Chapter 17-Awakening From the Slumber

2440 Words
Aichi "Gago! Walang sa'yo!" ang sigaw ko. Naglaho ang void na pinasukan ni Kazumi. Ang tigas talaga ng mukha ng lalaking yun! Tumakbo ako sa tabi ni Akari. Wala siyang malay dahil sa pagkakasuntok ni Kazumi. Naikuyom ko ang aking kamao. Bakit sa dinami-raming magkakaroon ng ganitong sakit ay si Akari pa? At nanggigil pa rin ako dahil pinigilan pa ako ng mga Custos ni Akari na ibalibag ang  Lumuhod ako at dahan-dahan siyang binuhat. "Anong gagawin natin ngayon? Tumatakbo ang oras. Kailangang bumalik ng alaala niya or else posible siyang mamatay, "ang tanong ni Artemis. "Kung sino man ang gumamit ng Revixisse, mukhang ito na ang kapalit ng pagbuhay niya kay Akari,"ang sabi ni Apollo. "Anong ibig mong sabihin dun?" ang tanong ko. "Napadpad ako sa Forbidden Archives ng Library, at doon ko nakita kung bakit hindi na buhay ang kinukuha ng Revixisse. Nakasaad doon na isang sumpa ang kapalit sa isang taong mabubuhay gamit ang Revixisse. Mukhang sa kaso ni Master ay ito na ang sumpang tinutukoy ng libro,"ang paliwanag ni Apollo. Nagtiim ang mga bagang ko sa narinig ko. Wala na ba talagang ibang magagawa? "Wala na bang paraan?" ang malamig kong tanong. "Meron,"ang sabi ni Artemis. Napalingon naman ako kay Artemis. "Anong paraan yun? Kahit ano gagawin ko! Huwag ang mawala ulit sa akin si Akari!" ang sabi ko. "Hoy Artemis! Huwag mong sabihing papapuntahin mo rito si Inang Reyna?"ang 7sigaw ni Apollo. Nanay nila? Napatingin naman ako kay Apollo na napasapo na lang sa kanyang mukha. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa suhestyon ni Artemis. "Wag kang OA diyan! Kasalanan mo rin naman kaya laging galit si Inang Reyna!" ang naiinis na tugon ni Artemis. "Wow! Parang wala kang atraso ah? Naalala mo pa ba noong ginawa mong palaka si Ice? Hindi ba sa gown ni Ina ito nagpunta?" ang pang-aasar ni Apollo. "Eh kasalanan din naman ni Ice ung bakit siya naing palaka! Kinain niya yung baon kong cake!"ang sumbat naman ni Artemis sabay irap kay Apollo. Bago pa man mapunta sa mainit na diskusyon ang dalawa, ay sumingit na ako. "Ehem. Tutulungan niyo ba ako o dadalhin ko kayo sa nanay niyo?"ang sigaw ko. Lumingon yung dalawa at inis nila akong tiningnan. "Kung kaya mo? Wag na wag mong tatangkain lumapit kay Inang reyna kung mahal mo pa ang buhay mo!",ang sigaw nung dalawa. Sa gitna ng pang-aaway ng dalawang Custos ni Akari, ay may magic circle na lumabas sa paanan namin na ngayon ko lang nakita sa tanan ng buhay ko. Narinig ko ang pagmumura nung dalawa na tila may ideya na sa pangyayari. Habang patuloy kaming nilalamon ng liwanag ay tanging pagpikit ng mata at pagyakap nang mahigpit kay Akari ang nagawa ko. Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Agad kong pinagmasdan ang paligid at hinanap si Akari. Katulad kanina ay wala pa rin siyang malay.  Hinanap ko yung dalawa at nakita kong nakaluhod ang mga ito sa harap ng isang babaeng lila ang buhok, pula ang mata, matangos ang ilong at may mapulang labi dulot ng kolorete. Sa kabuuan ay isa siyang magandang babae. "Kayong dalawa!" ang ma-awtoridad na sabi ng babae at nakita ko ang kaba nina Artemis. "A-Ate. Di mo naman kami isinumbong kay Inang Reyna, di ba?" ang tanong ni Apollo. "Bakit ko pa kayo isusumbong? Eh kahit di ko naman kayo isumbong ay ipapatawag kayo ni Inang Reyna dahil kahit nasa Chikara Realm kayo ay dinig na dinig namin ang sumbatan niyo dito sa Custodium,"ang nakabusangot na sabi ng babaeng kaharap namin. Teka, tama naman ang dinig ko di ba? Hindi naman ako nanaginip? Nasa Custodium kami! Agad kong binuhat si Akari sa pamamagitan ng piggy back ride at lumapit sa