Asia
Nakabusangot ako ngayon dahil nilagyan na naman ako ng restraint ng mga taga-Medical Department. May inassign din na mga student guards si Kuya Satsuki dahil baka maulit ang pagtakas ko na ginawa noon. Malaking gulo daw kapag nakatakas na naman ako. Ang ikinasasama lang ng loob ko ay tatlong linggo na akong naka-confine rito?! Buti pa nga si Aichi eh, tatlong araw lang pero magaling na. Eh ako?! Parang preso dito sa loob ng hospital bed!
Tinitigan ako ni Europe nang masama dahil sa hitsura ko ngayon.
"Huwag mo akong titigan nang masama diyan. Hindi ko kasalanan kung bakit ka naka-restraint. Malaking problema kapag nakatakas ka na naman. ",ang paliwanag ni Eu.
Bumuntong-hininga na lang ako dahil wala rin namang magagawa ang pakikipag-argumento ko kay Europe. Isa pa, magiging sakit sa ulo ang paghahanap sa akin. Lalo na't madaming dimension ang maaari kong puntahan sa oras na wala na akong mapuntahan sa lahat ng realm.
"Naka-seal na nga ang chikara ko, tapos nakakadena pa ako? Nababaliw na ba kayo?!",ang sabi ko.
"Mas mabuti na yan kaysa sa malaya ka nga pero may katarantaduhan ka namang gagawin.",ang sagot ni Europe na siya namang kinainis ko.
Napataas ang kilay ko sa sagot ni Europe. Wow! Coming from him? Ako ba talaga'y pinagloloko ng depunggal na 'to? Kung hindi lang talaga ako nakakadena malamang ay kanina ko pa siyang binalibag.
"Wow! Coming from you? Sa tingin mo ba talaga ay tatakas na naman ako?",ang sabi ko.
"Ang mabuti pa, Asia. Matulog ka na.",ang sabi ni Aichi.
Lumabas sila ng kwarto at pinatay nila ang ilaw. Iniwan na naman nila akong nag-iisa. Hay naku. Sana naman ay i-discharge na nila ako. Ilang buntung-hininga ang kailangan kong bilangin para sabihing naiinip na ako sa hospital bed? Nangangawit na rin ang pwet ko dahil sa naka-semi fowler ang higaan ko.
Napatingin ako sa orasan na nasa loob ng silid at nakita kong pasado alas diyes y media na ng gabi. Ipinikit ko ang aking mata at baka sakaling dalawin ako ng antok. Lumipas ang oras, naka-ilang baling na ako sa aking higaan pero hindi ako dinalaw ng antok.
"Aba, matindi na talaga tong utak ko. Ayaw magpatulog.",ang sabi ko.
Sinubukan kong gumamit ng kahit anong spell pero ayaw gumana. Kahit yung mga elemental techniques ay aking sinubukan pero wala pa rin. Pabagsak ako humiga sa kama.
"Shanggalang iyan. Gusto ko nang gumala. Kahit ngayong gabi lang.",ang sabi ko.
Tumingin ako sa may bintana at nasilayan ko ang ganda ng buwan. Nakita ko ang mga nagnininingning na mga bituin.
"Gusto ko tuloy pumunta ng lawa. Pero dahil sa mga pesteng kadena na ito ay hindi ko magawa. Isa lang akong ordinaryong tao sa mundo ng mahika.",ang sabi ko at tinakpan ko ang mata ko.
Narinig ko ang paghampas ng hangin sa bintana. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy ako sa pag-eemote ko. Pambihirang buhay to. Nakakadena na nga ako rito tapos naiimagine ko pa na may kung sino o may kung ano na lalapa sa akin. Nagpatuloy sa pagtunog ang bintana kaya naman nang mairita ako ay bumangon ako.
"Ano ba?! Di ba kayo magpapatulog?!",ang sigaw ko.
Halos maistatwa ako sa aking pwesto nang makita ko ang isang higanteng paru-paro na patuloy na bumabangga sa bintana. Nakaramdam ako nang takot at pinilit kong makawala sa kadena. Pero dahil mahigpit ang pagkakalagay ng kadena sa aking kamay ay wala akong magawa kundi ang umiyak.
