Europe
After ng Winter Ball, hindi ko na nakausap si Asia. Tss. yung dalawa kasi eh. After sumigaw nina Sora ay napatakbo na naman si Asia at simula nun ay hindi na siya lumabas ng kanyang dorm. Ngayong nandito naman siya sa classroom, hindi niya naman kami kinakausap.
"Okay Class dismissed,"ang sabi ni Ma'am Flerris, professor namin sa Potion making.
"Hey Asia. Talk to us, Ano ba kasing problema mo?" ang sabi ko.
"No I don't want to," ang cold na sabi niya at saka niligpit ang mga gamit niya.
Kinapitan ko siya sa kanyang kamay noong papaalis na siya.
"Aray!" ang sigaw ko.
Napatingin naman ang mga classmate namin dahil sa pagsigaw ko. Lumapit naman si Aichi at tinapik niya ang balikat ko. Napansin ko na hawak ko ang aking kamay na ngayon ay namumula dahil sa pasong natamo ko dahil sa lagnat ni Asia.
"Hey Europe! Bakit ka ba sumisigaw diyan? Alam mo bang nakakaistorbo ka ng ibang klase?" ang sermon sa akin ni Aichi.
Wow bago y'on ah? Isang Aichi Hamilton concern sa pambubulabog ng ibang klase?
"Ang hot ni Asia!" ang sabi ko.
"Ikaw Europe ha! Hindi ko alam na may pagnanasa ka kay Asia? Alam mo bang i****t yan?" ang sabi ni Akio.
Ano ba yan? Akala ko tahimik tong mokong na 'to yun pala tinatago rin palang kalokohan ang isang 'to. Sinamaan ko ng tingin si Akio pero nag-peace sign lang ang loko.
"Sira! Ang ibig kong sabihin ang init ni Asia!" ang sigaw ko kay Akio.
Agad lumapit si Aichi at hinawakan ang noo ni Asia. Ang kaso katulad ko napasigaw rin siya sa sakit.
"ARAY! Asia! Asia you should go to clinic right now!" ang sigaw ni Aichi habang binabalutan ng yelo ang parte ng kanyang kamay na napaso.
"No thanks. Ayoko ng absences,"ang cold na sabi niya.
Napakatigas talaga ng bungong ng kapatid kong ito! Lord bakit naman binigyan niyo ako ng kapatid na ubod ng tigas ng ulo?! Pwede bang makipag-swap ng kapatid?
"Pero,"naputol ang sasabihin ni Aichi ng magsalita si Asia.
"No buts. I can manage it, somehow," ang sabi ni Asia at napahawak siya sa kanyang ulo.
Narinig ko ang kanyang pag-ubo kaya naman nagkatinginan kami. Kinuha niya ang kanyang panyo at ipinangtakip iyon sa kanyang bibig.
"Asia wag nang makulit kailangan mong magpahinga!" ang sabi ko.
"Nope. I can't. Isa pa may mahirap na quiz tayo kay Sir Apollo. At ayaw na ayaw niya rin magbigay ng special quizzes,"ang sabi niya.
"Makikiusap na lang kami kay Sir Apollo na bigyan ka ng special quiz. Hindi ka makakapagconcentrate sa oras na 'to kaya naman utang na loob makinig ka naman sa amin.
Hinawi ni Asia ang mga kamay namin at tumalsik ang iba niyang gamit sa sahig.
"Sinabing ayoko eh!" ang sigaw niya.
Pinalutang niya ang mga gamit na nahulog sa sahig at isa-isa niyang ipinasok iyon sa kanyang bag.
"Asia,"ang nag-aalalang tawag ni Sakura.
Wala na kaming nagawa kundi ang maghintay sa susunod na klase. Ilang minuto na lang ang natitira ngunit nananatili kaming naka-antabay kung sakaling mawalan ng malay si Asia.
"Okay class get one and pass. No erasure, no superimposition and especially no using of friction pen and pencil. Only black ballpen. And especially no cheating. Kung mangongopya kayo, there are two doors. It is open and wide you may go out,",ang sabi ni Sir Hollrith.
Hanep naman 'tong prof na 'to! Ang sarap ibaon ng buhay sa lupa. Nakita ko lang naman ang exam namin na naka-double Morse type, modified True or false at higit sa lahat, ang essay. Baka kung anong katarantaduhan lang ang maisagot ko dito.
Sinimulan ko nang sagutan ang test at sinimulan ko ang pinagbabawal na technique , ang shot gun method. Lumapit naman si Sir Hollrith kay Asia. Sana talaga magkaroon man lang siya ng consideration sa sitwasyon ni Asia.
"Miss Ashbell,are you alright? You look pale. I think you should go to the Medical Department, "ang sabi ni Sir.
"I'm fine. I'm going to answer that goddamn quiz," ang sabi niya.
My jaw dropped as she honestly answer Sir Hollrith in a jerkish manner. Lord wag naman po sana ma-road to Headmaster's office si Asia!