babaeng nasa harap ko. "At sino naman sila?" ang tanong ng ate nung dalawa. Kinabahan sila sa tanong ng Ate nila. Rinig ko ang sunud-sunod na buntung-hininga nung dalawa. Kaya naman ako na lang ang sumagot sa tanong ng Ate nila. Lumuhod ako sa harap nila bilang paggalang. "Pagpasensyahan niyo aming pagdating ng walang abiso. Ako si Aichi Hamilton. Pero Kilala rin ako bilang si Diamond Lockhart," ang sabi ko at tumungo ako. Muli akong tumunghay at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Nabitawan niya pa ang staff na hawak niya. Lumuhod ang ate nila bilang paggalang  sa akin o dapat kong sabihin ay sa amin. "Pagpasensyahan niyo na ang aming kalapastanganan. Tatawagin ko lang si Ina upang maka-usap niyo siya,"ang sabi ng Ate nina Apollo. Tumayo ito at naglakad ito papasok sa lagusan sa likuran ng trono. Nagkatinginan naman ang magkapatid sa inasta ng kanilang ate. Lumapit sa amin sina Apollo at Artemis. "Bakit mo sinabi yun? Alam mo bang mawiwindang na ang tahimik naming buhay!" ang sigaw ni Artemis. "Huwag nga kayong OA. Hindi ko sinabi na custos kayo ng Celestial Prodigy,"ang singhal ko. "Alam mo bang big deal kapag nalaman nilang ang iniwan naming Master ay ang Celestial Prodigy?" ang sigaw ni Apollo. Napalingon kami nang makita kong nag-aapoy ang paligid. Patay! Nagalit ang dragonessa! Nagkanya-kanya kaming ilag sa bawat apoy na inilalabas niya. Langya! Kanino kaya nagsilbi ang reynang 'to? Hindi kaya King Jiro 'to ng Ignis, nag-silbi? Nakasakay sa ulap si Apollo at sa kanyang lumulutang na spear naman si Artemis. "Ina, hayaan niyo po kami magpaliwanag!" ang natatarantang sagot ni Apollo. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa inyon dalawa! Nakakahiya kayo! Kayo ba talaga ang Custos ng Celestial Prodigy! Eto na nga ba ang sinasabi ko! Kaya hindi pwedeng mawalay ang Meistre sa kanyang Custos!" ang sigaw ng reyna nina Apollo. Binilisan nung dalawa ang paglalakad. Ramdam sa kanila ang kaba. "Ngayon, manumpa kayo sa Meistre ninyo,"ang utos ng Reyna. Nagkatinginan yung dalawa na halatang walang ideya sa nangyayari. "Magiging Meistre na ninyo ulit si Akari. Ano pang hinihintay ninyo?" ang sabi ko. Nagningning ang mata nung dalawa at inilabas nila ang kanilang aura. Humangin nang malakas sa paligid. What do you expect to the Sun Sage and Moon Witch? They can destroy everything in order to protect Akari. Their voice echoed as they took an oath using their native language. The moonlight and sunlight mix their light intensity that shone upon the night sky of Custodium. The paintings around the throne room reflect and the ceilings transform as the night sky covered with eighty eight constellations. Akari's body floats in the air and covered with light as the elemental rays circulates around her body. The moonlight and sunlight coming from her custos creates two magic circle. The sun looks like embracing the moon. The stunning moment doesn't last long. Agad kong i-sinummon ang aking ice wings at saka sinalo ang nanatiling walang malay na si Akari. "Ligtas na siya, munting Meistre. Maaari na kayong bumalik sa inyong mundo. Nakikiusap akong iligtas niyo ang mundong minsang pinangalagaan ng mga Ethereal prodigies,"ang pakiusap ng ina nina Apollo. " Ethereal Prodigies?" ang tanong ko. Napataas ng kilay ko sa mga nalalaman ko. Hindi ko alam na iyon ang tawag sa kinabibilanhan ni Akari. "Noong unang panahon, binubuo ng tatlong prodigy ang mundong ginagalawan natin. Ang Mythical, Astral at ang Celestial Prodigy. Nasa kanila ang kakayahang nagbibigay ng balanse sa mundong tinatawag naming Etherea. Sa oras na mawala ang isa sa mga Prodigy maaaring magulo ang