"Takteng iyan! Wala na nga love life tapos mamamatay pa! Sa nagkadena sa akin dito! Mumultuhin ko kayo hanggang sa next life niyo!" ang sigaw ko.
Muli kong hinila ang kadena at katulad noong una ay hindi pa rin ito nasisira. Napatingin ako sa halimaw na nasa labas at nakita ko ang pangil nito. Takteng iyan! Akala ko ba proboscis ang bibig ng mga paru-paro?! Bakit sa depunggal na halimaw na ito ay may pangil?! Hayop na iyan! Kung ganyan rin lang ang paru-paro ay salamat na lang sa lahat! Ano ba Asia?! At naisip mo pa talaga yan?!
Nakita kong nabasag ang bintana at nagkalat ang mga bubog sa sahig. Eto na talaga mamamatay talaga ako nang wala sa oras dahil sa katangahan ng kapatid ko! Teka nga muna? Paano ba nakapasok ang halimaw na ito dito?! Unless may sira ulong nag-iwan ng butas sa force field ng Academy? O di kaya etong halimaw ang sumira sa force field?! Alin man doon ay hindi ko na alam ang isasagot dahil mamamatay na rin lang naman ako nang walang kalaban laban!
Pumikit ako dahil ayoko ko nang masaksihan ang dugong mawawala sa akin sa oras na ginawa akong hapunan ng halimaw na ito! Anyway, kung lulutuin naman ako ng halimaw na 'to, ano kayang itatawag nila sa akin? Asian soup o Asian barbeqcue? Ano ba Asia?! Nagawa mo pang patawanin ang sarili mo sa sarili mong kamatayan? Adios, Earth! Adios, Chikara Realm!
Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala akong naramdaman na kahit anong matulis na bagay sa aking katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at nakita kong nakahandusay na sa sahig yung halimaw. Nakita ko ang isang lalaking blonde ang buhok at naka-three fourth na maskara. Langya. Buhay pa ako. Hindi nga ako namatay sa paru-paro mukhang sa kalahi naman ako ni Pennywise ng IT at Hisoka ng Hunter x Hunter ako mamamatay!
Umiyak ako nang malakas pero tinakpan lang niya ang bibig ko.
"SShhh! Huwag kang maingay! Baka mahuli tayo!",ang hinang bulong niya.
Tumango na lang ako at saka binitawan niya ako. Kinuha niya ang kanyang plauta at saka tinugtog iyon. Nabasag ang restraint barrier sa paligid ko at kasunod ang pagkasira ng kadena. Pesteng luha talaga 'to. Muli na naman akong umiyak at sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko ang lalaking nasa harapan ko.
"Sa wakas, makakawala na ako sa hospital bed! Ayoko na dito!",ang sabi ko.
Itiningala niya ang aking mukha at kahit naka-maskara siya ay kitang-kita ko sa kanyang pilak na mga mata ang pagkatulala.
"Sino ka?",ang mariing tanong niya.
Nakaramdam ako ng kaba sa kanyang tanong. Hindi kaya ang lalaking ito ay parte rin ng nakaraan ni Akari? Humakbang ako paatras at itinulak siya palayo.
"Parte ka rin ba ng nakaraan ni Akari?",ang tanong ko.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Nagtiim ang kanyang mga bagang at hinila niya ako.
"Teka! Anong gagawin mo?!",ang tanong ko.
"Hindi tayo pwedeng magtagal rito. Paparating na sila. Hindi ba, gusto mong tumakas? Sasama ka ba o hindi?",ang tanong niya.
Iniabot ko ang kamay ko pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin na parang isang bagong kasal.
"Kumapit kang mabuti. Akari.",ang sabi niya at natulala ako. ",ang sabi niya tumalon siya ng mataas.
Hindi ko na alam kung saan kaming lugar napadpad ngunit ang mga sandaling iyon ay napakahiwaga. Tila bumagal ang oras sa mga sandaling iyon. Napadpad kami sa isang latian. Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Lumapag kami sa isang malapad na sanga. Kung tutuusin ay pwede nang flooring nang isang malaking bahay ang sangang pinaglapagan namin.