Asia
Grabe nahihilo na ako. Ayoko naman talagang umabsent eh. Agad kong sinagutan yung quiz. Pero habang nagsasagot ako sa paningin ko nagra-rumble yung sinasagutan ko. nagtake naman ako ng paracetamol pero bakit ganun? Ayaw pa rin bumaba ng lagnat ko? Hindi kaya lumalala lalo ang Chikara Fatigue Syndrome ko?
"Ms. Ashbell! Go to the medical department now!" ang sigaw ni Sir Hollrith.
Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa sigaw ni Sir Hollrith. Langya, hindi kaya na-detect niya na may sakit ako ngayon?
"B-Bakit po?",ang nauutal na tanong ko.
"Look at your pen," ang sabi niya.
Napatingin ako at nakita kong natutunaw na ito. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa pagkatunaw ng ballpen ko. Kailangan kong tapusin ang quiz na 'to or else kailangan ko na naman magtiis ng isang gabing walang tulog.
"I'm fine,Sir. I'm going to take the quiz. And besides I have many pens here,"ang sabi ko at saka ngumiti.
Kinuha ko ang pencil case ko at kumuha ako ng panibagong ballpen. Nagpatuloy ako sa pagsasagot dahil kailangang wala akong palampasing pagkakataon.
Sir Hollrith
Hay naku! Ito talagang si Master! Many pens here daw oh! Jusmiyo! Ako ang sumasakit ang ulo para sa kanya. Masyadong madaya si Master. Hindi niya naisip na tungkulin naming mga Custos niya ang protektahan siya pero sa huli kami pa ang kanyang prinotektahan. Napakasama talaga ng loob ko noong hindi kami nadamay ni Artemis sa kanyang pagkamatay noong gabing iyon. Pinigilan ko na naman ang luha na pumatak mula sa aking mga mata. Hindi ako pwedeng magpakita ng anumang kahinaan lalo na't sa pagkakataong ito.
Patuloy ko pa rin sila inoobserbahan hanggang sa matapos nila ang quiz. One hundred fifty items lang naman iyon. Kaya alam kong kayang-kaya nilang sagutan iyon.
Isa ako sa dating Custos niya. Gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit ang kaso lang hindi niya ako maalala. Hindi ako maaaring magsalita tungkol sa nakaraan niya kung hindi ay tuluyan akong maglalaho sa mundong ito. Iyon ang napagkasunduan namin ng aming amang hari, lalo na't sa pagkawala niya ay aming nalabag ang batas ng Custodium.
Tumingin ako sa aking pocket watch. Oras na upang tapusin ang pagsusulit.
"Finished or not finish please pass your papers forward,",ang sabi ko.
Nagkatingininan naman ang mga estudyante at narinig ko ang malutong na mura ni Hamilton. Kahit siya pa ang kabiyak ni Master ay hindi ko mapapalampas ang kanyang ugali. Nagbilang ako kaya naman Agad kong tiningnan ang mga papel nila. Hay naku! Sila ba talaga ang next generation future King and Queen? It's perfect. Perfect zero!
Pero mas nagulat ako sunod ko na nakita. Ganito ba talaga ka-genius si Master at kahit nilalagnat naperfect niya yung quiz ko?
"Ehem! Dahil may dalawang nakaperfect okay we will continue our discussion next meeting," ang sabi ko.
"Sigurado ako yung isa sa nakaperfect!",ang sabi ni Ms. Daughtry, yung hambog na kakambal ni Shin.
Ayaw ko talaga sa ugali ng babaeng ito. Masyado siyang hambog at bida-bida. Kapag umiral nga naman ang kalokohan ko. Pag tripan ko na lang si Frith.
"Yeah ikaw nga," ang sabi ko habang inaayos yung paper nila.
"Sabi ko na nga ba! Mapagkakatiwalaan ang notes kong yun!"ang sigaw niya.
"Ikaw nga yung nakaperfect zero,"ang sabi ko.
Nagtawanan ang ng lahat ng nasa classroom. Tss. I hate to say this but I don't see any future na magiging leader si Frith ng isang bansa. Hindi nagfifit ang criteria sa kanyang performance.
"Ayan kasi eh kayabangan. Na-Columbia ka tuloy! Hahahahahaha!" ang sabi ni Europe.
"Hahahahahahaha! Ang epic nun Sis!" ang sabi ni Shin na halos mamatay-matay na sa katatawa.
"Mr. & Ms. Ashbell. Kayo yung tinutukoy ko na nakaperfect ng quiz ko. And by the way, the rest zero kayo kaya wag kayong ano diyan!",ang sigaw ko.
Biglang tumahimik yung klase sa sinabi ko. Tumingin naman ako kay Aichi na ngayon ay naka-busangot sa sobrang inis.
"Aichi, bring her to Medical Department. No matter what happens," ang sabi ko sa aking isipan.
"Baka magwala siya. Mahirap na sobrang nakakapaso yung lagnat niya," ang sabi niya sa kanyang isipan.
Nakakapaso? So it was Chikara Fatigue Syndrome!
"Sobrang nakakapaso? Shoot! Bring her immediately to Medical Department now!"ang sigaw ko sa isipan ko.