daloy ng Etherea,"ang sabi ng Reyna ng Custodium. Halos manlambot ang aking mga paa ko sa narinig ko. Masyadong masakit para sa akin na kailangang pagdaanan ni Akari ang lahat ng ito para sa mundong ginagalawan namin. "Wala na po bang ibang paraan para maalis kay Akari ang pagiging Celestial Prodigy?" ang tanong ko. Tumingin sa akin ang reyna at nakita ko ang matalim na tinging ngayon ko lang nakita sa buhay ko. "Hindi mo dapat salungatin ang daloy ng kapalaran, munting Meistre. Dahil sa ginawa mo iyon, buhay niya ang magiging kapalit. Kahit ano pa ang iyong gawin, iisa at iisa pa rin ang maging resulta sa huli. Kaya ikinalulungkot kong sabihing wala tayong magagawa," ang sabi ng Reyna. Lumabas na naman ang kakaibang magic circle sa aming paanan at doon ko nasilayan ang ngiti ng Reyna. "Paalam na munting Meistre. Ikamusta mo na lang ako kay Beryl. Nawa ay mahanap mo ang paraang iyong tinutukoy," ang sabi nito at napapikit na lang ako dahil nilamon ng nakakasilaw na liwanag. Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa amin ang mga kaibigan naming nag-aalala. Tumakbo naman si Satsuki at saka niyakap si Akari. Rinig namin ang paghagulhol ni Satsuki. Di ko naman siya masisisi dahil hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya sa pagkawala ni Akari. Naalala ko naman ang Reyna ng Custodium. Bakit niya kilala si Lola Beryl? Maraming katanungan ang bumabagabag sa akin ngayon. Kung kailangan kong makipagtuos kay kamatayan, gagawin ko. Kaya nakikiusap ako sa may likha na huwag niyang kunin si Akari. Binuhat ni Europe si Akari at dinala niya ito patungo sa kuwarto nito sa Medical Department. Tumingin ako sa buwan. Kailangan kong gawin ang dapat gawin kahit kapalit pa nun ang buhay ko. Asia Iminulat ko ang mga mata ko. Nakita ko na naman ang pumapatak na niyebe. "Akari,"ang sabi ng isang boses. Tumakbo ako at hinanap ang pinagmumulan ng boses. Hindi ako maaaring magkamali! "Mom!" ang pagtawag ko sa kanya. Nasa Traumerhafen na naman ba ako? Pero anong lugar ito? "Nasa Traumerhafen ka pa rin pero ang bahagi na ito ay ang humahati sa mundo ng panaginip at ng kabilang buhay,"ang sabi ng boses na tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan. Animo'y nananalamin lang ako. Bakit ba ako nagugulat eh kung si Akari nga ay kamukha ko, to pa kaya? Ngunit ang pagkakaiba ay naka-french bun ang buhok nito at may dalawang tirintas sa magkabilang gilid at nakakonekta ang tirintas nito sa likuran. "Pagpasenyahan mo na ako, ako si Aquamarine, ang unang Celestial Prodigy. Ang mabuti pa ay mag-tsaa muna tayo sa gazebo,",ang sabi niya at naglakad siya sa tulay na biglang lumitaw sa aming harapan. Sa hindi malamang dahilan ay kusang naglakad ang mga paa ko. Ramdam ko ang pag-aalinlangan ngunit pilit sinasabi ng mga paa ko na magtiwala. Nang makarating na kami sa Gazebo at lumabas naman ang mga bughaw na spider lily sa paligid. Katulad ng delphinium, ay nakakalason rin ang halamang iyon. "Ang ganda ng mga halaman hindi ba? Yun nga lang hindi tayo maaaring maging kampante lalo na't nakakalason ang mga ito,"ang sabi ni Aquamarine. "Sumasang-ayon ako sa sinabi mo. Kahit anong ganda ng kulay nito, ay hindi nito maipagkakailang nakakamatay ito. Ganun din sa totoong buhay, kahit ano pang ganda ng tao kung masama naman ang intensyon nito sa iyo ay para na rin nitong nilalason ang katawan mo," ang sagot ko. Pumitik naman si Aquamarine at lumabas ang mesang gawa sa marmol at ang dalawang upuang gawa sa ginto . Sa ibabaw nito ang porselanang takure at tasang nakapatong sa platito. Lumitaw ang mga panghimagas na maaaring i-pareha sa tsaa. Naglagay ng isang kutsaritang tsaa sa maliit