Namangha ako sa gandang taglay ng latian sabayan pa ng paglipad ng mga alitaptap na siyang nagbibigay buhay sa latian. Habang pinagmamasdan ko ang latian ay tumikhim ang lalaking nakamaskara.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino ka ba talaga? Dahil kung ikaw nga si Akari, ay napaka-imposible naman nun. Dahil—",naputol ang kanyang sasabihin nang biglang tumulo ang mga luha niya.
Lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang mga luha niya.
"Hindi ako si Akari. Ako si Asia. Ayoko nang mabuhay sa likod ng kanyang mga anino. Hindi ko man maalala ang nakaraan ko. Alam kong may mundo akong dapat protektahan. At kabilang ka sa mundong iyon.",ang sabi ko at iniabot ko ang aking kamay sa kanya.
Nagtiim ang kanyang mga bagang. Tinabig niya ang kamay ko na labis kong ikinagulat.
"Huwag kang magpatawa! Hindi mo ba alam na isa ako sa mga itinakwil ng lupaing ito?!",ang sigaw niya.
"Alam mo mukhang gwapo ka naman, ang kaso para kang matandang may PMS.",ang sabi ko at nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya.
Bago pa man ako makalayo ay hinawakan niya ang aking kamay.
"Saan ka pupunta? Alam mo ba kung nasaang lupalop tayo ng Chikara Realm?",ang tanong niya.
Napatigil naman ako bigla sa aking paglalakad. Muli akong lumapit sa kanya a kumapit ako sa damit niya.
"Nasaan nga ba tayo?",ang tanong ko.
"Hindi ko rin alam.",ang sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin naliligaw kami ngayon?! Pinaghahampas ko ang braso niya sa sobrang inis.
"Huwag mong sabihing naliligaw tayo ngayon?!",ang sigaw ko.
"Mukhang ganun na nga.",ang sabi niya.
Nanghihina akong napaluhod s kinatatayuan ko. Ang gusto ko lang naman ay tumakas. Bakit ba umabot kami sa ganitong sitwasyon?
"Iyakin ka pa rin hanggang ngayon?",ang sabi niya.
"Badtrip ka kasi! Ang gusto ko lang ay makalabas sa Medical Department!",ang sabi ko.
"Kung iniwan kita doon, malamang patay ka na ngayon. Mahilig pa naman sa dugo ng mga cute na babae ang Vampire Butterfly.",ang sabi niya.
Umupo siya at sinimulang tugtugin ang plauta niya. Ang mga alitapap sa paligid ay umikot sa kanya at para itong nakikisama sa saliw ng musikan nagmumula sa kanyang plauta.
Namangha ako sa musikang lumalabas sa kanyang plauta. Nang matapos ang musika ay pumalakpak ako na siyang ikinagulat niya.
"Hindi ka na ba galit?",ang tanong niya.
"Paano pa ba ko magagalit?",ang sabi ko.
Tumawa naman siya nang malakas na siyang ikinaunot ng aking noo.
"At anong nakakatawa?",ang tanong ko.
"Pwede ka na ulit magalit. Alam ko kung nasaan tayo. Nasa Sierra tayo.",ang sabi ko.
Sa sobrang inis ko ay pinagbabato ko siya ng water ball.
"Siraulo ka talaga!",ang sigaw ko habang patuloy ko siyang pinagbabato ng water ball.
"Whoa! Calm down, Leviathan!",ang sigaw niya habang patuloy siyang umiilag sa mga binabato kong water balls.
Aba't ang tigas talaga ng mukha ng lalaking 'tong ikumpara ako sa demonyo! Habang tumatagal ay nakaramdam ako ng panghihina. Langya nalimutan ko nasa halfway pa nga lang pala ako ng recovery.
Bago pa man ako matumba ay agad siyang tumakbo.
"Hoy! Anong nangyayari sayo?!",ang tanong niya.
Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala habang hinahabol ko ang aking hininga.
"May Chikara Fatigue Syndrome ako. Nagdedeplete ang chikara stamina ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang pinagmulan ng kondisyon na ito. Hanggang ngayon ay nasa kalagitnaan palang ako ng recovery.",ang sabi ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap.
"I'm sorry. Hindi kita naprotektahan ng gabing iyon. I'm sorry dahil kailangan mo pang danasin ang lahat ng ito. I'm sorry kung wala akong ginawa upang pigilan sila.",ang sabi niya.
"Ano bang sinasabi mo?",ang tanong ko.
Naguguluhan rin ako sa isang ito. Ano bang sinasabi niya?
"Hindi ba nila sinabi sa'yo ang totoong kondisyon mo?",ang tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin?",ang tanong ko.
"Kaya ka nila pinipigilang gumamit ng chikara ay upang pigilan ang pagbagsak ng chikara stamina mo. May mga nakakasurvive dahil may immunity silang natatanggap pagkasilang. Ngunit ang mga katulad mo ay possibleng mamamatay dahil hindi angkop ang stamina mo sa chikara mo. Maaaring higit pa sa Chikara stamina mo ang chikarang nakapaloob sayo.",ang sabi niya.
Lalo lang sumakit ang ulo ko sa pinagsasabi niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at naririnig ko ang kanyang pagsigaw na unti-unting lumalabo.
Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Katulad ng dati ay napapaligiran pa rin ito ng mga delphinium.
"Anong ginagawa ko dito sa Träumerhafen?",ang tanong ko.
Lumingon ako at isang malutong na sampal ang natanggap ko. Parang nag-slow motion
ang lahat.
"Ano bang ginagawa mo?! Balak mo na naman bang saktan ang damdamin ni Aichi?!",ang sigaw ng babaeng kaharap ko ngayon.
Si Akari. Ang dahilan kung bakit lagi na lang akong nabubuhay sa anino niya.
"Eh ikaw, hanggang kailan mo balak magtagal rito?",ang tanong ko.
Tiningnan niya lang ako nang matalim. Alam kong sa mga sandaling iyon ay isang matinding konprontasyon ang magaganap.
"Wala ka ba talagang maalala?",ang sabi ni Akari.
Bago pa man ako makasgot ay nagbago ang paligid. Napalingon naman ako at nakita kong hinahatak si Akari ng itim na sink hole.
"Wala na akong natitirang oras! Gumising ka na sa panaginip na ito! Dahil kung hindi ay sisisihin na naman nila ang sarili nila kapag nawala ka.",ang sabi ni Akari.
Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay ngunit tumilapon lang ako sa mga delphinium. Nang lumingon ako ay tuluyan na siyang kinuha ng sink hole.
"AKARI!",ang sigaw ko at nagising ako sa kandungan ng lalaking kasama ko kanina.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naglapat ang mga labi namin. Naitulak ko naman siya at nang sinubukan kong bumangon ay nauntog naman ako sa kanyang noo.
"Aray!",ang sigaw naming dalawa.
Sinapo ko ang aking noo at napaharap naman ako sa kanya. Para sa isang lalaki ay napaka-iyakin naman ata niya. Nagulat naman ako nang bigla siyang yumakap.
"Huwag mo nang uulitin iyon.",ang sabi niya.
Nakaramdam ako ng pagkakalma sa mga sandaling iyon. Nagkusa ang mga kamay ko na gumanti sa kanyang yakap.
"Kailangan mo nang bumalik sa academy. Nagkakagulo na ang lahat sa pagkawala mo. Tandaan mo, lagi kitang babantayan, Akari.",ang sabi niya at bigla niyang hinalikan ang noo ko.
"T-Teka! Pagkatapos mo akong yakapin at halikan sa noo, ganun na lang yun, kiss and run ka? Ni hindi ka nga nagpapakilala kanina ah!",ang sigaw ko.
"Ako minahal mo sa nakaraan ngunit hindi ang iyong kasalukuyan. Tandaan mo ang pangalan ko, prinsesa ko. Ako si Kazumi, ang Phantom Prince.",ang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Phantom Prince? Pinatunog niya na naman ang kanyang plauta. Nakaramdam ako ng antok ngunit hindi ako nagpatinag. Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahan akong tumayo. Pinakiramdaman ko ang sangang kinatatayuan ko at dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Sinubukan kong gumamit ng chikara ngunit bago ko pa man iyon ay nakaramdam ako ng isang suntok sa tiyan ko.
"Hindi pa ito ang tamang oras. Patawad, Akari."ang sabi niya bago mawalan ng malay.
Kazumi
Buhat-buhat ko ngayon si Akari. Hindi ko siya maaaring dalhin sa hideout nming mga Phantom dahil tiyak na magdurusa lang siya sa kamay ng kapatid ko. Kung dadalhin ko naman siya sa academy ay maaari akong mamamatay. At sa oras na buhayin ako ng aking kapatid ay muli na naman akong makakatanggap ng sumpa. Ito ang kapalit ng Revixisse spell.
"Sana sa susunod na magkita tayo, maalala mo pa rin sana ako, Akari.", ang sabi ko.
Tumingala ako at nakita ko ang Night witch na siyang nakatira sa latian.
"Nakakatawa hindi ba? Itinadhana kayong magkakilala ngunit dahil sa magkaibang layunin ay pinaglayo kayo ng kapalaran. Sadyang mapaglaro ang tadhana hindi ba?",ang sabi ng Night witch.
Para sa isang babaeng tumagal ng limang milenyo ay napaka-isip bata niya ata?
"Matandang hukluban may ipapakiusap ako sa'yo.",ang pakiusap ko.
Sumakay naman siya sa kanyang walis at lumipad malapit sa akin. Nakita ko ang kanyang pagngiti at hinampas niya ako sa tiyan gamit ang walis na gamit niya sa paglipad. Napaluhod naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa lakas ng kanyang paghampas.
"ARAY! Bakit mo ako hinampas ng walis?!",ang sigaw ko.
Itinutok niya sa aking bibig ang dulo ng hawakan ng kanyang walis.
"Para sa isang taong nakikiusap ay napakabastos ng bibig mo para sabihing matandang hukluban!",ang singhal niya.
Issue pa ba yun? Eh gurang naman talaga siya?
"Tutulungan kita. Sa isang kondisyon.",ang pambitin niyang sagot.
"Anong kapalit?",ang tanong ko.
"Kailangan mong lumayo sa kanya. Sa oras na bumali ka sa usapan, buhay niya ang magiging kapalit.",ang sabi ng Night Witch.
Naikuyom ko ang aking kamao sa narinig ko. Mahal ko si Akari at walang makakapagbago dun. Kahit masakit para sa akin ang lumayo kay Akari ay gagawin ko upang mabuhay siya.
Lumapit ako sa kanya at sa huling pagkakataon ay hinalikan ko ang kanyang noo.
"Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita Akari.",ang sabi ko at humakbang ako palayo.
Ikinumpas ng Night Witch ang kanyang wand at lumabas ang walong magic circle na may iba't ibang kulay.
"Moon negation!",ang sabi ng Night Witch.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagbago ang anyo niya at nakita ko ang isang babaeng may simbolo ng buwan sa kanyang headress.
"Hindi ko hahayaang makalapit ka pang muli kay Master, Phantom Prince!",ang sigaw ng Custos ni Akari.
"Helios Wrath!",ang pagkacast ng technique ng isang lalaking kulay dilaw ang buhok.
Agad akong umiwas habang may ipo-ipong yari sa mainit na sinag ng araw. Nagulat naman ako nang makita kong gumapang ang yelo patungo sa direksyon ko kaya naman ikinumpas ko ang aking plauta. Naglabas iyon ng dark psionic circle at ibinalik nito ang atakeng ibinato nila sa akin kanina. Ito ang tinutukoy kong sumpa kanina. Ang pagkakaroon ko ng dark chikara. Lumapag ako sa mas mataas na sanga at saka tiningnan ang mga umatake sa akin kanina. Tsk. Kaya pala may yelo. Nandito ang itinakdang Lockhart.
"Ilang beses ko bang sasabihin ko sa'yo, Kazumi? Layuan mo ang kabiyak ko!",ang pagbabanta ni Aichi.
Napangisi naman ako. Ang tigas talaga ng mukha ng lalaking 'to.
"Mahal ko si Akari! At ayokong mawala siya sa akin! Kaya naman babawiin ko si Akari sa takdang panahon!",ang sabi ko at muli kong ikinumpas ang aking plauta.
Oo, isa itong deklarasyon ng digmaan ng puso. At ang tropeyo ay ang puso mo, Akari.
Lumabas ang isang void at pumasok ako doon.
"Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal kong prinsesa.",ang sabi ko at isinarado ko ang void.
Hanggang sa muli nating pagkikita, Akari.