"Aray! Wag ka ngang sumigaw! Ang sakit kaya!" ang sigaw niya sa isipan ko.
Rinig ko ang pag-echo ng kanyang sigaw sa isipan ko.
"Aray ko! AICHI!" ang sigaw ko.
Napatingin naman ang mga estudyante ko sa akin. Napailing na lang ako upang maala ang resonance ng sinabi ni Aichi sa isipan ko. Agad akong lumapit kay Master at agad sinalo siya dahil nawalan siya ng balanse.
Bumilis ang kanyang paghinga indikasyon na kinakapos na siya ng hininga. Agad kong binalutan ng psychic shield ang aking balat upang hindi ako mapaso ni Master. Bumulong ako sa kanyang tenga dahil kailangang maagapan ng kanyang sitwasyon.
"Somno,"ang sabi ko.
Tumingin ako kay Aichi na tila naka-kuha ng idea ng ginawa ko upang hindi siya mapaso.
"Please dalhin niyo na siya sa clinic,"ang sabi ko.
"Hey! Asia! Wake up! Hey!" ang sigaw ni Mr. Ashbell.
"Don't worry pinatulog ko lang siya. Dalhin niyo na siya sa Medical Department,"ang sabi ko.
"Yes Sir!" ang sabi nila.
Aichi
Binalutan ko ang sarili ko nang yelo at binuhat ko si Akari. Agad ko siyang dinala sa Medical Department si Asia. Habang nasa daan kami patungong Medical Department ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Dahil nanghihina na ako katatakbo habang pinananatili ko ang yelo sa balat ko, naisip ko na gamitin ang Ice wings upang Chikara stamina lang ang ma-konsumo ko.
"Ice wings!" ang sigaw ko at lumabas ang pakpak sa likuran ko at pinaspasan ko ang paglipad.
Paglapag ko sa Medical Department ay sumalubong sa akin si Dr. Yuki at Reina. Nakita ko ang pagkabahala sa mga mukha nila.
"O kotang-kota na kayo ah? Anong meron?" ang sabi ni Reina.
"Yeah. At may lagnat naman siya ngayon!"ang sabi ko.
"Huh? Patingin nga.",ang sabi ni Reina at lumapit siya upang tingnan si Akari.
"Wag!",ang sigaw namin ni Dr. Yuki pero huli na ang lahat dahil nahawakan niya na si Akari.
"ARAY! JUSMIYO GARAPON! Niluto niyo ba siya sa pugon?" ang sigaw niya.
"Binalaan ka nila," ang sabi ni Europe na kararating lang sa pamamagitan ng teleportation.
At kasama niyang nagteleport sina Sakura.
"Mukhang lumala ang kanyang Chikara Fatigue Syndrome. Reina, tulungan mo akong maghanda ng potion," ang sabi ni Dr. Yuki.
Bigla naman akong napa-ubo dahil sa pinanatili ko ang pakpak sa likuran ko. Mas kailangan ko pa lalong magsanay na patagalin ang pakpak na ito. Isa rin kasing high class grade ang technique na ito.
"O Aichi mukhang dito ka rin Medical Department babagsak ah," ang sabi ni Reina.
"Ubo lang ito.",ang sabi ko.
"Anong ubo? Eh halos pwede nang magluto sa katawan mo oh yung temperature mo oh!",ang sabi ni Reina at pinakita niya sa akin yung temperature ko.
"40.7 degrees Celcius?! Grabe hindi ko alam kung blessing in disguise 'to!" ang sabi ni Shin.
"Batukan ko kaya kayo! Lumayas-layas ka nga dito Shin! Nandiyan na si Sakura oh!" ang sabi ni Reina.
"Anong blessing in disguise ka diyan? Baka da moves in disguise at naka-akbay ka kay Reina,"ang sabi ni Sakura at saka binatukan si Shin.
"O Aichi tatayo ka lang ba diyan? O may balak ka rin humiga rito?"ang tanong ni Reina.
Naglaho ang pakpak sa likuran ko at napaluhod naman ako sa lupa. Inaalalayan ako ni Reina patungo sa kama upang makapagpahinga.
"O Aichi bakit ka nakahiga diyan?"ang tanong ni Sakura.
"Ayun may lagnat din or should I lovenat?" ang sabi ni Reina kaya naman pakiramdam ko namula ako.
"Hey Aichi! You're blushing!" ang sabi ni Sakura.
"No way! I'm not! Mainit lang ang temperature ko kaya ganun!"ang sigaw ko sa kanila.
"Indenial ka dude!" ang sigaw nila.
Sinamaan ko sila nang tingin kaya naman nagkanya- kanya silang gumawa ng shield.
"Hindi ako in denial. Napasobra ang gamit ko ng High Class Grades technique. Remember, I've been practicing Ice Wings to increase may Chikara Stamina?" ang sabi ko at saka ipinikit ko ang aking mga mata.
I hope everything will be fine or else baka di ko na naman mapatawad ang sarili ko sa oras na muling mawala si Akari.