na sisidlan si Aquamarine at ibinabad niya iyon sa porselanang takure. "Maupo ka, munting Celestial,"ang sabi ni Aquamarine kaya naman hinila ko ang upuan sa kaliwa at doon umupo. Naamoy ko ang pinagsamang bergamot at lavender sa tsaa. Ayon sa nabasa ko ay nakakatulong ito sa nahihirapang matulog. Ngunit ang anumang sobra sa katawan ay hindi nakakatulong kaya naman manatili tayong maghinay-hinay. Humigop naman si Aquamarine bago siya magsalita. "Numinipis na ang oras na natitira sa iyo. Hindi mo ba talaga maaalala kung sino ka?" ang panimula ni Aquamarine. "Kilala ko ang sarili ko, kaya huwag mong sabihin na may nakalimutan ako,"ang sabi ko. Nakita ko ang pagngisi ni Aquamarine. Ibinaba niya sa platito ang tasa at kumuha siya ng biscuit at kinain iyon. "Para kang naglalakad ng may piring sa daan. Kilala mo ang sarili mo sa ngayon. Paano naman ang sarili mo sa nakaraan? Patuloy mo lang sinasaktan ang taong nakapalibot sa iyo,"ang sabi ni Aquamarine. Hindi ko na nagawang inumin ang tsaa. Tumayo ako at saka tiningnan ko siya nang matalim. Akala niya ba madali sa akin na alalahanin ang aking nakaraan? Hindi! Dahil kahit anong gawin ko ay nasasaktan pa rin ang taong nasa paligid ko. "Kumalma ka, Akari. Uminom at kumain ka muna," ang sabi ni Aquamarine. "Salamat na lang. Isa pa, mas mukhang mamamatay pa ako sa inihain mo kaysa sa mga spider lily na nakapalibot sa atin," ang sabi ko. Kumunot ang noo ni Aquamarine sa aking sinabi. Nanlaki ang mata ko sa aking sinabi. "Oi wag mong sabihing hindi mo alam na maaari akong mapahamak sa inihain mong pagkain?",ang sigaw ko kay Aquamarine. "Ha? Ano bang sinasabi mo diyan? Normal na pagkain lang naman ito ah?!" ang sigaw niya. Napabuga ako ng hangin at hinilot ko ang aking sentido. "Bagamat hindi pa alam kung paano umeepekto ang lavender sa katawan ng tao sapagkat kinakansela ng grapefruit ang anumang uri ng halamang gamot na dumadaan sa atay. Kaya kung ako sa iyo, ikaw ang mag-ingat,"ang sabi ko. "Sayang akala ko masusundo na kita. Binabati kita. Nakapasa ka sa pagsubok. Bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Naghihintay na sa iyo ang pinakaiingatan mong diyamante,"ang sabi ni Aquamarine. Nagliwanag ang mga spider lily sa paligid at ang mga pollen nito ay lumikha ng magic circle aking paanan. "Imulat ang mata, Akari. Nang sa gayo'y makita mo ang kasagutang bumabagabag sa iyo. Alalahanin mo ang iyong nakaraan nang sa gayo'y matukyan mo kung sino ang huwad sa paligid mo,"ang sabi niya. "Sandali lang! Gusto kong makausap si Mom!" ang sigaw ko. "Hindi pa ito ang tamang panahon, Akari. Gumising ka na sa totoong mundo bago pa mahuli ang lahat. Huwag mong ipagpalit ang reyalidad sa mundong ito. Hindi nito masasagot ang problema mo," ang sabi niya at napapikit na lang ako dahil sa liwanag. "Sandali lang, Aquamarine!" ang sigaw ko at nakita ko na lang sarili ko na nakahiga sa hospital bed. Nakataas ang aking kamay na animo'y may inaabot. Naramdaman ko ang init ng kamay na humawak sa kamay ko. Napatulo ang luha ko nang makita ko si Aichi. "Ai-chi," ang sabi ko. "Huwag kang matakot. Nandito lang ako sa tabi mo," ang sabi niya. Tama si Aquamarine. Hindi ko dapat takasan ang nakaraan. Wala na dapat masaktan pang tao. "Aichi, nais kong malaman ang nakaraan ko. Tulungan mo akong alamin iyon," ang sabi ko. Nanlaki ang kanyang mga mata sa aking sinabi. Kailangan ko nang itama ang mga pagkakamali ko. Kailangan kong harapin ang problema ko. Ito lang ang magagawa upang wala nang masaktan pa at wala nang pagdududa. Kailangan kong mahuli ang huwad na tinutukoy ni Aquamarine. Bago pa mahuli ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD