ang tanong ni Seula.
"Tulungan niyo akong pigilan ang binabalak ni Aichi. Tulungan niyo ako pigilan ang kabaliwan niya,"ang pakiusap ko.
Lumuhod silang dalawa at natulala naman ako sa kanilang ginawa.
"Maasahan niyo po kami, Master,"ang sabi ni Arius.
Nagulat naman ako nang biglang nagliwanag ang kamay ni Seula at may lumabas doon na lubid.
"Nasaan na po ang igagapos po namin, Master?" ang tanong ni Seula.
Halos matumba naman ako sa aking kinatatayuan. Jusko, mapipigilan kaya niyan ang baliw kong pinsan?
"Mukha lamang po itong ordinaryong lubid ngunit ito po ang lubid ng underworld. Kaya nitong higupin ang pisikal na lakas ng sinuman.",ang paliwanag ni Arius.
Napahawak naman ako sa aking sentido. Mukhang magiging sakit sa ulo ang gagawin namin. Agad kaming lumabas ng kuwarto at pumuslit sa kuwarto ni Ice Prince. Pagpasok namin sa kuwarto ay isang ice spear ang nakatutok sa aking mukha.
"Anong ginagawa niyo sa kuwarto ni Master?"ang tanong ni Glacier.
"Nasaan si Aichi? Nasaan ang master ninyo?" ang tanong ko.
"Ginagawa ang lahat upang bigyan ng normal na buhay si Lady Asia," ang sabi ni Ice.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nina Ice. So talagang itutuloy nila ang kabaliwang nakapaloob sa kwaderno?!
"Master! Sundan niyo na po sila! Kami na po ang bahala rito! Iligtas niyo po si Prince Aichi at Lady Asia!"ang sigaw ni Seula!
"Ipangako niyo sa akin na hindi kayo mamamatay!" ang sigaw ko at agad akong nagtransform bilang multo at saka lumipad upang hanapin sina Asia.
Nakarating ako sa lawa at naabutan ko ang baliw kong pinsan na sinisimulan ang ipinagbabawal na ritwal. Aba't malakas ata ang pagkakabagok ng ulo niya! Lumipad ako papunta sa kanya ngunit paglapit ko ay tumalsik lang ako dulot ng barrier.
"Umalis ka rito, Williams," ang sabi ni Aichi.
Tsk. Alam ko na ang dahilan kung bakit ipinagbabawal ang kwaderno. Kaya nitong manipulahin ang sinuman. At alam kong sa oras na ito ay wala sa sarili niyang katinuan si Ice Prince.
"Baliw ka talaga, Hamilton!" ang sigaw ng isang pamilyar na boses.
Napalingon ako at nakita ko ang mga luhang pumapatak sa mata ni Asia. Nagliwanag ang paligid at ang luha na pumatak sa lupa ay nagliwanag. Lumikha iyon ng magic circle ng iba't ibang elemento.
"Asia! Iligtas mo si Hamilton!" ang sigaw ko.
Alam kong si Asia lang ang makakapagligtas sa kanya. Dahil alam kong hanggang sa ngayon ay siya pa rin ang nilalaman ng puso niya kahit wala siyang alaala ng nakaraan.